Malakas at Maganda

Sa mitolohiyang Pilipino, partikular sa mito ng paglikha, si Malakas at si Maganda ay ang pangunahing tauhan sa kuwentong-bayan ng mga Tagalog na kung saan sinasalaysay ang pagbuo ng mga pulo na tinatawag na ngayon bilang Pilipinas.[1] Ayon sa istorya, nagsanib (o kinasal) ang hangin sa lupain at hangin sa kalangitan, at nagbunga ang kanilang pagsasama ng isang kawayan (ang kanilang anak). Habang palutang-lutang ang kawayan sa tubig, napadpad ito sa pampang at tinamaan ang isang ibon, na galit na galit na tinuka ang kawayan na nabiyak. Pagkabiyak, lumabas sa isang bahagi ang isang lalaki at sa isa naman ay babae. Ang babae at lalaki ay ipinangalang sina Malakas at Maganda ng mga panitikang nagdokumento sa kuwentong-bayang ito.

Isang paglalarawan nina Malakas at Maganda

Pangkalahatang ideya

baguhin

Unang nadokumento ang kuwentong-bayan naiuugnay kina Malakas at Maganda sa aklat na Philippine Folk Tales ni Mabel Elizabeth C. Cole na inlimbag noong 1916[2] subalit hindi nabanggit ang mga pangalang Malakas at Maganda.[3] May ilang salin ng kuwento mula sa aklat ni Cole sa Tagalog ay pinangalan ang lalaki at babae na lumabas sa kawayan bilang sina Malakas at Maganda.[4] Pinangalanan din ang magulang ng kawayan bilang sina Hanging Amihan at Hanging Habagat na walang mga pangalan din sa aklat ni Cole.[4] Wala din pangalan ang ibon na bumiyak sa kawayan sa pamamagitan ng pagtuka subalit may mga salin din na pinangalan ang ibon. May salin na nagsasabing si Tigmamanukan ang ibon[5] at mayroon naman ang nagsasabing si Manaul ang ibon.[6]

Karaniwan ang mga alamat sa ilang kalinangang Asyano tungkol sa paglitaw ng sangkatauhan mula sa isang kawayan.[3] Tungkol sa isang lalaki na nanaginip ng isang magandang babae sa ilalim ng kawayan ang isang alamat mula sa Malaysia.[7] Sa tradisyong-pambayang Hapones, nagsasalaysay ang Kuwento ng Tagaputol ng Kawayan (Hapones: 竹取物語, Hepburn: Taketori Monogatari) ng isang babae na lumitaw mula sa isang bahaging kumikinang ng isang kawayan.[8]

Sa Kabisayaan, partikular ng mga Hiligaynon (o tinatawag noong Yligueynes), may isang katulad na istorya, na unang nadokumento ng Kastilang si Miguel de Loarca ng Arevalo, Espanya noong 1582, na nagsasalaysay ng dalawang nilalang nagngangalang Sicalac at Sicavay na umusbong mula din sa kawayan.[9] Nalikha din ang kawayan na iyon sa pagsasanib ng hangin sa lupa at hangin sa langit.[10] Nagkaroon ng mga anak sina Sicalac at Sicavay na pinangalang Sibo at Samar.[10]

Sang-ayon kay Jordan Clark, isang Kanadiyano na nangongolekta ng mga kuwentong-bayang Pilipino at ang lumikha ng websayt na The Aswang Project,[11] ang pagkakatulad ng istorya nina Sicalac at Sicavay ng mga Bisaya at kuwentong-bayan dinokumento ni Cole sa kanyang aklat na tinukoy bilang sa kuwentong Tagalog ay nagbunga ng hindi pagiging malinaw kung ang aklat ni Cole ba ay maling pagdodokumento, maling pagkukuwento, o maling pagkakaunawa bilang isang kuwentong-bayan ng mga Tagalog.[3] Dagdag pa ni Clark, unang nabanggit ang mga pangalang Malakas at Maganda sa makabagong panitikan noong 1931 sa artikulo ni Jose Garcia Villa na Malakas: A Story of Old-time Philippines[12] subalit walang kaugnayan sa mito ng paglikha at naging popular ang mga ganitong karakter sa mga palabas at panitikan sa mga panahon na iyon sa Pilipinas.[3] Nahanap ni Clark ang marahil na unang pagbanggit ng mga karakter na Malakas at Maganda sa sanaysay ni Francisco B. Icasiano noong 1941 na may pamagat na Barrio Synthesis[13] na may kuwento ng mito ng paglikha.[3][14] Ito raw ang ginamit bilang aklat-aralin sa edukasyon sa mga sumunod na mga dekada at simula ng pagbabanggit ni Icasiano, dinagdag ang tauhang Malakas at Maganda sa kuwentong-bayan ng mga Tagalog na unang dinokumento ni Cole.[3]

Sa palabas sa teatro, lumabas ang mga karakter sa Malakas and Maganda ni Antonio O. Bayot na naitampok noong 1956 sa Prize Winning Plays of the Arena Theatre of the Philippines.[15] Nagkaroon din ng mga artistikong ilustrasyon ang mga karakter sa pamamagitan ng alagad ng sining na si Nestor Redondo (ang kasamang lumikha ng karakter na Darna).[16] Naging mas sikat pa ang karakter na Malakas at Maganda nang naitampok ito sa pinta na kinomisyon nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating Unang Ginang Imelda Marcos para ilagay sa Palasyo ng Malakanyang.[17] Sa magkahiwalay na mga pinta, isinalarawan si Ferdinand bilang si Malakas at si Imelda bilang si Maganda.[18] Gawa ni Evan Cosayco ang mga pinta at sinabi sa isang artikulo na ginamit ng mga Marcos ang sining upang maglinlang.[19]

Kuwento

baguhin
 
Bantayog nina Malakas at Maganda sa Museong Vargas sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman; nililok ni Pio Abad

Nang nagsimula ang daigdig, walang lupain subalit mayroong karagatan at kalangitan. Isang araw, may isang Ibong mandaragit na napagod sa kakalipad, kaya hinalo niya ang dagat at tinapon sa kalangitan. Upang mapigilan ang karagatan, nagpaulan ang kalangitan ng mga pulo hanggang hindi na ito makataas subalit pabalik-balik na tumakbo. Inutusan ng kalangitan na tumira ang Ibong mandaragit sa isa sa mga pulo upang gumawa ng kanyang pugad at huwag nang gambalain ang karagatan at kalangitan.

Sa panahon na ito, kinasal sina Hanging Amihan (hangin sa lupa) at Hanging Habagat (hangin sa dagat) at nagkaroon sila ng anak na kawayan. Isang araw nang palutang-lutang ang kawayan na ito sa tubig, nabangga ito sa paanan ng Ibong mandaragit na nasa pampang. Sa galit ng ibon, tinuka niya ang kawayan at nang ito'y nabiyak, lumabas sa isang bahagi ang isang lalaki, si Malakas, at sa isa naman ang isang babae, si Maganda. Pagkatapos, tinawag ng isang lindol ang lahat ng ibon at isda upang mapagpasyahan kung ano ang gagawin sa dalawang nilalang na ito. Nagpagpasyahan na ikasal ang dalawa at nagkaroon sila ng maraming anak na pinagmulan ng mga iba't ibang lahi sa ngayon.

Paglipas ng panahon, napagod na ang mga magulang sa pagkakaroon ng mga anak na walang ginagawa o walang silbi, at hiniling na palayasin sila ngunit alam nilang wala silang mapupuntahan. Lumipas ang panahon at dumami ang mga anak at wala kapayapaan ang mga magulang. Kaya isang araw, pinalo ng ama ang mga anak sa lahat ng bahagi ng katawan. Natakot ang mga anak at lumayo sila sa iba't ibang dako — may ilan nagtago sa lihim na silid, may ilan na nagtago sa dingding, may ilan na tumakbo sa labas, may ilan nagtago sa pausukan, at may ilan na umalis patungo sa dagat.

Kaya ang nangyari, naging pinuno ng kapuluan ang mga nagtago sa mga lihim na silid, at ang mga naging alipin naman ang mga nagtago sa dingding. Naging malayang tao naman ang mga tumakbo sa labas, at naging lahing itim ang mga nagtago sa pausukan habang ang umalis patungong dagat ay nawala ng maraming taon, at nang bumalik ang kanilang mga anak, naging lahing puti sila.[Pananda 1]

Usapin tungkol sa kasarian

baguhin

Sinabi ng Dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon ng Unibersidad ng Pilipinas na si Dr. Rolando Tolentino, ang mga pangalang Malakas at Maganda ay maaring tukuyin ang kasarian na walang-pinapanigan (gender-neutral sa Ingles).[19] Ibig sabihin maari na isalarawan ang parehong katangiang malakas at maganda sa isang babae.[20] Nagkukumplimyento ang bawat isa sa kanila.[21] Sang-ayon naman sa dalubhasa sa kasaysayan na si Xiao Chua, patriyarkiya ang kuwento ng Genesis sa Bibliya ng Hudeo-Kristiyano tungkol kina Eba at Adan dahil nalikha lamang si Eba dahil nalungkot si Adan.[22] Sa kuwentong-bayan ng mga Tagalog o ng mga Bisaya man, sabay na lumabas ang babae at lalaki sa kawayan na sinisimbolo ang pagkakapantay ng babae at lalaki sa lipunan.[22]

Mga pananda

baguhin
  1. 1 Mukhang naidagdag ang huling bahagi ng mga lahing puti mula sa orihinal na bersyon ng kuwentong-bayan at naipasa-pasa lamang sa paglipas ng panahon.[23]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blancaflor, Saleah (2018-07-19). "Invisible Storybook Tells a Relatable Tale with 'Si Malakas at Si Maganda'". NBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cole, Mabel Elizabeth C. (1916). Philippine Folk Tales (sa wikang Ingles). A. C. McClurg & Company. p. 187-188.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Clark, Jordan (2020-06-15). "Examining the 'First Man & Woman From Bamboo' Philippine Myths • THE ASWANG PROJECT". THE ASWANG PROJECT (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Ignacio, Jerome. "Sandaang Salaysay: Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at Si Maganda)" (PDF). Areté - Pamantasang Ateneo de Manila.
  5. Zamora, Adelaida (24 Pebrero 2005). "Nagbuhat Sa Bughaw". Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2007. Nakuha noong 2007-09-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. De Guzman, Daniel (2017-06-09). "The Role of Birds and Serpents in Philippine Mythology • THE ASWANG PROJECT". THE ASWANG PROJECT (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Bamboo Symbolism in Mythology and Folklore". Bambu Batu (sa wikang Ingles). 2018-12-29. Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Taketori Monogatari". cjp.asc.ohio-state.edu. Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Blair, E. H. "The Philippine Islands, 1493–1803: explorations by early navigators, descriptions of the islands and their peoples, their history and records of the catholic missions, as related in contemporaneous books and manuscripts, showing the political, economic, commercial and religious conditions of those islands from their earliest relations with European nations to the beginning of the nineteenth century, Volume V, 1582–1583". www.gutenberg.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Eugenio, Damiana L. (2007). Philippine Folk Literature: An Anthology (sa wikang Ingles). UP Press. p. 15-16. ISBN 978-971-542-536-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Ichimura, Anri (2021-06-08). "Here's the Trese Creator's Starter Pack to Philippine Mythology". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Villa, Jose Garcia (1931). "Malakas: A Story of Old-time Philippines". New Mexico Quarterly (Bol. 1 Isyu 2).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Dimensions in Learning English i (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. p. 262. ISBN 978-971-23-2328-7.
  14. Icasiano, Francisco B. (1941). Horizons from my nipa hut. Manila: Nipa Hut.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Prize Winning Plays of the Arena Theatre of the Phillipines (sa wikang Ingles). 1956.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Si Malakas at si Maganda - Nestor Redondo". komiksmuseum.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-07. Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Sumayao, Marco (2018-09-24). "Painting the Marcos Myth with Ferdinand as Malakas, Imelda as Maganda". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Bulan, Amierielle Anne (2021-09-21). "'Malakas at Maganda' as propaganda: Deceitful art during Martial Law". nolisoli.ph. Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 Adel, By Rosette. "The art of deception | 31 years of amnesia". newslab.philstar.com. Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Doyo, Ma Ceres P. (2013-07-10). "Woman both 'malakas' and 'maganda'". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Kasilag, Lucrecia R. (1995). "Filipino women in the arts in the context of cultural development". Journal of Southeast Asian Studies. 1 (1): 93. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2014-10-02.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 "XIAOTIME, 8 March 2013: MGA BABAYLAN AT MGA BINUKOT". IT'S XIAOTIME! (sa wikang Ingles). 2013-03-08. Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Docdocil, Frederick Alain (2009-07-04). "Ancient Philippine Creation Myth: Malakas and Maganda". BakitWhy (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)