Alemanya
Ang Alemanya (Aleman: Deutschland), opisyal na Republikang Pederal ng Alemanya, ay bansang matatagpuan sa Gitnang Europa. Pinapaligiran ito ng Dinamarka, Dagat Hilaga, at Dagat Baltiko sa hilaga; Pransiya, Luksemburgo, Belhika, at Nederlandiya sa kanluran; Austria at Suwisa sa timog; at Polonya at Tsekya sa silangan. Nagbabahagi rin ito ng hangganang maritimo sa Suwesya. Sumasaklaw ang bansa ng 375,600 km2 at tinatahanan ng higit 82 milyong mamamayan, sa gayo'y ikalawang pinakamataong bansa sa kontinente. Ang kabisera at pinakamataong lungsod nito ay Berlin.
Republikang Pederal ng Alemanya Bundesrepublik Deutschland (Aleman)
| |
---|---|
Salawikain: Einigkeit und Recht und Freiheit "Pagkakaisa at Katarungan at Kalayaan" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Berlin 52°31′N 13°23′E / 52.517°N 13.383°E |
Wikang opisyal | Aleman |
Katawagan | Aleman Hermano |
Pamahalaan | Parlamentaryong republikang pederal |
• Pangulo | Frank-Walter Steinmeier |
Olaf Scholz | |
Lehislatura | Konsehong Pederal Diyetang Pederal |
Makabagong Kasaysayan | |
18 Enero 1871 | |
11 Agosto 1919 | |
30 Enero 1933 | |
23 Mayo 1949 | |
7 Oktubre 1949 | |
3 Oktubre 1990 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 357,022 km2 (137,847 mi kuw) (ika-63) |
• Katubigan (%) | 1.27 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | Padron:Increase neutral 84,607,016 (ika-19) |
• Densidad | 232/km2 (600.9/mi kuw) (ika-58) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $4.743 trilyon (ika-5) |
• Bawat kapita | $56,956 (ika-15) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $4.319 trilyon (ika-4) |
• Bawat kapita | $51,860 (ika-15) |
Gini (2019) | 29.7 mababa |
TKP (2019) | 0.947 napakataas · ika-6 |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong pantelepono | +49 |
Internet TLD | .de |
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig at Himagsikang Nobyembre, sa semi-presidensyal na Republikang Weimar. Dumulot ang pag-angat ng kapangyarihan ng Partido Nazi sa pagtatatag ng totalitaryong diktadura, na humantong sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Holokausto.
Pagkatapos ng Estados Unidos, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.[1]
Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay Germania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.
Ito ay nabuo lámang bílang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa dalawa: Republikang Pederal ng Alemanya na nakilala bílang Kanlurang Alemanya at Demokratikong Republika ng Alemanya na nakilala naman bilang Silangang Alemanya. Noong 3 Oktubre 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang Berlin ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.
Etimolohiya
baguhinDahil sa lokasyong heograpikal nito sa gitna ng Europa at bagong pagkakaisa nito, kilala ang Alemanya sa iba't ibang pangalan na nag-iiba batay sa wika ng, na inspirasyon ng mga taong bumuo nito. Halimbawa, sa wikang Aleman ay kilala ang bansa na Deutschland mula sa Old High German diutisc, sa Pranses bilang Allemagne mula sa pangalan ng tribong Alamanni, sa Italyano bilang Germania mula sa Latin Germania (bagaman ang mga Aleman ay tinatawag na tedeschi) , sa Polish bilang Niemcy mula sa Proto-Slavic nemets, at sa Finnish bilang Saksa mula sa pangalan ng tribong Saxon.
Nagmumula ang pangalang Deutschland sa salitang Matandang Alemang Mataas na diutisc, o mga katulad na variant mula sa Proto-Germanic *Þeudiskaz (Old English þeod), na orihinal na nangangahulugang "ng bayan" at unang ginamit bilang pagtatalaga ng mga mamamayang Aleman. Ito naman ay nagmula sa salitang Germanic na nangangahulugang "folk" (na humahantong sa Old High German diot, Middle High German diet), at ginamit upang makilala ang mga nagsasalita ng mga Germanic na wika at ang mga nagsasalita ng Celtic o Romance na mga wika. Ang mga salitang ito ay nagmula sa *teuta, ang salitang Proto-Indo-European para sa "mga tao".
Kasaysayan
baguhinNadiskubre sa Alemanya ang mga buto ng pre-humanong Danuvius guggenmosi na nasa Alemanya 11 milyong taon sa nakaraan. at pinaniniwalaang ang isa sa mga pinakamaagang nakalakad gamit ang dalawa nitong paa. Natuklasan sa munting bayan ng Mauer ang posil ng Homo heidelbergensis, na nagpapakitang tinahanan ng mga sinaunang tao ang lupaing Aleman di-bababa sa 600,000 taon ang nakalipas. Natagpuan naman sa Lambak ng Neander ang mga labi ng arkaikong Neandertal, espesye ng taong mahigit 400,000 nang lumisan.
Ang bansa ng Alemanya ay masagana sa kasaysayan na nagmula noong 100 BC. Maliit lámang ang kaalaman sa dáting Alemanya ngunit alam na ang mga tribong Hermaniko ay madalas naglaban sa Imperyo ng Roma.
Nang ika-9 siglo ay kumalat ang Kristyanismo sa bansa. Dito din pinanganak si Martin Luther, isang monghe na naghimagsik sa batas ng Simbahan at nagsimula ng bagong relihiyon na ang Protestanismo. Ito ang naging mitsa ng Panahon ng Repormasyon.
Nang ika-19 siglo naman ay dumating ang sikát na Kaharian ng Prusya at sa pamumuno ni Otto von Bismarck at nakita ang tagumpay sa mga digmaan laban sa Dinamarka at Austria. Sa mga hulíng taon ng siglo natatag ang impyero ng Alemanya pagkatapos sa pagpapanalo sa digmaan laban sa Pranses.
Nang ika-20 siglo naman ang karanasan ng bayan ng Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahati ang bansa sa silangan at kanluran. Ang Dingding ng Berlin ang naghati sa gitna ng kabisera at naging simbolo ng Digmaang Malamig.
Nang 1989, pinatumba ang Dingding ng Berlin at nagkasama ulit ang kanluran at silangan. Sa kasulukuyan, ang ekonomiya ng Alemanya ay isa sa mga pinakamahusay sa mundo.
Pagkakahati
baguhinLabing-anim na estado (Bundesländer) ang bumubuo sa Alemanya at ang kani-kaniyang kabisera:[2]
- Baden-Württemberg (Stuttgart)
- Baviera (Múnich)
- Berlin (Berlin)
- Brandeburgo (Potsdam)
- Bremen (Bremen)
- Hamburgo (Hamburgo)
- Hesse (Wiesbaden)
- Mecklemburgo-Kanlurang Pomerania (Schwerin)
- Mababang Sahonya (Hanóver)
- Hilagang Renania-Westfalia (Düsseldorf)
- Renania-Palatinado (Maguncia)
- Sarre (Sarrebruck)
- Sahonya (Dresde)
- Sahonya-Anhalt (Magdeburgo)
- Schleswig-Holstein (Kiel)
- Turingia (Erfurt)
Kultura
baguhinAng Alemanya ay isang kulturang indibidwalistiko na isang uri ng ng kultura na ang pagpapahalaga ay nasa isang indibidwal o sarili kesa sa isang grupo. Ang mga kulturang indidbidwalistiko ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya, autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Aleman ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Alemanya ay isang uri ng may mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Aleman ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.
Tignan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ "Germany Top Migration Land After U.S. in New OECD Ranking". Bloomberg. 20 Mayo 2014. Nakuha noong 29 August 2014.
- ↑ es:Organización territorial de Alemania
Mga kawing panlabas
baguhin- Deutschland Online Naka-arkibo 2005-08-08 sa Wayback Machine., ang internasyonal na magazin ng Republikang Federal ng Alemanya