Alemanya

(Idinirekta mula sa Hohen Pritz)

Ang Alemanya (Aleman: Deutschland), opisyal na Republikang Pederal ng Alemanya, ay bansang matatagpuan sa Gitnang Europa. Pinapaligiran ito ng Dinamarka, Dagat Hilaga, at Dagat Baltiko sa hilaga; Pransiya, Luksemburgo, Belhika, at Nederlandiya sa kanluran; Austria at Suwisa sa timog; at Polonya at Tsekya sa silangan. Nagbabahagi rin ito ng hangganang maritimo sa Suwesya. Sumasaklaw ang bansa ng 375,600 km2 at tinatahanan ng higit 82 milyong mamamayan, sa gayo'y ikalawang pinakamataong bansa sa kontinente. Ang kabisera at pinakamataong lungsod nito ay Berlin.

Republikang Pederal ng Alemanya
Bundesrepublik Deutschland (Aleman)
Salawikain: Einigkeit und Recht und Freiheit
"Pagkakaisa at Katarungan at Kalayaan"
Awitin: Das Lied der Deutschen
"Ang Awitin ng mga Aleman"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Berlin
52°31′N 13°23′E / 52.517°N 13.383°E / 52.517; 13.383
Wikang opisyalAleman
KatawaganAleman
Hermano
PamahalaanParlamentaryong republikang pederal
• Pangulo
Frank-Walter Steinmeier
• Kansilyer
Olaf Scholz
LehislaturaKonsehong Pederal
Diyetang Pederal
Makabagong Kasaysayan
18 Enero 1871
11 Agosto 1919
30 Enero 1933
23 Mayo 1949
7 Oktubre 1949
3 Oktubre 1990
Lawak
• Kabuuan
357,022 km2 (137,847 mi kuw) (ika-63)
• Katubigan (%)
1.27
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
Padron:Increase neutral 84,607,016 (ika-19)
• Densidad
232/km2 (600.9/mi kuw) (ika-58)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2021
• Kabuuan
Increase $4.743 trilyon (ika-5)
• Bawat kapita
Increase $56,956 (ika-15)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2021
• Kabuuan
Increase $4.319 trilyon (ika-4)
• Bawat kapita
Increase $51,860 (ika-15)
Gini (2019)29.7
mababa
TKP (2019)Increase 0.947
napakataas · ika-6
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong pantelepono+49
Internet TLD.de

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig at Himagsikang Nobyembre, sa semi-presidensyal na Republikang Weimar. Dumulot ang pag-angat ng kapangyarihan ng Partido Nazi sa pagtatatag ng totalitaryong diktadura, na humantong sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Holokausto.

Pagkatapos ng Estados Unidos, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.[1]

Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay Germania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.

Ito ay nabuo lámang bílang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa dalawa: Republikang Pederal ng Alemanya na nakilala bílang Kanlurang Alemanya at Demokratikong Republika ng Alemanya na nakilala naman bilang Silangang Alemanya. Noong 3 Oktubre 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang Berlin ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.

Etimolohiya

baguhin
 
Mga pangalan ng Alemanya sa mga wikang Europeo. Mula sa:
   Proto-Hermaniko: *Þeudiskaz
   Latin: Germania
   Tribong Alamanni
   Tribong Saxon
   Proto-Eslabo: *němьcь
   Di-sigurado

Dahil sa lokasyong heograpikal nito sa gitna ng Europa at bagong pagkakaisa nito, kilala ang Alemanya sa iba't ibang pangalan na nag-iiba batay sa wika ng, na inspirasyon ng mga taong bumuo nito. Halimbawa, sa wikang Aleman ay kilala ang bansa na Deutschland mula sa Old High German diutisc, sa Pranses bilang Allemagne mula sa pangalan ng tribong Alamanni, sa Italyano bilang Germania mula sa Latin Germania (bagaman ang mga Aleman ay tinatawag na tedeschi) , sa Polish bilang Niemcy mula sa Proto-Slavic nemets, at sa Finnish bilang Saksa mula sa pangalan ng tribong Saxon.

Nagmumula ang pangalang Deutschland sa salitang Matandang Alemang Mataas na diutisc, o mga katulad na variant mula sa Proto-Germanic *Þeudiskaz (Old English þeod), na orihinal na nangangahulugang "ng bayan" at unang ginamit bilang pagtatalaga ng mga mamamayang Aleman. Ito naman ay nagmula sa salitang Germanic na nangangahulugang "folk" (na humahantong sa Old High German diot, Middle High German diet), at ginamit upang makilala ang mga nagsasalita ng mga Germanic na wika at ang mga nagsasalita ng Celtic o Romance na mga wika. Ang mga salitang ito ay nagmula sa *teuta, ang salitang Proto-Indo-European para sa "mga tao".

Kasaysayan

baguhin
 
Ang diskong selestiyal ng Nebra na nadiskubre sa Burol ng Mittelberg ay mahigit 3,600 taong gulang na.

Nadiskubre sa Alemanya ang mga buto ng pre-humanong Danuvius guggenmosi na nasa Alemanya 11 milyong taon sa nakaraan. at pinaniniwalaang ang isa sa mga pinakamaagang nakalakad gamit ang dalawa nitong paa. Natuklasan sa munting bayan ng Mauer ang posil ng Homo heidelbergensis, na nagpapakitang tinahanan ng mga sinaunang tao ang lupaing Aleman di-bababa sa 600,000 taon ang nakalipas. Natagpuan naman sa Lambak ng Neander ang mga labi ng arkaikong Neandertal, espesye ng taong mahigit 400,000 nang lumisan.

Ang bansa ng Alemanya ay masagana sa kasaysayan na nagmula noong 100 BC. Maliit lámang ang kaalaman sa dáting Alemanya ngunit alam na ang mga tribong Hermaniko ay madalas naglaban sa Imperyo ng Roma.

Nang ika-9 siglo ay kumalat ang Kristyanismo sa bansa. Dito din pinanganak si Martin Luther, isang monghe na naghimagsik sa batas ng Simbahan at nagsimula ng bagong relihiyon na ang Protestanismo. Ito ang naging mitsa ng Panahon ng Repormasyon.

Nang ika-19 siglo naman ay dumating ang sikát na Kaharian ng Prusya at sa pamumuno ni Otto von Bismarck at nakita ang tagumpay sa mga digmaan laban sa Dinamarka at Austria. Sa mga hulíng taon ng siglo natatag ang impyero ng Alemanya pagkatapos sa pagpapanalo sa digmaan laban sa Pranses.

Nang ika-20 siglo naman ang karanasan ng bayan ng Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahati ang bansa sa silangan at kanluran. Ang Dingding ng Berlin ang naghati sa gitna ng kabisera at naging simbolo ng Digmaang Malamig.

Nang 1989, pinatumba ang Dingding ng Berlin at nagkasama ulit ang kanluran at silangan. Sa kasulukuyan, ang ekonomiya ng Alemanya ay isa sa mga pinakamahusay sa mundo.

Pagkakahati

baguhin

Labing-anim na estado (Bundesländer) ang bumubuo sa Alemanya at ang kani-kaniyang kabisera:[2]

  1. Baden-Württemberg (Stuttgart)
  2. Baviera (Múnich)
  3. Berlin (Berlin)
  4. Brandeburgo (Potsdam)
  5. Bremen (Bremen)
  6. Hamburgo (Hamburgo)
  7. Hesse (Wiesbaden)
  8. Mecklemburgo-Kanlurang Pomerania (Schwerin)
  9. Mababang Sahonya (Hanóver)
  10. Hilagang Renania-Westfalia (Düsseldorf)
  11. Renania-Palatinado (Maguncia)
  12. Sarre (Sarrebruck)
  13. Sahonya (Dresde)
  14. Sahonya-Anhalt (Magdeburgo)
  15. Schleswig-Holstein (Kiel)
  16. Turingia (Erfurt)

Kultura

baguhin

Ang Alemanya ay isang kulturang indibidwalistiko na isang uri ng ng kultura na ang pagpapahalaga ay nasa isang indibidwal o sarili kesa sa isang grupo. Ang mga kulturang indidbidwalistiko ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya, autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Aleman ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Alemanya ay isang uri ng may mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Aleman ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.

Tignan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "Germany Top Migration Land After U.S. in New OECD Ranking". Bloomberg. 20 Mayo 2014. Nakuha noong 29 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. es:Organización territorial de Alemania

Mga kawing panlabas

baguhin