Sulat kay Tito
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Sulat kay Tito[1] ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na kabilang sa mga pangkat ng mga Liham ni San Pablo. Katulad ng Una at Ikalawang Sulat kay Timoteo, isa rin itong sulat na pampastor ng isang parokya o simbahan. Naisatitik ang liham na ito noong mga 65 hanggang 66 AD.[1]
Ang pinadalhan
baguhinSi Tito, na pinadalhan ni San Pablo ng sulat na ito, ay anak ng mag-asawang hindi Kristiyano.[1] Isa siyang Griyego, at isa sa unang mga hentil na napabilang sa kapatiran ng Kristiyanismo.[2] Nakasama siya ni Pablo sa kapulungan sa Jerusalem, ang pook kung saan ginustong sunatin ng mga Hudyo si Tito. Tinanggihan ni Tito ang pagsasagawa sa kaniya ng ganitong kaugalian. Si Tito ang sugo ni Pablo sa mahahalagang paglalakbay patungong Corinto at Dalmacia.[1]
Komposisyon
baguhinSa batayan ng wika, nilalaman, at iba pang mga paktor, ang mga pastoral na liham ay itinuturing ng mga skolar ng Bibliya na hindi isinulat ng Apostol Pablo kundi pagkatapos ng kamatayan nito.[3] Ayon sa mga mga skolar, ang mga bokabularyo at mga stilong literaryo ng mga ito ay nabigong umangkop sa sitwayon ng buhay ni Pablo sa mga ibang sulat at natukoy ng mga skolar dito ang lumitaw ng Iglesiang Kristiyano kesa sa henerasyong apostoliko. Ang skolar na si P.N. Harrison sa aklat nitong "The Problem of the Pastoral Epistle" ang unang nagtangka upang pabulaanan ang pagiging may-akda ni Pablo sa pamamagitan ng pagbibilang ng hapax legomena o iba pang mga sukat bokabularyo. Ang isang halimbawa ng mga argumento ng stilo laban sa pagiging may-akda ni Pablo, ang trabaho ng pag-iingat ng tradisyon ay ipinagkatiwala sa mga ordinadong presbitero. Ang maliwanag na kahulugan ng presbuteros bilang indikasyon ng opisina ay ayon sa mga skolar tila dayuhan kay Pablo at sa lahing apostoliko. Ang mga halimbawa ng ibang mga opisina ay kinabibilangan ng 12 apostol sa Mga Gawa ng mga Apostol at ang pagkakahirang ng pitong deakono kaya naitatag ang opisina ng deakonado. Ang ikalawang halimbawa ang mga tungkuling pangkasarian(gender) sa mga liham na nagbabawal sa mga tungkulin ng kababaihan na lumilitaw na lumilihis sa mas egalitariyanong katuruan ni Pablo na kay Kristo ay walang babae o lalake(Gal. 3:28). Kabilang din dito ang pagpapabulaan ng mga liham na ito sa mas umunlad na Gnostisismo na hindi angkop sa sinasabing panahon ni Pablo. Ang mismong salitang Griyegong γνῶσις("Gnosis o Kaalaman") na pinagmulan ng Gnostisismo ay umiiral sa 1 Tim. 6:20. Gaya ng sa 1 Timoteo at 2 Timoteo, ang wika ng liham na ito ay nagpapakita ng lumitaw na Iglesiang Kristiyano kesa sa henerasyong apostoliko.[4]
Paglalarawan
baguhinMaikli lamang ang Sulat kay Tito.[2] Subalit mula sa nilalaman nito, matutunghayang ipinagkatiwala ni San Pablo kay Tito ang pagtatatag ng isang Simbahan o parokya sa Creta, isang pook kung saan katulad sa Efeso ang katayuan ng pananampalataya. Si Timoteo ang nangangasiwa sa Efeso. Dahil nga may pagkakahawig sa kalagayan sa Efeso ang katayuan sa Creta, dumanas ng kahirapan sa pagsasakatuparan ng layuning panrelihiyon si Tito. Bago nilisan ni Pablo ang Creta, nagiwan ito ng mga tagubilin at payo kay Tito hinggil sa pagtatayo at pangangasiwa ng parokya. Si Tito ang obispo - isang pinuno ng Simbahang Kristiyano at gumanap na mga kahalili ng mga apostol sa tungkulin ng pangangaral ng mga turo ni Hesukristo - na itinalaga sa Creta.[1] Napabilang ito sa kahanayan ng mga pastoral na sulat sapagkat tumatalakay ito sa mga katangiang kailangan sa pagiging isang pinuno ng Simbahang Kristiyano. Tinatalakay rin dito ang mga gampanin ng mga mamamayan ayon sa kanilang sari-saring mga kaantasang panlipunan. Nilalagom nito ang kabuoan ng mga pagpapahalagang pang-Kristiyano. Sa pagtatapos ng liham, nagiwan ang may-akda ng isang babala kung masasangkot ang isang tao sa mga pagtatalong pampanukala o teoretiko, na makasasanhi lamang ng pagkakaliko at pagkaligaw mula sa pagtutuon ng pansin sa layunin ng Kristiyanismo.[2]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat kay Tito". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Reader's Digest (1995). "Letter of Paul, Titus". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ See I.H. Marshall, A Critical and Exegetical Commentary on the Pastoral Epistles (International Critical Commentary; Edinburgh 1999), pp. 58 and 79. Notable exceptions to this majority position are Joachim Jeremias, Die Briefe an Timotheus und Titus (Das NT Deutsch; Göttingen, 1934, 8th edition 1963) and Ceslas Spicq, Les Epîtres Pastorales (Études bibliques; Paris, 1948, 4th edition 1969). See too Dennis MacDonald, The Legend and the Apostle (Philadelphia 1983), especially chapters 3 and 4.
- ↑ Raymond E. Brown. An Introduction to the New Testament. New York: Anchor Bible, p. 662
Mga panlabas na kawing
baguhin- Sulat kay Tito (Titus), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Sulat ni Pablo kay Tito, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, mula sa AngBiblia.net
- Kay Tito, Ang Salita ng Diyos (SND, 1998), Bibliyang Tagalog sa Internet (Bagong Tipan), BiblesInternational, BibleGateway.com