Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hulyo 1
- Pinlandiya naging kauna-unahang bansa sa mundo na isinama ang pagkakaroon ng mabilis na internet sa mga karapatang pantao. (Radio Australia) (MSNBC) (CNN) (Los Angeles Times)
- Hindi bababa sa 35 katao ang patay at mahigit 175 pa ang nasugatan sa tatlong pambobomba sa dambanan ng Data Darbar Sufi sa Lahore. (The News International) (Aljazeera) (BBC)
- 11 Kurdish, isang sundalo at talong miyembro ng milisiyang Kurdish, bahagi ng pwersa ng seguridad, ang namatay sa labanan sa timog-silangang Turkiy. (Khaleej Times)
- Ahmed M. Mahamoud Silanyo nahalal na pangulo ng Somaliland sa pagkatalo nang kasalukuyang nakaupo na si Dahir Riyale Kahin. (Aljazeera)
- Libo-libong katao sa Senegal nagluksa sa pagkamatay ng Grand Marabout ng Mourides na si Serigne Mouhamadou Lamine Bara Mbacké. (BBC) (AP) (ABC News)
- Anak ng isa sa mga nagtatag ng miyembro ng Hamas kinupkop sa Estados Unidos. (Aljazeera)
- Dalawang sundalo patay sa pananambang ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bagong Hukbong Bayan sa bayan ng Sampaloc lalawigan ng Quezon. (PhilStar) (Inquirer) (ABS-CBN News) (GMA News)
- Magigit 300 kilo ng droga sinunog sa Tibet. (tibet.cn)
- Dalawang taga-Hilagang Korea ikinulong sa South Korea dahil sa planong pagpatay sa isang mataas na opisyal na nagtaksil sa Hilagang Korea na si Hwang Jang-yop. (Yonhap) (BBC)
- Pangulong Sharif Ahmed ng Somalya nakilahok sa mga sundalo ng bansa na nasa unang hanay sa mga pakikipaglaban sa pagdiriwang ng ikalimampung taon ng kalayaan ng Somalya. (CNN) (BBC)
- Sudan pinakawalan na ang pinuno ng Islamikong oposisyon na si Hassan al-Turabi matapos ang isa't kalahating buwang pagkakakulong nito sa hindi malamang dahilan. (Sudan Tribune) (Al Jazeera) (Press TV)
- Katimugang Mehiko niyanig ng 6.2 kalakhang lindol malapit sa bayan ng Pinotepa Nacional, nayanig ang mga gusali hanggang sa Lungsod ng Mehiko subalit walang naiulat na nasugatan o namatay. (National Post)
- Pangulong Lee Myung-bak bumisita sa Mehiko para sa muling pagsasabuhay ng kasunduan sa malayang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. (AFP via Google) (Korea Herald) (Arirang) (Yonhap News)
- Dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngayo'y kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga, isinulong ang pagsusog sa Saligang-batas ng Pilipinas. (Hindustan Times) (Strait Times) (Reuters Africa) (Manila Bulletin)