Ang silog ay isang uri ng almusal sa Pilipinas na naglalaman ng sinangag at pritong itlog. Inihahain ang mga ito kasama ng mga iba't ibang ulam, kadalasang mga karne tulad ng tapa, longganisa o hamon. Ang pangalan ng isinamang karne ay nagtatakda ng pangalan ng silog; halimbawa, ang tatlong naibanggit ay nakikilala bilang tapsilog, longsilog, at hamsilog.[2]

Silog
Tapsilog, isang uri ng silog na may tapa
UriPang-almusal
LugarPilipinas
GumawaVivian del Rosario[1]
Pangunahing SangkapKarne, Kanin at Itlog
Bangsilog, isang uri ng silog na may bangus

Kasaysayan

baguhin

Ang unang uri ng silog na naimbento at pinangalanan ay tapsilog. Noong una, nilayon itong pangmadaliang agahan, at unang itinatag ang kataga noong dekada 1980 mula sa Tapsi ni Vivian na restawran sa Marikina. Ayon kay Vivian del Rosario, may-ari ng Tapsi ni Vivian, siya ang unang gumamit ng katagang tapsilog.[1][3]

Dahil sa katanyagan nitong uri ng lutuin, isinama ng iilang mga fast food chain at otel sa Pilipinas ang mga silog sa kani-kanilang mga pang-almusal na menu, at ito ang tanging inihahain ng mga iilang restawran.[4]

Mga uri ng silog

baguhin
 
Toci-Longsilog, isang silog na may tocino at longganisa
 
Spamsilog, isang uri ng silog na may Spam

Kasunod ng paglikha ng tapsilog, maraming iba't ibang uri ng silog ang nabuo, lahat batay sa sinangag at pritong itlog at hinuhulapi ng -silog.[5][6] Dahil sa pleksibleng katangian ng putahe, maaaring maging silog ang anumang pagkain kung ihahain kasama ng sinangag at pritong itlog.

Kinabibilangan ang mga dinaglat na halimbawang (nakaayos ayon sa alpabeto) karaniwang nakikita sa mga silugan ng:

  • Adosilog – adobo, sinangag at itlog.
  • Bacsilog o baconsilog – bacon, sinangag at itlog.
  • Bangsilog – bangus, sinangag at itlog.
  • Bisteksilog – bistek, sinangag at itlog.
  • Daingsilog – daing, sinangag at itlog.
  • Dangsilog – danggit, sinangag at itlog.
  • Chiksilog o noksilog – pritong manok, sinangag at itlog.
  • Chosilog – chorizo, sinangag at itlog.
  • Cornsilog – corned beef, sinangag at itlog.
  • Hotsilog – hotdog, sinangag at itlog.
  • Litsilog o lechonsilog – litson o lechong kawali, sinangag at itlog.
  • Longsilog – longganisa, sinangag at itlog.
  • Masilog o malingsilog – Ma-Ling, sinangag at itlog.
  • Porksilog – pork chop, sinangag at itlog.
  • Sisilog - sisig, sinangag at itlog.
  • Spamsilog – Spam, sinangag at itlog.
  • Tosilog o tocilog – tosino, sinangag at itlog.

Ang Pares, isa pang karaniwang pangmadaliang pagkaing Pilipino, kung minsan ay tinatawag na "paresilog", "paressilog", atbp. kung inihain kasama ng pritong itlog, dahil parehong may sinangag ang dalawang putahe ayon sa kaugalian.

May kahawig na putahe sa Lutuing Malay, ang nasi lemak, na inihahain sa iba't ibang paraan na may karne, itlog at kanin na may gata.[7]

Bagaman may sinangag ang wastong silog, nangangatwiran ang mga ilang kainan na ang "si" sa silog ay kumakatawan sa sinaing, para makatipid. Paminsan-minsan, nilalagyan ang sinaing ng mga pira-piraso ng bawang at pinapalampas bilang "sinangag", ngunit ang wastong pagkaunawa sa "sinangag" ay pinritong kanin na may bawang. Tatawagin itong "kalog" (mula sa kanin) ng mga mas tapat na kainan. Maaari ring makatagpo ng "silog" lamang, na walang ibang kasamang ulam (sinangag at itlog lamang). Kung ninanais magpadagdag ng itlog, maaaring magkaroon ng karagdagang "log" ang order; yaon ay tapsilog na may dagdag na itlog ay "tapisiloglog", atbp. at maaari itong mapahaba nang walang hanggan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Rodriguez, Jon Carlos (Marso 1, 2014). "Meet the Pinay who started the 'tapsilog' craze" [Kilalanin ang Pinay na nagsimula ng pagkahumaling sa 'tapsilog']. ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Quezon City: ABS-CBN Corporation. Nakuha noong Mayo 26, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Tapsilog and other Silogs: garlic rice & egg are the ultimate pairing" [Tapsilog at iba pang Silog: sinangag & itlog ang ultimong pagpapares] (sa wikang Ingles). Glutto digest. Nakuha noong Mayo 26, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Estrella, Serna (Marso 15, 2019). "A Brief History of the Tapsilog and Its Many Variations" [Isang Maikling Kasaysayan ng Tapsilog at mga Baryasyon Nito] (sa wikang Ingles). pepper. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 26, 2019. Nakuha noong Mayo 26, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Amoyan, Christele J. (Hunyo 6, 2014). "Bentesilog: Serving popular Pinoy breakfast all day long" [Bentesilog: Paghahain ng sikat na almusal ng Pinoy buong araw]. Entrepreneur Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 26, 2019. Nakuha noong Mayo 26, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "SILOG – VARIATIONS" [SILOG – MGA BARYASYON] (sa wikang Ingles). Tagalog Lang. Nakuha noong Mayo 26, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Famous Silogs of the Philippines" [Mga Sikat na Silog ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). ChoosePhilippines. Agosto 29, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 26, 2019. Nakuha noong Mayo 26, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Michellon, Clémence (Enero 31, 2019). "Nasi lemak: What is the Malaysian dish and why is it being celebrated?" [Nasi lemak: Ano ang putaheng Malay at bakit ito ipinagdidiriwang?]. The Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 26, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)