Wikipedia:WikiProyekto Mga artista mula sa Timog Korea

Maligayang pagdating sa WikiProyekto Mga artista mula sa Timog Korea, isang WikiProyekto na ginawa upang lumikha at magapalawig ng mga artikulo na may kaugnayan sa mga artista mula sa bansang Timog Korea.

Tinampok na artikulo

baguhin
 

Si Boa Kwon (Hangul: 권보아, Hanja: 權寶兒, Kwon Boa), na mas kilala rin sa palayaw na BoA, na retroakronimo ng Beat of Angel, ay isang Koreanang mang-aawit at mananayaw na aktibo sa Timog Korea, Hapon, at Estados Unidos. Ipinanganak siya at lumaki sa Gyeonggi-do na Romano Katoliko, natuklasan si BoA ng mga ahenteng pangtalento na SM Entertainment noong sinamahan niya ang nakatatanda niyang kapatid na lalake sa isang talent search. Makalipas ang kanyang dalawang taon ng pagsasanay, inilabas niya ang kanyang kauna-unahang Koreanong album, ID; Peace B, sa ilalim ng SM Entertainment. Makalipas ang dalawang taon, inilabas naman niya ang kanyang kauna-unahang Hapones na album, Listen to My Heart, sa ilalim ng Avex. Noong 8 Oktubre 2008, sa ilalim ng SM Entertainment USA, isang sangay ng SM Entertainment, inilabas naman ni BoA sa Estados Unidos ang kanyang sinsilyong "Eat You Up" at inilabas ang kanyang kauna-unahang Ingles na album, BoA noong 17 Marso 2009.

Tala ng mga artikulong palalawigin

baguhin

Tala ng mga naburang artikulo tungkol sa mga artista mula sa Timog Korea

baguhin

Ito ang tala ng mga artikulo tungkol sa mga artista sa Timog Korea na nabura dahil sa kakulangan sa impormasyon at nasa iisang pangungusap lamang sa matagal na panahon. Maari lamang itong isulat muli kung makakapagbigay ng sapat na impormasyon na kapakipakinabang sa babasa. At dapat mayroon din itong mga di bababa sa tatlong maasahang sanggunian. Kapag nakagawa na ng artikulong may sapat na impormasyon, maari ng tanggalin sa talang ito. Maari din tanggalin sa talang ito ang mga pangalan ng di naman talagang artista.

Mga maaring gawin

baguhin