Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 25
- Hukom Pang-Saligang Batas ng Rumanya sinabi sa isang desisyon na labag sa Saligang-batas ang mga plano sa salaping-gugulin ng pamahalaan; desisyong hindi pwede ihabol. Dose-dosenang mga taong naghahangad ng pulong kay Pangulong Traian Basescu sa kanyang palasyo pinagpapapalo ng mga pulis. (France24) (BBC) (Deutsche Welle) (Reuters)
- Batikan nagpahayag ng lubos na "pagtataka" at "pagkagalit" sa paglabag sa libingan nina Kardinal Jozef-Ernest Van Roey at Leon-Joseph Suenens ng pulis ng Belhika sa pagbubutas sa puntod sa Katedral ng Mechelen sa kasagsagan ng imbestigasyon sa sekswal na pang-aabuso sa mga bata. (Aljazeera) (BBC) (The Sydney Mroning Herald)
- Pangulo ng Rusya Dmitry Medvedev at Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian David Cameron nagpulong at nagkasundo na isulong ang bagong ugnayan na nabahiran ng hindi magkasundo ang dalawang panig sa pagbibigay ng tao na gusto ng kabilang panig. (The Sydney Morning Herald)
- Limang katao ang patay at isa ang malubhang nasugatan sa pag-atake sa isang pagtitipon para sa kasal sa nayon ng Ghrab sa lalawigan ng Tébessa sa Algeria. (Hindustan Times) (IOL) (Reuters Africa)
- Istatwa ni Joseph Stalin tahimik na tinaggal magdamag mula sa sentrong parke ng kanyang kinalakihang bayan na Gori sa Heyorhiya. (Xinhua) (BBC) (The Guardian)
- Mga pwersa ng seguridad sa Yemen nakipaglaban sa mga pinaghihinalaang mga kasapi ng Al-Qaeda sa Aden sa kasagsagan ng imbestigasyon sa pambobomba sa isang bakuran ng pamahalaan noong nakaraang linggo. (Al Jazeera)
- Labing-isang katao patay sa sunog sa isang klab sa Surabaya sa lalawigan ng Silangang Haba sa Indonesya. (ABC News) (Sydney Morning Herald) (Strait Times) (Thainidan News) (The Jakarta Globe)
- Isang kawal ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ang patay at dalawa pa ang sugatan sa pananambang ng mga miyembro ng Bagong Hukbong Bayan sa lalawigan ng Batangas sa Pilipinas. (Philippines Star) (ABS-CBN News) (GMA News)
- Mga pampolitikang guhit-larawan na bumabatikos sa pamahalaan ng Malaysia ipinagbawal. (AP via Google) (Times Live) (Channel 4 News) (3 News)
- Suwiso umamin sa pagpipinta ng grapiti sa isang kotse sa subway sa Singapore. (Herald Sun) (Channel News Asia) (AP via Google) (Business Week)
- Gaza Strip tatlong beses sinalakay ng mga pandigmang eroplano ng Israel, isang katao nasugatan sa pag-atake sa Rafah. (AFP via Google) (Press TV)
- Limang estudyante ng Maharlikang Dalubhasaan ng Militar sa Sungai Besi, Kuala Lumpur arestado kaugnay ng pagkamatay ng isa pang estudyante roon. (Bernama) (Earth Times) (The Star)
- Mga istatwa ng apat na pinuno ng Tsina na sina Mao Zedong, Deng Xiaoping, Jiang Zemin, at Hu Jintao, pinasinayaan sa Sichuan. (Global Times)
- Paggunita sa ika-animnapung anibersaryo ng Digmaang Koreano ginanap sa Timog Korea. (BBC) (The Guardian)