Estados Unidos

(Idinirekta mula sa United States of America)

Ang Estados Unidos ng Amerika (EUA), tinatawag ding Estados Unidos o basta Amerika, isang pangunahing bansa sa Hilagang Amerika. Binubuo ito ng 50 mga estado, isang distrito pederal, limang pangunahing teritoryo, 326 na reserbasyong Indian, at ilang pagmamay-aring maliliit na isla. Sa lawak nitong 3.8 milyong milya kuwadrado (9.8 milyong kilometro kuwadrado), ito ang pangatlo o pang-apat na pinakamalaking bansa ayon sa lawak. Ang mga kahanggang lupain ng Estados Unidos ay ang Canada sa hilaga at Mexico sa timog. Kahangga naman nito sa karagatan ang Bahamas, Cuba, at Russia. Sa populasyon nitong mahigit 331 milyong katao, ito ang pangatlo sa may pinakamalaking populasyon sa mundo. Ang kabisera ay ang Washington, D.C., at ang pinakamataong lunsod ay ang New York City.

Ang mga Paleo-Indians ng Siberia ay nandayuhan sa Hilagang Amerika 12,000 taon na ang nakalilipas. Nagsimula ang pananakop ng mga Europeo noong ika-16 na siglo. Nabuo ang Estados Unidos mula sa 13 kolonyang Britano na itinatag sa Silangang Baybayin. Ang pakikipagtalo hinggil sa pagbubuwis at pamamahala ng Gran Britanya ay nagbunsod sa American Revolutionary War (1775-1783), na nagpangyaring makamit ng bansa ang kalayaan. Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, lalo pang lumawak ang nasasakupan ng Estados Unidos habang unti-unting nag-aangkin ng mga teritoryo, kung minsan sa pamamagitan ng digmaan na nagtaboy sa maraming katutubong Amerikano, at naitatatag ang mga bagong estado. Pagsapit ng 1848, nasakop na ng Estados Unidos ang Hilagang Amerika hanggang sa kanluran. Naging legal ang pang-aalipin sa timugang Estados Unidos hanggang noong ika-19 na siglo, nang buwagin ito ng Digmaang Sibil ng Amerika. Noong Digmaang Espanyol-Amerikano at Unang Digmaang Pandaigdig, naging kapangyarihang pandaigdig ang Estados Unidos, na lalong napatunayan sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa panahon ng Cold War (tensyon sa pagitan ng Amerika at Soviet Union), nakipagdigma ang Estados Unidos sa Korean War at Vietnam War, pero hindi sila direktang nakipaglaban sa Soviet Union. Sumabak ang dalawang superpowers sa kompetisyon ng Space Race, na winakasan ng Apollo 11 (unang paglapag ng tao sa buwan noong 1969). Nagwakas ang Cold War nang mabuwag ang Soviet Union noong 1991, at ang Estados Unidos ang nanatiling pinakamakapangyarihang bansa sa mundo.

Ang Estados Unidos ay isang pederal na republika at isang kinatawang demokrasya na may tatlong magkakahiwalay na sangay ng gobyerno, kabilang na ang isang lehislaturang bicameral. Mula sa pagkakatatag, miyembro na ito ng United Nations, World Bank, International Monetary Fund, Organization of American States, NATO, at iba pang pandaigdigang organisasyon. Isa itong permanenteng kasapi ng United Nations Security Council. Tinaguriang melting pot of cultures, ang populasyon nito ay resulta ng mga siglo ng pandarayuhan ng mga iba’t ibang lahi. Mataas ang ranggo ng Estados Unidos pagdating sa malayang ekonomiya, antas ng pamumuhay, edukasyon, at karapatang pantao; mababa rin ito sa antas ng lantarang korapsyon. Gayunpaman, nababatikos ang bansa dahil sa pagtatangi may kinalaman sa lahi, materyal na pagmamay-ari, at pagpapasahod; maling pagpapatupad sa parusang kamatayan; di-makatuwirang pagbibilanggo; at mahinang pangangalaga sa kalusugan ng pangkalahatang populasyon.

Ang Estados Unidos ay isang maunlad na bansa. Taglay nito ang sangkapat ng kabuuang GDP ng mundo kaya ito pa rin ang may pinakamalaking ekonomiya sa lahat. Batay sa dami, Estados Unidos ang pinakamalaking tagapag-angkat (importer) at pangalawang pinakamalaking tagapagluwas (exporter) ng mga produkto sa buong mundo. Bagaman ang populasyon nito ay katumbas lang ng 4.2% ng pangglobong bilang, hawak naman nito ang halos 30% ng kabuuang yaman ng mundo, ang pinakamalaki sa lahat ng mga bansa. Gumasgastos ang bansa ng katumbas ng sangkatlo ng gastusing pangmilitar ng daigdig, kaya ito ang nangungunang kapangyarihang militar sa buong mundo. Maimpluwensiya rin ito pagdating sa politika, kultura, at siyensiya.

Estados Unidos ng Amerika

United States of America
Watawat ng Estados Unidos
Watawat
Eskudo ng Estados Unidos
Eskudo
Salawikain: E pluribus unum (Latin) (1789–kasalukuyan)
(Mula sa marami, isa)
In God we trust (1956–kasalukuyan)
(Sa Diyos kami ay nagtitiwala)
Location of Estados Unidos
KabiseraWashington, DC
Pinakamalaking lungsodLungsod ng New York
Opisyal na wikaWala sa antas-pederal;
de facto Ingles
PamahalaanPederal republikang konstitusyonal
• Pangulo
Joe Biden[1]
Kamala Harris
Nancy Pelosi
John Roberts
Kalayaan 
• Idineklara
4 Hulyo 1776
• Ikinilala
3 Setyembre 1783
Lawak
• Kabuuan
9,826,630 km2 (3,794,080 mi kuw) (Ika-3 percent_water = 4.87%)
Populasyon
• Pagtataya sa Hulyo 2018
327,167,434 [1] (Ika-3)
• Senso ng 2010
308,745,538
• Kapal
31/km2 (80.3/sq mi) (Ika-176)
GDP (PPP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
US$12,332,296 milyon (Una)
• Kada kapita
US$41,557 (Ika-3)
SalapiDolyar (USD)
Sona ng orasUTC-5 hanggang -10
• Tag-init (DST)
paiba-iba
Kodigong pantelepono1
Internet TLD.gov .edu .mil .us

KasaysayanBaguhin

Mga Sinaunang Tao at Kasaysayan Bago ang Panahon ni ColumbusBaguhin

Pinaniniwalaang ang mga unang nanirahan sa Hilagang Amerika ay mga taong nandayuhan mula sa Siberia patawid ng Beringia patungong Alaska 12,000 taon na ang nakalilipas (Ang Beringia ay tumutukoy ngayon sa lugar kung saan nagdurugtong ang lupain ng Siberia at Alaska noong sinaunang panahon. Sinasabing pinagdurugtong pa noon ng isang land bridge ang lupain ng Chukchi Peninsula ng Sibera at ang Seward Peninsula ng Alaska bago ito paghiwalayin ng katubigan na kilala ngayon bilang Bering Strait). Pero may ebidensiya di-umano na mas maaga pa rito ang pagdating nila. Ang kulturang Clovis, na umiral humigit-kumulang noong 11,000 BC, ang pinaniniwalaang kumakatawan sa mga unang taong nandayuhan sa Amerika. Ito marahil ang una sa tatlong bugso ng malakihang pandarayuhan patungong Hilagang Amerika; ang mga huling bugso ang nagdala sa kasalukuyang mga katutubo ng Athabaskan, Aleut, at Eskimo.

Sa pagdaan ng panahon, nagkahalo-halo na ang mga katutubo sa Hilagang Amerika. Ilan sa mga ito, gaya ng kulturang Mississippiano sa timog-silangan bago ang panahon ni Columbus, ay bumuo ng masulong na agrikultura, arkitektura, at sari-saring mga komunidad. Pinakamalaki sa mga ito ang Cahokia, isang dating lunsod-estado na ngayon ay dinadayong kaguhuan sa kasalukuyang Estados Unidos. Sa tinatawag na Four Corners Region (isang rehiyon kung saan nagtatagpo ang apat na kantong hangganan ng mga estado ng Utah, Arizona, Colorado, at New Mexico), nabuo ang kultura ng mga katutubong Puebloano mula sa mga siglo ng mga pag-eeksperimento sa agrikultura. Ang Haudenosaunee, na matatagpuan sa timugang rehiyon ng Great Lakes, ay unti-unting naitatag sa pagitan ng ika-12 hanggang ika-15 siglo. Lumaganap sa mga estadong Atlantiko ang mga tribo ng Algonquian, na nakilala sa pangangaso at pambibitag. Naging magsasaka din naman ang ilan sa kanila.

Hindi matiyak ang populasyon ng mga katutubong Amerikano sa panahon ng pakikipag-ugnayan ng mga Europeo. Tinantiya ni Douglas H. Ubelaker ng Smithsonian Institution ang bilang ng populasyon: 92,916 sa timugang estadong Atlantiko at 473,616 sa mga estadong kahangga ng Gulf of Mexico. Pero napakaliit ng mga bilang na ito para sa mga akademiko. Ang antropologist na si Henry F. Dobyns ay naniniwalang mas malaki pa ang mga bilang

ng populasyon: 1.1 milyon ang mga nasa estadong kahangga ng Gulf of Mexico, 2.2 milyon ang mga nasa estado mula Florida hanggang Massachusetts, 5.2 milyon ang mga nasa rehiyon ng Mississippi, at mga 700,000 ang nakatira sa estado ng Florida.

Kolonisasyon ng mga EuropeoBaguhin

Karagdagang Impormasyon: Kasaysayang Kolonyal ng Estados Unidos at Labintatlong Kolonya

Kontobersyal at laging pinagdedebatehan ang maagang kolonisasyon ng mga Norse (o mga Vikings ng Scandinavia) sa New England. Ang unang napaulat sa kasaysayan na pagdating ng mga Europeo sa ngayo'y kontinente ng Estados Unidos ay ang unang ekspedisyon ng conquistadores mula Espanya na si Juan Ponce de León sa noo'y Spanish Florida noong 1513. Bago pa nito, nakarating na sa Puerto Rico si Christopher Columbus mula sa kaniyang paglalayag noong 1493, at nang sumunod na dekada ay tinirhan ng mga Espanyol ang San Juan. Bumuo ng mga pamayanan ang mga Espanyol sa Florida at New Mexico, na tinawag na Saint Augustine, ang itinuturing na pinakamatandang siyudad sa bansa, at ang Santa Fe. Nagtatag naman ang mga Pranses ng kanilang sariling mga pamayanan sa mga pampang ng Ilog Mississippi, lalo na sa New Orleans. Matagumpay namang nakabuo ng kolonya ang mga Britano sa silanganing baybayin ng Hilagang Amerika: ang Virginia Colony sa Jamestown noong 1607 at Pilgrims Colony sa Plymouth noong 1620. Unang itinatag sa kontinente noong 1619 ang sarili nitong lehislatibong kapulungan, ang Virginia's House of Burgesses. Ang mga dokumentadong kasunduan, gaya ng Mayflower Compact at ang Fundamental Orders of Connecticut, ang nagtatag ng mga parisan para sa pagbuo ng mga saligang batas na ipatutupad sa mga maitatatag pang mga kolonya sa Amerika. Marami sa mga pamayanang Ingles ay mga Kristiyanong naghahangad ng malayang pagsamba. Noong 1784, mga Ruso ang mga unang Europeo na nakapagtatag ng sariling pamayanan sa Alaska, sa Three Saints Bay. Ang mga Amerikanong Ruso noon ang sumasakop sa kalakhang bahagi ng ngayo'y estado ng Alaska.

Ang mga nakipamayang Europeo ay nagsimula ring manguha ng mga Afrikano para gawing alipin sa Amerika sa pamamagitan ng slave trade patawid ng Atlantiko. Dahil sa mabagal na pagkalat ng mga tropikal na sakit at mas mahusay na panggagamot, naging mas mahaba ang buhay ng mga alipin sa Hilagang Amerika kumpara sa Timog Amerika, dahilan ng kanilang mabilis na pagdami. Ang mga pamayanan sa kolonya ay karaniwang hinahati ayon sa relihiyon at moral na kalagayan ng alipin, at ilang mga kolonya nga ang nagpasa ng mga batas na laban at pabor sa isinagawang panukala. Gayunpaman, pagsapit ng ika-18 siglo, ang mga aliping Afrikano na ang pumalit sa mga manggagawang Europeo na walang sahod bilang mga cash crop labor, partikular na sa Katimugang Amerika.

Ang Labintatlong Kolonya (New Hampshire, Massachusetts, Connecticut, Rhode Island, New York, New Jersey, Pennsylvania, Delaware, Maryland, Virginia, North Carolina, South Carolina, at Georgia) na magiging Estados Unidos ng Amerika ay pinangasiwaan ng mga Britano bilang kanilang mga banyagang teritoryo, o nasasakupan. Gayunpaman, lahat ng ito ay may sari-sariling gobyerno at mga halalan na puwedeng pagbotohan ng mga tao. Dahil sa mataas na bilang ng mga ipinanganganak na sanggol, kakaunting namamatay, at matatag na komunidad, naging mabilis ang paglago ng populasyon ng mga kolonya; nahigitan pa nito ang populasyon ng mga katutubong Amerikano. Ang kilusan ng mga nanunumbalik sa Kristiyanismo noong mga dekada ng 1730 at 1740, na tinawag na The Great Awakening, ang nagpaalab sa interes ng mga tao sa relihiyon at sa karapatan sa malayang pagsamba.

Noong Pitong Taóng Digmaan (1756-1763), tinatawag ding French and Indian War, naagaw ng mga puwersang Britano ang Canada mula sa mga Pranses. Sa pagtatatag ng Lalawigan ng Quebec, ang lalawigang Pranses ng Canada ay pinanatiling hiwalay sa mga lalawigang Ingles ng Nova Scotia, Newfoundland, at ng Labintatlong Kolonya. Hindi kasama ang mga Katutubong Amerikano na nanirahan doon, ang Labintatlong Kolonya ay may populasyong mahigit 2.1 milyon noong 1770, halos isang katlo ng populasyon ng Britain. Habang may dumarating na mga bagong maninirahan at patuloy sa paglago ang populasyon, iilang mga Amerikano na lamang ang ipinangangak sa ibang mga bansa noong dekada ng 1770. Ang distansya ng mga kolonya mula sa Britanya ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng sariling pamahalaan, pero ang inaasam nilang tagumpay ay nag-udyok sa mga monarko ng Britanya na pana-panahong maghangad na muling igiit ang awtoridad ng hari.

HeograpiyaBaguhin

Bilang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo (sa kabuuang sukat), ang paysahe at mga tanawin sa Estados Unidos ay magkakaiba: lupang kakahuyang katamtaman (temperate forest) sa Silangang baybayin, bakawan sa Florida, ang Malaking Kapatagan sa gitang bahagi ng bansa, ang sistemang Ilog Mississippi-Missouri, ang Great Lakes na parte rin ng sa Canada, Rockies na nasa kanluran ng kapatagan, ilang disyerto at sonang katamtaman sa baybaying kanluran ng Rockies, at mga kagubatang katamtaman (temperate rainforest) sa bahaging Pasipiko ng Hilagang-Kanluran. Dagdag paysahe din ang Alaska at mga mabulkang pulo ng Hawaii.

Ang klima ay iba-iba rin: tropikal sa Hawaii at timog Florida, at tundra naman sa Alaska at sa mga tuktok ng matataas na bundok (pati ng Hawaii). Karamihan sa mga bahaging Hilaga at Silangan ay dumaranas ng klimang kontinental-katamtaman, may mainit na tag-araw at malamig na taglamig. Ang timog bahagi ng bansa naman ay dumaranas ng subtropikal na klimang umedo na may katamtamang taglamig at mahahaba at umedong tag-araw.

DemograpiyaBaguhin

Mga sentro ng populasyonBaguhin

Pangunahing mga sentro ng populasyon (tingnan ang kompletong talaan)
Ranggo Pusod na (mga) lungsod Populasyon ng kalakhang pook Pang-estadistika na Kalakhang Pook Rehiyon[2]
 
Lungsod ng New York

 
Los Angeles

 
Chicago

 
Dallas

 
Houston
1 Lungsod ng New York 19,979,477 New York–Newark–Jersey City, NY–NJ–PA MSA Hilagang-silangan
2 Los Angeles 13,291,486 Los Angeles–Long Beach–Anaheim, CA MSA Kanluran
3 Chicago 9,498,716 Chicago–Joliet–Naperville, IL–IN–WI MSA Gitnang-kanluran
4 Dallas–Fort Worth 7,539,711 Dallas–Fort Worth–Arlington, TX MSA Timog
5 Houston 6,997,384 Houston–The Woodlands-Sugar Land MSA Timog
6 Washington, D.C. 6,249,950 Washington, D.C.–VA–MD–WV MSA Timog
7 Miami 6,198,782 Miami–Fort Lauderdale–West Palm Beach, FL MSA Timog
8 Philadelphia 6,096,372 Philadelphia–Camden–Wilmington, PA–NJ–DE–MD MSA Hilagang-silangan
9 Atlanta 5,949,951 Atlanta–Sandy Springs–Roswell, GA MSA Timog
10 Boston 4,875,390 Boston–Cambridge–Quincy, MA–NH MSA Hilagang-silangan
11 Phoenix 4,857,962 Phoenix–Mesa–Chandler, AZ MSA Kanluran
12 San Francisco 4,729,484 San Francisco–Oakland–Fremont, CA MSA Kanluran
13 Riverside–San Bernardino 4,662,361 Riverside–San Bernardino–Ontario, CA MSA Kanluran
14 Detroit 4,326,442 Detroit–Warren–Dearborn, MI MSA Gitnang-kanluran
15 Seattle 3,939,363 Seattle–Tacoma–Bellevue, WA MSA Kanluran
16 Minneapolis–St. Paul 3,629,190 Minneapolis–St. Paul–Bloomington, MN–WI MSA Gitnang-kanluran
17 San Diego 3,343,364 San Diego–Carlsbad–San Marcos, CA MSA Kanluran
18 Tampa–St. Petersburg 3,142,663 Tampa–St. Petersburg–Clearwater, FL MSA Timog
19 Denver 2,932,415 Denver–Aurora–Lakewood, CO MSA Kanluran
20 St. Louis 2,805,465 St. Louis, MO-IL MSA Gitnang-kanluran
Batay sa mga pagtataya ng populasyong MSA (Pang-estadistika na Kalakhang Pook) para sa taong 2018 mula sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos

LahiBaguhin

Ang mga lahing ito ang mga bumubuo sa lupain ng Estados Unidos:

1. Europeo 171,801,940 Amerikano 60.7% ng buong populasyon ng Amerika

2. Espanyol 44.3 million Amerikano 14.8% ng buong populasyon ng Amerika

3. Aprikano 39,500,000 Amerikano

4. Pilipino 4,000,000 Amerikano 1.5% ng buong populasyon ng Amerika, karamihan ay mga abroad

5. Tsino 3,565,458 Amerikano 1.2% ng buong populasyon ng Amerika

WikaBaguhin

 
Isang basurahan sa Seattle na may label na apat na wika: Ingles, Tsino, Biyetnames at Espanyol (Gumagamit ang Tagalog ng parehong salita tulad ng sa Espanyol)

Ang mga wika na may pinakamataas na bilang ng nagsasalita sa Estados Unidos:

Mga Wika (2003)[3]
Ingles (lamang)   214.8 milyon
Kastila kabilang ang Kriyolo  29.7 milyon
Tsino  2.2 milyon
Pranses, kabilang ang Kriyolo  1.9 milyon
Tagalog (karamihan ay mga abroad)  1.3 milyon
Biyetnames  1.1 milyon
Aleman  1.1 milyon

Pamahalaan at politikaBaguhin

 
Ang Kapitolyo ng Estados Unidos sa Washington, DC, kinalalagyan ng Kongreso ng US, ang sangay lehislatibo ng pamahalaan ng Estados Unidos
 
Si Joe Biden, ang kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos

Binubuo ng limampung estado ang Amerika na may limitadong awtonomiya at kung saan ang batas federal ang nananaig sa batas ng estado. Sa pangkalahatan, ang mga usapin sa loob ng hangganan ng mga estado ay saklaw ng kani-kanilang mga pamahalaang estado. Nabibilang dito ang panloobang komunikasyon; mga regulasyong may kinalaman sa pag-aari, industrya, negosyo, at kagamitang pampubliko; ang kodigong kriminal ng estado; at mga kondisyon ng pagtatrabaho sa loob ng estado. Pumapailalim ang Distrito ng Kolumbiya sa hurisdiksiyon ng Kongreso ng Estados Unidos, at may limitadong alituntuning lokal.

Ang saligang batas ng iba't ibang estado ay may pagkakaiba sa ilang detalye ngunit kapwa sumusunod sa iisang huwarang tulad ng sa Saligang Batas federal, kabilang dito ang pahayag sa karapatang pantao at ang plano ng pagbubuo ng gobyerno. Sa mga usaping gaya ng pagpapatakbo ng negosyo, mga bangko, kagamitang pampubliko at mga kawang-gawang institusyon, ang saligang batas ng bawat estado ay kadalasang mas detalyado at klaro kaysa sa Saligang Batas federal. Sa mga nakalipas na taon, umako ng mas malawak na responsibilidad ang pamahalaang federal sa mga bagay-bagay gaya ng kalusugan, edukasyon, kapakanan, transportasyon, pabahay, at pagsulong urban.

Binubuo ng tatlong sangay ang pamahalaang pederal: ang ehekutibo (pinamumunuan ng Pangulo), ang lehislatura (ang Kongreso), at ang hudikatura (pinamumunuan ng Korte Suprema). Nahahalal ang pangulo sa isang mandato ng apat na taon ng Electoral College, na nahihirang sa botong popular sa limampung estado. Nahahalal naman ang mga miyembro ng Konggreso sa mandato ng 2 taon sa Kamara ng mga Kinatawan at ng 6 taon sa Senado. Tinatakda ng Pangulo ang mga huwes ng Korte Suprema at may pahintulot ng Senado sa pagkakaroon ng hindi limitadong termino. Kinokopya ng modelong tripartite na ito ng pamahalaan sa antas ng estado sa pangkalahatan. May iba't ibang anyo ang mga lokal na pamahalaan.

Pinamamayanihan ang pamahalaang pederal at pang-estado ang dalawang pangunahing partidong pampolitika, ang mga Republikano (Republicans) at ang mga Demokrata (Democrats). Mayroong ding ibang maliliit na partido; ngunit hindi sila nakakapanghikayat ng kasindaming tagasuporta. Sa kabuuan, nangingibabaw ang tulad ng sa right wing ng mga demokrasya sa Europa ang kulturang pampolitika sa Estados Unidos at madalas na nakikitungo sa iba't ibang usapin. Mahirap tukuyin ang kategoryang kinabibilangan ng dalawang partidong ito. Sa kulturang pampolitika ng Estados Unidos, mailalarawan ang Partido Republikano bilang center-right at ang Partido Demokrata naman ay center-left. Ang mga kandidato ng mga partido menor at independiente ay bihirang nahahalal, at kung nahalal man ay sa lokal o estado lamang, ngunit sa sistema ng politika ng bansa, nananaig ang mga "hakot partido" sa mga koalisyon. Ang mga patakaran at ideolohiya ng kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos ang may malaking ginagampanan sa patakbo ng kanyang partido, pati na rin sa plataporma ng oposisyon.

Pagkakalahating PampolitikaBaguhin

Ang Estados Unidos ay isang unyong pederal na may limampung estado. Ang orihinal na labintaltong estado ay ang unang labintatlong kolonya na nag-aklas mula sa pamumuno ng mga Ingles. Noong unang bahagi ng kasaysayan ng bansa, tatlong bagong mga estado ang binuo mula sa mga teritoryo galing na sa umiiral na mga estado: ang Kentucky mula sa Virginia; Tennessee mula sa North Carolina; at Maine mula sa Massachusetts. Karamihan sa ibang mga estado ay nanggaling sa mga teritoryong nakuha mula sa mga digmaan o sa mga nabili ng pamahalaan ng Estados Unidos. Taliwas dito ang nangyari sa Vermont, Texas at Hawaii: ang bawat isang ito ay dating malalayang republika bago sumali sa unyon. Noong Digmaang Sibil ng Amerika humiwalay ang Kanlurang Virginia sa Virginia. Ang pinakabagong estado-ang Hawaii- a natamasa ang pagiging isang ganap na estado noong Agosoto 21, 1959.[4]

Bumuo ang labintatlong kolonya, sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos, ng kani-kanilang bayang estado na katulad ng mga bansa sa Europa noon. Sa mga sumunod na taon, dumami ang bilang ng mga estado sa Amerika dahil sa paglawak nitong pakanluran, sa pananakop at pagbibili ng mga lupa ng pamahalaang pambansa, at sa paghahati ng ilang estado, nauwi sa kasalukuyang bilang na limampu. Pangkalahatang nahahati ang mga estado sa mas maliit na rehiyong administratibo, kabilang ang mga kondado o "county", mga lungsod at mga pamayanan o "township".

May hawak din ang bansa sa ilang mga teritoryo, distrito at pag-aari, nangunguna na ang distrito pederal ng Distrito ng Kolumbiya na siyang kabisera ng bansa, ilang mga lugar na insular sa ibayong dagat tulad ng Portoriko, Samoa Amerikana, Guam, Kapuluang Hilagang Mariyana, at Kapuluang Birhen ng Amerika. Nakapanghawak ang bansa sa isang base ng hukbong pandagat sa inookupahang bahagi ng Look ng Guwantanamo sa Kuba mula 1898.

Walang pag-aangking teritoryal ang Estados Unidos sa Antartika ngunit nakapagreserba ng karapatang gawin ito.

AlabamaAlaskaArizonaArkansasCaliforniaColoradoConnecticutDelawareFloridaGeorgiaHawaiiIdahoIllinoisIndianaIowaKansasKentuckyLouisianaMaineMarylandMassachusettsMichiganMinnesotaMississippiMissouriMontanaNebraskaNevadaNew HampshireNew JerseyNew MexicoNew YorkNorth CarolinaNorth DakotaOhioOklahomaOregonPennsylvaniaRhode IslandSouth CarolinaSouth DakotaTennesseeTexasUtahVermontVirginiaWashingtonWest VirginiaWisconsinWyomingDelawareMarylandNew HampshireNew JerseyMassachusettsConnecticutDistrict of ColumbiaWest VirginiaVermontRhode Island 
Tungkol sa larawang ito

GaleriyaBaguhin

Patakarang panlabasBaguhin

Ang paghaharing militar, ekonomiko, at kultural ng Estados Unidos ang dahilan kung bakit isang mahalagang tema sa politika ng bansa ang patakarang panlabas (o foreign policy) nito, bukod pa sa kahalagahan ng imahen ng Estados Unidos sa buong mundo.

Nauntog ang patakarang panlabas ng Estados Unidos sa pagitan ng pamumukod o isolationism, imperyalismo at paghahalo ng mga ito, sa buong kasaysayan ng bansa.

Nagresulta ang malakas na impluwensiya nito sa politika at kultura ng buong mundo sa sobrang pagkamuhi ng ilan dito, at pagpuri naman at paghanga para sa ilan. Isang halimbawa nito si Ayatollah Khomeini na tinawag ang Estados Unidos "The Great Satan" (Ang Dakilang Satanas).

Tingnan dinBaguhin

Mga sanggunianBaguhin

  1. "Biden Inaugurated as the 46th President Amid a Cascade of Crises". New York Times. Nakuha noong 20 January 2021.
  2. "Appendix A. Census 2000 Geographic Terms and Concepts – Figure A–3. Census Regions, Census Divisions, and Their Constituent States" (PDF). U.S. Census Bureau. 2000. pa. 27. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong June 14, 2007. Nakuha noong February 25, 2017.
  3. "Table 47—Languages Spoken at Home by Language: 2003" (PDF). Statistical Abstract of the United States 2006. U.S. Census Bureau. Nakuha noong 2007-06-17.
  4. Borreca, Richard (18 Oktubre 1999). "'The Goal Was Democracy for All". Honolulu Star-Bulletin. Nakuha noong 11 Pebrero 2012.