Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya

(Idinirekta mula sa Simbahang Koptiko)

Ang Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria (Koptiko: Ϯⲉⲕ̀ⲕⲗⲏⲥⲓⲁ ̀ⲛⲣⲉⲙ̀ⲛⲭⲏⲙⲓ ̀ⲛⲟⲣⲑⲟⲇⲟⲝⲟⲥ ti.eklyseya en.remenkimi en.orthodoxos, literal na: ang Simbahang Ortodokso ng Ehipto) ang opisyal na pangalan ng pinakamalaking simbahang Kristiyano sa Ehipto at Gitnang Silangan. Ito ay kabilang sa pamilyang Ortodoksiyang Oriental na mga simbahan na naging natatanging katawan ng simbahan simula ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE nang ito ay kumuha ng ibang posisyon tungkol sa teolohiyang Kristolohiya mula sa Simbahang Silangang Ortodokso. Ang mga eksaktong pagkakaiba sa teolohiya ay nagsanhi ng pagkakahti ng mga Kristiyanong Koptiko ay pinagtatalunan pa rin, napaka teknikal at pangunahing nauukol sa kalikasan ni Hesus. Ang mga saligang ugat ng simbahang ito ay nakabase sa Ehipto ngunit may tagasunod sa buong mundo. Ang simbahang ito ay pinaniniwalaan na itinatag ni Ebanghelista Marcos sa gitnan ng unang siglo CE (tinatayang 42 CE)..[1] Ang pinuno ng simbahang ito at ang Sede ng Alexandria ang Papa ng Alexandria at Patriarka ng Lahat ng Aprika sa Banal na Sede ni San Marcos.

Coptic Orthodox Patriarchate of Alexandria and of All Africa
Ϯⲉⲕ̀ⲕⲗⲏⲥⲓⲁ ̀ⲛⲣⲉⲙ̀ⲛⲭⲏⲙⲓ
̀ⲛⲟⲣⲑⲟⲇⲟⲝⲟⲥ

Coptic Orthodox Cross
Reads: Jesus Christ, the Son of God
Tagapagtatag The Apostle and Evangelist Mark in 42 AD
Independensiya Apostolic Era
Rekognisyon Oriental Orthodox
Primado Theodoros II
Headquarters Alexandria and Cairo in Egypt
Teritoryo Egypt, Greece, Italy, Lebanon, Western Pentapolis, Libya and All Africa
Mga pag-aari Middle East, Canada, United States of America, Great Britain, Western Europe, South America, Australia, New Zealand, Oceania, Southeast Asia and the Caribbean Islands
Wika Coptic, Greek, Arabic, Egyptian Arabic, English, French, German, Swahili, Afrikaans, and several other African languages
Mga tagasunod ~12 to ~18 million total ~10,000,000 to ~14,000,000 in Egypt + ~2,000,000 to ~4,000,000 Abroad (Diaspora)
Websayt Official Website of HH Pope Shenouda III

Coptic Orthodox Church Network

CopticWiki.org

Noong 2012, ang tinatayang 10% ng mga Ehipsiyo ay kabilang sa Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria.[2]

Kasaysayan

baguhin

Apostolikong saligan

baguhin

Ang Ehipto ay sinasabing ang kanlungan ng Banal na Pamilya na hinahanap sa paglisan nito [3] mula sa Judea: "Nang si Jose ay umahon, kanyang kinuha ang bata at ang kanyang ina upang matupad ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta na nagsasabing, Mula sa Ehipto ay tinawag ko ang aking Anak ng Lalake" (Ebanghelyo ni Mateo 2:12–23).

Ang Simbahang Ehipsiyo ay sinasabing higit sa 1,900 taon at itinuturing ng simbahang ito ang sarili nito bilang paksa ng maraming mga propesiya ng Bibliya. Ayon sa Aklat ni Isaias kabanata 19: "Sa araw na iyon, magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon sa gitna ng lupain ng Ehipto at isang haligi ng Panginoon sa hangganan nito."

Ang mga unang Kristiyano sa Ehipto ay mga karaniwang tao na nagsasalita ng Ehipsiyong wikang Koptiko.[4] May mga Hudyong Alexandrian din dito gaya nina Theopilus.[5] Ang Kristiyanismo ay sinasabing kumalat sa buong Ehipto sa loob ng kalahating siglo ng pagdating ni Marcos na Ebanghelista sa Alexandria, Ehipto gaya ng mga kasulatan ng Bagong Tipan na natagpuan sa Bahnasa sa Gitnang Ehipto na may petsang 200 CE at isang pragmento ng Ebanghelyo ni Juan na may petsa sa unang kalahati ng ikalawang siglo CE. Noong ikalawang siglo CE, ang Kristiyanismo ay kumalat sa mga rural na lugar at ang mga kasulatan ay isinalin sa lokal na wikang Koptiko. Inangkin ni Jerome (c. 347 CE – 420 CE) na ang Catechetical Eskwela ng Alexandria ay mismong itinatag ni Marcos. Noong mga 190 CE sa ilalim ni Pantanaeus, ang eskwela ng Alexandria ay naging mahalagang institusyon ng pagkatutong relihiyoso kung saan ang mga estudyante ay tinuruan ng mga skolar gaya nina Athenagoras, Clement, Didymus, at ang katutubong Ehipsiyong si Origen na itinuturing na ama ng teolohiya at aktibo rin sa mga pag-aaral at komentaryo ng bibliya. Ang Theological college of the catechetical school ay muling itinatag noong 1893. Maraming mga Kristiyanong Ehipsiyo ay tumungo sa disyerto noong ika-3 siglo at nanatili doon upang manalangin at magtrabaho at ituon ang kanilang mga buhay sa seklusyon at pagsamba ng diyos. Ito ang pasimula ng kilusang monastiko. Noong ika-4 siglo, ang presbiterong Alexandrian na si Arius ay nakipagalitan tungkol sa kalikasan ni Hesus at ang kanyang mga katuruan ay kumalat sa buong daigdig na Kristiyano na nakilalang Arianismo at kalaban ng kalaunang nanaig na trinitarianismo. Ang Konseho ng Nicaea ay tinipon ni emperador Constantine sa ilalim ng pagkapangulo nin San Hosius at San Alexander I ng Alexandria upang lutasin ang alitan na humantong sa pagkakalikha ng Kredong Niseno. Ang kredong ito ay malaking humango sa katuruan ni Athanasius ng Alexandria na pangunahing kalaban ni Arius.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Eusebius of Caesarea, the author of Ecclesiastical History in the 4th century, states that Saint Mark came to Egypt in the first or third year of the reign of Emperor Claudius, i.e. 41 or 43 A.D. "Two Thousand years of Coptic Christianity" Otto F. A. Meinardus p28.
  2. U.S.Dept of State/Egypt
  3. "Holy Family in Egypt". Orthodoxwiki.org. Nakuha noong 2011-01-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Early church missionary". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-22. Nakuha noong 2012-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Church of Alexandria". New Advent. Nakuha noong 2012-03-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)