Calamba, Laguna

lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Laguna
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Calamba)

Ang Lungsod ng Calamba o sa simpleng, Calamba ay isang unang klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ito ay nasa layong 54 kilometro sa timog ng Maynila, at isang oras ang layo kung sasakay ng bus. Ang Calamba ay sikat na lugar panturista dahil sa mga hot spring resort, na karamihan ay nasa barangay Pansol, at sa Canlubang Golf and Country Club. Isa rin ang Calamba sa mahalagang sentro ng industriya sa rehiyong CALABARZON dahil sa dami ng mga liwasang pang-industriya at pang-komersyo sa lungsod. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 539,671 sa may 151,604 na kabahayan.

Calamba, Laguna

ᜃᜎᜋ̟ᜊ
Ang lungsod ng Calamba noong Oktubre 2023
Ang lungsod ng Calamba noong Oktubre 2023
Mga palayaw: 
  • The Premier City of Growth, Leisure and National Pride
  • Hometown of Jose Rizal
  • Spring Resort Capital of the Philippines
BansaPilipinas
EstadoTimog Luzon
RehiyonCalabarzon
LalawiganLaguna
Distrito1
KabiseraReal (de jure)
Calamba Poblacion (de facto)
Biggest barangayCanlubang
Pamahalaan
 • (Hunyo 30, 2022)
Mayor
Bise mayor
Roseller H. Rizal
Angelito S. Lazaro Jr.
 • Representatibo sa KongresoCha Hernandez
 • Konsehal
  • Joselito Catindig
  • Saturnino Lajara
  • Leeane P. Aldabe
  • Dyan D. Espiridion
  • Johnny Lazaro
  • Pursino Oruga
  • Moises Morales
  • Doreen Cabrera
  • Gerard Teruel
  • Arvin Manguiat
  • Edison Natividad
  • Kathrina Silva
Populasyon
 (2000)
 • Kabuuan281,146
WikaBatangeño
Tagalog
Taglish

Tanyag ang lungsod ng Calamba lalo na sa kasaysayan pagkat dito isinilang ang pambansang bayani ng Pilipinas, si Dr. José Rizal.

Kasaysayan

baguhin

Ang pangalan ng lungsod na nagmula sa isang alamat noong mga unang panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. Dalawang "gwardya sibil" o sundalo ang naligaw at napadaan sa lugar na ngayon ay tinatawag na Calamba. Nakita ng mga sundalo ang isang binibini na dumating mula sa isang ilog na may dalang bangang lalagyan ng tubig at isang kalan na kahoy ang panggatong. Ang mga sundalo, sa walang anu-anong wikang Espanyol at mataas na tono, upang itago ang katotohanang sila ay naliligaw, ay nagtanong sa dalaga kung ano ang pangalan ng lugar na kanilang kinaroroonan. Ang babae, na nagsasalita lamang ng kanyang sariling wika, sa pag-aakalang siya ay tinatanong kung ano ang kanyang dala-dala ay sumagot ng "kalan-banga", na ang ibig sabihin ay "luwad na kalan" (kalan) at "banga ng tubig" (banga). Dahil hindi ito mabigkas ng tuwid ng dalawang Espanyol, tinawag na Calamba ang bayan mula noon. Ang alamat na ito ay nanatili sa pamamagitan ng konkretong tubig banga na nakatayo sa liwasang bayan ng may mga pangalan ng mga barangay sa lungsod ng nakasulat dito. Ito ay itinuturing na pinakamalaking "Claypot" sa mundo. Ang parehong dsenyo ng banga ay matatagpuan sa selyo ng pangalan ng lungsod.

Etimolohiya

baguhin
 
Ang lungsod ng Calamba noong ika Agosto 2018.

Ang liwasan ay iminungkahi ni Dr. Agapito Alzona, na noon ay konsehal ng bayan, upang magamit ang mga bakanteng lugar na kung saan ang lumang palengkeng bayan ay dating nakalagay. Ang resolusyon ay inaprubahan ng noo'y alkalde Romano Lazaro at idinagdag ang karagdagang ₱5, 000 para sa mga bakod sa orihinal na ₱15, 000 gastos sa pagpapagawa. Ito ay natapos noong taong 1939. Bago ito naging isang hiwalay na bayan,ang Calamba ay dating sakop ng Tabuco, ngayon ay kilala bilang Cabuyao. Ang Calamba ay naging isang malayang pueblo sa 28 Agosto 1742. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang lungsod ay naging saksi sa drama ng isang walang awang pagpatay sa panahon na kung saan ang Imperial Japanese Army ay pumatay ng hindi bababa sa 2,000 sibilyan na tinawag na "Calamba Massacre". Sa pagpasa ng Republic Act No 9,024 noong 7 Abril 2001 at ang pag-apruba ng mga residente sa isang plebisito noong Abril 21, ang Calamba ay naisulong mula sa isang munisipalidad sa ikalawang Distrito ng Laguna upang maging ganap na isang lungsod pagkatapos ng San Pablo. Isang ipinahayag lungsod noong petsang 7 Abril 2001, ang Calamba ay nakilala bilang isang pangunahing sentro ng pagsulong at ito ay lubhang mabuti nakaposisyon na tulad ng kanyang mataas na ang istratehikong lokasyon, na sa isang malaking krus na daan sa Rehiyon, na may mabuting pahiwatig para sa pagpapaunlad ng mga pasilidad sa rehiyon. Ang kasalukuyang at iminungkahing mga proyekto, gaya ng kinilala sa maraming plano ng pamahalaan at pribadong sektor, ay ang higit pang palakasin ang posisyon ng mga munisipalidad bilang mga pangunahing sentro ng pamamahala, pagawaan, pangangalakal at kabuhayan. Ang sub-urbanisasyon nito ay ay higit na pinatibay ng mga iminungkahing lugar ng mga pangunahing proyektong pangtirahan sa komunidad at mahusay na itinatag na mga institusyon sa pag-aaral. Noong 28 Oktubre 2003, sa bisa ng Executive Order 246, ang Calamba City ay hinirang bilang panrehiyong sentro ng Region IV-A (CALABARZON). Ang Calamba ay nakapagmamalaki ng hindi kukulangin sa limang pambansang bayani: Dr Jose Rizal, General Paciano Rizal, Teodora Alonzo, ang General Vicente Lim, at Lt. Geronimo Aclan.

Mga Barangay

baguhin

Ang lungsod ng Calamba ay pampolitika na nahahati sa 54 na mga barangay kasama rito ang Canlubang isa sa pinakamalaking barangay sa Calamba.

  • Bagong Kalsada
  • Bañadero
  • Banlic
  • Barandal
  • Batino
  • Bubuyan
  • Bucal
  • Bunggo
  • Burol
  • Camaligan
  • Canlubang
  • Halang
  • Hornalan
  • Kay-Anlog
  • Laguerta
  • La Mesa
  • Lawa
  • Lecheria
  • Lingga
  • Looc
  • Mabato
  • Majada-Labas
  • Makiling
  • Mapagong
  • Masili
  • Maunong
  • Mayapa
  • Milagrosa
  • Paciano Rizal
  • Palingon
  • Palo-Alto
  • Pansol
  • Parian
  • Barangay 1 (Pob.)
  • Barangay 2 (Pob.)
  • Barangay 3 (Pob.)
  • Barangay 4 (Pob.)
  • Barangay 5 (Pob.)
  • Barangay 6 (Pob.)
  • Barangay 7 (Pob.)
  • Prinza
  • Punta
  • Puting Lupa
  • Real
  • Saimsim
  • Sampiruhan
  • San Cristobal
  • San Jose
  • San Juan
  • Sirang Lupa
  • Sucol
  • Turbina
  • Ulango
  • Uwisan

Mga pasyalan sa Calamba

baguhin

Galeriya

baguhin

Mga kilalang sikat sa Calamba

baguhin
  • Ariel Gevańa Vanguardia, ay isang Coach sa PBA mula year 2003 hanggang sa kasalukuyan.
  • Delfina Herbosa de Natividad, ay ang pamangkin ni Dr. José Rizal
  • Dolores Ramirez, ay kilala sa kanyang kontribusyon ukol sa pag-aaral ng mga komposisyon
  • Jeric Gonzales, ay isang Aktor, at isa sa mga nanalo sa Protege.
  • José Rizal, ay tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas, at nasyonalista ng Repormat.
  • Lester Avan Andrada, ay isang pangpelikulang aktor
  • Leopoldo B. Uichanco, Ay ang ika-2 Pilipino Dean ng UP College of Agriculture, Ama ng Philippine Entomolohiya
  • Palito, ay isang Komedyanteng pilipinong aktor
  • Paciano Rizal, ay ang Militanteng Heneral at Rebolusyonaryo, siya ay panganay na kapatid ni Dr. José Rizal
  • Ronnie Alcano, ay isang propesyonal sa pool na manglalaro, galing sa Calamba.
  • Sam Mangubat, ay isang mang-aawit ng It's Showtime.
  • Thea Tolentino, ay isang Aktres galing sa Laguna, at isa sa mga nanalo sa Protege
  • Therese Malvar, ay isang Gawad-aktres sa Pilipinas
  • Vicente Lim, ay ang World War II Brigadier General

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Calamba
TaonPop.±% p.a.
1903 8,058—    
1918 18,062+5.53%
1939 32,363+2.82%
1948 36,586+1.37%
1960 57,715+3.87%
1970 82,714+3.66%
1975 97,432+3.34%
1980 121,175+4.46%
1990 173,453+3.65%
1995 218,951+4.46%
2000 281,146+5.51%
2007 360,281+3.48%
2010 389,377+2.87%
2015 454,486+2.99%
2020 539,671+3.44%
Sanggunian: PSA[1][2][3][4]


Mga sanggunian

baguhin
  1. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  4. "Province of Laguna". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing anlabas

baguhin