Cabuyao

lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Laguna
(Idinirekta mula sa Bayan ng Cabuyao)

Ang Lungsod ng Cabuyao (Ingles: City of Cabuyao) ay isang unang klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 355,330 sa may 100,875 na kabahayan.

Lungsod ng Cabuyao

ᜃᜊ̱ᜌᜂ

Lungsod ng Kabuyaw'
City of Cabuyao
Opisyal na sagisag ng Lungsod ng Cabuyao
Sagisag
Palayaw: 
Ang Tahanan ng Makasaysayang Kampanang Ginto[1][2]
dating Pinakamayamang Bayan sa bansang Pilipinas[3]
Bansag: 
Isang Kabuyaw, Isang Pananaw, Bagong Cabuyao
(One Cabuyao, One Vision, New Cabuyao)
Awit: Cabuyao Hymn (Imno ng Kabuyaw)
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Cabuyao
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Cabuyao
Lungsod ng Cabuyao is located in Pilipinas
Lungsod ng Cabuyao
Lungsod ng Cabuyao
Kinaroroonan sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°16′30″N 121°07′30″E / 14.275°N 121.125°E / 14.275; 121.125
Bansa Philippines Pilipinas
RehiyonCALABARZON (Rehiyon IV-A)
LalawiganLaguna
DistritoIkalawang Distrito ng Laguna
Pagkatatag16 Enero 1571
Ganap na Lungsod4 Agosto 2012
Mga Barangay
Pamahalaan
 • UriPamahalaang Panlungsod, na pinamumunuan ng Punong Lungsod suportado ng kaniyang sampung (10) Kagawad o mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod
 • Punong LungsodDennis Felipe "DenHa" C. Hain (Aksyon)
 • Ikalawang Punong LungsodLeif Laiglon A. Opina (Lakas)
 • Miyembro ng Sangguniang Panlungsod
Lawak
 • Kabuuan43.30 km2 (16.72 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2010)
 • Kabuuan248,436
DemonymCabuyeños (Lalaki)
Cabuyeñas (Babae)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
ZIP code
4025
Dialing code049
Kaurian ng KitaUnang Uri
Mga wikaTagalog at Ingles
WebsaytOpisyal na Websayt ng Lungsod ng Cabuyao

Sa kasalukuyan, ang Cabuyao ang mayroong pinakamabilis na pag-unlad sa Laguna, katunayan nito ay ang malaking bilang ng mga migranteng naghahanap-buhay sa mga industriya dito.

Ang Nestlé Philippines at Asia Brewery, Inc. ay parehong matatagpuan sa Lungsod ng Cabuyao.

Pisikal na Katangian

baguhin

Lokasyon

baguhin

Ang Lungsod ng Cabuyao ay matatagpuan mahigit apatnapu't tatlong (43) kilometro ang layo mula sa timog-silangan ng Kalakhang Maynila at sa kanlurang bahagi ng Lalawigan ng Laguna. Ito ay napapalibutan ng Laguna de Bay o ang Lawa ng Laguna sa hilaga, Lungsod ng Calamba sa silangan, mga bahagi ng bayan ng Silang, Cavite at Lungsod ng Tagaytay sa timog at Lungsod ng Santa Rosa sa kanlurang bahagi. Ang lungsod ay may layong limampu't apat (54) na kilometro mula sa bayan ng Santa Cruz, ang kabisera ng Laguna at layong siyam (9) na kilometro mula sa poblasyon ng Calamba na siyang kabisera ng Rehiyong CALABARZON.

Heograpiya

baguhin

Ang nag-iisang lawa na matatagpuan sa Lungsod ng Cabuyao ay ang Lawa ng Laguna o kilala bilang Laguna de Bay. Ang mga barangay na nakatayo sa gilid nito ay ang Bigaa, Butong, Marinig, Gulod, Baclaran at Mamatid. Ang mga uri ng isda na mahuhuli sa lawa ay kanduli, biya, talapia, ayungin, hito, karpa, mamale, bangus, dalag, papalo, kakasuhet at dulong.[4]

Sa mga ilog, ang Cabuyao ay mayroong:[5]

  • Ilog ng Cabuyao - matatagpuan sa pagitan ng Lungsod ng Santa Rosa at Cabuyao.
  • Ilog ng Niyugan-Sala- ang ilog ay dumadaloy sa pagitan ng dalawang barangay ng Niugan at Sala.
  • Ilog Tiway-Tiway- ang ilog na ito ang pinakakilala sa buong lungsod. Ito ay dumadaloy patungong Laguna de Bay
  • Ilog ng San Cristobal - ang ilog na ito ay pumapagitan sa Lungsod ng Calamba at Cabuyao.

Ang mga palayan na matatagpuan sa Cabuyao ay nasa barangay ng Bigaa, Butong, Marinig, Gulod, Baclaran, Mamatid, San Isidro, Pulo, Banay-Banay, Niugan at Sala. Simula taong 2004[6], may kabuuang 940.56 ektarya ng lupaing palayan ayon sa datos ng Tanggapan ng Panlungsod na Agrikulturista.

Mga puno ng Narra ay nakatayo sa tabing daan ng Poblacion-Marinig at sa loob ng bakuran ng gusali ng Pamahalaang Panlungsod. Ang mga agrikultural na halaman ay palay, kalabasa, bawang, pakwan, pinya, kape at iba pang halamang namumunga.[7]

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Cabuyao
TaonPop.±% p.a.
1903 6,439—    
1918 8,536+1.90%
1939 11,660+1.50%
1948 15,206+2.99%
1960 20,618+2.57%
1970 32,117+4.53%
1975 36,505+2.60%
1980 46,286+4.86%
1990 66,975+3.76%
1995 77,302+2.72%
2000 106,630+7.14%
2007 205,376+9.46%
2010 248,436+7.17%
2015 308,745+4.23%
2020 355,330+2.80%
Sanggunian: PSA[8][9][10][11]


Ayon sa senso noong 2010,[12] ang Lungsod ng Cabuyao ay mayroong populasyon na mahigit 248,436 (mula 205,376 noong 2007[13] at 106,630 noong 2000), na naglagay sa lungsod sa ika-anim na pwesto sa mga bayan at lungsod ng Laguna na mayroong mataas na bilang ng populasyon at ika-lima sa anim na lungsod sa lalawigan kasunod ng Lungsod ng San Pablo.

Blg. Barangay Ranggo Populasyon (2007) Populasyon (2010) Densidad ng Populasyon (2010) Taunang Pagtaas (Pang-karaniwan)
1 Baclaran Ika-9 12,683 12,192 6,985/km2  -0.43%
2 Banay-Banay Ika-4 17,419 21,934 7.073/km2  2.88%
3 Banlic Ika-7 9,707 12,675 5,511/km2  3.4%
4 Bigaa Ika-10 8,649 10,051 4,807/km2  1.8%
5 Butong Ika-8 12,274 12,360 7,630/km2  0.07%
6 Casile Ika-16 1,555 2,128 669/km2  4.09%
7 Diezmo Ika-15 2,689 2,681 1,686/km2  -.1%
8 Gulod Ika-11 10,127 9,417 2,304/km2  -0.78%
9 Mamatid 1 37,166 50,213 19,313/km2  3.9%
10 Marinig Ika-2 25,619 37,169 9,494/km2  5.01%
11 Niugan Ika-3 21,993 26,807 7,615/km2  2.43%
12 Pittland Ika-18 1,627 1,740 598/km2  0.77%
13 Pulo Ika- 6 13,193 15,124 5,041/km2  1.63%
14 Sala Ika-12 7,491 8,275 5,353/km2  1.16%
15 San Isidro, Ika-5 15,495 18,145 5,767/km2  1.9%
16 Barangay I Poblacion Ika-14 2,589 2,839 12,334/km2  1.07%
17 Barangay II Poblacion Ika-17 1,947 1,840 7,886/km2  -0.61%
18 Barangay III Poblacion Ika-13 3,153 2,846 12,034/km2  -1.08%
-
Kabuuan Ika-6 205,376 248,436 5,700/km2  6.34%

Relihiyon

baguhin

Mga Barangay

baguhin

Ang Lungsod ng Cabuyao ay pampolitika na nahahati sa labingwalong (18) barangay.

  • Baclaran
  • Banaybanay
  • Banlic
  • Bigaa
  • Butong
  • Casile
  • Gulod
  • Mamatid
  • Marinig
  • Niugan
  • Pittland
  • Pulo
  • Sala
  • San Isidro
  • Diezmo
  • Barangay Uno (Pob.)
  • Barangay Dos (Pob.)
  • Barangay Tres (Pob.)

Kasaysayan

baguhin

Ang pangalang ginagamit noon ng Cabuyao ay Tabuko, ngunit ito ay nasalin ng mga Kastila bilang Kabuyaw (pinangalan mula sa punong matatagpuan dito).

Pagkatapos ng pag-kolonisa ng Maynila ni Miguel López de Legazpi noong 1570, inutusan niya si Kapitan Juan de Salcedo na sakupin ang lahat ng barangay na nakapalibot sa lawa ng Ba-i, na ngayon ay tinatawag na Lawa ng Bay. Tulad ng Ba-i, na mayaman sa kagubatan at may klimang nababagay sa mga pananim, ang Tabuko ay may malawak na kapatagan at inihayag ni Legazpi na ang Tabuko ay gawing encomienda o bayan sa ilalim ni Gaspar Ramirez.

Ang bayan ng Tabuko ay malapit sa gilid ng isang ilog at lawa ng Ba-i at ang mga bangka ang naging pangunahing transportasyon sa bayan. Maraming puno noon ng kabuyaw na tumutubo sa lugar. ang bunga ng kabuyaw ay ginagamit bilang syampu. Kaya nang itanong ng Kastilang mga pari kung ano ang pangalan ng lugar, ang mga katutubong kababaihan ay sinagot ito ng "kabuyaw", na akala ay ang tinatanong nito ay ang mga punong tumutubo as lugar. Simula noon, ang mga pari at mga opisyal na Kastila ay tinawag ang Tabuko bilang Kabuyao o Cabuyao.

Himno ng Cabuyao

baguhin

Cabuyao na aming sinisinta...
Sa amin ay dakila ka
Dahil sayo'y laging may pag-asa
Ang buhay ng bawat isa

Cabuyao na sa amin ay gabay
Pag-asa'y lagi mong taglay
Papuri ang sayo'y inaalay
Pagkat ikaw ang siyang buhay

Cabuyao na aming minamahal
Patuloy at laging isisigaw
Ikaw ang buhay, isip at dangal
Ikaw sa amin ang ilaw

Cabuyao na sadyang sakdal ganda
Ika'y huwaran ng bawat isa
Sa amin ay walang katulad ka
Bukod tangi't naiiba

O bayan ng Cabuyao
Sa amin ay ikaw
O bayan ng Cabuyao
Liwanag kang tanglaw

Cabuyao na aming minamahal
Patuloy at laging isisigaw
Ikaw ang buhay isip at dangal
Ikaw sa amin ang ilaw

Cabuyao na sadyang sakdal ganda
Ika'y huwaran ng bawat isa
Sa amin ay walang katulad ka
Bukod tangi't naiiba

Mga Kawing Panlabas

baguhin

Talababa

baguhin
  1. "Philippine Travel Destinations - Cabuyao". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2012-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "WOWLaguna - Batingaw Festival of Cabuyao, Laguna". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-04. Nakuha noong 2012-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "WOW Laguna - Why Cabuyao is the Richest Municipality in the Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-05. Nakuha noong 2012-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Cabuyao Official Website/Natural Heritage - Lakes". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-27. Nakuha noong 2012-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Cabuyao Official Website/Natural Heritage - Rivers". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-27. Nakuha noong 2012-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Cabuyao Official Website/Natural Heritage - Ricefields". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-27. Nakuha noong 2012-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Cabuyao Natural Heritage - Plants/Trees". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-27. Nakuha noong 2012-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  11. "Province of Laguna". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Total Population by Province, City, Municipality and Barangay: as of May 1, 2010" (PDF). 2010 Census of Population and Housing. Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 29 Oktubre 2013. Nakuha noong 18 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 2007 Census table for Laguna Naka-arkibo 2008-11-19 sa Wayback Machine. - National Statistics Office