Tagagamit:Chitetskoy/Artikulo/Intramuros

Intramuros
BansaPilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon
LungsodMaynila
Barangays5
Lawak
 • Kabuuan0.67 km2 (0.26 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2007[1])
 • Kabuuan5,015
 • Kapal7,500/km2 (19,000/milya kuwadrado)

Ang Intramuros (Latin: "nagsasanggalang na pader" o "sa loob ng pader") ay ang pinakamatandang distrito at sentro ng kasaysayan sa lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Tinatawag ding "napapaderang lungsod", ito ang orihinal na lungsod ng Maynila at luklukan ng pamahalaan noong ang Pilipinas ay nasasakop pa ng Kastila. Ang tawag sa mga distrito sa labas ng pader ay extramuros, na nangangahulugang "sa labas ng pader".[2][3]

Sinimulan ng pamahalaang kolonyal ng Kastila ang pagtatayo ng pader pangdepensa noong huling mga bahagi ng ika-16 siglo upang protektahan ang lungsod mula sa mga mananakop sa ibayo. Ang 0.67 km2 na nakapader na lungsod ay orihinal na matatagpuan sa baybayin ng Look ng Maynila, timog ng pasukan ng Ilog Pasig. Ang Fort Santiago ang nakatalagang tagabantay ng lungsod, kung saan ang kuta nito ay matatagpuan sa bunganga nig ilog. Dahil sa reklamasyon ng lupa na ginawa noong unang mga bahagi ng ika-20 siglo naatras ang mga pader at kuta nito mula sa baybayin.

Lubusang nawasak ang Intramuros dahil sa pagbobomba sa labanan upang mabawi ang lungsod mula sa puwersang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinimulan ang pagtatayong muli ng mga pader noong 1951 kung kailan idineklara ang Intramuros bilang Pambansang Makasaysayang Bantayog, kung saan isinasagawa pa rin ito hanggang sa kasalukuyan ng Administrasyong Intramuros (Intramuros Administration, IA).

Sa ulat na Saving Our Vanishing Heritage (Sagipin Ang Ating Naglalahong Mga Pamana) nilabas ng Global Heritage Fund noong 2010, nakatala ang Intramuros sa isa sa mga 12 mga pook sa buong daigdig na nanganganib mawasak at mawala,[4] kung saan nabanggit ang hindi maayos na pamamalakad at paggigipit sa pag-unlad.[5]

Kasaysayan

baguhin
Pintuang-daan ng Santa Lucia (1873)
Pintuang-daan ng Puerta de Santa Lucia ng Intramuros sa harapan ng kumbento ng mga Agustino, Pilipinas, 1899.

Bago pa dumating ang mga Kastila, naging mahalagang lokasyon para sa mga Tagalog at Kapampangan ang bahagi ng Maynila sa baybayin ng look at sa bunganga ng Ilog Pasig, dahil dito sila nakikipagkalakalan sa mga mangangalakal mula sa Tsina, Indiya, Borneo at Indonesia.

Bago pa man dumating ang mga Europeo sa isla ng Luzon, ang isla ay bahagi na ng Imperyong Majapahit bandang ika-14 siglo, ayon sa isang epikong tulang Nagarakretagama kung saan isinalaysay ang pagsakop nito ni Maharaja Hayam Wuruk.[6] Sinakop ang lugar na ito noong 1485 ni Sultan Bolkiah at naging bahagi ito ng Sultanato ng Brunei.[7] Ang magiging lugar ng Intramuros ay naging bahagi ng Kahariang Islamiko ng Maynila na pinamumunuan ng iba't ibang mga datu, raha at mga Sultan.

Panahon ng mga Kastila

baguhin

Pagsakop ng mga Kastila sa Maynila

baguhin

Noong 1564, lumayag ang mga Kastila sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi mula Nueva España (kasalukuyang Mexico) at nakararting sa isla ng Cebu noong 13 Pebrero 1565, kung saan itinatag niya ang unang kolonyang Kastila sa Pilipinas. Noong nabalitaan niya ang diumanong masaganang yaman ng Maynila mula sa mga Katutubo, nagpadala agad siya ng dalawa sa kaniyang mga pinunong tenyente, sina Martin de Goiti at Juan Salcedo upang tuklasin ang isla ng Luzon.

Dumating ang mga Kastila sa isla ng Luzon noong 1570. Matapos ang kanilang alitan at hindi pagkakaunawaan sa mga katutubong Muslim ay nagkaroon ng labanan para sa pagkontrol sa lupa. Matapos ang ilang buwang pakikipaglaban, nagapi ang mga katutubo, at nakipagkasundo ang mga Kastila sa mga sanggunian ng tribo ni Raha Sulayman, Raha Lakandula at Raha Matanda kung saan ibinigay ang Maynila sa mga Kastila.

Idineklara ni Legazpi ang lugar sa Maynila bilang bagong kabisera ng kolonyang Espanya noong 24 Hunyo 1571, dahil sa kaniyang mainam na lokasyon at masaganang yaman. Idineklara din niya ang soberanya ng Kaharian ng Espanya sa buong kapuluan. Nagalak si Haring Felipe II ng Espanya sa bagong pagsakop na ginawa ni Legazpi at ang kaniyang mga tauhan, at iginawad sa lungsod ang eskudo at dinedeklara ito bilang Ciudad Insigne y Siempre Leal (Dakila At Magpakailanmang Tapat Na Lungsod). Simula noon ang Intramuros ang nagsilbing sentro ng pulitika, militar at relihiyon ng Imperyong Kastila sa Asya.

Pagpapatayo ng Pader

baguhin
 
Ang balwarte ng San Diego na itinayo noong 1644.

Ang lungsod ay nahaharap sa panganib ng mga kalamidad na dala ng kalikasan at ng tao, at maging sa mga mananalakay sa labas. Noong 1574, lumusob ng isang iskwadra ng piratang Intsik na pinamumunuan ni Limahong ang lungsod, at nawasak nila ito bago pa sila tuluyang naitaboy ng mga Kastila. Itinayo muli ng mga nakaligtas ang kolonya.[8] Dahil sa pag-atakeng ito ay ginawa ang pagpapatayo ng pader. Sa panahon ni Gobernador-Heneral Santiago de Vera ang paggamit ng bato sa pagpapatayo ng lungsod.[9] Ang lungsod ay isinaplano at ipinatupad ng isang Heswitang pari, si Antonio Sedeno[8] at sinang-ayunan ni Haring Felipe sa pamamagitan ng kaniyang kautusan na iginawad sa San Lorenzo de El Escoria, Espanya. Dinala ng sumunod na Gobernador Heneral na si Gomez Peres Dasmariñas ang kautusan na nagsasabi na paligitan ang lungsod ng mga bato at magpatayo ng moog kung saan magsasalubong ang dagat at ang ilog. Ang proyekto ay pinamunuan ni Leonardo Iturriano, isang Kastilang inhenyerong militar na nag-eespesyalista sa tanggulan. Ang mga naging trabahador na gumawa ng pader ay ang mga Intsik at mga Pilipino. Pinatayong muli ang Fort Santiago, at isang moog na paikot, na kilala bilang Nuestra Señora de Guia, ay itinayo upang depensahin ang lupa at dagat sa timog-kanlurang bahagi ng lungsod. Pinondohan ang proyektong ito mula sa monopolyo ng baraha at sa mga multa mula sa labis na paglalaro nito. Binuwis ang mga produktong Intsik ng dalawang taon. Sinimulan ang pagpapatayo ng pader noong 1590 at nagpatuloy pa ito sa ilalim ng mga sumunod na Gobernador-Heneral hanggang 1872. Sa kalagitnaan ng 1592, sinulatan ni Dasmariñas ang Hari upang iulat ang mainam na pagpapatayo ng bagong pader at tanggulan.[10] Ang pader ay itinayo ng wala man lang na napagkasunduang iisang plano dahil sa paglalaktaw-laktaw na paggawa nito na ang ilan sa mga ito ay napakatagal ang pagitan sa isa't isa.[9]

Maraming mga pagpapainam ang ginawa sa mga humaliling mga Gobernador-Heneral. Ang isang proyekto sa kuta na sinimulan ni Gobernador-Heneral Juan de Silva noong 1689 ay pinainam ni Juan Niño de Tabora noong 1626, at pinainam pa ni Diego Fajardo Chacon noong 1644. Noong taong din iyon natapos ang pagpapatayo ng Baluarte de San Diego. Ang balwarteng ito na naghuhugis na "alas ng pala" ay ang pinakatimog na bahagi ng pader at ang kauna-unahan sa mga balwarte na idinagdag sa pumapalibot na pader, na noon ay hindi pa lubusang natatapos.[11] Nasa lugar ito ng dating Nuestra Señora de Guia, ang kauna-unahang batong kuta ng Maynila.[12] Idinagdag din ang mga rabelin at mga reducto upang patatagin ang mga mahinang bahagi at upang magsilbi ding panlabas na depensa. Naghukay din ng kanal (moat) sa paligid ng Intramuros, kung saan ang Ilog Pasig ay nagsisilbing likas na pananggala sa hilagang bahagi. Bandang ika-18 siglo, lubos na napapaligiran na ang lungsod. Ang huling pagpapatayo ay natapos sa pagsisimula ng ika-19 siglo.[10]

Sa loob ng kolonyal na Intramuros

baguhin
 
Ang mapa ng Intramuros noong 1851
 
Pintuang-daan ng Sta Lucia, Intramuros, ika-19-20 siglo

Ang pangunahing plaza ng lungsod ng Maynila ay Plaza Mayor (na kinalauna'y naging Plaza McKinley at Plaza de Roma) sa harap ng Katedral ng Maynila. Sa silangan ng plazay ay ang Ayuntamiento (pamahalaang panglungsod) at nakaharap dito ang Palacio de Gobernador, ang opisyal na tirahan ng Kastilang Viceroy sa Pilipinas. Noong 3 Hunyo 1863 yumanig ang isang lindol na ikinawasak ng tatlong mga gusaling ito at sa malaking bahagi ng lungsod. Inilipat ang tirahan ng Gobernador-Heneral sa Palasyo ng Malakanyang na matatagpuan 3km pagbagtas ng Ilog Pasig. Itinayo ang dalawang naunang mga gusali ngunit hindi ang Palacio de Gobernador.

Mayroong ibang mga simbahang Romano Katoliko sa loob ng pader. Ang pinakamatanda sa mga ito ay ang Simbahan ng San Agustin (Agustino) na itinayo noong 1607. Ang iba pang mga simbahan ay itinayo ng iba't ibang mga orden, tulad ng Simbahan ng San Nicolas de Tolentino ng mga Recoletos, Simbahan ng San Francisco ng mga Franciscano, Simbahan ng Ikatlong Kagalang-galangang Orden ng Ikatlong Orden ni San Francisco, Simbahan ng Santo Domingo ng mga Dominikano, Simbahang Lourdes ng mga Capuchin at ang Simbahan ng San Ignacio ng mga Heswita. Dahil dito binansagan ding Lungsod ng mga Simbahan ang Intramuros.

Sa Intramuros din ang naging sentro ng edukasyon sa bansa.[2] Tulad ng mga simbahan, iba't ibang mga kumbento at mga paaralan ng simbahan ang itinayo ng iba't ibang mga orden. Itinatag ng mga Dominikano ang Pamantasan ng Santo Tomas noong 1611 at ang Colegio de San Juan de Letran noong 1620. Itinatag ng mga Heswita ang Pamantasan ng San Ignacio noong 1590, na naging kauna-unahang pamantasan sa bansa, ngunit napasara noong 1768 sa kasagsagan ng pag-uusig at pagpapalayas ng mga Heswita sa bansa. Matapos na payagan ang mga Heswita na makabalik sa bansa, itinatag nila ang Ateneo Municipal de Manila noong 1859.[13]

Pisikal na anyo ng pader

baguhin
 
Ang pandepensang pader ng Intramuros

Ilang mga balwarte, rabelin at reducto ang maingat na inilagay sa iba't ibang bahagi ng malaking pader na isinunod sa medyebal na pagkukuta. Ang pitong mga balwarte (paorasan, mula Fort Santiago) ay ang Balwarte ng Tenerias, Aduana, San Gabriel, San Lorenzo, San Andres, San Diego at Plano.[14] Dahil ang bawat balwarte ay itinayo sa iba't ibang kapanahunan, iba't iba ang naging anyo ng mga ito. Ang pinakamatanda sa mga ito ay ang Balwarte ng San Diego.

Sa Fort Santiago, may mga balwarte sa bawat sulok ng patatsulok na kuta. Ang Balwarte ng Santa Barbara ay nakaharap sa look at sa Ilog Pasig, ang Balwarte ng San Miguel ay nakaharap sa look, at ang Medio Balwarte de San Francisco naman ay nakaharap sa Ilog Pasig.[15]

Mga Pintuang-daan ng Intramuros

baguhin
 
Pintuang-daan ng Isabel II

Bago ang panahon ng mga Amerikano, ang mga lagusan ng lungsod ay sa mga walong pintuang-daan, na tinatawag ding Puerta. Ang mga ito ay (pa-orasan, mula Fort Santiago) Puerta Almacenes, Puerta de la Aduana, Puerta de Santo Domingo, Puerta Isabel II, Puerta de Parian, Puerta de Real, Puerta Sta. Lucia at Puerta del Postigo.[16] Noong una, itinataas at ibinababa ng mga bantay ang puente lebadiso (drawbridge) mula 11:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga. Nagpatuloy ito hanggang 1852, kung saan dahil sa naganap na lindol noong taong iyon, ipinag-utos na mananatiling bukas ang mga pintuang-daan araw at gabi.[14]

Panahon ng mga Amerikano

baguhin

Matapos ang Digmaang Kastila-Amerikano, isinuko ang Pilipinas at iba pang mga teritoryo nito sa Amerika bilang pagtupad sa Kasunduan sa Paris sa halagang $20 milyon. Itinaas ang bandila ng Amerika sa Fort Santiago noong 13 Agosto 1898, na siyang hudyat ng pagsisimula ng pamumuno ng Amerika sa lungsod. Ang Ayuntamiento ay naging luklukan ng Komisyong Pilipino ng Estados Unidos noong 1901 at naging punong-tanggapan ng Dibisyon ng Pilipinas ng Hukbong Amerikano ang Fort Santiago.

Maraming mga binago ang mga Amerikano sa lungsod, gaya noong 1903 kung saan giniba ang pader mula Puerta Santo Domingo hanggang Puerta Almacenes at ang pantalan sa timog na bahagi ng Ilog Pasig ay pinainam. Ang mga tinanggal na bato ay ginamit sa paggawa sa iba pang bahagi ng lungsod. Binutas din ang pader sa apat na bahagi nito upang madaling makapasok sa lungsod: ang timog-kanlurang bahagi ng Calle Aduana (ngayo'y Abenida Andres Soriano Jr), ang silangang dulo ng Calle Anda, ang hilagang-silangang dulo ng Calle Victoria (na dati'y Calle de la Escuela), at ang timog-silangang dulo ng Calle Palacio (ngayo'y Kalye Heneral Luna). Ang dalawang sapa na nakapaligid sa Intramuros ay binansagang marumi at tinabunan ito ng putik na galing sa Look ng Maynila kung saan matatagpuan ang kaslaukuyang Daungan ng Maynila. Ang mga dating nakapaligid na sapa ay ginawang golf course ng lungsod.

Ang mga reklamasyong ginawa sa paggawa ng Daungan ng Maynila, Manila Hotel at ng Liwasang Rizal ay tumakip sa mga pader at tanawin ng lungsod mula sa Look ng Maynila.[17] Itinatag ng mga Amerikano ang kauna-unahang paaralan sa ilalim ng bagong pamunuan, ang Manila High School (Mataas na Paaralan ng Maynila) noong 11 Hunyo 1906 sa Kalye Victoria.[18]

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

baguhin
Guho ng lungsod noong Labanan sa Maynila noong 1945

Noong Disyembre 1941, sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas. Ang unang mga pagwasak na naganap sa Intramuros sanhi ng digmaan ay ang pagwasak sa Simbahan ng Sto. Domingo at ang orihinal na Pamantasan ng Santo Tomas sa naganap na labana. Dahil hindi kayang mapagtanggol ang Maynila, idineklara ni Heneral Douglas MacArthur ang buong Lungsod ng Maynila bilang "Open City" (bukas na lungsod.

Noong 1945, sinimulan ang pagpapalaya ng Maynila nang tinangka ng mga puwersang Amerikano na makuhang muli ang Maynila noong Enero 1945. Nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng Amerikano at Pilipino sa ilalim ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos at ng Hukbo ng Komonwelt ng Pilipinas kasama ang mga gerilya, laban sa 30,000 na tagapagtanggol na mga Hapon. Habang rumagasa ang labanan ay nagtamo ng matindi at malawakang pagkawasak ang lungsod na binunsod pa ng Masaker sa Manila ng mga Hapon. Napaurong ang Hukbong Imperyo ng Hapon na siyang nagkuta sa Intramuros. Bagaman tutol si MacArthur na bombahin ang nakapader na lungsod, ay sinang-ayunan pa rin niya ang pagbobomba nito na nagdulot ng pagkasawi ng 16,665 na mga Hapon sa Intramuros.[19] Dalawa sa walong pintuang-daan ng Intramuros ang nagtamo ng matinding pinsala galing sa mga tangkeng Amerikano. Sa naganap na pagbobomba, nawasak ang halos buong lungsod maging ang halos kalahati ng nakapalibot na pader.[20][21] Sa labanang ito mahigit 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang nasawi.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos buong Intramuros ang nawasak, ang tangi lamang natirang nakatayo ay ang Simbahan ng San Agustin, bagama't nagtamo din ito ng kaunting pinsala. [21][22][23]

Rehabilitasyon at ang Administrasyong Intramuros

baguhin

Noong 1951, idineklara bilang Pambansang Bantayog ang Intramuros maging ang Fort Santiago sa ilalim ng Batas Republika Blg 597, na siya ding nagtatakda ng patakaran ng pagbabalik, pagpapatayong-muli at pagsasaplanong urban ng Intramuros. Ilang mga katulad na batas din ang itinakda ngunit dahil sa kakulangan sa pondo ay hindi naging maganda ang kinalabasan.[24] Noong 1979, sa ilalim ng Kautusan ng Pangulo Blg 1616, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, ay itinatag ang Administrasyong Intramuros.[25]

Sa ngayon sinisikap ng Administrasyong Intramuros (Intramuros Administration, IA) ang pagbabalik ng mga pader, maging ang ilang mga detalye ng kuta, at ang pinapalibutan nitong lungsod. Ang mga natitirang limang pintuang-bayan o puerta ay ibinalik: ang Puerta Isabel II, Puerta Parian, Puerta Real, Puerta Santa Lucia at ang Puerta Postigo. Ang apat na mga bahagi ng pader na binutas ng mga Amerikano ay dinadangkalan ngayon ng tulayan na siyang nagsisilbi ding dugtungan, na siya ding nagbibigay ng kaurian sa orihinal na pader.

Kasalukuyang Intramuros

baguhin
 
Guho ng Intendencia, Intramuros, Maynira

Sa kasalukuyan ang Intramuros na lamang ang nagsisilbing distrito sa Maynila kung saan makikita pa rin ang maraming impluwensyang iniwan ng mga Kastila. Isa na ngayong pasyalan ang Intramuros na siya ding mabuting pinapangalagaan, at isa rin itong bantog na atraksyon ng mga turista. Sa tabi ng Fort Santiago ay ang Pader ng Maestranza na itinayong ulit, noong panahon ng mga Amerikano ito ay giniba upang palawakin ang mga pantalan na siyang nagbubukas sa lungsod sa Ilog Pasig. Ang isa sa mga plano ng Intramuros sa hinaharap ay ang pagkumpleto sa pagbuo ng pader upang lubusan na itong pumalibot sa lungsod sa pamamagitan ng tulayan sa ibabaw ng mga pader.[26]

May bahagya ding komersyalismong nagaganap sa loob ng distrito sa kabila ng pagsisikap restorasyon. Ilang mga modernong kainan na kung tawagi'y fastfood ay nagtayo ng mga tindahan pagdating ng ika-21 siglo upang pagsilbihan ang mga estudyanteng namamasukan sa Intramuros.

Mga paaralan

baguhin

| align = right | direction = vertical | image1 = Letran Admin.jpg | caption1 = Colegio de San Juan de Letran | image2 = FvfIntramuros2980 29.JPG | caption2 = Pamantasan ng Lungsod ng Maynila }} Nananatili pa ring tahanan ang Intramuros ang sa mga pinakamatandang paaralan sa Pilipinas, ang Colegio de San Juan de Letran na tinatag noong 1620, kung saan ito ay itinayo sa parehong lugar matapos ang pagkawasak noong digmaan. Ang Colegio de Santa Rosa at ang Mataas na Paaralan ng Maynila ay itinayo ding muli sa kanilang orihinal na lugar. Ang Pamantasan ng Santo Tomas (UST) ay lumipat sa mas malawak pa nitong kampus sa Sampaloc noong 1927 dahil sa dumaraming nitong mga mag-aaral; tanging ang mga kursong Batas Sibil at Medisina ang naiwan sa Intramuros. Pagkatapos ng digmaan, hindi na bumalik ang pamantasan sa Imtramuros. Lumipat naman ang Ateneo sa Ermita matapos mawasak ng sunog ang orihinal nitong gusali noong 1932. Matapos mawasak ng digmaan ang kampus nito sa Ermita (na kasalukuyang kinatitirikan ng Robinsons Ermita) ay lumipat ito sa kasalukuyan nitong kampus sa Loyola Heights noong 1976.[13] Ang Colegio de Santa Isabel naman ay lumipat din sa bago nitong kampus sa Ermita sa labas ng Intramuros matapos ang digmaan.

May mga bago ding mga paaralang hindi pinapatakbo ng simbahan ang itinayo sa Intramuros. Ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na itinatag ng pamahalan ng Maynila nong 1965 ay itinayo sa lumang Cuartel España. Ang Pamantasang Liseo ng Pilipinas na pampribadong pamantasan na itinatag noong 1952 ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Jose P. Laurel ay itinayo sa lote ng Ospital ng San Juan de Dios na siyang lumipat sa Bulebar Roxas. Ang Suriang Mapua ng Teknolohiya na itinatag noong 1925 sa Quiapo ay lumipat sa Intramuros matapos ang digmaan. Ang bagong kampus nito ay nilipat sa lote ng nawasak na Simbahan ng San Francisco sa panulukan ng Kalye Solana at San Francisco. Ang tatlong mga paaralang ito at ang Colegio de San Juan de Letran ay nagtatag ng samahang akademiko kung tawagin ay Intramuros Consortium (Kasunduang Intramuros) upang pangasiwaan ang mga pinagkukunan ng mga paaralan.

Mga simbahan

baguhin

Sa mga orihinal na pitong simbahan na nasa loob ng pader, dalawa lamang sa mga ito ang nananatili: ang Simbahan ng San Agustin, ang pinakamatandang gusaling nakatayo sa Maynila na itinayo noong 1607, at ang Katedral ng Maynila, na luklukan ng Arkdiyosesis ng Romano Katoliko ng Maynila, na siyang pinatayong muli noong dekada 1950. Ang mga natitirang mga simbahan ay itinayo ng kanilang mga sariling orden sa labas ng Intramuros matapos ang pagkaguho ng mga ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Itinayo ng mga Dominikano ang Simbahan ng Santo Domingo sa Abenida Quezon sa Lungsod Quezon noong 1952. Idineklara na itong Pambansang Dambana.[27] Inilipat naman ng mga Agustinong Rekoleto ang isa pa sa kanilang simbahan, ang Simbahan ng San Sebastian, 2.5km hilagang-silangan ng nakapader na lungsod. Nilipat ng mga Capuchin ang Simbahang Lourdes noong 1951 sa panulukan ng Kalye Kanlaon at Retiro (ngayo'y Abenida Amoranto) sa Lungsod Quezon. Idineklara itong Pambansang Dambana noong 1997.[28] Kasalukuyang tinatayo muli ang Simbahang San Ignacio kung saan hinahango ang orihinal nitong harapan habang nakapanatili dito ang tanggapan at isang museo ng simbahan. Ang katabi nitong Tahanan ng Misyong Heswita ay itinatayo ding muli bilang bahagi ng pagpapatayong muli ng Simbahan ng San Ignacio.

Mga bantayog tumagal ng siglo

baguhin

Bagaman nawasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at iba pang mga kalamidad ang karamihan sa mga lumang gusali sa bansa, marami ding mga bantayog na itinayo noong panahon ng mga Kastila ang nakapanatili sa pagdaan ng panahon. Ang mga sumusunod ay makikita pa rin sa Intramuros sa kasalukuyan.

  • Bantayog ng Anda
  • Bantayog ng Legaspi - Urdaneta
  • Bantayog ni Reyna Isabel II
  • Replika ng Bantayog ni Benavides (ang orihinal na bantayog nito ay nilipat sa kasalukuyang kampus ng Pamantasan ng Santo Tomas)
  • Bantayog ni Carlos IV[29]
 
Katedral ng Maynila at Plaza Roma Intramuros-Mayo 30, 2007
 
Haring Carlos IV sa Plaza Roma

Politikal na pagkakahati

baguhin

Ang lungsod ng Maynila ang namumuno sa Intramuros sa ilalim ng Ikalimang Distritong Lehislatibo nito. Nahahati pa ito sa limang baranggay na kinabibilangan ng mga Baranggay 654 hanggang 658.

Barangays of Intramuros
Pangalan Populasyon (2010)[30]
Barangay 654 &0000000000000841.000000841
Barangay 655 &0000000000001789.0000001,789
Barangay 656 &0000000000000242.000000242
Barangay 657 &0000000000000281.000000281
Barangay 658 &0000000000001772.0000001,772


Galerya

baguhin



Tignan din

baguhin

Talababa

baguhin
  1. "Final Results - 2007 Census of Population". Philippine Census Bureau. Nakuha noong 2010-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Journal of American Folklore, Volumes 17-18. United States: American Folklore Society. 1904. p. 283. ISBN 1248746058. Nakuha noong 2012-08-12.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. O'Connell, Daniel (1908). Manila, the Pearl of the Orient. Manila Merchants' Association. p. 20. ISBN 0217014798. Nakuha noong 2012-08-12.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Global Heritage in the Peril: Sites on the Verge". Global Heritage Fund. Nakuha noong Agosto 25, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Angeles, Rose Beatrix C. (Hulyo 9, 2008). "Intramuros, Manila". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Agosto 25, 2012. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |newspaper= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Gerini, G.E. (1905). "The Nagarakretagama List of Countries on the Indo-Chinese Mainland (Circâ 1380 A.D.)". The Journal of the Royal Asiatic Society of Great Britain and Ireland. Royal Asiatic Society of Great Britain and Ireland (July 1905): 485–511. JSTOR 25210168. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Pusat Sejarah Brunei" (sa wikang Malay). Government of Brunei Darussalam. Nakuha noong Marso 4, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Torres, Jose Victor. Ciudad Murada, A Walk Through Historic Intramuros. Vibal Publishing House. p. 5. ISBN 971-07-2276-X.
  9. 9.0 9.1 U.S. War Department 1903, p. 435.
  10. 10.0 10.1 Torres, Jose Victor. Ciudad Murada, A Walk Through Historic Intramuros. Vibal Publishing House. p. 6. ISBN 971-07-2276-X.
  11. U.S. War Department 1903, p. 436.
  12. "Baluarte de San Diego". Intramuros, the Walled City. Retrieved on 2011-11-13.
  13. 13.0 13.1 "History". Ateneo de Manila University. Retrieved on 2012-10-11.
  14. 14.0 14.1 U.S. War Department 1903, p.443.
  15. "Intramuros Walkthrough". Intramuros, the Walled City. Retrieved on 2011-10-01.
  16. "IA Trivia - Eight main gates of Intramuros". Intramuros, the Walled City. Retrieved on 2011-09-14.
  17. City of Manila. "Annual Report of the City of Manila, 1905", p.71. Manila Bureau of Printing.
  18. "Manila High School". The Historical Marker Database. Retrieved on 2012-10-11.
  19. Ramsey, Russell Wilcox (1993). "On Law & Country", pg. 41. Braden Publishing Company, Boston.
  20. Esperanza Bunag Gatbonton. "A SHORT HISTORY AND GUIDE TO INTRAMUROS" (PDF). Philippine Academic Consortium for Latin American Studies. Nakuha noong 2013-12-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 "The Sack of Manila". The Battling Bastards of Bataan (battlingbastardsbataan.com). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-07. Nakuha noong 2010-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Bernad, Miguel A. "Genocide in Manila". California, USA: Philippine American Literary House (palhbooks.com). PALH Book. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-07. Nakuha noong 2010-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Quezon III, Manuel L. (2007-02-07). "The Warsaw of Asia: How Manila was Flattened in WWII". Jeddah, Saudi Arabia: Arab News Online (archive.arabnews.com). Opinion. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-07. Nakuha noong 2010-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "History of Intramuros". Intramuros, the Walled City. Retrieved on 2011-09-14.
  25. "Presidential Decree no. 1616". The LawPhil Project. Retrieved on 2012-04-04.
  26. philstarcom (2010-06-18). "Maestranza Wall Restoration". YouTube.com. Retrieved on 2011-09-18.
  27. admin (2006-07-29). "Santo Domingo Church (Quezon City)". Heritage Conservation Society. Retrieved on 2013-03-07.
  28. Joann (2012-12-05). "National Shrine of Our Lady of Lourdes". Joann's Corner. Retrieved on 2013-03-06.
  29. Torres, Jose Victor. Ciudad Murada. Vibal Publishing House, Inc. p. 64. ISBN 971-07-2276-X.
  30. "Total Population by Province, City, Municipality and Barangay: as of May 1, 2010" (PDF). National Statistics Office. Nakuha noong Agosto 24, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)