Kongreso ng Pilipinas

(Idinirekta mula sa Konggreso ng Pilipinas)

Ang Kongreso ng Pilipinas (Ingles: Congress of the Philippines) ay ang pangunahing tagapaggawa ng batas ng Pilipinas. Isa itong lupong bikameral na binubuo ng mataas na kapulungan, ang Senado, at ang mababang kapulungan, ang Kapulungan ng mga Kinatawan.[1]

Kongreso ng Pilipinas
Congress of the Philippines
Ika-19 Kongreso ng Pilipinas
Coat of arms or logo
Uri
Uri
Bikameral
KapulunganSenado
Kapulungan ng mga Kinatawan
Pinuno
Tito Sotto, NPC
Simula Mayo 21, 2018
Alan Peter Cayetano, Nacionalista
Simula Hulyo 22, 2019
Estruktura
Mga puwesto324 (talaan)
24 senador
300 kinatawan
Mga grupong politikal sa Senado
Bloc ng mayorya (20):

Bloc ng minorya (4):

Mga grupong politikal sa Kapulungan ng mga Kinatawan
Bloc ng mayorya (182)

Bloc ng minorya (21)

Crossbench (72)

  •      Ibang mga partido (13)
  •      Sektoral (59)
Mga pinagsamang komite
Ang mga pinagsamang komite ay pinamumunuan ng mga senador
OtoridadArtikulo VI, Saligang Batas ng Pilipinas
Halalan
Huling halalan ng Senado
Mayo 13, 2019
Huling halalan ng Kapulungan ng mga Kinatawan
Mayo 13, 2019
Lugar ng pagpupulong
Senado:
GSIS building
Government Service Insurance System Building, Pasay

Kapulungan ng mga Kinatawan:
Plenary Hall, Batasang Pambansa Complex
Batasang Pambansa Complex, Lungsod Quezon
Websayt
Senado ng Pilipinas
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Selyo ng Senado
Selyo ng Kapulungan ng mga Kinatawan

Binubuo ng 24 na senador ang Senado[2], ihinahalal ang kalahati nito bawat tatlong taon. Sa gayon naglilingkod ang bawat senador sa loob ng anim na taon. Ihinahalal ang mga senador ng bawat manghahalal at hindi kumakatawan ng kahit anumang heograpikang distrito.

Binubuo ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng hindi lalagpas sa 250 mambabatas. May dalawang uri ng mga mambabatas: ang distrito at ang pansektor na mga kinatawan. Kinakatawan ng isang distritong mambabatas ang isang partikular na heograpikong distrito ng bansa. Binubuo ng isa o higit pa na distritong kongresyunal ang lahat ng mga lalawigan sa bansa. May mga sarili ding mga distritong kongresyunal ang ilang mga lungsod, kasama ang ibang lungsod na may dalawa o higit pa na kinatawan.[3]

Kinakatawan naman ng pansektor na mambabatas ang minoryang sektor ng populasyon. Binibigyan ng pansin ang mga pangkat ng minorya na ito upang magkaroon ng kinatawan sa Kongreso, kung sakaling hindi maayos ang kanilang representasyon sa pamamagitan ng distritong kinatawan. Kilala rin bilang kinatawang party list, kinakatawan ng mga pang-sektor na mambabatas ang mga unyon ng manggagawa, pangkat na nagsusulong ng mga karapatan, at iba pang kapisanan.[4]

Ang Saligang Batas ay naglalaan sa Kongreso na magtipon sa karaniwan nitong sesyon bawat taon na nagsisimula sa ika-apat na lunes ng Hulyo. Ang karaniwang seyson ay maaring magtagal ng isang buwan bago magsimula ang panibagong sesyon sa susunod na taon. Gayunpaman, ang Pangulo ay maaring tumawag ng isang espesyal na sesyon na karaniwang dinadaos sa kalagitnaan ng karaniwang sesyon para sa mga kagipitan at mahahalgang bagay.[5]

Kasaysayan

baguhin

Panahon ng mga Espanyol

baguhin

Noong nasasakop pa ang Pilipinas ng Silangang Indiyas ng Espanya, ang kolonya ay hindi nabigyan ng kinatawan sa Cortes Generales o hukumang-pangkalahatan. Noong naging parte na ng Espanya ang kolonya noong 1809, saka lamang ito nabigyan ng kinatawan sa Cortes. Noong Marso 19, 1812, ang Saligang Batas ng Cádiz ay naaprubahan, kung saan nagkaroon ang kolonya ng kaunaunahan nitong kinatawan sa Cortes noong Setyembre 24, 1812 sa pamamagitan nina Pedro Pérez de Tagle at José Manuel Coretto. Subalit, sa pagkatalo ni Napoleon I sa Labanan sa Waterloo, ang kanyang kapatid na si Joseph Bonaparte ay natanggal sa trono, at noong Mayo 24, 1816, ang Saligang Batas ng Cádiz ay pinalitan ng Cortes ng mas konserbatibong saligang batas na nagtanggal ng representasyon ng Pilipinas sa Cortes. Ang pagbabalik ng representasyon ng Pilipinas sa Cortes ay dinaing ng mga Ilustrado — ang edukadong klase noong dulo ng ika-19 siglo.[6]

Panahong rebolusyonaryo

baguhin

Ang kampanya ng mga Ilustrado ay nagpasimula ng himagsikan ng mga Pilipino na hinangad patalsikin ang pamumuno ng Espanya. Inihayag ang kalayaan sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 sa pamamagitan ng Pangulong Emilio Aguinaldo at inutos ang pagtatatag ng rebolusyonaryong kongreso sa Malolos. Ang ika-1899 na Saligang Batas ng Pilipinas ay itinatag ng Kongresong Malolos. Sa Kasunduan sa Paris ay ibinenta ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos. Ang mga rebolusyonaryo, na sinubukang pinigilan ang pananakop ng mga Amerikano ay nagsimula ng digmaan laban sa mga Amerikano, ngunit nabigo noong nadakip ang Pangulong Aguinaldo noong 1901.[7]

Panahon ng mga Amerikano

baguhin

Noong nasasakop pa ang Pilipinas ng Estados Unidos, ang lupong tagapagbatas ay ang Komisyon ng Pilipinas (Philippine Commission) na umiral noong 1900 hanggang 1907. Ang Pangulo ng Estados Unidos ay ang naghalal ng mga kasapi ng Komisyon. Gayundin, may dalawang Pilipino na nagsilbing Residenteng Komisyonado sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 1907 hanggang 1935, at iisa lamang noong 1935 hanggang 1946.[8]

Ang Panukalang Batas ng Pilipinas noong 1902 ay iminungkahi ang pagkakatatag ng bikameral o dalawang-lupong Lehislatura ng Pilipinas, kung saan ang Komisyon ng Pilipinas ay ang mataas na kapulungan, at ang Kapulungan ng Pilipinas ay ang mababa na kapulungan. Ang lupong bikameral na tagapagbatas na ito ay ipinasayasa noong 1907. Sa pamumuno ng Ispiker na si Sergio Osmeña at pinuno ng Komisyon na si Manuel L. Quezon, ang mga sistema ng ika-59 na Kongreso ng Amerika ay unti-unting pinamarisan hanggang tuwina ay naging sistema ng Batasang Pambansa ng Pilipinas.[9]

Noong 1916, ang Batas Jones ay binago ang sistema ng batasan. Ang Komisyon ng Pilipinas ay nabuwag, at ang bagong Lehislatura ng Pilipinas na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ay itinatag.[10]

Panahong Komonwelt at Pangalawang Republika

baguhin

Ang sistema ng batasan ay nagbago muli noong 1935. Ang Konstitusyon ng 1935, bukod sa pagtatatag ng Komonwelt na nagbigay sa mga Pilipino ng mas maraming gampanin sa pamahalaan, ay nagtatag ng unikameral na Batasang Pambansa. Ngunit noong 1940, sa pagpapalit ng Saligang Batas, ay tinatagmuli ang bikameral na Kongreso na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ay itinatag. Ang lahat na nahalal noong 1941 ay hindi maaaring tumakbo hanggang 1945, kung saan nagsimula ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig Ang pananakop ng mga Hapon ay nagtatag ng Pangalawang Republika at nagpulong sa Kapulungang Pambansa nito. Sa pagkatalo ng mga Hapon noong 1945, binuo muli ang Komonwelt at ang Kongreso nito. Nagpatuloy ang sistemang ito hanggang nakamtan na ng Pilipinas ang kalayaan sa Amerika noong Hulyo 4, 1946.[11]

Panahon ng kasarinlan

baguhin

Sa pagpapasinayasa ng Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946, ang Batas Republika Blg. 6 ay isinabatas at ang noo'y Kongresong Komonwelt ay kinilala bilang Unang Kongreso ng Pilipinas. Matapos ang matatagumpay na mga kongreso, idineklara ng Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar noong Setyembre 23, 1972.[12]

Noong 1970, pinamunuan ni Marcos ang pagpupulong upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935, at noong 1973, ay naaprubahan ang Saligang Batas ng 1973 na nagbuwag sa bikameral na Kongreso at nagtatag ng isang unikameral na Batasang Pambansa na pinamunuan sa sistema ng pangulo ng pamahalaan. Ang Batasan ay nag-halal ng Punong Ministro. Ang Batasang Pambansa ay unang nag-pulong noong 1978.[13]

Pinatalsik si Marcos sa kanyang posisyon matapos ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 1986. Pinalitan siya ni Corazon Aquino at naging pangulo. Noong taong din yun, nagtalaga ang Pangulong Aquino ng komisyong pang-konstitusyonal upang gumawa ng burador ng isang bagong saligang batas. Ang Saligang Batas na ito ay naaprubahan matapos ang plebesitong ginanap noong 1987. Binalik nito ang sistema ng pangulo upang mamuno sa bansa at ang bikameral na Kongreso na lupong tagapagbatas bago magdeklara ang batas militar. Unang nagpulong ang Kongreso na ito noong 1987.[14]

Taon Awtoridad Lupong tagapagbatas Uri Mataas na kapulungan Mababang kapulungan
1898–99   Mga lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng República Filipina
Saligang Batas ng Malolos Kongresong Malolos Unikameral Kongresong Malolos
  Pamahalaang Militar ng Estados Unidos
Kapangyarihang pandigmaan ng Pangulo ng Estados Unidos Batas militar
1900–02   Mga lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng República Filipina
Saligang Batas ng Malolos Kongresong Malolos Unikameral Kongresong Malolos
  Mga lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng Pamahalaang Militar ng Estados Unidos
Pagtatalaga ng Pangulo ng Estados Unidos Komisyong Taft Unikameral Komisyon ng Pilipinas
1902–07   Pamahalaang Pangkapuluan ng Kapuluan ng Pilipinas
Batas ng Pilipinas ng 1902 Komisyon ng Pilipinas Unikameral Komisyon ng Pilipinas
1907–16   Pamahalaang Pangkapuluan ng Kapuluan ng Pilipinas
Batas ng Pilipinas ng 1902 Lehislatura ng Pilipinas Bikameral Komisyon ng Pilipinas Kapulungan ng Pilipinas
1916–35     Pamahalaang Pangkapuluan ng Kapuluan ng Pilipinas
Batas Kasarinlan ng Pilipinas Batasang Pambansa Bikameral Senado Kapulungan ng mga Kinatawan
1935–41   Komonwelt ng Pilipinas
Saligang Batas ng 1935 Pambansang Kapulungan Unikameral Pambansang Kapulungan
1942–43   Imperyo ng Hapon
Kapangyarihang pandigmaan ng Emperador ng Hapon Batas militar
1943–44   Ikalawang Republika ng Pilipinas
Saligang Batas ng 1943 Pambansang Kapulungan Unikameral Pambansang Kapulungan
1945–46   Komonwelt ng Pilipinas
Mga pagbabago sa Saligang Batas ng 1935 Kongresong Komonwelt Bikameral Senado Kapulungan ng mga Kinatawan
1946–73   Pangatlong Republika ng Pilipinas
Mga pagbabago sa Saligang Batas ng 1935 Kongreso Bikameral Senado Kapulungan ng mga Kinatawan
1973–78
(hindi kailanman nagpulong)
  Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng batas militar
Saligang Batas ng 1973 Pambansang Kapulungan Unikameral Pambansang Kapulungan
1978–86   Ikaapat na Republika ng Pilipinas
Mga pagbabago sa Saligang Batas ng 1973 Batasang Pambansa Unikameral Batasang Pambansa
1986–kasalukuyan   Republika ng Pilipinas
Saligang Batas ng 1987 Kongreso Bikameral Senado Kapulungan ng mga Kinatawan
Pamamahala ng mga Partido sa Kongreso
Senado
Ang Senado, sa kasaysayan nito ay palaging nabubuo ng 24 na mga senador, kasama ang mga bakanteng posisyon. Ang Saligang Batas ng 1935 ay binuwag ang Senado, ngunit sa isang pagbabago ng Saligang Batas noong 1940 ibinalik ang ito at ang bikameralismo. Ang Saligang Batas ng 1978 ay binuwag muli ang Senado para sa isang unikameral na parlamento; ibinalik din ito sa pagpasa ng Saligang Batas ng 1987.
Kapulungan ng mga Kinatawan
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan (Batasang Pambansa) ay binubuo lamang ng 98 na kasapi, ngunit ang Saligang Batas ng 1935 ay pinalawig ito sa hindi bababa ng 120 na mga kasapi. Ang pagpasa ng Saligang Batas ng 1973 ay pinalawig ang bilang mga kasapi ng hindi bababa sa 200, at ang Saligang Batas ng 1987 ay pinalawig muli ang bilang mga kasapi ng hindi bababa sa 250.
Ang mga kasapi ng Kongreso ay kadalasang nalipat ng partido pabor sa pangulo pagkatapos ng halalan — na mas kilala bilang Sistemang Padrino; ang pangyayaring ito ay mas madalas sa mababang kapulungan kung kaya't napapasakamay ng pangulo ang di-kukulangin sa isang kamara sa isang takdang oras.

Palatakdaan ng oras

baguhin

Paggawa ng batas

baguhin
  1. Maaaring pasimulan ng kahit sino sa dalawang kapulungan ang isang panukalang batas na pipirmahan upang isabatas.
  2. Tatlong pagdinig.
  3. Ipasa sa ibang kapulungan.
  4. Isa pa uling pagdinig.
  5. Ipasa sa pangulo para isabatas o boto.
  6. Naging batas na ang panukulang batas
  7. Maaring pang i-apela ang nagawang batas sa Kataas-taasang Hukuman.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Article VI: THE LEGISLATIVE DEPARTMENT". Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 25, 2018. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Article VI: THE LEGISLATIVE DEPARTMENT". Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 25, 2018. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Article VI: THE LEGISLATIVE DEPARTMENT". Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 25, 2018. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Article VI: THE LEGISLATIVE DEPARTMENT". Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 25, 2018. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "The Legislative Branch". Philippines Official Gazette. Philippines Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2017. Nakuha noong Mayo 31, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin