Unang milenyo BC

(Idinirekta mula sa Unang milenyo BK)

Ang unang milenyo BC ay isang panahon sa pagitan ng 1000 BC hanggang 1 BC (ika-10 hanggang unang dantaon BC; sa astronomiya: JD 1356182.51721425.5).[1] Sumasaklaw ito sa Panahon ng Bakal sa Lumang Mundo at nakita ang paglipat mula Sinaunang Malapit na Silangan tungo sa klasikong antigidad.

Milenyo: ika-2 milenyo BC - ika-1 milenyo BC - ika-1 milenyo AD

Halos dumoble ang populasyon ng mundo sa paglipas ng milenyo, mula mga 100 milyon hanggang sa mga 200–250 milyon.[2]

Pangkalahatang ideya

baguhin

Nangibabaw ang Imperyong Neo-Asiryo sa Malapit na Silangan sa maagang mga siglo ng milenyo, na humalili ang Imperyong Akemenida noong ika-6 na dantaon BC. Nanghina ang Sinaunang Ehipto at bumagsak ang Akeminida noong 525 BC.

Sa Gresya, nagsimula ang Klasikong Antigidad sa kolonisasyon ng Magna Graecia at naabot ang rurok noong pananakop ng Akeminda at ang sumunod na pagyabong ng kabihasnang Hellenistiko (ika-4 hanggang ika-2 dantaon BC).

Humalili ang Republikang Romano sa mga Estrusko at pagkatapos ang mga Kartigines (ika-5 hanggang ika-3 dantaon). Nakita ang pagbangon ng Imperyong Romano noong pagsasara ng milenyo. Nangibabaw ang mga naunang Selta sa Gitnang Europa habang nasa pre-Romanong Panahon ng Bakal ang Hilagang Europa. Sa Silangang Aprika, bumangon ang Imperyong Nubyo at Aksum.

Sa Timog Asya, humalo ang kabihasnang Vediko sa Imperyong Maurya. Nangibabaw ang mga Eskito sa Gintang Asya. Sa Tsina nakita ng Tagsibol at Taglagas na panahon ang pagbangon ng Confucianismo. Sa pagtatapos ng milenyo, pinalawak ng Dinastiyang Han ang kapangyarihang Tsino tungo sa Gitnang Asya, kung saan nasa hangganan nito ang Indo-Griyego at Iraniyanong mga estado. Nasa panahong Yayoi ang Hapon. Bumangong ang kabihasnang Maya sa Mesoamerika.

Mapaghubog na panahon ang unang milenyo BC para sa mga klasikong relihiyon ng mundo, sa pagbuo ng sinaunang Judaismo at Zoroastrianismo sa Malapit na Silangan, at relihiyong Vediko at Vedanta, Jainismo at Budismo sa Indya. Umunlad ang maagang panitikan sa Griyego, Latin, Hebreo, Sanskrit, Tamil at Tsino. Ang katawagang Aksyal na Panahon, na nilikha ni Karl Jaspers, ay nilaan upang ipahayag ang kahalagahan ng panahon noong mga ika-8 hanggang ika-2 dantaon sa kasaysayan ng mundo.

Mga pangyayari

baguhin

Mga mahahalagang tao

baguhin

Mga imbensiyon, katuklasan, introduksiyon

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Julian Day Number from Date Calculator (casio.com) Naka-arkibo 2020-10-26 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  2. Klein Goldewijk, K. , A. Beusen, M. de Vos and G. van Drecht (2011). The HYDE 3.1 spatially explicit database of human induced land use change over the past 12,000 years, Global Ecology and Biogeography20(1): 73-86. doi:10.1111/j.1466-8238.2010.00587.x (pbl.nl Naka-arkibo 2021-04-23 sa Wayback Machine.). Goldewijk et al. (2011) estimate 188 million as of AD 1, citing a literature range of 170 million (low) to 300 million (high). Out of the estimated 188M, 116M are estimated for Asia (East, South/Southeast and Central Asia, excluding Western Asia), 44M for Europe and the Near East, 15M for Africa (including Egypt and Roman North Africa), 12M for Mesoamerica and South America. North America and Oceania were at or below one million.[1][patay na link][2][patay na link]. Jean-Noël Biraben, "Essai sur l'évolution du nombre des hommes", Population 34-1 (1979), 13-25 (p. 22) estimats c. 100 million at 1200 BC and c. 250 million at AD 1.[3] (sa Ingles)