Isaac Newton
Si Sir Isaac Newton, PRS (25 Disyembre 1642 (OS) – 20 Marso 1727 (OS) / 4 Enero 1643 (NS) – 31 Marso 1727 (NS)) ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko. Isang taong henyo, siya ang tinuturing ng karamihan na isa sa pinakamaimpluwensiyang siyentipiko sa kasaysayan ng agham. Inuugnay siya sa rebolusyong makaagham at pagsulong ng heliosentrismo.
Sir Isaac Newton | |
---|---|
Kapanganakan | 4 Enero 1643 [OS: 25 Disyembre 1642][1] |
Kamatayan | 31 Marso 1727 [OS: 20 Marso 1726][1] Kensington, London, Inglatera | (edad 84)
Nasyonalidad | Ingles (Briton mula sa 1707) |
Mamamayan | Ingles |
Nagtapos | Trinity College, Cambridge |
Kilala sa | Mekanika ni Newton unibersal na grabitasyon Kalkulo Optika |
Karera sa agham | |
Larangan | Pisika, matematika, astronomiya, likas na pilosopiya, alkimiya, teolohiya |
Institusyon | Pamantasan ng Cambridge Pangharing Lipunan (Royal Society) |
Academic advisors | Isaac Barrow Benjamin Pulleyn[2][3] |
Bantog na estudyante | Roger Cotes William Whiston John Wickins[4] Humphrey Newton[4] |
Impluwensiya | Henry More |
Naimpluwensiyahan | Nicolas Fatio de Duillier John Keill |
Pirma | |
Talababa | |
Nanay niya si Hannah Ayscough. Kalahating-pamangkin niya si Catherine Barton. |
Ang kanyang monograpong Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica na inilambag noong 1687 ang naglatag ng mga pundasyon sa karamihan ng mekanikang klasiko. Sa akdang ito, inilarawan ni Newton ang unibersal na grabitasyon at ang tatlong batas ng mosyon. Ang mga konseptong ito ang nanaig sa siyentipikong pananaw ng uniberso sa mga sumunod na tatlong siglo(300 taon). Ipinakita ni Newton na ang mga mosyon(galaw) ng mga obhekto(bagay) sa mundo at ng mga katawang pangkalawakan ay pinamamahalaan ng parehong hanay ng mga natural na batas sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-ayon ng mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler sa kanyang teoriya ng grabitasyon. Ito ang nag-alis ng pagdududa sa pananaw na heliosentrismo(pag-ikot ng mga planeta sa araw) at nagpasulong ng rebolusyong siyentipiko. Ang Principia ang itinuturing na isa sa pinakamahalagang aklat siyentipiko na isinulat.
Sa matematika, si Newton ay kahati ni Gottfried Leibniz sa kredito at karangalan ng pagbuo ng kalkulo. Kanya ring ipinakita ang teoremang binomial ang bumuo ng paraang Newton na pagtatantiya ng mga ugat ng isang punsiyon at nag-ambag sa pag-aaral ng mga seryeng kapangyarihan.
Si Newton ay isa ring napakarelihiyosong tao. Siya ay sumulat ng mas marami tungkol sa hermeneutikong Biblikal at pag-aaral okulto kesa sa agham at matematika. Sikretong itinakwil ni Newton ang Trinitarianismo ng Katolismo dahil sa takot na maakusahan ng pagtanggi sa kautusang banal ng simbahan.
Biograpiya
baguhinSimulang mga taon
baguhinSi Isaac Newton ay ipinanganak noong 4 Enero 1643(sa Kalendaryong Gregorian na hindi pa ginagamit sa Inglatera)[1] sa Woolstorpe Manor sa Woolsthorpe-by-Colsterworth na isang hamlet sa county ng Lincolnshire, Inglatera. Si Newton ay ipinanganak mga tatlong buwan pagkatapos mamatay ng kanyang ama na isang masaganang magsasakang pinangalanan ding Isaac Newton. Si Newton ay ipinanganak bago ang nakatakdang petsa ng kanyang kapanganakan at siya ay isang maliit na bata. Ang kanyang inang si Hannah Ayscough ay nag-ulat na si Newton ay maaaring mapagkasya sa isang quart na mug(≈ 1.1 litro). Nang si Newton ay tatlong taong gulang, ang kanyang ina ay muling nagpakasal at namuhay kasama ng kanyang bagong asawa na si Reverend Barnabus Smith. Kanyang iniwan ang kanyang anak na si Isaac sa pangangalaga ng kanyang lola sa ina na si Margery Ayscough. Hindi nagustuhan ni Newton ang kanyang amain at nagkaroon ng galit sa kanyang ina sa pagpapakasal dito gaya ng inihahayag sa entrada na listahan ng mga kasalanang nagawa niya hanggang sa edad na 19: "Binantaan ang aking ama at ina na susunugin sila at ang bahay sa ibabaw nila." Bagaman, si Newton ay itinakdang ikasal sa huli ng kanyang pagkatinedyer sa isang Binibining Storey, siya ay hindi kailanman ikinasal dahil sa kanyang pagkahumaling sa kanyang pag-aaral at akda.
Mula sa kanyang edad na mga 12 hanggang 17, si Newton ay nag-aral sa The King's School, Grantham (kung saan ang kanyang lagda ay makikita sa isang bato sa ilalim ng kuwadro ng bintana ng silid aklatan). Siya ay inalis sa paaralan at nang mga Oktubre 1659 ay natagpuan sa Woolsthorpe-by-Colsterworth kung saan ang kanyang inang nabalo ng ikalawang beses ay nagtangkang gawin siyang isang magsasaka. Kinapootan ni Newton ang pagsasaka at si Henry Stokes na maestro sa King's School ay humikayat sa kanyang ina na muli siyang ipasok sa paaralan upang kumpletuhin ang kanyang edukasyon. Sa udyok na sa isang bahagi ay ang pagnanais na makaganti sa mga bully(manliligalig) ng paaralan, siya ay naging pangunahin sa mga ranggo ng estudyante sa paaralan. Ayon sa sikologo ng Cambridge na si Simon Baron-Cohen, may kainamang katiyakan na si Newton ay dumaranas ng Sindromang Asperger.
Noong Hunyo 1661, si Newton ay natanggap sa Trinity College, Cambridge bilang isang sizar na parang ang tungkulin ay magtrabaho at mag-aral. Sa mga panahong ito, ang mga katuruan ng kolehiyo ay batay sa mga itinuro ni Aristotle ngunit mas gusto ni Newton ang magbasa ng mas paunang mga ideya ng mga pilosopo gaya nina Descartes at ng mga astronomong gaya nina Copernicus, Galileo at Kepler. Noong 1665, kanyang natuklasan ang nilahat na teoremang binomial at nagsimulang buuin ang teoriyang matematikal na kalaunang ay naging inpinitesimal na kalkulo. Sa maikling panahon pagkatapos makamit ang kanyang digri noong 1665, ang unibersidad ay temporaryong nagsara bilang pag-iingat laban sa Dakilang Salot(Bubonic Plague). Bagaman si Newton ay hindi kilala bilang estudyante sa Cambridge, ang mga pribadong pag-aaral ni Newton sa kanyang tahanan sa Woolsthorpe sa loob ng sumunod na dalawang taon ay kinakitaan ng kanyang pagbuo ng mga teoriya ng kalkulo, optiks at batas ng grabitasyon. Noong 1667, siya ay bumalik sa Cambridge bilang kapanalig sa Trinity. Ang mga kapanalig ay inatasang maging mga ordinadong mga pari na isang bagay na ninais ni Newton na iwanan dahil sa kanyang hindi tradisyonal na mga paniniwala. Swerte si Newton dahil walang spesipikong itinakdang panahon para sa ordinasyon at ito ay maaring ipagpaliban ng kahit kailan. Ang problema ay tumindi kalaunan nang si Newton ay ihalal sa prestihiyosong tungkulin na Propesor na Lucasian. Sa gayong napakahalagang pagkakahirang, ang pagpapa-ordina ay hindi karaniwang maiiwasan. Gayunpaman, ito ay nagawang maiwasan ni Newton sa pamamagitan ng espesyal na permisyon mula kay Charles II.
Kalagitnaang mga taon
baguhinMatematika
baguhinAng mga akda ni Newton ay sinasabing makikilalang nangunguna sa bawat sangay ng matematikang pinag-aaralan ng mga panahong ito. Ang kanyang akda sa paksang kalkulo sa manuskrito noong Oktubre 1666 na ngayon ay inilimbag na bilang isa sa mga papel na matematikal ni Newton. Ang manuskrito ni Newton na "De analysi per aequationes numero terminorum infinitas" ("Sa analisis sa pamamagitan ng mga ekwasyon na walang hanggan sa bilang ng mga termino") ay ipinadala ni Isaac Barrow kay John Collins noong Hunyo 1669. Noong Agosto 1669, tinukoy ni Barrow ang may-akda kay Collins bilang "Ginoong Newton, isang kapanalig ng ating kolehiyo at napakabata... ngunit ng isang ekstraordinaryong henyo at kahusayan sa mga bagay na ito".
Kalaunan ay nasangkot si Newton sa isang alitan kay Gottfried Leibniz sa pangunguna sa pagkakabuo ng inpinitesimal na kalkulo. Karamihan sa mga historyan ay naniniwalang binuo nina Newton at Leibniz ang kalkulo nang magkahiwalay at independiyente bagaman may magkaibang mga notasyon. Minsan ay iminumungkahi na walang inilimbag si Newton tungkol dito hanggang 1693 at hindi nagbigay ng buong salaysay nito hanggang 1704 bagaman si Leibniz ay nagsimulang maglimbag ng buong salaysay ng kanyang mga paraan noong 1684. Gayunpaman, ang gayong suhestiyon ay nabigong mapansin ang nilalaman na ang mga kritiko ni Newton noong kanyang panahon at kasalukuyang panahon ay tinukoy sa Aklat 1 ng Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica ni Newton at mga naunang mga manuskrito gaya ng De motu corporum in gyrum ("On the motion of bodies in orbit") noong 1684. Ang Principia ay hindi isinulat sa wika ng kalkulo na alam sa kasalukuyang panahon o sa notasyong 'tuldok' na kalaunang isinulat ni Newton. Gayunpaman, ang kanyang akda ay labis na gumamit ng inpinitesimal na kalkulo sa anyong heometriko batay sa mga naglilimitang mga halaga ng mga rasyo ng mga naglalahong maliliit na mga kantidad. Sa mismong Principia, si Newton ay nagbigay ng demonstrasyon nito sa ilalim ng pangalang 'ang paraan ng una at huling mga rasyo' at kanyang ipinaliwanag kung bakit niya inilagay ang kanyang pagsasalaysay sa ganitong anyo. Kanya ring sinaad na 'dito ang parehong paraan ay isinagawa gaya ng paraan ng mga hindi mahahati'.
Dahil dito, ang Principia ay tinawag sa modernong panahon na "isang aklat na siksik sa teoriya at aplikasyon ng inpinitesimal na kalkulo" at "lequel est presque tout de ce calcul" ('halos lahat nito ay sa kalkulong ito') noong panahon ni Newton. Ang kanyang panggamit ng mga paraan na sumasangkot sa "isa o mas maraming mga order ng inpinetisimal na maliit" ay makikita sa kanyang De motu corporum in gyrum noong 1684 at sa kanyang papel sa mosyon "noong mga dalawang dekada bago ang 1684".
Si Newton ay nag-atubiling ilimbag ang kanyang kalkulo dahil sa takot sa kontrobersiya at pagbatikos. Siya ay may malapit na pakikipag-ugnayan sa matematikong Swiss na si Nicolas Fatio de Duillier na mula pa sa pasimula ay humanga na sa batas grabitasyon ni Newton. Noong 1691, pinlano ni Duillier ang paghahanda ng bagong bersiyon ng Principia ni Newton ngunit hindi niya ito nakumpleto. Noong 1693, ang relasyon sa pagitan ng dalawang ito ay nagbago. Sa panahong ito, si Duillier ay nakipagpalitan ng ilang mga liham kay Gottfried Leibniz.
Simula 1699, ang ibang mga kasapi ng Royal Society(kung saan si Newton ay isang kasapi) ay umakusa kay Leibneiz ng plagiarismo(pangongopya). Ang alitang ito ay buong sumiklab noong 1711. Inihayag ng Royal Society sa isang pag-aaral na si Newton ang tunay na nakatuklas ng kalkulo at tinawag din nilang mandaraya si Leibniz. Ang pag-aaral na ito ay kalaunang pinagdudahan ng matuklasan na mismong si Newton ang sumulat ng konklusyong puna kay Leibniz. Ito ang nagpasimula ng mapait na kontrobersiya na dumungis sa parehong buhay nina Newton at Leibniz hanggang sa kamatayan ni Leibniz noong 1716.
Si Newton ang pangkalahatang pinararanglan sa paglalahat ng teoremang binomial na balido para sa anumang eksponente. Kanyang natuklasan ang mga identidad ni Newton, paraang Newton, inuring kubikong planong mga kurba(na mga polinomial ng digring tatlo sa dalawang bariabulo). Siya ay nag-ambag rin ng malaki sa teoriya ng may hangganang mga diperensiya, ang kauna-unahang gumamit ng praksiyonal na indeks at gumamit ng koordinatong heometriya upang hanguin ang mga solusyon ng mga ekwasyong Diophantine. Kanyang tinantiya ang parsiyal na suma ng seryeng harmoniko sa pamamagitan ng logaritmo na isang prekursor sa pormulang pagsusuma ni Euler at ang kauna-unahang gumagamit ng seryeng kapangyarihan na may kompiyansa at pagbabalik ng seryeng kapangyarihan.
Si Newton ay nahalal na Propesor na Lucasian ng Matematika noong 1669 sa rekomendasyon ni Barrow. Sa panahong ito, ang anumang kapanalig sa Cambridge o Oxford ay inaatasang maging isang ordinadong Anglikanong pari. Gayunpaman, ang mga kondisyon ng pagiging propesor na Lucasian ay nag-aatas na ang may hawak ng tungkuling ito ay hindi kailangang maging aktibo sa simbahang Anglikano. Nangatwiran si Newton na ang kondisyong ito ang dapat magpalaya sa kanya sa kondisyong ordinasyon at si Charles II na ang permisyon ay kinakailangan para rito ay tumanggap sa argumentong ito ni Newton. Dahil dito, ang alitan sa pagitan ng paniniwalang relihiyoso ni Newton at ortodoksiyang Anglikano ay naiwasan.
Optika
baguhinMula 1670 hanggang 1672, si Newton ay nagturo tungkol sa optika. Sa panahong ito, kanyang inimbestigahan ang repraksiyon ng liwanag na nagpapakitang ang prismo ay maaaring humati sa puting liwanag sa mga spektrum ng kulay at ang lente at ikalawang prismo ay muling pagsamahin ang maraming kulay na spektrum sa puting liwanag. Kanya ring ipinakita na ang may kulay na liwanag ay hindi nagbabago ng katangian nito sa pamamagitan ng paghihiwalay ng isang may kulay na sinay at pagliliwanag dito sa iba't ibang mga bagay. Napansin ni Newton na kahit hindi isaalang alan kung ito ay nareplekta o kumalat o naihatid, ito ay nananatiling may parehong kulay. Kaya, kanyang napagmasdang ang kulay ang resula ng mga bagay na nakikipagugnayan sa may kulay ng liwanag kesa sa mga bagay na mismong sila ang lumilikha ng kulay. Ito ay kilala bilang teoriya ni Newton ng kulay. Mula sa akdang ito, kanyang binigyan ng konklusyon na ang mga lente ng nagrerepraktong teleskopyo ay magdaranas mula sa dispersiyon ng liwanag sa mga kulay(chromatic abberation). Bilang patunay ng konseptong ito, siya ay bumuo ng teleskopyo gamit ang isang salamin bilang layunin upang lagpasan ang problemang ito. Sa pagbuo ng disenyo, ang unang kilalang gumaganang nagrereplektang teleskopyo na kilala ngayon bilang teleskopyo ni Newton, ay sumasangkot sa paglutas ng problema ng isang angkop na materyal ng salamin at paraang paghuhugis. Dinurog ni Newton ang kanyang mga salamin mula sa isang sadyang komposisyon ng mataas na replektibong spekulum na metal gamit ang mga singsing ni Newton upang husgahan ang kalidad ng optika para sa kanyang mga teleskopyo. Noong huli nang 1668, nagawa niyang lumikha ng unang nagrereplektang teleskopyo. Noong 1671, ang Royal Society ay humingi ng demonstrasyon sa kanyang nagrereplektang teleskopyo. Ang kanilang interes ay humikayat sa kanya na ilimbag ang kanyang mga akda Sa Kulay na kanyang kalaunang pinalawig sa kanyang Opticks. Nang batikusin ni Robert Hooke ang ilan sa mga ideya ni Newton, si Newton ay labis nasaktan na siya ay umurong sa publikong talakayan. Si Newton at Hooke ay may maikling mga palitan noong 1679–80 nang si Hooke na hinirang na mangasiwa sa tugunan ng Royal Society ay nagbukas ng sagutan na ang layunin ay magtamo ng mga ambag mula kay Newton sa mga transaksiyon ng Royal Society na may epektong pumukaw kay Newton na gumawa ng patunay na ang anyong elliptikal ng mga orbito ng planeta ay magreresulta sa pwersang centripetal na kabaligtarang proporsiyonal sa kwadrado ng radius na bektor. Gayunpaman, ang dalawang taong ito ay nanatiling hindi magkasundo hanggang sa kamatayan ni Hooke. Ikinatwiran ni Newton na ang liwanag ay binubuo ng mga partikulo o corpuscle na narereprakta sa pamamagitan pag-aakselara sa mas siksik na medium. Siya ay malapit sa mga along tulad ng tunog upang ipaliwanag ang paulit ulit na paterno ng repleksiyon at transmisyon ng mga manipis na films (Opticks Bk.II, Props. 12) ngunit kanya pa ring pinanatili ang kanyang teoriya ng 'fits' na nagtatapon sa corpuscles na marereplekta o mahahatid(Props.13). Kalaunan, ang mga pisika ay bagkus pumabor sa isang purong tulad ng alonng paliwanag sa liwanag upang ipaliwanag ang mga paternong interperensiya at ang pangkalahatang phenomenon ng dipraksiyon. Sa ngayong mekanikang quantum, ang mga photon at ang ideya ng dualidad na alon-partikulo ay nagtataglay lamang ng maliit na pagkakatulad sa pagkaunawa ni Newton ng liwanag. Sa kanyang Hypothesis of Light noong 675, iminungkahi ni Newton ang eksistensiya ng ether upang ihati ang mga pwersa sa pagitan ng mga partikulo. Ang pakikipag-ugnayan sa teosopistang si Henry More ang muling bumuhay sa interes ni Newton sa alkemiya. Kanyang pinalitan ang ether ng mga pwersang okulto batay sa mga ideyang Hermetiko ng atraksiyon at repulsiyon sa pagitan ng mga partikulo. Si John Maynard Keynes na nagkamit sa marami sa mga akda ni Newton sa alkemiya ay nagsaad na "si Newton ang una sa panahon ng katwiran: Siya rin ang huli sa mga mahikero". Ang interes ni Newton sa alkemiya ay hindi maihihiwalay sa kanyang mga ambag sa agham. Ito ay sa panahon na walang maliwanag na pagtatangi sa pagitan ng alkemiya at agham. Kung hindi siya umasa sa ideyang okulto ng aksiyon sa isang distansiya sa kahabaan ng vacuum, maaaring kanyang hindi nabuo ang kanyang teoriya ng grabidad. Noong 1704, inilimbag ni Newton ang Opticks kung saan kanyang ipinaliwanag ang teoriyang corpuscular ng liwanag. Kanyang isinaalang ang liwanag na binubuo ng labis na tagong mga corpuscle na ang ordinaryong materya ay binbuo ng mas malaking mga corpuscle at naghaka haka na sa pamamagitan ng isang uri ng transmutasyong alkemikal "Ang mga malaking mga Katawan at Liwanag ay hindi ba mababago sa bawat isa... at ang mga katawan ba ay hindi tumatanggap ng halos lahat ng kanilang aktibididad mula sa mga partikulo ng liwanag na pumapasok sa kanilang komposisyon?" Si Newton ay bumuo rin ng isang primitibong anyo ng priksiyonal na elekstrostatikong henerador gamit ang globong baso(Optics, 8th Query). Sa artikulong pinamagatang "Newton, prisms, and the 'opticks' of tunable lasers, ipinakitang si Newton sa kanyang aklat na Opticks ang unang nagpakita na ang diagrama gamit ang prismo bilang tagapagpalawig ng sinag. Sa parehong aklat, kanyang inilarawan sa pamamagitan ng mga diagrama ang paggamit ng maraming mga prismong array. Pagkatapos ng mga 278 taong pagkatapos ng pagtalakay ni Newton, ang maraming prismong tagapagpalawig ng sinag ay naging sentral sa pagbuo ng manipis na linyanghabang mapipihit na mga laser. Gayundin, ang paggamit ng mga prismatikong tagapagpalawig ng sinag na ito ay tumungo sa teoriya ng dispersiyon ng maraming prismo.
Mekanika at grabitasyon
baguhinNoong 1679, si Newton ay bumalik sa kanyang akda sa selestiyal na mekanika i.e., grabitasyon at ang epekto nito sa mga orbito ng planeta na may patungkol sa batas ng mosyon ng planeta ni Kepler. Ito ay sinundan ng stimulasyon ng maikling palitan ng mga lihan noong 1679–80 kay Hooke na nahirang upang pangasiwaan ang tugunan ng Royal Society at nagbukas ng sagutang ang layunin ay magtamo ng mga ambag ni Newton sa mga transaksiyon ng Royal Society. Ang muling pagkabuhay ng interes ni Newton sa mga bagay astronomikal ay tumanggap ng karagdagang pagpukaw sa pamamagitan ng paglitaw ng isang kometa sa tagginaw nang 1680–1681 kung saan siya tumugon kay John Flamsteed. Pagkatapos ng mga palitan kay Hooke, si Newton ay gumawa ng isang patunay ng anyong elliptikal ng mga orbito ng planeta na nagresulta mula sa isang pwersang sentripetal na kabalagitarang proporsiyonal ng kwadrado ng radius na bektor. Inihatid ni Newton ang kanyang mga resulta kay Edmond Halley at sa Royal Society sa De motu corporum in gyrum na isang traktong isinulat sa mga 9 papel na kinopya sa Aklat ng Register ng Royal Society noong Disyembre 1684. Ang traktong ito ay naglalaman ng nucleus na binuo ni Newton at pinalawig upang buuin ang Principia. Ang Principia ay inilimbag noong 5 Hulyo 1687 na may paghihikayat at tulong pinansiyal mula kay Edmond Halley. Sa akdang ito, isinaad ni Newton ang tatlong mga unibersal na batas ng mosyon na pumayag sa maraming mga pagsulong sa Himagsikang Industriyal na mabilis na sumunod at hindi na muli pang napabuti sa higit sa 200 mga taon at nanantili pa ring mga saligan ng mga teknolohiyang hindi relatibistiko ng modernong daigdig. Kanyang ginamit ang salitang Latin na gravitas(timbang) para sa epekto na kalaunang nakilala bilang grabidad at inilarawan ang batas ng unibersal na grabitasyon. Sa parehong akda, ipinrisinta ni Newton ang isang tulad ng kalkulong paraan ng analisis na heometrikal sa pamamagitan ng una at huling mga rasyo, nagbigay ng unang analitikal na pagtukoy(batay sa batas ni Boyle) ng bilis ng tunog sa hangin, hinuha ang pagiging oblado ng pigurong speroidal ng mundo, ipinaliwanag ang presesyon ng mga ekwinoks bilang resulta ng atraksiyon ng buwan sa pagiging oblado ng mundo, nagpasimula ng pag-aaral grabitasyonal ng mga iregularidad sa mosyon ng buwan, at nagbigay ng teoriya sa pagtukoy ng mga orbito ng kometa at marami pang iba. Ginawang malinaw ni Newton ang kanyang pananaw heliosentriko ng sistemang Solar na binuo sa medyo modernong paraan dahil noon pa lang kalagitnaan ng 1689, kanyang nakilala ang paglihis ng araw mula sa sentro ng grabidad ng sistemang solar. Para kay Newton, hindi tiyak na ang sentro ng araw o anumang katawan ang maituturing na nagpapahinga kundi bagkus ang karaniwang sentro ng grabidad ng mundo, ang araw at ang lahat ng mga planeta ang ituturing na sentro ng mundo ang sentro ng grabidad na ito ay nagpapahinga o gumagalaw ng pantay patungo sa tamang linya. Kinuha ni Newton ang alternatibong nagpapahinga ayon sa karaniwang kasunduang ang sentro kahit nasaan man ito ang nagpapahinga. Ang postulado ni Newton ng hindi makikitang pwersa na may kakayahang kumilos sa loob ng malawak na mga distansiya ay tumungo sa kanya na mabatikos sa pagpapakilala ng mga ahensiyang okulto sa agham. Kalaunan, sa ikalawang edisyon ng Principia (1713), matibay na itinakwil ni Newton ang mga batikos sa isang nagtatapos na General Scholium na isinusulat na hindi sapat ang ang phenomena ay nagpapahiwatig ng isang atraksiyong grabitasyonl gaya ng ginagawa nito; ngunit hindi ito humigit sa pagtuturo ng sanhi nito at parehong hindi kinakailangan at hindi angkop na ibalangkas ang hipotesis ng mga bagay ng hindi ipinapahiwatig ng phenomena. Sa pamamagitan ng Principia, si Newton ay nakilala sa buong mundo. Siya ay nagkamit ng palibot ng mga tagahanga kabilang ang pinanganak na Swiss na matematikong si Nicolas Fatio de Duillier kung saan siya bumuo ng masidhing relasyon. Ito ay mabilis na natapos noong 1693 at sa parehong panahon, si Newton ay dumanas ng nerbiyosong panlulumo.
Mga huling taon
baguhinNoong mga 1690, si Newton ay sumulat ng ilang mga traktong relihiyoso na humihinggil sa literal na interpretasyon ng Bibliya. Ang paniniwala tungkol sa uniberso at pagtakwil sa Caretesianong dualismo ni Henry More ay maaaring nakaimpluwensiya sa mga ideyang relihiyoso ni Newton. Ang isang manuskritong ipinadala ni Newton kay John Locke kung saan kanyang pinabulaanan ang Triniarianismo ng Romano Katoliko ay hindi kailanman nailimbag. Ang kalaunang mga akda na The Chronology of Ancient Kingdoms Amended(Ang kronolihiya ng sinaunang mga Kahariang binago) noong 1728 at Observations Upon the Prophecies of Daniel and the Apocalypse of St. John Mga obserbasyon sa mga propesiya ni Daniel at sa Aklat ng Apokalipsis ni San Juan noong 1733 ay inilimbag pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ginugol din ng labis ni Newton ang kanyang panahon sa alkemiya.
Si Newton ay kasapi rin ng parlamento ng Inglatera mula 1689 hangang 1690 gayundin nang taong 1701 ngunit ayon sa ilang mga salaysay, ang kanyang mga tanging komento sa parlamento ay magreklamo sa malamig na hangin sa kamara at humiling na ang bintana ay isara.
Si Newton ay lumipat sa London upang kunin ang tungkuling warden ng Royal Mint noong 1696 na isang posisyong kanyang nakuha sa pamamagitan ng pagtangkilik ni Charles Montagu na ika-1 Earl ng Halifax na nang mga panahong ito ay Chancellor ng Exchequer. Kanyang hinawakan ang dakilang muling paggawa ng mga salaping barya ng Inglatera na nakainsulto kay Lord Lucas, Gobernador ng Tore (at nakuha rin niya ang trabahong deputadong comptroller ng temporaryong sangay na Chester para kay Edmond Halley). Si Newton ay marahil nakilalang pinakamahusay na Puno ng Mint(gawaan ng salapi) pagkatapos mamatay ni Thomas Neale noong 1699 na isang posisyong hinwakan ni Newton hanggang sa kanyang kamatayan. Ang mga paghirang na ito ay itinalagang sinecure(trabahong hindi nangangailangan ng paggawa) ngunit ito ay sineryoso ni Newton at nagretiro mula sa kanyang mga tungkulin sa Cambrige. Kanyang sinanay ang kapangyarihang ito upang baguhin ang salapi at parusahan ang mga pumuputol at gumagawa ng pekeng salapi. Bilang Puno ng Mint noong 1717 sa "Batas ni Reyna Anne", nilipat ni Newton ang depaktong Pound Sterling mula sa pamantayang pilak sa pamantayang ginto sa pamamagitan ng pagtatakda ng ugnayang bimetaliko sa pagitan ng mga baryang ginto at penny na pilak na pabor sa ginto. Ito ay nagdulot sa baryang pilak na sterling na tunawin at ilabas sa Britanya. Si Newton ay ginawang Pangulo ng Royal Society noong 1703 at kasama sa French Académie des Sciences. Sa kanyang posisyon sa Royal Society, si Newton ay naging kaaway ni John Flamsteed, ang Astronomong Royal dahil sa kanyang maagang paglilimbag sa akda ni Flamsteed na Historia Coelestis Britannica na ginamit ni Newton sa kanyang mga pag-aaral.
Noong Abril 1705, ginawang kabalyero ni Reyna Anne si Newton nang ito ay bumisita sa Trinity College sa Cambrige. Ang pagkakabalyero ay malamang naudyukan ng pagsasaalang-alang pampolitika kaugnay ng eleksiyong parlamentaryo noong 1705 kesa sa pagkilala sa anumang siyentipikong akda o paglilingkod ni Newton bilang Puno ng Mint. Si Newton ang ikalawang siyentipikong ginawaran ng pagkakabalyero pagkatapos ni Sir Francis Bacon.
Sa huli ng kanyang buhay, si Newton ay nanirahan sa Cranbury Park malapit sa Winchester kasama ang kanyang pamangking babae at asawa nito hanggang sa kanyang kamatayan noong 1727. Si Newton ay namatay sa kanyang pagtulog sa London noong 31 Marso 1727 at inilibing sa Westminster Abbey. Ang kanyang kalahating pamangking si Catherine Barton Conduitt ang nagsilbing hostess ni Newton sa kanyang mga pakikisalamuha sa kanyang bahay sa Kalye Jermyn sa London. Si Newton ang "pinaka mapagmahal na tiyuhin" ayon sa liham ng kanyang pamangkin nang ito ay nagpapagaling mula sa bulutong. Si Newton ay namatay na isang binata at bagaman walang kalooban(will), ang kanyang ari-arian ay hinati sa kanyang mga kalahating pamangkin na mga anak ng tatlong anak ng ikalawang asawa ng kanyang ina.
Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang katawan ni Newton ay natuklasang naglalaman ng malaking halaga ng mercury na malamang ay nagmula sa kanyang mga pagpupursigi sa alkemiya. Ang pagkalason sa mercury ay maaaring makapagpaliwanag ng eksentrisidad ni Newton sa huling yugto ng kanyang buhay.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Noong buong buhay si Newton, dalawang kalendaryo ang ginagamit sa Europa: ang Huliyano o 'Lumang Istilo' sa bansang Britanya at bahagi ng hilagang Europa (Protestante) at silangang Europa, at ang Gregoryano o 'Bagong Istilo', na ginagamit ng Romano Katoliko Europa at sa iba pa. Nang pinanganak si Newton, nauuna ng sampung araw ang Gregoryanong petsa sa Huliyanong petsa: kung gayon, ipinanganak si Newton sa Araw ng Pasko, 25 Disyembre 1642 sa kalendaryong Huliyano, ngunit ipinanganak noong 4 Enero 1643 sa kalendaryong Gregoryano. Nang siya ay mamatay, tumaas sa 11 araw ang pagkakaiba ng dalawang kalendaryo.
- ↑ Dictionary of Scientific Biography, Newton, Isaac, n.4
- ↑ Gjersten, Derek (1986). The Newton Handbook. London: Routledge & Kegan Paul.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Cambridge". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-09. Nakuha noong 2008-11-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)