Teogoniya
Ang teogoniya (Ingles: theogony[1]; Griyego: Θεογονία, theogonía, "ang kapanganakan ng mga diyos") ay isang tula ni Hesiod(ika-8 hanggang ika-7 siglo BCE) na naglalarawan ng mga pinagmulan at heneolohiya ng politeismong Griyego na nilikha noong ca. 700 BCE. Ito ay isinulat sa Epikong diyalekto ng Griyegong Homeriko.
Paglikha ng mundo
baguhinSa Theogony, ang simulang estado ng uniberso o pinagmulan nito ang Kaguluhan na isang nakangangang kawalan(kalaliman) na itinuturing na isang kondisyong primordial na makadiyos kung saan ang lahat ng umiiral ay lumitaw. Pagkatapos ay dumating ang Gaia, Tartarus at Eros. Si Hesiod ay gumawa ng abstraksiyondahil ang orihinal na kaguluah ay isang bagay na buong indepinido. Salungat dito, sa kosmogoniyang Orphiko, ang hindi tumatandang Chronos ay lumika ng Aether at Kaguluhan at gumawa ng isang mapilak na itlog sa makadiyos na Aether. Mula dito ay lumitaw ang biseksuwal na diyos na si Phanes na tinukoy ng mga Orphiko bilang Eros na naging manlilikha ng mundo. Ang mga katulad na ideya ay lumitaw sa kosmolohiyang Hindu na katulad ng sa Vediko.
Unang henerasyon
baguhinPagkatapos ideklara ng nagsasalita na kanyang natanggap ang mga pagpapala ng mga Musa at nagpasalamat sa kanila sa pagbibigay ng inspirasyon, kanyang ipinaliwanag na ang Kaguluhan ay kusang loob na lumitaw. Pagkatapos ay dumating ang Gaia (Mundo) na mas may kaayusan at ligtas na pundasyon na nagsisilbing tahanan ng mga diyos at mga mortal at pagkatapos ay ang Tartarus at Eros. Si Eros ay nagsisilbi ng mahalagang papel sa reproduksiyong seksuwal na bago nito ang mga anak ay dapat likhain ng aseksuwal. Mula sa Kaguluhan ay dumatin si Erebus at Nyx. Sina Erebus at Nyx ay nagsiping upang gumawa n Aether(na panlabas na atmospero kung saan humihinga ang mag diyos) at Hemera (Araw). Mula kay Gaia ay dumating si Uranus(kalangitan), Ourea(Mga kabundukan) at Pontus(Dagat). Si Uranus ay nakipagtalik kina Gaia upang lumikha ng 12 Titano: Oceanus, Coeus, Crius, Hyperion, Iapetos, Theia, Rhea, Themis, Mnemosyne, Phoebe, Tethys at Cronus; tatlong mga Cyclop: Brontes, Steropes at Arges; at tatlong mga Hecatonchires: Kottos, Briareos, at Gyges.
Ikalawang henerasyon
baguhinSi Uranus ay nasuklam sa kanyang mga anak na Hecatonchires kaya itinago sila sa isang lugar sa Gaia. Si Gaia ay nagalit dito at hiniling sa kanyang mga anak na mga Titano na parusahan ang kanilang ama. Si Cronus lamang ang handang gumawa nito. Kinapon ni Cronus ang kanyang ama gamit ang isang karet mula kay Gaia. Ang dugo mula kay Uranus ay tumalsik sa mundo na lumikha sa mga Erinyes (ang Furies), mga Higante at Meliai. Inihagis ni Cronus ang naputol na testikulo sa Dagat (Thalassa) na sa palibot ay nabuo ang bula at nabago sa diyos ng pag-ibig na si Aphrodite(kaya sa ilang mga mito, si Aphrodite ang anak na babae nina Uranus at Thalassa). Samantala, si Nyx bagaman kanyang pinaksalan si Erebos ay lumikha ng mga anak sa pamamagitan ng partenohenesis: Sina Moros, Oneiroi, Ker at mga Keres, Eris , Momos, Philotes , Geras, Thanatos, Moirai, Nemesis, Hesperides, Hypnos, Oizys, at Apate. Mula kay Eris ay nagmula sina Ponos, Hysmine, Neikea, Phonoi, Lethe, Makhai, Pseudologos, Amphilogia, Limos, Androktasia, Ate, Dysnomia, Algea, Horkos, at Logoi. Pagkatapos ng pagkapon kay Uranus, pinakasalan ni Gaia si Pontus at sila ay nagkaraoon ng linyang inapo na binubuo ng mga diyos-dagat, mga [[nymph] at mga hybrid na halimaw. Ang isang anak nina Gaia at Pontus ay si Nereus na nagpakasal kay Dorus na anak na babae ni Oceanus at Tethys at may mga Nereid na mga 50 nymph ng dagat na ang isa ay si Thetis. Ang isa pang anak nina Gaia at Pontus si Thaumas na nagpakasal kay Electra na kapatid na babae ni Doris at may Iris at dalawang mga Harpy. Ang dalawang magkapatid na sina Phorcys at Ceto ay nagpakasal sa bawat isa at nagkaroon ng Graiae, mga Gorgon, Echidna at Ophion. Si Medusa na isa sa mga Goron ay may dalawang anak kay Poseidon: ang may pakpak na kabayong si Pegasus at higanteng si Chrysaor sa sandali ng kanyang pagkapugot ng ulo ni Perseus. Pinakasalan ni Chrysaor si Callirhoe na isa pang anak na babae ni Oceanus at may tatlong-ulong Geryon. Pinakasalan rin ni Gaia si Tartarus at nagkaraoon ng Typhon na pinakasalan ni Echidna at nagkaroon ng Orthos, Kerberos, Hydra at Chimera. Mula kay Orthos at kay Chimera o Echidna ay ipinanganak ang Sphinx at ang Nemeanong Leon. Sa pamilya ng mga Titano, sina Oceanus at Tethys ay nagpakasal at nagkaroon ng tatlong libong mga ilog(kabilang ang Ilog Nilo at Skamandar at tatlong libong mga Okeanidong Nymph(kabilang sina Electra, Calypso at Styx. Sina Theia at Hyperion ay nagpakasal ay nagkaroon ng Helios, Selene, Eos. Sina Kreios at Eurybia ay nagpakasal na nanganak kina Astraios, Pallas, at Perses. Sina Eos at Astraios ay kalaunang nagpakasal at nagkaroon ng Zephyros, Boreas, Notos, Eosphoros, Hesperos, Phosphoros at mga bituin(na ang nauuna ay sina Phaenon, Phaethon, Pyroeis, Stilbon at ng sa Zodiac). Mula kina Pallas at Styx ay nagmula sina Zelus, Nike, Cratos at Bia. Sina Koios at Phoibe ay nagpakasal at nanganak kina Leto, Asteria na kalaunang nagpakasal kay Perses at nagkaroon ng Hekate). Si Iapetos ay nagpakasal kay Klymene at nagkaroon ng Atlas, Menoetius, Prometheus, at Epimetheus.
Ikatlong henerasyon
baguhinSi pagkontrol ni Cronus ng Cosmos ay nagnais na masigurong kanyang mapanatili ang kapangyarihan. Hinulaan nina Uranus at Gaia sa kanya na ang isa sa kanyang mga anak ay magpapabagsak sa kanya kaya nang kanyang pakasalan si Rhea ay sinigurong kanyang lalamunin ang bawat anak na kanyang ipinanganak: Hestia, Demeter, Hera, Hades, Poseidon, at Zeus. Gayunpaman, hiniling ni Rhea kina Gaia at Uranus na tulungan siya sa pagliligtas kay Zeus sa pamamagtian ng pagpapadala kay Rhea sa Creta upang manganak kay Zeus at pagbibigay kay Cronus ng isang malaking bato na lalamunin na kanyang iisiping ito ay isa sa mga anak ni Rhea. Kinuha ni Gaia si Zeus at itinago siya nang malalalim sa isang kweba sa ilalim ng mga kabundukang Aegean. Sa pandaraya ni Gaia, iniluwa ni Cronus ang iba pang limang mga anak ni Rhea. Sa pagsali kay Zeus, nakidigma sila sa isang malaking digmaan sa mga Titano para sa pagkontrol ng Cosmos. Ang digmaan ay tumagal ng mga 10 taon na ang mga Diyos na Olimpiyano, mga Cyclop, Prometheus, Epimetheus at mga anak ni Klymene sa isang panig at mga Titano at mga Higante sa kabilang panig. Kalaunan ay pinalaya ni Zeus ang mga isang may isang daang kamay upang yanigin ang mundo na pumayag sa kanilang matamo ang itaas na kamay at ihagis ang galit ng kanyang mga kulog sa mga Titano na naghahagis sa kanila sa Tartarus. Kalaunan ay dinigma ni Zeus si Typhon na anak nina Gaia at Tartarus na nilikha dahil si Gaia ay nagalit na ang mga Titano ay natalo, at muli ay nagwagi siya. Dahil tinulungan ni Prometheus si Zeus, hindi siya pinadala sa Tartarus gaya ng ibang mga Titano. Gayunpaman, hinangad ni Prometheus na dayain si Zeus. Sa pagpatay sa isang baka, kanyang kinuha ang mahalagang taba at karne nito at tinahi ito sa loob ng tiyan ng baka. Pagkatapos ay kinuha ni Prometheus ang mga buto at itinago ang mga ito sa isang manipis na patong ng taba. Hiningi ni Prometheus ang opinyon ni Zeus na sa aling handog na kanyang natagpuang kananais na umaasang madaya siya sa pagpili ng hindi kanais kanis na bahagi. Gayunpaman, natanto ni Zeus ang pandarya at tumugon sa isang pagkagalit. Inihayag ni Zeus na ang punong apo ay hindi na kailanman hahawak ng apoy. Bilang tugon, palihim na pumasok si Prometheus sa mga kamara ng mga diyos at ninakaw ang isang nagliliwanag na ember na may piraso ng reed. Dahil sa pagnanakaw, pinarusahan ni Zeus si Prometheus sa pamamagitan ng paggapos sa kanya sa isang talampas kung saan ang agila ay kakain sa kanyang palaging muling nalilihang atay araw araw. Si Prometheus ay hindi napalaya hanggang dumating si Heracles na anak ni Zeus at nagpalaya sa kanya. Dahil ang tao ay may paglapit sa apoy, naisip ni Zeus ang babae bilang pangkalahatang kaparusahan sa kalakalan. Itinayo nina Hephaistos at Athena ang babae at siya ay itinuring na maganda ng lahat ng mga tao at mga diyos. Pangkalahatang inaayunan sa mga saling akademiko na ang babaeng ito ay si Pandora. Isinulat ni Hesiod na sa kabila ng kanyang kagandahan, ang babae ay isang kasiraan ng sangkatauhan na nagtuturo sa mga babae ng katamaran at isang pagsasayang sa mga mapagkukunan. Isinaad ni Zeus na ang sumpa ni Zeus na pagkababae ang tanging makapagdadala sa mga tao ng pagdurusa sa pamamagitan ng pakikipag-asawa sa babae o pag-iwas na magpakasal. Si Zeus ay nagpakasal sa mga pitong asawa. Ang una ang Oceanid na si Metis na kanyang nilamon upang maiwasan ang panganganak sa isang anak na lalake na magpapabagsak sa kanya at sisipsip ng kanyang karunungan upang payuhan siya sa hinaharap. Kalaunan ay nanganak siya kay Athena mula sa kanyang ulo na sapat na nagpagalit kay Hera upang lumikha ng anak na lalake sa pamamagitan ng partenohenesis. Ang anak ay si Typhaon na isang bahaging ahas at isang bahaging dragon na halimaw ng dagat o sa ibang mga bersiyon ay si Hephaistos na diyos ng apoy at mga panday. Ang ikalawang asawa ni Zeus ay si Themis na nanganak ng tatlong Horae: Eunomia, Dikē, Eirene; at tatlong mga Moirai: Clotho, Lachesis, Atropos at Tyche. Pagkatapos ay pinakasalan ni Zeus ang kanyang ikatlong asawang si Eurynome na nanganak sa tatlong mga Charites:Aglaia, Euphrosyne, at Thalia. Ang ikaapat na asawa ni Zeus ang kanyang kapatid na si Demeter na nanganak kay Persephone. Ang ikalimang asawa ni Zeus ang isa pang tiyahing si Mnemosyne na pinagmulan ng mga siyam na Musa: Clio, Euterpe, Thaleia, Melpomene, Terpsikhore, Erato, Polymnia, Urania, at Calliope. Ang ikaanim na asawa ni Zeus ay si Leto na nanganak kina Apollo at Artemis. Ang ikapito at huling asawa ni Zeus ay si Hera na nanganak kina Hebe, Ares, Enyo, Hephaistos, at Eileithyia. Bagaman hindi nagpapakasal si Zeus, siya ay nagkaroon pa rin ng mga relasyong seksuwal sa mga ibang maraming babae gaya ni Semele na ina ni Dionysus, Danae na ina ni Perseus, Leda na ina nina Castor at Polydeuces at Helen, at Alkmene na ina ni Heracles na nagpakasal kay Hebe. Si Poseidon ay nagpakasal kay Amphitrite at nanganak kay Triton. Gayunpaman, si Aphrodite na nagpakasal kay Hephaistos ay may relasyon kay Ares at nagkaroon ng Eros,Phobos , Deimos , at Harmonia, na kalaunang nagpakasal kay Cadmus upang maging ama ni Ino(na kasama ng kanyang anak na si Melicertes ay magiging isang diyos ng dagat), Semele(ina ni Dionysus), Autonoë (Ina ni Actaeon), Polydorus, at Agave (Ina ni Pentheus). Sina Helios at Perseis ay nanganak kay Circe. Si Circe kay Poseidon ay nanganak naman kay Phaunos na diyos ng kagubatayan at Dionysus ay naging ina ni Comos na diyos ng kapistahan at pagsasaya. Sa pakikipagsiping kay Odysseus, si Circe ay nanganak kina Agrius, Latinus, at Telegonos. Ang anak na babae ni Atlas na si Calypso ay nanganak rin sa dalawang mga anak na lalake ni Odysseus na sina Nausithoos at Nausinous.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Brown, Norman O. Introduction to Hesiod: Theogony (New York: Liberal Arts Press) 1953.