Puto
Ang puto ay pinasingawang kakanin sa Pilipinas na gawa sa galapong. Kinakain ito nang mag-isa o sinasabayan ng mga malinamnam na ulam (lalo na ang dinuguan). Tumutukoy rin ang puto sa mga samu't saring uri ng mga katutubong keyk na pinasingawan, kabilang dito ang mga hindi gawa sa kanin. Isa itong sub-uri ng kakanin.[2][3]
Kurso | Panghimagas, almusal |
---|---|
Lugar | Philippines |
Ihain nang | mainit, mainit-init, o temperaturang-silid |
Pangunahing Sangkap | Bigas |
587[1] kcal | |
Mga katulad | bibingka, panyalam, puttu, kue putu, idli, bhapa pitha |
|
Paglalarawan
baguhinGawa ang puto sa bigas na ibinabad nang magdamag upang umasim ito nang kaunti. Maaari itong dagdagan ng lebadura para makatulong sa proseso. Pagkatapos, ginigiling ito (tradisyonal sa gilingang-bato) para maging galapong. Pinapasingawan ang halong ito.[3][4]
Bilog ang pinakakaraniwang hugis ng putuhan, na may diyametrong 30 hanggang 60 centimetro (12 hanggang 24 pul) at lalim na 2 hanggang 5 centimetro (0.79 hanggang 1.97 pul). Malasingsing itong mga putuhan na gawa sa hininang yero na pumapaligid sa butas-butas na lutuan, o maninipis na piraso ng kawayan na pumapaligid sa patag na basket ng tilad-tilad (kahawig ng lansong ng dim sum). Halos alimusod palagi ang takip para pumatak-patak ang namumuong singaw sa paligid sa halip na sa mga kakanin.
Iniuunat ang katsa sa putuhan at ibinubuhos ang galapong sa ibabaw nito; maaari ring sapinan ang putuhan ng dahon ng saging. Ibinebenta ang mga puto sa bilao na sinapinan ng dahon ng saging, buo man o hiniwa sa mga pira-piraso.
Kapag inihanda ang puto sa tamang paraan, maaamoy ang banayad na lebadurang samyo ng pinakasim na galapong, at pinapalakas pa ito ng amoy ng dahon ng saging. Hindi ito malagkit o tuyo at madurog, ngunit malambot, mamasa-masa, at may pinong pagkabutil. Kalasa nito ang bagong saing na kanin, ngunit maaari itong patamisin kung kakainin nang walang kapares sa halip na isabay sa malinamnam na ulam. Maaaring may kaunting lihiya ang karamihan ng puto na niluluto sa Katagalugan.
Karaniwan ang pagdagdag ng keso, mantikilya/margarina, nilagang itlog, karne, o kinayod na buko sa putong hindi pinapares sa ibang pagkain. Sa Bulacan, tinatawag na putong bakla ang puto na may keso, habang putong lalaki naman ang puto na may itlog at putong babae ang puto na pinalamanan ng karne.[3][5]
Mga baryante
baguhinTumutukoy rin ang puto sa iba't ibang uri ng katutubong kakanin, kahit mga hindi gawa sa kanin. Ang pangunahing katangian ay niluluto ang mga ito sa pagpapasingaw at gawa ito sa harina (hindi kagaya ng bibingka, na inihuhurno). Subalit may mga eksepsyon, tulad ng puto seko, isang tuyong galyetas na inihurno. Minsan tinatawag na putong puti o putong bigas ang tradisyonal na puto na gawa sa galapong upang ipakitang naiiba ito sa mga ibang klase ng puto.[6]
Gumagamit ang mga modernong baryante ng puto ng mga di-tradisyonal na sangkap kagaya ng ube, baynilya, o tsokolate. Kabilang sa mga kapansin-pansing baryante ng puto, pati ng mga ibang pagkain na nakagrupo sa puto ang:
Gawa sa bigas
baguhin- Puto bagas – puto na may malukong na hugis na gawa sa maaw. Hindi tulad ng ibang puto, inihuhurno ito hanggang maluto. Nagmumula ito sa Bicol.[7]
- Puto bao – puto mula sa Bicol na tradisyonal na niluluto sa hinating bao na sinasapinan ng dahon ng saging. Mayroon itong kakaibang palaman na gawa sa bukayo.[7]
- Puto bumbong – gawa sa espesyal na baryante ng malagkit na tinatawag na pirurutong na may kakaibang kulay na lila. Ibinababad ang kanin sa asin-dagat at pinapatuyo magdamag at ibinubuhos sa bumbong at pinapasingawan hanggang may lumabas na singaw mula sa mga bumbong. Inihahain ito na may mantikilya o margarina at kinayod na buko na hinaluan ng maskabado. Karaniwan itong kinakain sa Pasko sa Pilipinas kasama ng bibingka, isa pang uri ng kakanin.[8]
- Puto dahon o puto dahon saging – puto mula sa mga Hiligaynon na tradisyonal na niluluto nang nakabalot sa dahon ng saging.[7]
- Puto kutsinta (karaniwang tinatawag na kutsinta o cuchinta lamang) – isang pinasingawang kakanin na kahawig sa putong puti, ngunit gawa sa lihiya. Mamasa-masa at malagkit ito, at maaaring umiba ang kulay mula kayumangging mamula-mula hanggang dilaw o kahel. Tipikal ang paglagay ng kinudkod na buko sa ibabaw nito.[9][10]
- Putong lusong – puto na lasang sangki mula sa Pampanga na tipikal na inihahain nang nakahiwa sa mga parisukat o parihaba na hugis.
- Puto Manapla – isang baryante na pinalasa ng sangki at sinasapinan ng dahon ng saging.[11] Nakapangalan ito sa bayan ng Manapla kung saan ito nanggaling.
- Puto maya – mas tumpak na tawaging isang uri ng biko. Gawa ito sa malagkit (kadalasan ang kulay-lilang tapol) na ibinababad sa tubig, pinapatuyo at nilalagay sa lansong ng 30 minuto. Pagkatapos, pinagsasama ito sa gata, asin, asukal at katas ng luya at ibinabalik sa lansong ng 25 hanggang 30 minuto.[12] Sikat ito sa mga rehiyong nagsasalita ng Sebwano sa Pilipinas. Tradisyonal na inihahain ito sa mga maliliit na piraso at kinakain sa umaga kasama ng sikwate.[13][14][15] Karaniwan din itong pinapares sa mga hinog na mangga.[16]
- Puto pandan – puto na niluto sa dahong pandan na nagpapabango at nagpapaberde sa puto.
- Puto-Pao – kombinasyon ng siopao at puto. Ginagamit dito ang tradisyonal na resipi ng puto ngunit pinalamanan ng maanghang na karne. Kahawig nito ang ilang tradisyonal na baryante ng puto (lalo na mga uring Bulakenyo) na may palamang karne rin.
- Putong pula – isang putong Tagalog mula sa lalawigang Rizal na gumagamit ng maskabado na nagpapakayumanggi sa puto.[7]
- Putong pulo o putong polo – maliit at pabilog na puto mula sa Katagalugan na tipikal na gumagamit ng binhi ng atsuwete bilang pampakulay, na nagiging matingkad na kayumanggi o kahel ang kulay ng puto. Winiwisikan ito ng keso o kinayod na buko at inihahain.[7][17]
- Putong sulot – isang bersyon ng puto bumbong na gumagamit ng malagkit. Hindi kagaya ng puto bumbong, magagawa ito sa buong taon. Nagmula ito sa mga lalawigan ng Pampanga at Batangas.[7]
- Sayongsong – kilala rin bilang sarungsong o alisuso, ito ay pinasingawang halo ng malagkit, bigas, at batang niyog o binusang mani, na may gata, asukal at katas ng kalamansi. Inihahain ito sa mga dahong saging na hugis-kono. Isa itong espesyalidad ng Surigao del Norte at Caraga, pati na rin timog-silangang Visayas.[18][19]
Mga iba pa
baguhin- Puto letse (tinatawag ding puto flan o letse puto) – isang kombinasyon ng puto at leche flan. Gumagamit ito ng harina, ngunit may mga bersiyon na gumagamit ng galapong.[20]
- Putong kamotengkahoy – kilala rin bilang puto binggala sa Bisaya at puto a banggala sa Mëranaw. Isang kapkeyk na gawa sa kasaba, kinayod na buko, at asukal. Kahawig nito ang bibingkang kamoteng-kahoy, ngunit pinapasingawan ito sa halip na ihurno.[7]
- Puto lanson – puto mula sa Iloilo na gawa sa kinayod na kamotengkahoy, at mabula habang niluluto.[12]
- Puto mamon – timpla ng puto na walang halong bigas ngunit pinagsama ang pula ng itlog, asin at asukal. Hinahalo ang timpla ng gatas at tubig sa mga apyak tapos hinahalo rin ang harina roon, tapos binabati at ang puti ng itlog bago ibinubuhos ang masa sa mga lalagyan ng muffin at pinasisingawan ng 15 hanggang 20 minuto.[21][22] Pinasingawang baryante ito ng mamon, isang tradisyonal na keyk sa Pilipinas.
- Puto seko – isang uri ng mapulbos na galyetas na gawa sa harinang mais. "Tuyong puto" ang literal na kahulugan ng pangalan sa Kastila. Inihuhurno ito sa halip na pinasisingawan. Minsan tinatawag ding puto masa (hindi dapat ikalilito sa masa podrida).[23]
Galerya
baguhin-
Malaking puto keso mula sa Bulacan
-
Puto kutsinta na binudburan ng kinayod na buko.
-
Puto pandan na napuspos ng mga dahong pandan
-
Puto flan, kombinasyon ng puto at leche flan
-
Puto seko, isang tuyo at mapulbos na galyetas na gawa sa harinang mais
-
Puto mamon, na gawa sa harinang trigo sa halip na galapong
-
Puto maya, isang uri ng biko na hinugis sa mga maliliit na piraso
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Puto Recipe" [Resipi ng Puto] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 11, 2008. Nakuha noong Agosto 26, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Timothy G. Roufs & Kathleen Smyth Roufs (2014). Sweet Treats around the World: An Encyclopedia of Food and Culture: An Encyclopedia of Food and Culture [Matatamis na Pagkain sa Buong Mundo: Isang Ensiklopedya ng Pagkain at Kultura: Isang Ensiklopedya ng Pagkain at Kultura] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 269. ISBN 9781610692212.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Alan Davidson (2006). The Oxford Companion to Food [Ang Kompanyerong Oxford sa Pagkain] (sa wikang Ingles). OUP Oxford. ISBN 9780191018251.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Priscilla C. Sanchez (2008). Philippine Fermented Foods: Principles and Technology [Pagkaing Pilipino na Pinakasim: Mga Prinsipyo at Teknolohiya] (sa wikang Ingles). UP Press. p. 401. ISBN 9789715425544.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Michaela Fenix (2017). Country Cooking: Philippine Regional Cuisines [Lutong Kanayunan: Mga Rehiyonal na Lutuin ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9789712730443.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Putong Bigas (Putong Puti)". Kawaling Pinoy (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 7, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 7.6 Edgie Polistico (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary [Diksiyonaryo ng Pilipinong Pagkain, Pagluluto & Kainan] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9786214200870.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Alvin Elchico, Gracie Rutao and JV Dizon (Disyembre 24, 2010). "Filipinos go for ham, bibingka for Christmas" [Hamon at bibingka, hanap ng mga Pilipino sa Pasko] (sa wikang Ingles). www.abs-cbnnews.com/. Nakuha noong Enero 6, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vanjo Merano (Setyembre 6, 2009). "Kutsinta Recipe" [Resipi ng Kutsinta] (sa wikang Ingles). PanlasangPinoy. Nakuha noong Enero 15, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Puto". Rice Recipes. Philippine Rice Research Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 25, 2014. Nakuha noong Enero 15, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Micky Fenix (Mayo 31, 2007). "Dreaming of rice cakes" [Nananaginipan ang kakanin] (sa wikang Ingles). Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 2, 2015. Nakuha noong Pebrero 17, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Philippine Daily Inquirer – Lifestyle section Naka-arkibo 2015-09-02 sa Wayback Machine. - ↑ 12.0 12.1 "Dreaming of Rice Cakes" [Nananaginipan ang Kakanin] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 2, 2015. Nakuha noong Marso 21, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Puto Maya and Sikwate" [Puto Maya at Sikwate]. Russian Filipino Kitchen (sa wikang Ingles). Pebrero 2, 2015. Nakuha noong Disyembre 22, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fenix, Micky (Agosto 26, 2015). "'Puto maya,' 'sikwate,' 'bahal,' 'guinamos'–indigenous finds in a Cagayan de Oro market" ['Puto maya,' 'sikwate,' 'bahal,' 'guinamos'–mga katutubong hanap sa palengkeng Kagay-anon]. Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Delos Reyes, Ramil. "Davao City: Puto Maya & Sikwate for Breakfast" [Lungsod ng Davao: Puto Maya & Sikwate Pang-Almusal]. Pinas Muna (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Damo, Ida. "Why Davao City's Puto Maya & Hot Tsokolate is a Perfect Combo" [Kung Bakit Perpektong Kombinasyon Ang Puto Maya & Mainit na Tsokolate ng Lungsod ng Davao]. ChoosePhilippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 22, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Exiomo, Jay. "Putong pulo finds perfect match" [Putong pulo, nakahanap ng perpektong tugma]. Tayo na, Valenzuela! (sa wikang Ingles). Government of Valenzuela, Republic of the Philippines.
- ↑ "Top 5 Delicacies from Surigao" [Pangunahing 5 Pasalubong mula sa Surigao]. Surigao Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 11, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sayongsong: Surigao Kakanin/Pasalubong" [Sayongsong: Kakanin/Pasalubong ng Surigao]. Backpacking Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 11, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Leche Puto". Kawaling Pinoy. Pebrero 7, 2016. Nakuha noong Disyembre 7, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cordero-Fernando, Gilda; Baldemor, Manuel D. (1992). Philippine food & life: Luzon [Pagkain at buhay Pilipino: Luzon] (sa wikang Ingles). Anvil Pub. ISBN 9789712702327.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schlau, Stacey; Bergmann, Emilie L. (2007). Approaches to teaching the works of Sor Juana Inés de la Cruz [Mga pagtatalakay sa pagtuturo ng mga akda ni Sor Juana Inés de la Cruz] (sa wikang Ingles). Modern Language Association of America. ISBN 9780873528153.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ How to make puto seko | Filipino recipes | Pinterest [Paano gumawa ng puto seko] (sa wikang Ingles)