BoA
- Para pa sa ibang gamit, tignan ang Boa (paglilinaw).
Si Boa Kwon (Hangul: 권보아, Hanja: 權寶兒, Kwon Bo-ah), na mas kilala rin sa palayaw na BoA, na retroakronimo bilang Beat of Angel, ay isang Koreanang mang-aawit at mananayaw na aktibo sa Timog Korea, Hapon, at Estados Unidos. Ipinanganak siya at lumaki sa Gyeonggi-do bilang isang Romano Katoliko, natuklasan si BoA ng mga ahenteng pangtalento na SM Entertainment noong sinamahan niya ang nakatatanda niyang kapatid na lalake sa isang paghahanap ng talento. Makalipas ang kanyang dalawang taon ng pagsasanay, inilabas niya ang kanyang kauna-unahang Koreanong album, ang ID; Peace B, sa ilalim ng SM Entertainment. Makalipas ang dalawang taon, inilabas naman niya ang kanyang kauna-unahang Hapones na album, ang Listen to My Heart, sa ilalim ng Avex. Noong 8 Oktubre 2008, sa ilalim ng SM Entertainment USA, isang sangay ng SM Entertainment, inilabas naman ni BoA sa Estados Unidos ang kanyang sinsilyong "Eat You Up" at inilabas ang kanyang kauna-unahang Ingles na album, ang BoA noong 17 Marso 2009.
BoA | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Kwon Boa (권보아) |
Kilala rin bilang | BoA |
Kapanganakan | 5 Nobyembre 1986 |
Pinagmulan | Guri-si, Gyeonggi-do, Timog Korea |
Genre | J-pop, K-pop, Pop, R&B |
Trabaho | mang-aawit, mananayaw, modelo, aktres-pangtinig, kompositora, prodyuser (plaka) |
Taong aktibo | 2000–kasalukuyan |
Label | SM Entertainment Avex Trax SM Entertainment USA Universal Records |
Website | boa.smtown.com boaamerica.com |
BoA | |
Hangul | 권보아 |
---|---|
Hanja | 權寶兒 |
Binagong Romanisasyon | Gweon Boa |
McCune–Reischauer | Kwŏn Poa |
BoA | |
---|---|
Simplified: | 权宝儿 |
Traditional: | 權寶兒 |
Hanyu Pinyin: | Quán Bǎoér |
Cantonese Jyutping: | Kyun4 Bou2ji4 |
Dala ng impluwensiya ng mga mang-aawit ng hip hop at R&B tulad nila Nelly at Janet Jackson, madalas na ka-genre o kauri ito ng mga awit ni BoA. At dahil nararamdaman ng naturang mang-aawit na "walang talento sa pagsulat (ng mga awit)",[1] hinahawakan ng mga kasamahan niya ang mga sulat at komposisyon. At dahil sa kadahilanang iyon, nakatanggap siya ng mga kritisismo subalit sariling sulat naman ang ilan sa mga awit niya, nagsimula si BoA na lumikha ng komposisyon sa kanyang unang album na Hapones Listen to My Heart, na kung saan nakisulat siya at nagsagawa ng komposisyon sa awit na "Nothing's Gonna Change". Ang kanyang unang tagumpay ay nagsimula sa kanyang pagkadalaga, at naihambing siya kay Britney Spears.
Dahil sa kakayahan ni BoA na makapagsalita ng iba't ibang wika (bihasa siya sa wikang Hapones at pangtalamitang Ingles, kasama ng kanyang wikang Koreano, nagsaplaka siya ng ilang kanta sa wikang Tsino Mandarin[2]), nagtamo siya ng pambihirang tagumpay sa Timog Korea at Hapon, at ng pagkakilala sa Silangang Asya. Siya lamang ang tanging taga-Asya na hindi Hapones ang nakabenta ng halos dalawang milyong album sa Hapon at isa sa tanging dalawang mang-aawit na may sunod-sunod na numero unong album sa tsart ng Oricon noong nagsimula siya, kahanay na si Ayumi Hamasaki.
Karera
baguhin2000-2002: Debut - Ang pagsimula
baguhinNoong 11 taong gulang pa lang, sinamahan ni BoA ang kanyang nakatatandang kapatid na lalake sa awdisyon ng talent search ng SM Entertainment. Wari mang naka-reserba na ang kontrata para sa kanyang kapatid, nakita ng mga manman-talento si BoA at siya ang inalok ng kontrata. Sa una ay hindi pumayag ang mga magulang na umalis si BoA sa kanyang pag-aaral para lang sa karerang pang-musika, ngunit pumayag na rin matapos pilitin ng kanyang nakatatandang kapatid. Naisaad din niya na si Seo Taiji ang kanyang naunang impluwensiya sa kanya bilang mang-aawit.
Sumailalim si BoA ng dalawang taon sa pagsasanay (pang-awit, pang-sayaw, at pag-aaral ng ibang wika partikular ang wikang Hapones), at noong 13 taong gulang na siya ay inilabas na niya ang kanyang unang Koreanong album na ID; Peace B noong 25 Agosto 2000. Nagtamo naman ang kanyang album ng katamtamang tagumpay; nakapasok ang naturang album sa Top 10 tsart na Koreano, at nakabenta ng higit-kumulang na 156,000 piyesa. Samantala, nakipagkasundo ang SM Entertainment sa Avex Trax na ilunsad ang kanyang karerang pang-musika sa Hapon. At noong 2001, inilabas ni BoA ang kanyang unang mini-album na Don't Start Now na nakabenta ng halos 90,000 kopya[3]. Pagkatapos ng pagkakalabas ng naturang mini-album, pasamantalang niyang nilisan ang kanyang karera sa Korea upang simulan ang kanyang karera sa Hapon at ang pagkakataong sanayin ang sarili sa wikang Hapones.
Sinimulan ni BoA ang kanyang karerang pang-musikang Hapones sa club na pagmamay-ari ng Avex na Velfarre[4]. Noong 2001, inilabas niya ang kanyang unang sinsilyong Hapones na "ID; Peace B", na bersiyong Hapones ng kanyang awit na kanyang sa eponimong album. Umabot ang kanyang sinsilyo sa #20 ng tsart ng Oricon at sinundan pa ng "Amazing Kiss", "Kimochi wa Tsutawaru" at "Listen to My Heart", ang huli na naging kauna-unahangng sinsilyo ng naturang mang-aawit na nakapasok sa Oricon Top 5. Pagkatapos ng mga pag-atake noong 11 Setyembre 2001 ay isinaplaka ni BoA ang "The Meaning of Peace" kasama si Kumi Koda bilang bahagi ng Song Nation, isang proyekto ng Avex Trax upang makalikom ng pondong pangkawanggawa[5][6]. Ang kanyang unang Hapones na album, Listen to My Heart ay inilabas noong 13 Marso 2002. Naging pambihirang tagumpay ang naturang album ni BoA; naging sertipikadong milyon-benta ng RIAJ at nagsimula bilang top ng Oricon, na naging unang album ng isang Koreanang mang-aawit na nakaabot sa pinakamataas[7]. Ang sinsilyong "Every Heart: Minna no Kimochi" ay inilabas din sa parehong araw tulad nung album. Isang buwang nakalipas matapos ilabas ang Listen to My Heart, inilabas naman ni BoA ang kanyang pangalawang Koreanong album na No.1. Naibenta ng halos 544,000 kopya ang naturang album, at naging pang-apat na pinakamabentang album ng taon ang album sa Timog Korea[8]. Ang Jumping into the World, na muling-labas na Hapones na album ng Don't Start Now, at ang Hapones na sinsilyong "Don't Start Now" ay inilabas makalipas ng isang buwan na may parehong araw.
2003-2005: Pangkalakalang na Tagumpay at Pag-iba ng Anyo
baguhinInilabas ni BoA ang kanyang ika-pitong sinsilyo, "Valenti" noong Agosto 2002. Naging Top Five ito para sa isang mang-aawit, na umabot sa ikalawang puwesto sa Oricon[9]. Naglabas pa si BoA ng dalawang sinsilyo, "Kiseki / No.1" at "Jewel Song / Beside You: Boku o Yobu Koe", na parehong umangat sa ikatlong puwesto. At sa katapusan ng taon, inilabas ni BoA ang kanyang ikalawang Koreanong mini album na Miracle.
Ang ikalawang Hapones na album ni BoA na Valenti noong 2003 ay naging pinakamabentang album na nakabenta ng halos 1,249,000 kopya[10]. Sa pagpasuporta sa naturang album, inilunsad ni BoA ang BoA 1st Live Tour Valenti, ang kanyang kauna-unahang Hapones na konsiyertong pang-tour[11]. Makalipas ang ilang panahon ng taong iyon, inilabas naman niya ang kanyang ikatlong Koreanong album na Atlantis Princess, na naging ikalimang pinakamabentang album ng taon sa Timog Korea na nakabenta ng halos 345,000 kopya, at ang Koreanong mini album na Shine We Are!, na nakabenta ng halos 58,000 kopya at naging ika-limampu't dalawang pinakamabentang plaka[12]. Ang kanyang ikatlong Hapones na album, Love & Honesty noong 2004, ay naging tanda sa pag-iba ng estilo sa musika. Naglalaman ito ng rock-dance na awit na "Rock with You" at mas "astig" na R&B [13]. Wari man hindi natapatan ng naturang album ang Valenti sa benta, naging mataas ang puwesto nito sa Oricon ng dalawang linggo at pinatibayan ng RIAJ ang album bilang tripleng platino[14]. Bilang suporta sa album, nagpalahok si BoA ng tour, ang Live Concert Tour 2004: Love & Honesty. Sa kaibahan sa 1st Live Tour, na "binigyang-diin sa eksotikong disenyo Asyano", ang tour na Love & Honesty ay may temang "outer-space, sci-fi"; kabilang sa props ay isang mataas na sasakyang pangkalawakan at ang robot na si Asimo.[15] Ang tour, na nagsimula sa Saitama at natapos sa Yokohama, ay nakagawa ng siyam na pagtatanghal at nakahatak ng halos 105,000 manonood.[16] Ngunit ang kanyang unang kompilasyong album, Best of Soul noong 2005, ay nakabenta ng milyong kopya, na nagtaguri kay BoA bilang kauna-unahang Asyanang mang-aawit na hindi Hapones na nakabenta ng milyun-milyong album sa Hapon.
Isinaayos uli ni BoA ang kanyang imahe kasabay ng paglabas niya ng kanyang ika-apat na Koreanong album na My Name noong 2004. Iniwanan niya ang kanyang "cute" at "pambatang" estilo na nagtatak sa kanyang mga nakaraang taon, at iprinisinta ang sarili niya bilang "sexy" at "sultry".[17] Ang kanyang naturang album ay nagsimula ng hakbang sa Pamilihang Tsino at naglalaman ng dalawang awit na inawit sa Tsino Mandarin. Nagsimulang bumaba ang benta ng mga Koreanong album ni BoA: naibenta ang album ng halos 191,000 kopya at naging ika-labing isang pinakamabentang album sa Timog Korea ng taon.[18] Ang kanyang ikalimang Koreanong album, Girls on Top noong 2005, ay nagpatuloy sa pag-iba ng kanyang anyo. Isinadiwa ng naturang album ang mang-aawit na si BoA bilang higit na "mature" at "self-confident" at naging "deklarasyon ng digmaan sa panglalakeng tsowinisma" ; ang bohemiyong tanaw sa larawan ng pabalat ng album ay isinagisag ang "kalayaan at kalaliman", habang ang mga music video at mga potograpiya para sa album na nagsadiwa kay BoA sa tradisyonal na Koreanong damit ang nagdala sa "ideya ng pagkababaeng Koreana" sa kanyang tugtugin. Natuloy din ng album sa paghakbang ni BoA sa pamilihang Tsino, at gaya ng nakaraang album, ay naglaman ng awit na Tsino Mandarin.[19][20][21] Higit na kaunti lamang ang benta ng naturang album, kumpara sa nakaraang album; iyon ang ika-labing apat na pinakamabentang plaka ng taon sa Timog Korea na may bentang halos 113,000.[22]
2006-2008: Sumunod na Antas
baguhinNoong 2006, hindi na halos aktibo si BoA sa Timog Korea habang abalang-abala siya sa Hapon. Subalit noong 21 Setyembre 2006 ay inilabas niya ang kanyang unang sinsilyong dihital sa Timog Korea, ang Koreanong bersiyon ng "Key of Heart". Noong 15 Pebrero 2006 ay inilabas niya ang kanyang ika-apat na Hapones na album na Outgrow. Ang limitadong edisyong CD+DVD ng kanyang album ay naglalaman ng mga music video ng mga sinsilyo ng album at isang hudyat (password) upang makita ang espesyal na edisyon ng opisyal na sityo. Umabot sa numero uno sa tsart ng Oricon ang naturang album sa unang linggo ng pagkalabas. na naging ika-apat na sumunod na Hapones na album na iyon. Subalit mababa ang paunang benta; na may benta ng halos 220,000 kopya, naging mababang-benta para sa unang linggong panimula para sa isang album sa puntong iyon.[note 1] Ang "Do the Motion", ang unang sinsilyong ng naturang album, ay umabot sa top, na nagtalaga sa kanya bilang ika-apat na Asyanang di-Hapones na nagkaroon ng numero unong sinsilyo sa mga tsart ng Oricon.[26] Ang "Merry Christmas from BoA" noong 2005, na huling sinsilyo ng naturang album, ay ang unang sinsilyong dihital ni BoA. Bilang suporta sa Outgrow, inilunsad ni BoA ang isang espesyal na Zepp tour, B0A The Live, noong 29 Setyembre 2006. Ang naturang tour, na nagtagal hanggang Oktubre 29, ay nagsimula sa Nagoya at naglaman ng labindalawang palabas, dalawa sa bawat sumusunod na lungsod: Nagoya, Fukuoka, Osaka, Tokyo, Sendai, at Sapporo.[27] Itinanghal niya ang kanyang unang pampaskong konsiyerto noong 7 Disyembre 2006.[28]
Ang ikalimang Hapones na album ni BoA, ang Made in Twenty (20) noong 2007, ay nagpatuloy sa kanyang transisyon, mula sa imaheng "teenage girl" hanggang sa kanyang mas "mature" na imahe. Ang naturang album, na naglalaman ng R&B at awit pangsayaw pati na rin ang mga ballad, ay nag-debut sa top sa lingguhang tsart ng Oricon, na nagtalaga sa kanyang album na pang-anim na sunod-sunod.[29] Nagsimula na siyang gumamit ng personal na kompyuter upang lumikha ng isa sa kanyang mga awit, ang "No More Make Me Sick".[30] Noong 31 Marso 2007 ay naglunsad siya ng pang-bansang tour sa Hapon bilang suporta sa kanyang album. Ayon kay BoA, ang naturang tour, na nakabenta ng halos 70,000, ay ang kanyang "pinakamalaking konsiyerto" na kanyang naibigay.[31] Ang mga dalawang trak mula sa mga sinsilyo ng Made in Twenty (20) ay ginamit bilang temang awit; ang "Your Color" mula sa sinsilyong "Nanairo no Ashita: Brand New Beat / Your Color" noong 2006, ay ginamit bilang pang-katapusang temang awit para sa Hapones na paglabas ng larong Xbox 360, ang Ninety-Nine Nights. Ang "Key of Heart", mula sa sinsilyong "Key of Heart / Dotch" noong 2006, ay ang pang-katapusang temang awit para sa Hapones na paglabas ng pelikulang Over the Hedge. Inilabas din niya ang Ingles na bersiyon ng "Key of Heart", na disponible lamang sa unang edisyong pang-press ng sinsilyo. At noong banda ring 2007, ang Anyband, isang tatak ng Samsung, ay naglagda kayla BoA, Xiah ng TVXQ, Tablo ng Epik High, at ang pianistang pang-jazz na si Jin Bora para sa "Anyband", ang bandang sadyang nilikha upang bigyang promosyon ang Anyband. Naglabas lang ng isang sinsilyo ang naturang banda, ang "AnyBand".[32][33][34]
Ang kanyang ika-anim na Hapones na album, The Face noong 2008, nagkaroon pa ng mas malikhaing kontrol si BoA sa tugtugin.[35] Sa panahong iyon, naimpluwensiyahan si BoA ng electro-pop. Sa karagdagan, isinama ni BoA ang mga awit na "masayang tagsibol" (ang pangunahing sinsilyo ng "Sweet Impact" at ang B-side nito, ang "Bad Drive"), gitarang hangong awit na "groovy dance", ang "Lose Your Mind" ng 2007, at mga ballad.[36][37][38] Patungkol sa liriko, mas pinagtuunan ni BoA ang pag-ibig, wari man ang "Be With You" ng 2008, ay tungkol sa samahan ng isang tao sa aso. Nag-debut ang album sa top ng lingguhang tsart ng Oricon, na nagtalaga kay BoA bilang isa sa tanging dalawang mang-aawit sa Hapon na mayroong anim album na sunod-sunod na nasa top ng mga tsart ng Oricon (ang isa ay si Ayumi Hamasaki, na may album na walong sunod-sunod na numero uno).[39]
Pagyapak sa Amerika at Pagbalik sa Merkadong Hapones
baguhinNoong 2 Setyembre 2008, inanunsiyo ng SM Entertainment na gagawa ng Amerikanong debut si BoA sa ilalim ng bagong etiketang sukursal, SM Entertainment USA. Isang kumperensiyang pang-press ang ginanap noong 10 Setyembre 2008 sa Seoul Imperial Palace Hotel upang linawin ang mga detalye tungkol sa kanyang Amerikanong debut.[40] Ang sinsilyo mula sa Amerikanong debut ni BoA na "Eat You Up" na nilikha ni Thomas Troelsen, ay inilabas nang onlayn noong 21 Oktubre 2008; ang pisikal na sinsilyo ay ilalabas sana noong 11 Nobyembre 2008, ngunit sa halip ay inilabas ng SM ang promosyonal na CD na naglalaman ng dance mixes ng "Eat You Up". Naging pambihirang numero uno ang "Eat You Up" sa Hot Dance Club Play tsart.[41] Ang remix ng "Eat You Up" na tampok ang rapper na si Flo Rida ay itinakdang ilimbag sa kasagsagan ng Nobyembre at nakalabas sa internet noong Disyembre.[42][43] Itinanghal ni BoA ang "Eat You Up" pati na rin ang kanyang ibang mga awit sa Tokyo Live Concert ng YouTube, at nagtanghal sa New York noong 3 Disyembre 2008, pati na rin ang Jingle Ball sa Anaheim Honda Center noong 6 Disyembre 2008.[44][45] Itinanghal rin niya ang kanyang awit na "Look Who's Talking" sa naturang pagtatanghal.[46]
Inilimbag din ni BoA ang tripleng-A-side na sensilyo sa Hapon noong 18 Pebrero 2009, "Eien/Universe/Believe in Love". Sa magkatulad na araw, ang sensilyong Ravex "Believe in Love" ay inilimbag, tampok ang mga tinig ni BoA.
Ang Ingles na album ni BoA, na hawak ang sariling pangalan, BoA (album) ay inilabas sa Estados Unidos noong 17 Marso 2009, at itinampok ang mga awit ng mga kilalang prodyuser Bloodshy and Avant, maging ang duet nila ni Sean Garrett.[47] Ang kanyang pangawalang kumpilasyong album, Best & USA ay inilabas noong 18 Marso 2009 na parehong pinagsama ang kumpilasyon ng kanyang mga kasalukuyang hits sa Hapon kasama ang kanyang deybyu na album sa wikang Ingles.
Isinaad ni BoA na "Palagi kong pinapangarap na mag-debyu sa Amerika". Tinuruan siya ng Ingles sa Los Angeles, ngunit nakita niyang sadyang mas mahirap iyon matutunan kaysa wikang Hapones. Nanirahan siya sa kanlurang Beverly Hills ngunit inaming nahirapan siyang makahanap ng mga kaibigan.
Itinampok si BoA bilang tagapagtanghal para sa San Francisco Pride Festival noong 28 Hunyo 2009 kasama si Solange Knowles at The Cliks.[48] Isina-deybyu niya ang kanyang sumunod na sensilyong "Energetic", na itinanghal niya sa publiko sa unang pagkakataon. Itinanghal din niya ang "Eat You Up" at "I Did It For Love".[49]
Noong 31 Agosto 2009, inilabas ng SM Entertainment USA ang BoA Deluxe, ang repackaged na bersiyon ng kanyang Ingles na album. Nilalaman ng naturang album ang mga dalawang bagong trak, "Control" at "Crazy About", ang bersiyong radio edit na "Energetic".[50]
Sa kanyang karera sa Estados Unidos na pinagsisikapan upang makakuha ng traksiyon, bumalik si BoA sa merkadong Hapones upang ilabas ang bagong sensilyo na pinamagatang "Bump Bump!" noong Oktubre 2009, na itinampok ang kasamang-tatak na si Verbal mula kay M-Flo.[51] Pagkatapos ay inilabas ni BoA "Mamoritai: White Wishes" noong Disyembre 2009 at nagsaganap ng Pamaskong Konsiyerto noon ding buwan na iyon.[52][53]
Ang kanyang ikapitong album na Hapones, Identity ay inilabas noong 10 Pebrero 2010, ngunit ito ay umakyat lamang sa tsart na ika-4 na puwesto, na nakabenta lamang ng 37,606 kopya sa unang linggo nito. Dahil sa maliit na promosyon ng kanyang leybel, natapos ito sa pagtakbo nito ng anim na magkakasunod na #1 albums, na kung saan naimungkahi na imposible para sa kanya na panatilihin ang kanyang karera sa tatlong magkakaibang teritoryo nang magkakasabay.[54]
2010-Kasalukuyan; Pagbalik sa Korea at Pelikulang pang-Hollywood
baguhinNoong 1 Marso 2010, ipinahayag ng SM Entertainment na muling babalik si BoA sa Timog Korea para sa kanyang ika-10 anibersaryong pang-deybyu at maglalabas ng isang kauna-unahang buong-habang album na Koreano pagkatapos ng limang taon.[55]
Noong 21 Hulyo 2010, inilabas ng Avex ang sensilyong "Woo Weekend", ang pangunahing awit na ginamit upang isulong ang ika-25 Anibersaryo ng Disney on Ice sa Hapon.[56] Ipinahayag opisyal na website na Koreano ni BoA na sa 23 Hulyo 2010 ay papangalananing Hurricane Venus ang kanyang muling-pagbabalik na ika-anim na album na Koreano. Inilabas ang Hurricane Venus noong 5 Agosto 2010 at nagsimula bilang #1, kung saan nanatili ang naturang puwesto sa loob ng 2 linggo. Ang mga dalawang sensilyo, "Game" at "Hurricane Venus" ay nag-chart bilang #6 at #1 na magkakaiba. Ang isang repackaged ng naturang album na naglalaman ng dalawang bagong awit, sa ilalim ng pangalang "Copy & Paste", ay inilabas noong 27 Setyembre 2010. Ang kanyang naturang album ay naging tagapagtanggap ng mga Pamparangal na Bonsang mula sa Golden Disk Awards noong 2010, na nagtalaga sa unang pagkakataon sa kanyang karera na makatanggap ng parangal. Noong 6 Disyembre, inilabas ng Avex ang sensilyong dihital na "I See Me", para sa isang patalastas na nagsusulong ng bagong Audio Technica Headphones sa Hapon.[57]
Noong Oktubre 2010, naging kinatawan ng Korea si BoA at nagtanghal sa 7th Asia Song Festival, na isinaayos ng 'Korea Foundation for International Culture Exchange, sa Seoul Olympic Stadium.[58]
Nagpahayag ng impormasyon si BoA tungkol sa kanyang kauna-unahang pelikulang pang-Hollywood. Ang pelikulang pangsayaw, sa ilalim ng direksiyon ng tagapagsulat ng senaryo ng Save the Last Dance na si Duane Adler, at sa ilalim ng produksiyon ni Robert Colt, na papangalanang 'COBU 3D' at nakatalagang ilabas sa maagang pagsibol ng 2012. Gaganampanan ni BoA ang papel bilang Aya habang gagampanan naman ni Derek Hough (nakilala mula sa palabas na US TV Dancing with the Stars) ang papel bilang Donny. Nauwi sa pag-iibigan sila Aya at Donny, baga ma't magkatunggali ang kanilang mga pamilya sa eksenang pagsayaw. Ang pagsasa-pelikula ay nasimulan sa tagsibol ng 2011 sa Lungsod ng New York at Toronto, Kanada.
Muli siyang babalik sa Hapon kasama ang bagong sensilyo na "Milestone" na ilalabas sa 7 Disyembre 2011. Datapuwa't ang tunog ng kanyang naturang awit ay naisa-deybyu sa pamamagitan ng J-WAVE RADIO 'paradiso', at maaaring matagpuan sa YouTube.
Kontrata
baguhinNoong 2006, ipinabago ni BoA ang kanyang kontrata sa SM Entertainment hanggang 2012. Sa parehong panahon, naitala na mayroon siyang partisipasyon (sharehold) sa SM Entertainment na 100,000 (higit-kumulang na 1M USD).[59]
Imahe at Kasiningan
baguhinItinala ni BoA ang hip hop bilang kanyang pangunahing impluwensiyang pang-musikal, baga ma't kinasisiya rin niya ang R&B. Paborito niyang mga mang-aawit na sila Michael Jackson, Janet Jackson, Nelly, Britney Spears, Brian McKnight, Justin Timberlake, Pink, at Jay-Z;[60]. At ang naging resulta, karamihan sa mga musika ni BoA ay dance pop o R&B. At dahil umaawit din siya ng mga balada (ballads), madalas siyang inihahambing sa kanyang mga kapwa mang-aawit na sila Ayumi Hamasaki at Hikaru Utada. Ang kanyang deybyu na album, ID; Peace B, ay naglalaman ng urban pop "makinis na pagkakalikha" na mga balada, at himig "upbeat" na sayaw. Habang nagpatuloy ang karera niya, nagsimula siyang sumubok ng iba't ibang estilo: ang Valenti ay naglalaman ng maraming balada; ang Love and Honesty ay isang eksperimento na may mas "astig" na R&B at rock na musika.[61]
Dahil kadalasang hawak ng mga tauhan ang mga komposisyon at sulatin ng mga awit ni BoA, pinulaan si BoA bilang "manufactured pop star".[note 2] Bilang tugon sa mga naturang kritisismo, sinabi ni BoA na "kung pipilitin ng isang tao ang kanyang sariling kalooban, ang mga bagay na magiging tama sana ay madali pa magiging mali" at "hindi lahat na hindi masaya na may ekspresyon na [siya ay] isang manufactured star. Sa paraan namang iyon ay tama dahil gumawa ang SM Entertainment ng isang kapaligiran at ng lahat ng mga napapaligirang kundisyon, [siya ay] naging matagumpay sa paraang [siya ay] ngayon."[62] Wari mang ang kanyang mga mas naunang paglilimbag ay natatakang "cute" at "makabata" sa estilo, nag-prisinta si BoA ng mas "mature" na imahe na nagsimula sa kanyang album na My Name. Sa isang panayam sa Talk Asia, itinala ni Anjali Rao na naramdaman ng iba na minarkahan ng My Name ang simula ng pagbaba ni BoA sa kasikatan at tinanong kung makikita pa rin siya ng madla na isang mang-aawit bilang "Little Baby BoA"; tinugunan ni BoA, "Kaya habang humihingi ako ng paumanhin sa mga taong nais pa rin ang baby BoA, sa totoo lang, ano ang magagawa ko? Patuloy pa rin ako sa pagtanda! Hindi ko mapipigilang mangyari iyon."[62]
Nakipag-kolaborasyon si BoA sa mga mang-aawit na matataas ang antas. Sa mga mang-aawit na Hapones na nakasama niya ay ang grupong hip hop na M-Flo (para sa sensilyong "The Love Bug"), si Koda Kumi at ang house DJ na si Mondo Grosso. Nakapagtanghal na siya sa mang-aawit mula kanluran: ang awit na Flying Without Wings para sa kanyang album na Next World ay isang kolaborasyon sa bandang Irlandes na Westlife na tinatampok ang original song; ang sensilyo ng Bratz na "Show Me What You Got" na itinanghal ni Howie D ng bandang Amerikano na Backstreet Boys. Naka-trabaho na rin niya si Akon para sa awit na "Beautiful", natampok sa kanyang paglimbag na pang-Hapones sa kanyang ikatlong album Freedom.[63] Ang mga iba pang mga mang-aawit na nakasama niya sa kolaborasyon ay sila Soul'd Out, Dabo, Verbal (of M-Flo), Rah-D, Seamo, TVXQ, Yutaka Furakawa (ng bandang Doping Panda), at Crystal Kay (para sa kanyang sensilyo na After Love: First Boyfriend/Girlfriend).[64] Isina-pabalat ng Amerikanong bandang pang-rock na Weezer ang awit na "Meri Kuri" sa kanilang bersiyong Hapones na album na Weezer (The Red Album).[65]
Isang "top artist" si BoA sa Timog Korea at Hapon; ang kanyang kasikatan sa Hapon ay may kaugnayan sa kanyang kakayahang pangwika (siya at nakakapagsalita at nagsasaplaka sa mga wikang Hapones, Koreano, at Ingles), at ang interes sa kulturang pang-pop na Koreano ng mga Hapones ay nagsimula noong kasibulan ng 2000 nang magsimulan ang dalawang bansa sa pagsulong ng pagpapalitan ng kani-kanilang kultura.[66][67][68] Umabot sa kalawakan ng silangang Asya ang kasikatan ni BoA; marami siyang mga fans sa Tsina, Hong Kong, Taiwan, Malaysia, at Singapore. Naipahayag din niya ang kanyang mga plano sa pagpasok sa merkadong global; isinaad niya sa kanyang panayam, "I will [...] get recognition in the U.S. and Europe to become a world-renowned Diva." (Ako ay [...] makakakuha ng rekognisyon sa Estados Unidos at Europa upang maging Diva na tanyag sa buong mundo.) Noong Hunyo 2006, ang kanyang music video ng kanyang Koreanong awit na "My Name" ay ang naging kauna-unahang music video na ipinalabas sa MTV K, ang estasyong pang-musikal na MTV na idinirekta sa mga Koreanong Amerikano.[69]
Dahil sa kanyang malawakang karisma, lumitaw si BoA sa mga patalastas ng iba't ibang produkto.[62] Sa mga produktong naisulong niya ay Olympus, Nike,[70] L'Oréal, ang kompanyang pang-komestikong Hapones na Kosé, Skechers, Audio-Technica,[71][72][73] at GM Daewoo. Apat sa mga awit niya ginamit bilang mga tema. Ang "Every Heart: Minna no Kimochi" ay ginamit bilang pangkatapusang tema para sa anime na InuYasha;[74] Ang "Beside You: Boku o Yobu Koe" ay ginamit bilang panimulang tema para sa anime na Monkey Typhoon;[75] Ang "Key of Heart" ay ang temang awit para sa Hapones na paglimbag ng Over the Hedge;[76] Ang "Your Color" ay ang temang awit ng video game na Ninety-Nine Nights;[77][78] at ang "Mamoritai: White Wishes" naman ang temang awit ng Tales of Graces.[79][80][81]
Ang kanyang malawakang kasikatan ang natalaga sa kanya bilang "embahadorang pangkultura"; kinatawan niya ang Timog Korea sa mga inter-Asian Musical Events at lumitaw sa isang inilimbag na Oxford University Press na aklat-aralin sa wikang Ingles.[82][83]
Iba Pang Mga Gawa at Personal na Buhay
baguhinMula 2001 hanggang 2007, naging host si BoA ng Beat it BoA's World, isang programang pang-radyo ng Japan FM Network.[84] Noong Setyembre 2004, inapoyuhan ni BoA ang kontrobersiya sa Hapon nang mag-abuloy siya ng ₩50 milyon para sa aktibista na nasyonalista para sa Kilusang Pangkalayaan ng Korea na si An Jung-geun.[85][86] Binigyang-tinig ni BoA si Heather ang Oposum sa bersiyong Koreano at Hapones na Over the Hedge.[87] Noong 2008, ang Koreanong alahas na Ramee ay inilabas ang Ramee by BoA, ang linya ng pag-aalahas na dinisenyo mismo ni BoA.[88] Noong 9 Hunyo 2008, nagsaplaka sila BoA at ang iba pang mga mang-aawit mula sa iba't ibang panig ng mundo ng Ingles na pabalat ng "Dedication of Love" ni Wei Wei. Isina-produksiyon nila Roald Hoffmann at Brian Alan, ang naturang sensilyo ginamit sa pagtitipon ng pondo para sa mga biktima ng Lindol sa Sichuan.[89][90]
Upang makamit ang tagumpay, patuloy na nagsusumikap si BoA at napagtanto niya ang hirap sanhi ng pagkaubos sa konsiyerto at paglabas sa telebisyon.[91][92].
Noong 2007, isang Koreanong estudyante ang nakapag-hack ng elektronikong liham ni BoA at nakita ang mga nakaka-kompromisong larawan ng naturang mang-aawit na kasama ang Koreanong rapper na si Danny Ahn ng GOD. Nakakuha ng malaking mahalagang ang estudyante upang manatiling tahimik. Nadakip din siya ng mga pulis ngunit huli na nang maihayag.[93] Nagtalaga rin siya ng isang pag-uugnayan (liaison) kasama ang Hapones na estilista na si Bun, na kasalukuyang kasal sa mang-aawit na si Leah Dizon.[94].
Diskograpiya
baguhin
|
|
|
Mga Tour
baguhin- 2003: First Live Tour 2003: Valenti
- 2004: Live Tour 2004: Love & Honesty
- 2005: Arena Tour 2005: Best of Soul
- 2006: BoA the LIVE "Ura BoA... Kikase Kei" (The Other Side of BoA... Listen)
- 2007: Arena Tour 2007: Made in Twenty (20)
- 2007: BoA THE LIVE "X'mas"
- 2008: Live Tour 2008: The Face
- 2009: BoA THE LIVE 2009 "X'mas"
- 2010: Live Tour 2010: Identity
- 2010: BoA THE LIVE 2010 "X'mas"
- 2011: BoA THE LIVE 2011 "X'mas" (11.12.10. - 12.11. in Tokyo)
Mga Parangal
baguhinPilmograpiya
baguhinMga Teleserye
baguhinTaon | Pamagat | Papel |
---|---|---|
2010 | Athena: Goddess of War | Herself (Cameo, ep 7–8) |
Pelikula
baguhinTaon | Pamagat | Papel |
---|---|---|
2012 | COBU 3D | Aya |
Mga Tala at Sanggunian
baguhinMga Tala
baguhin- ↑ Ang unang linggong benta ng Listen to My Heart ay halos 230,000 biang,[23] kumpara sa Valenti 615,000,[24] at sa Love and Honesty 296,000.[25]
- ↑ BoA has composed three songs, "Nothing's Gonna Change" from Listen to My Heart, "No More Make Me Sick" from Made in Twenty (20) and "Girl in the Mirror" from The Face. The former was composed by BoA herself, and these latter were co-composed.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Yi, David (21 Hulyo 2009). "BoA, 'Energetic': Korean pop superstar debuts exclusive video, talks Britney, Weezer, and more". EW.com. Entertainment Weekly. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hunyo 2013. Nakuha noong 8 Agosto 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lee, Dan (30 Mayo 2003). "BoA". Japan Today. G Plus Media. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 14 Marso 2005. Nakuha noong 20 Nobyembre 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "2001 Music Sales". Music Industry Association of Korea. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Septiyembre 2004. Nakuha noong 9 Enero 2009.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "BoA's profile". SM Entertainment. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Mayo 2009. Nakuha noong 9 Oktubre 2008.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA and Hamasaki Ayumi Join Song+Nation's South Korean Release". Chosunonline.com. Chosun Ilbo Co. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-07. Nakuha noong 1 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (Paid access required to view article) - ↑ (sa Hapones) "Song+Nation". Avex Trax. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-20. Nakuha noong 24 Enero 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "List of million sellers in 2002". RIAJ. Nakuha noong 29 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "2002 Music Sales". Music Industry Association of Korea. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Pebrero 2009. Nakuha noong 9 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA, her memory of Xmas..." Oricon. 1 Disyembre 2004. Nakuha noong 30 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA's Greatest Hits Album Breaks the Million Mark!". Oricon. 24 Mayo 2005. Nakuha noong 30 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Singer BoA, Asian Star". CCTV.com. CCTV. 22 Agosto 2005. Nakuha noong 9 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "2003 Music Sales". Music Industry Association of Korea. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Septiyembre 2004. Nakuha noong 10 Enero 2009.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ (sa Tsino) "BoA, Asia's Most Lucrative 17-Year-Old Girl, Swept Up 6.5 Billion Yuan Last Year". People's Daily. Central Committee of the Communist Party of China. 11 Oktubre 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-04. Nakuha noong 23 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA's Love & Honesty certification". RIAJ. Nakuha noong 15 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Tsino) "BoA Reclines to Sing". The Epoch Times. The Epoch Times. 19 Abril 2004. Nakuha noong 19 Pebrero 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Middle-Aged Men and Women Also Cheer For Boa". Donga Ilbo. Donga Ilbo Co. 19 Abril 2004. Nakuha noong 8 Oktubre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Tsino) "BoA's New Album Is a Foray into the Chinese Market". The Epoch Times. The Epoch Times. 30 Setyembre 2004. Nakuha noong 19 Pebrero 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "2004 Music Sales". Music Industry Association of Korea. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Septiyembre 2007. Nakuha noong 8 Enero 2009.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "BoA Reinvents Herself as Heir to Korean Tradition". Digital Chosun Ilbo. Chosun Ilbo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-24. Nakuha noong 15 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New Album Shows Off More Mature BoA". Digital Chosun Ilbo. Chosun Ilbo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-24. Nakuha noong 15 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Tsino) "Korean "Spice Girl" BoA Declares War on Male Chauvinism". The Epoch Times. The Epoch Times. 6 Agosto 2005. Nakuha noong 19 Pebrero 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "2005 Music Sales". Music Industry Association of Korea. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Marso 2007. Nakuha noong 8 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Album Rankings for the Fourth Week of Marso 2002". Oricon. Nakuha noong 15 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Album Rankings for the Second Week of Pebrero 2003". Oricon. Nakuha noong 15 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Album Rankings for the Fourth Week of Enero 2004". Oricon. Nakuha noong 15 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "First number-one! BoA Achieved an Exploit for the First Time in 21 Years!?". Oricon. 5 Abril 2005. Nakuha noong 26 Nobyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "News at BoA's Official website". Avex Trax. 22 Agosto 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-09-03. Nakuha noong 15 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA's New Single Shoots to Top of Japanese Charts". Digital Chosun Ilbo. Chosun Ilbo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-11. Nakuha noong 15 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "It's Lonely at the Top: BoA Turns 20". Digital Chosun Ilbo. Chosun Ilbo. 27 Enero 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-31. Nakuha noong 16 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "My first song composed with a personal computer made me feel a sense of accomplishment because my efforts were well rewarded". Yahoo! Japan. 11 Enero 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2011. Nakuha noong 2 Enero 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA's Teenage Discipline Pays Off at 20". Digital Chosun Ilbo. Chosun Ilbo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-16. Nakuha noong 16 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "Xiah Junsu: "Even When First Meeting BoA 6 Years Ago, She Stood Out"". Donga Ilbo. DongA Ilbo Co. 7 Nobyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Marso 2009. Nakuha noong 8 Enero 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "BoA: "When First Meeting Tablo, He Asked To Take Pictures"". Donga Ilbo. DongA Ilbo Co. 7 Nobyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Marso 2009. Nakuha noong 8 Enero 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "Xiah Junsu-Tablo: "At First, We Didn't Believe We Were Cast for 'AnyBand'"". Donga Ilbo. DongA Ilbo Co. 7 Nobyembre 2007. Nakuha noong 8 Enero 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA "I Discuss Everything from a Secret Story about the Album's Production to an Unexpected Thing That Happened While Filming a PV!"". Oricon. 27 Pebrero 2008. Nakuha noong 17 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA "New Song Is a Heart-twinged Song That Makes You Hope to Fall in Love!!"". Oricon. 1 Oktubre 2007. Nakuha noong 17 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA "Cool! The Video Clip of Her Dance Performance Is a Must-see!!"". Oricon. 25 Abril 2007. Nakuha noong 17 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA "I Felt Again That I Loved Dancing!"". Oricon. 12 Disyembre 2007. Nakuha noong 17 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA Takes Sole Possession of 2nd Place of All Time. Brother and Sister of the Jackson Family Reach the Top 10 Together". Oricon. 4 Marso 2008. Nakuha noong 11 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA Plans Debut in US". The Korea Times. Hankook Ilbo. Nakuha noong 2 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "BoA, Billboard Hot Dance Club Play chart, No. 1 breakout". Yahoo Korea. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-16. Nakuha noong 13 Nobyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA Enlists U.S. Hitmakers for English Debut". Rap-Up. Nakuha noong 13 Nobyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New Music: BoA f/ Flo Rida – 'Eat You Up (Remix)'". Rap-Up. Nakuha noong 5 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schofield, Jack (23 Nobyembre 2008). "YouTube Live from San Francisco, but not from Tokyo". The Guardian. Guardian Media Group. Nakuha noong 26 Nobyembre 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Tsino) "Singer BoA's American Debut Single 《Eat You Up》 Is Released on the Internet for the First Time". Sina.com. SINA Corporation. 24 Nobyembre 2008. Nakuha noong 26 Nobyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA to Perform in 'Jingle Ball' Concert in U.S". Korean Broadcasting System. 3 Disyembre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-06. Nakuha noong 10 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "BoA's 1st US Album to Release Marso 17". Newsen. Nakuha noong 7 Pebrero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SF Pride Main Stage". SFPride.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Agosto 2009. Nakuha noong 8 Agosto 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA Performs at SF Pride". The Korean Times. 30 Hunyo 2009. Nakuha noong 30 Hunyo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Han, Sang-hee (1 Setyembre 2009). "BoA Releases Repackaged Album". Korea Times. Nakuha noong 14 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kim, Lynn (4 Nobyembre 2009). "BoA releases new single "Bump Bump!" today". Asia Economy. Nakuha noong 14 Nobyembre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA to Hold Xmas Concerts in Tokyo". Korea Times. 22 Agosto 2009. Nakuha noong 14 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA 冬ソングのリリース&2010年全国ツアーの開催が決定!". Livedoor. 6 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-18. Nakuha noong 14 Nobyembre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones)"2月22日付 アルバム 週間ランキング:NEXT STAGE - スタ☆ブロ -". Oricon. 2010-03-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-20. Nakuha noong 2010-02-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "보아, 5년 만에 국내 복귀…데뷔 10년째 되는 8월 25일 앨범 발매". Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2021. Nakuha noong 4 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Avexnet Japan BOA Discography Naka-arkibo 2009-02-05 sa Wayback Machine.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-13. Nakuha noong 2011-11-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ KOFICE 7th Asia Song Festival Naka-arkibo 2011-06-12 sa Wayback Machine. 23 Oktubre 2010. Retrieved 2011-10-12
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-01-23. Nakuha noong 2011-11-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA's profile". Avex Marketing Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-11. Nakuha noong 30 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hickey, David. "BoA Biography". MTV. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-05. Nakuha noong 13 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 62.0 62.1 62.2 "BoA TalkAsia Transcript". CNN. 15 Disyembre 2006. Nakuha noong 10 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Akon – Freedom+2". Universal International, Japan. 27 Hulyo 2009. Nakuha noong 27 Hulyo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "クリケイ×BoA超豪華ユニット!!". Yomiuri Shimbun. Sports Hochi. 2009-05-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-23. Nakuha noong 14 Nobyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "Weezer Covers BoA's "Meri Kuri" in Japanese". Barks.jp. ITMedia. 3 Hunyo 2008. Nakuha noong 13 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Setsuko Kamiya (7 Abril 2004). "Korean love story heats up Japan". The Japan Times. The Japan Times Ltd. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-13. Nakuha noong 13 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hiroshi Matsubara (19 Abril 2002). "Language, music point way to stronger relations". The Japan Times. The Japan Times Ltd. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-16. Nakuha noong 13 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mauymi Saito (11 Abril 2001). "K-pop, ya don't stop". The Japan Times. The Japan Times Ltd. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-15. Nakuha noong 13 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The first video on MTV K: BoA "My Name"". MTV K. 26 Hunyo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-05. Nakuha noong 29 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA Sole Non-Sports Star in Nike Commercial". Digital Chosun Ilbo. Chosun Ilbo. 31 Hulyo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-20. Nakuha noong 13 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA TVCM for Audio Technica". 21 Nobyembre 2008. Nakuha noong 18 Oktubre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mezamashi TV Audio-Technica CM press release (BoA)". 21 Nobyembre 2008. Nakuha noong 18 Oktubre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BoA in the USA". Audio-Technica. 9 Hulyo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hulyo 2011. Nakuha noong 18 Oktubre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "Every Heart". Goo. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2009. Nakuha noong 30 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "Jewel Song / Beside You: Boku o Yobu Koe". Goo. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2009. Nakuha noong 13 Abril 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "Key of Heart". Oricon. Nakuha noong 20 Nobyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "The main focus of singles to be released on Abril 5 is BoA's newsy song for a television commercial!". Oricon. 2 Abril 2006. Nakuha noong 30 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gantayat, Anoop (9 Pebrero 2006). "Ninety-Nine Nights Gets BoA". IGN. News Corporation. Nakuha noong 14 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "Mamoritai: White Wishes (CD+DVD)". Goo. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Septiyembre 2011. Nakuha noong 3 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ (sa Hapones) "Mamoritai: White Wishes (Tales of Graces Limited Edition)". Goo. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Septiyembre 2011. Nakuha noong 3 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "BoA sings for Namco's Tales of Graces [updated with audio preview]". allkpop. 27 Setyembre 2009. Nakuha noong 3 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Asian Stars to Shine in Seoul". Yonhap. 26 Nobyembre 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-17. Nakuha noong 6 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (Registration needed to view article) - ↑ "BoA Makes It Into Textbooks". Digital Chosun Ilbo. Chosun Ilbo. 10 Enero 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-03. Nakuha noong 6 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "Beat it BoA's World". Japan FM Network. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-01. Nakuha noong 13 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "Persons such as BoA donate 50 million won to An Jung-geun Memorial Foundation". Digital Chosun Ilbo. Chosun Ilbo. 9 Setyembre 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-16. Nakuha noong 8 Oktubre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "BoA's public relations of "Doma Ahn Joong Keun" evoke a sensitive reaction in Japan". Digital Chosun Ilbo. Chosun Ilbo. 10 Setyembre 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-16. Nakuha noong 8 Oktubre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Hapones) "Tetsuya Takeda, Yoshizumi Ishihara, Tomochika and BoA Make a Greeting on Stage". Oricon. 8 Agosto 2006. Nakuha noong 20 Nobyembre 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "'BoA Boss' Jewelry Brand Announced". Dong-a Ilbo. Yahoo! Korea. Agence France-Presse. 24 Marso 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-16. Nakuha noong 21 Nobyembre 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Tsino) "Wei Wei Leads International Stars in 'Dedication of Love'; Proceeds to Go to Disaster Area". Sina.com. Sina Corporation. 4 Hunyo 2008. Nakuha noong 29 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Tsino) "Wei Wei Sings an English Version of 'Dedication of Love' with Nine International Stars". Chinanews.com. China News Service. 3 Hunyo 2008. Nakuha noong 29 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Pranses) BoA épuisée s'évanouit en sortant de scène Naka-arkibo 2015-04-29 sa Wayback Machine.. Consulté le 25 janvier 2009
- ↑ (sa Ingles) BoA performs despite injury. Consulté le 25 janvier 2009
- ↑ (sa Pranses) Les coucheries de BoA (presque) dévoilées !. Consulté le 25 janvier 2009
- ↑ (sa Ingles) Leah Dizon and Bun take showbiz insiders by surprise Naka-arkibo 2012-01-20 sa Wayback Machine., Japan Today. Consulté le 25 janvier 2009
Mga Kawing Panlabas
baguhin- BoA Naka-arkibo 2010-02-10 sa Wayback Machine. – Official US website (sa Ingles)
- BoA Naka-arkibo 2011-03-07 sa Wayback Machine. – Official Korean website (sa Koreano)
- BoA - Official Japanese website (sa Hapones)
- BoA sa Twitter
- BoA USA sa Twitter
- BoA USA channel sa YouTube
- BoA sa AllMusic
Mga Parangal at Natanggap | ||
---|---|---|
Sinundan: Kim Gun-mo |
13th Seoul Music Awards – Daesang Award 2002 |
Susunod: Lee Hyori |
Sinundan: Baek Ji Young |
Mnet Asian Music Awards – Best Female Solo Artist 2010 |
Susunod: Inkumbido |