Ang deontolohiya (mula sa Sinaunang Griyego: δέον "katungkulan" + λόγος "-lohiya") ay paraan ng etika na humahatol sa isang moralidad ng isang aksiyon batay sa isang serye ng mga patakaran at prinsipyo. Ang mga deontolohiya ay nag-aaral ng mga patakaran at katungkulan sa kanilang sariling karapatan, imbes na batay sa mga resulta ng aksiyon. Kalimitang itinatangi ang deontolohiya mula sa konsekwensiyalismo, utilitarismo, etikang birtud, at pragmatikong etika. Sa itong terminolohiya, ang isang aksiyon ay mas mahalaga kaysa sa kaniyang mga konsekwensiya.

Sa Ingles, ang terminong deontological ay munang ginamit para ilarawan ang kasalukuyang, espesipikong katuturan ni C. D. Broad sa kaniyang aklat ng 1930, Five Types of Ethical Theory (Tagalog: Limang Uri ng Etikal na Teorya). Ang isang mas lumang paggamit ng termino ay nahahanap sa Jeremy Bentham, kung sino nag-imbento ito bago 1816 bilang isang sinonimo ng dicastic o censorial ethics (kumbaga, etika batay sa husga o hutol). Ang mas pangkalahatang kahulugan ng salita ay pinananatili sa Pranses, lalo na sa terminong code de déontologie (etikal na kodigo) sa konteksto ng etikang pamprupesyon.

Depende sa sistema ng deontolohikal na etika na iniisip, maaaring lumitaw ang isang obligasyong moral mula sa isang panlabas o panloob na pinagmulan, tulad ng isang pangkat ng mga patakarang inherenteng sa uniberso (etikal na naturalismo), relihiyosong batas, o isang pangkat ng personal o kultural na prinsipyo (alinman sa mga ito ay maaaring salungat sa mga personal na hangarin). Ang deontolohiya ay kalimitang ginagamit ng mga pamahalaan na nagpapahintulot sa mga tao, na naninirahan sa ilalim ng pamahalaan, na mamuhay ayon sa isang hanay ng mga napagkasunduang patakaran.

Deontolohikal na mga pilosopiya

baguhin

May mararaming pormulasyon ng deontolohikal na etika.

Kantianismo

baguhin
 
Immanuel Kant

Ipinalalagay ang teorya ng etika ni Immanuel Kant bilang deontolohikal dahil sa iba't ibang sanhi. Una na, nagpahayag si Kant na para kumilos nang moral na tama, ang tao ay may muwang ng katungkulan (Aleman: Pflicht, na may kaugnayan sa Ingles na salitang plight). Pangalawa, nagpahayag siya na ang katamaan o kamalian ng isang gawa ay hindi batay sa mga konsekwensiya ng mismong gawa, kundi mga motibo ng tagagawa.

Nagsimula ang unang katwiran ni Kant sa palagay na ang summum bonum (Tagalog: pinakamataas na kabutihan) ay dapat mabuti in se at mabuti nang walang kwalipikasyon. Ang ilang bagay ay "mabuti in se" kapag intrinsikong mabuti, at "mabuti nang walang kwalipikasyon" kapag ang kaniyang pagdaragnag ay hinding-hindi nagpalala ng sitwasyon. Tapos nagpahayag si Kant na ang mga bagay na kalimitang ipinalalagay na mabubuti, tulad ng katalinuhan, tiyaga, at tuwa, hindi ay intrinsikong mabubuti ni mabubuti nang walang kwalipikasyon. Ang tuwa, halimbawa, hindi parang mabuti nang walang kwalipikasyon, kasi kung ang mga tao ay humahanap ng nilang tuwa sa dusa ng ibang mga tao, nagiging etikal na masahol ang sitwasyon. Ipinalagay na may nag-iisang mabuti:

Hindi maaaring akalain ang anuman sa mundo — nga wala kahit sa lagpas ng mundo — na maaaring tawagin na mabuti nang walang kwalipikasyon puwera isang mabuting kalooban.[kailangang tiyakin]

— Kant, Immanuel, "Transition from the Common Rational Knowledge of Morals to the Philosophical.", § 1 sa Groundwork of the Metaphysic of Morals (1785)

Tapos itinuro ni Kant na ang mabuting kalooban ay hindi maaaring hinuhain mula sa konsekwensiya. Kumbaga, ang tao na may masamang kalooban ay maaaring gumawa pa ng buti (sa hindi sinasadyang pagkakataon, sabihin na nating, o bilang isang kilos ng pagtubos), habang ang tao na may mabuting kalooban ay maaaring gumawa pa ng sama o kahit isang pagkakamali man lang (muli, baka sa hindi sinasadyang pagkakataon).

Imbes, nagpahayag si Kant na ang isang tao ay may mabuting kalooban kapag gumawa "mula sa paggalang sa moral na batas" at, sa kaniyang tingin, ang itong "paggalang sa moral na batas" ay hango sa katungkulan. Kaya, ang tanging tunay na mabuti ay mabuting kalooban, at lamang mabuti ang mabuting kalooban kung pinipili ng tao ang tamang kilos mula sa muwang ng katungkulan, i.e. paggalang sa moral na batas. (Ang pangangatwiran na ito ay hindi tumutukoy kung ano ang isang moral na batas.) Ipinaliwanag nga niya, gayunman, ang paggalang bilang "ang konsepto ng isang halaga na humaharang sa aking pagmamahal sa sarili".

Teorya ng banal na utos

baguhin

Ang hindi lahat ng deontologo ay relihiyoso, ngunit may mga naniniwala sa teorya ng banal na utos. Ito ay kumpol ng mga kaugnay na paniniwala na, sa esensya, tama ang isang aksyon kung at lamang kung nagpasiya si Diyos na tama ang aksyong iyon. Ayon sa Ingles na pilosopong Ralph Cudworth, natanggap nina Guillermo ng Ockham, René Descartes, at mga Calvinista ng ika-18 na siglo ang iba't ibang bersyon ng itong teoryang moral, dahil naniwala ang lahat sila na mga moral na katungkulan ay hango sa mga utos ng Diyos. (Nag-aakala ang ganiyang paniniwala ng kaalaman ng kalooban ng Diyos, o mas sa pangkalahatan, moral na batas.)

Ito ay naiiba mula sa etika ni Kant dahil nagpahayag si Kant na ang tao, bilang isang makatwirang nilalang, ginagawang unibersal ang moral na batas, yamang ayon sa teorya ng banal na utos, ang ganiyang unibersalidad ay nanggagaling lang mula sa Diyos.

Pluralismong deontolohikal ni Ross

baguhin

Namuna ni W. D. Ross ang monistikong deontolohiya ni Kant, kung kaninog etika ay hango sa nag-iisang pundasyonal na prinsipyo (imperatibont kategorikal). Nagtalo si Ross na may mararaming katungkulang prima facie na itinatakda ang tama. Ang ilang mga katungkulan ay nagmula sa ating sariling mga nakaraang pagkilos, tulad ng katungkulan ng katapatan (upang tuparin ang mga pangako at sabihin ang katotohanan), at ang katungkulan ng pagbabayad sala (upang gumawa ng pag aayos para sa mga maling gawa). Nagmula ang katungkulan ng pasasalamat (upang ibalik ang mga kabutihang natanggap) sa mga gawa ng ibang mga tao. Kabilang sa iba pang mga katungkulan ang katungkulan ng hindi pinsala (hindi upang saktan ang iba), ang katungkulan ng paggawa ng mabuti (upang itaguyod ang maximum ng pinagsama samang kabutihan), ang katungkulan ng pagpapabuti sa sarili (upang mapabuti ang sariling kalagayan) at ang katungkulan ng katarungan (upang ipamahagi ang mga benepisyo at pasanin nang maayos).

Ang ganiyang mga katungkulan, gayunman, ay maaaring magkasalungatan at magdulot ng isang etikal na dilema, na kinakailangan ang isang moral na pili sa pagitan ng mga imperatibong sumasali. Halimbawa, minsan kailangan sirain ang pangako para maibsan ang pagkabalisa ng ibang tao. Nakilala ni Ross sa pagitan ng mga katungkulang prima facie at ganap na katungkulan para malutas ang problema. Ang mga katungkulang itala sa dating talata ay mga katungkulang prima facie: pangkalahatang mga alituntunin kung kani-kaninong katotohanan ay halata sa sarili para sa mga taong moral na hinog. Hindi iniisip ng ganiyang mga paktor ang kalahatan. Ang ganap na katungkulan, sa kabilang banda, ay partikular sa isang espesipikong sitwasyon, at iniisip nga ang kalahatan, kaya ang kada kaso ay dapat indibiduwal na husgahan. Huwes ng tama at mali, ayon sa Ross, ang ganap na katungkulan.

Kasabayang deontolohiya

baguhin

Kabilang sa mga kasabayang deontologo (kumbaga, mga iskolar na isinilang sa unang kalahati ng ika-20 na siglo) ay sina Józef Maria Bocheński, Thomas Nagel, T. M. Scanlon, at Roger Scruton.

Nakikilala si Bocheński (1965) sa pagitan ng deontikong at epistemikong awtoridad:

  • Ang isang tipikal na halimbawa ng 'epistemikong awtoridad sa paggamit ni Bocheński ay "kaugnay ng guro sa kaniyang mga mag-aaral". Ang isang guro ay may epistemikong awtoridad kung kailan gumagawa ng mga deklaratibong pangungusap, na ipinalalagay ng mag-aaral bilang maaasahang kaalaman, pero na hindi kailangang tanggapin o sundin.
  • Ang isang halimbawa ng deontikong awtoridad ay "kaugnay ng isang amo at ang kanyang empleyado". Ang isang amo ay may deontikong awtoridad sa pagbibigay ng isang utos na ang empleyado ay dapat tanggapin at sundin anuman ang pagiging maaasahan o angkop nito.

Namumuna si Scruton (2017), sa kaniyang librong On Human Nature (Tagalog: Tungkol sa likas na pagkatao), ng konsekwensiyalismo at tulad na etikal na teorya, tulad ng hedonismo at utilitarismo, at imbes ipinapanukala ang isang deontolohikal na etika. Nagpapahiwatig siya na ang proporsyonal na katungkulan ay isang mahalagang bahagi ng ugali na nag-uudyok sa ating mga gawa, at ipinagtatanggol ang likas na batas mula sa mga teoryang sumasalungat. Saka, hinahangaan ni Scruton ng etikang birtud, at naniniwala na ang dalawang etikal na teorya ay hindi, bilang madalas na inilalarawan, ay hindi magkasalungat.

Deontolohiya at konsekwensiyalismo

baguhin

Prinsipyo ng katanggap-tanggap na pinsala

baguhin

Ang "Principle of Permissible Harm" (Tagalog: Prinsipyo ng Katanggap-tanggap na pinsala, 1996) ni Frances Kamm ay isang pagsisikap para sa deribasyon ng isang kahigpitang deontolohikal na naaayon sa mga argumentong tinalakay sa itaas, habang umaasa sa imperatibong kategorikal ni Kant. Nagsasabi ang prinsipyo na pinapayagan ang pinsala kung at lamang kung bahagi ng isang mas mabuting kabutihan — kumbaga, kung hindi naiiwasan ang pinsala, dapat ginawa ang pinakamaliit na pinsala.

Noong 2007, inilathala ni Kamm ang Intricate Ethics (Tagalog: Masalimuot na Etika), isang aklat na nagprepresenta ng isang bagong teorya, "Doctrine of Productive Purity" (Tagalog: Doktrina ng Produktibong Kadalisayan) na isinasama ang mga aspekto ng niyang "Prinsipyo ng Katanggap-tanggap na pinsala". Bilang "Prinsipyo", ang "Doktrina ng Produktibong Kadalisayan" ay isang pagsubok para sa dentolohikal na reseta para itakda ang mga pangyayari kung saan pinapayagan ang pinsala.

Pagkakasundo ng deontolohiya at konsekwensiyalismo

baguhin

May iba't ibang pagsubok para sa pagkakasundo ng deontolohiya at konsekwensiyalismo. Ang deontolohiya ng hangganan ay pinapanindigan na dapat mamahala ang tuntunin hanggang sa ilang punto sa kabila ng salungat na mga konsekwensiya, pero kung ang mga kahihinatnan ay kaya kahila-hilakbot na sila ay tumawid sa isang napagkasunduang hangganan, nakokopo ng konsekwensiyalismo. Ang mga teorya na isinusulong ni Thomas Nagel at Michael S. Moore ay nagtatangkang magkasundo ng deontolohiya at konsekwensiyalismo sa pamamagitan ng isang hurisdiksyon sa bawa't isa. Ang aklat na How to Make Good Decisions and Be Right All the Time (Tagalog: Paano Gumawa ng Mabuting Desisyon at Maging Tama sa Lahat ng Oras) ni Iain King (2008) ay gumamit kwasi-realismo at isang pormang binabago na utilitarismo para mapaunlad ang mga prinsipyong deontolohikal na magkakasundo sa etikang hango sa mga birtud at konsekwensiya. Nabubuo ni King ang isang herarkiya ng mga prinsipyo para isama ang kaniyang meta-etika, na nakakahilig sa konsekwensiyalismo, sa mga hinuhang deontolohikal na isinusulong niya sa kaniyang aklat.

Sekular na deontolohiya

baguhin

Ang deontolohiyang hango sa intuisyon ay isang konsepto sa sekular na etika. Ang isang klasikong halimbawa ng panitikan tungkol sa sekular na etika ay tekstong Kural (mas ganap na Tirukkuṟaḷ, Tamil: திருக்குறள், lit. na 'banal na mga berso') na isinulat ni Thiruvalluvar. Naiisulong[sinong nagsabi?] na ang ilang mga konsepto sa etikang deontolohiko ay nahahanap sa itong teksto. Pagdating sa intuisyonismong etikal, ang pilosopong C. D. Broad ng ika-20 na siglo ay inimbento ang terminong "etikang deontolohikal" para tukuyin ang mga doktrinang normatibong nakikipag-ugnayan sa intuisyonismo, na pinalaya nito ang pariralang "etikal na intuwisyonismo" para tukuyin ang mga doktrinang epistemolohikal.

Imperatibong kategorikal

baguhin

Ang imperatibong kategorikal ang sentral na pilosopikal na konsepto ng pilosopiyang moral ni Immanuel Kant gayundin ng modernong deontolohikal na etika. Ayon kay Kant, ang mga tao ay sumasakop sa isang espesyal na lugar ng pagkakalikha at ang moralidad ay mabubuo sa isang pangkalahatang utos ng katwiran o imperatibo kung saan ang lahat ng mga katungkulan at obligasyon ay hinahango. Inilarawan ni Kant ang isang imperatibo bilang isang proposisyon na nagsasaad na ang isang aksiyon (o inaksiyon) ay kinakailangan.

Tingnan din

baguhin