Organo (anatomiya)

(Idinirekta mula sa Laman-loob)
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Organo (paglilinaw) at menudo (paglilinaw).

Sa biyolohiya, ang organo[1][2] o laman-loob (Ingles: organ; Latin: organum, "kasangkapan, instrumento") ay isang grupo ng mga tisyu na nagsasagawa ng isang tiyak na tungkulin o grupo ng mga tungkulin. Pangkaraniwan na may pangunahing tisyu (Ingles: main) at mga nakakalat (Ingles: sporadic) na mga tisyu. Ang pangunahing tisyu ay natatangi lamang para sa isang organo. Halimbawa, ang pangunahing tisyu sa puso ay ang myocardium, habang ang mga nakakalat na mga tisyu ng puso ay ang mga tisyung nerbyos, dugo, panikit na tisyu, at iba pa. Tinatawag ding menudo o minudo ang mga organo o laman-loob ng mga hayop.[1]

Mga organo ng hayop

baguhin

Ang mga pangkaraniwang organo sa mga hayop (kabilang ang mga tao ay ang: puso, mga baga, utak, mga mata, sikmura, pali, mga buto, lapay, mga bato, atay, mga bituka, balat (ang pinakamalaking organong pantao), bahay-bata, at pantog. Karaniwang tinatawag na mga laman-loob ang mga organong nasa loob ng katawan ng mga hayop. Bilang isang kaluponan, ang mga laman-loob ay tinaguriang viscera (kung maramihan) o viscus (kung nag-iisa) sa wikang Ingles.

Mga organong pang-halaman

baguhin

Maaaring paghati-hatiin ang mga organong panghalaman sa behetatibo at reproduktibo. Ang mga organong behetatibo ay ugat, tangkay at dahon; habang mga reproduktibo ay ang bulaklak, buto at bunga.

Mahalaga ang mga organong behetatibo sa pagpapanatili ng buhay ng isang halaman (ginagawa nila ang mga mahahalagang tungkuling behetatibo, katulad ng potosintesis), habang mahalaga naman ang mga organong reproduktibo sa pagpaparaming panghalaman ng espesye. Subalit kung mayroon reproduksiyong behetatibo o reproduksiyong asekswal, ang mga organong behetatibo ang siyang lumilikha ng bagong henerasyon ng mga halaman; samakatuwid, karaniwang lumilikha ang mga ito ng kolonyang kopya. Karaniwang ginagawa ng may-isang selulang organismo ang reproduksiyong asekswal (hindi nangangailangan ng proseso ng pagtatalik).

Mga sistema ng organo

baguhin

Ang isang grupo ng mga magkaka-ugnay na mga organo ay tinatawag na sistema ng organo. Maaaring magkakaugnay ang mga organo sa loob ng isang sistema sa anumang pamamaraan, subalit ang mga kaugnayan sa mga tungkulin ang mga karaniwang ginagamit. Halimbawa, binubuo ang sistemang yurinaryo ng mga organong nagtutulungan sa paglikha, pag-imbak, at pagdadala ng ihi.

Ang mga tungkulin ng mga sistema ng organ ay karaniwang may magkakabahagi at mahalagang pagkakapatung-patong. Halimbawa, ang mga sistemang nerbyos at endokrin ay kapwa nanunungkulan sa pamamagitan ng iisang organo: ang hipotalamus. Sa kadahilanang ito, pinagsanib ang dalawang sistema at pinag-aralan bilang sistemang neuroendokrin. Ito man ay totoo rin sa sistemang muskuloiskeletal, na kinasasangkutan ng mga kaugnayan sa pagitan ng sistemang muskular, ng pangsangkabutuhan at ng dihestibo.

Mga organo sa katawan ng tao ayon sa kinalalagyan

baguhin

Ulo at leeg

baguhin

Thorax

baguhin

Balakang at perineum

baguhin

Mga pang-itaas na sanga at mga pang-ibabang mga sanga

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Organo". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Organo." Estrada, Horacio R. Ang Gawain ng Mga Organo ng Tao, pinapaliwanang nito ang mga tungkulin ng lahat ng mga organong matatagpuan sa katawan ng tao. NRCP Medical Series 3 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph

Bibliyograpiya

baguhin
  • Estrada, Horacio R. Ang Mga Bahagi ng Katawan ng Tao, isang masusuing paglalarawan ng anatomiya ng katawan ng taong nasusulat sa wikang Pilipino, NRCP Medical Series 1 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph
  • Estrada, Horacio R. Ang Mga Selula ng Tao, tinatalakay ng seryeng ito ang histolohiya ng mga selula at iba’t ibang uri ng mga selula, at mga bahagi ng selulang natatagpuan sa katawan ng tao; nilalarawan din nito ang dibisyon o paghahati ng mga selulas, at ang pormasyon o pagbubuo ng selula para maging isang tisyu. NRCP Medical Series 2 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph
  • Estrada, Horacio R. Ang Gawain ng Mga Organo ng Tao, pinapaliwanang nito ang mga tungkulin ng lahat ng mga organong matatagpuan sa katawan ng tao. NRCP Medical Series 3 Naka-arkibo 2008-10-04 sa Wayback Machine., STII.dost.gov.ph

Tingnan din

baguhin