Kathang-isip na pang-agham

(Idinirekta mula sa Piksyong pangsiyensiya)

Ang mga kathang-isip na pang-agham o siyensiyang piksiyon, o science fiction sa Ingles (SF, S.F., o sci-fi kapag pinaikli), ay isang malawakang anyo ng panitikan at ibang media na karaniwang kinabibilangan ng mga pagmumuni-muning batay sa pangkasalukuyan o panghinaharap na kalagayan ng agham o teknolohiya. Nakikita ang paksang ito sa mga aklat, sining, telebisyon, pelikula, laro, tanghalan, at marami pang iba. Nahahalo rin ang ganitong uri ng pagsasalaysay sa mga kathang may kababalaghan o pantasya, at maging sa mga kuwento ng pag-ibig, digmaan, katarungan, at iba pang mga kaugnay na anyo.[1][2] Subalit, ang salaysaying makaagham ay hindi kuwento ng mga kababalaghan o katatakutan. At kaiba rin ito mula sa pantasya.[2] Kabilang ang salaysaying makaagham sa piksiyong espekulatibo.

Mga kahulugan

baguhin

Mahirap bigyan ng kahulugan ang salaysaying makaagham dahil kinabibilangan ito ng malawak na sakop ng mga kasamang-paksa at mga tema. Sinuma ng may-akda at patnugot na si Damon Knight ang kahirapang ito sa pagbibigay-kahulugan sa pagsasabing "ang salaysaying makaagham ay kung ano ang itinuturo natin kapag sinasabi natin ito.[3][4] Ikinatwiran ni Vladimir Nabokov kung magiging mahigpit tayo sa ating mga pagkakahulugan, maaaring ibilang at tawaging salaysaying makaagham ang dulang The Tempest (Ang Mabangis na Bagyo) ni William Shakespeare.[5]

Ayon sa manunulat ng siyensiyang piksiyon na si Robert A. Heinlein, "maaaring basahin ang isang gamitin at maikling kahulugan ng halos lahat ng mga salaysaying makaagham ng ganito: makatotohang pagbabakasakali hinggil sa mga maaaring maging mga kaganapan sa hinaharap, na tiyakang ibinatay sa sapat na kaalaman tungkol sa tunay na mundo, nakalipas at kasalukuyan, at maging sa puspusang pagkakaunawa sa likas na katangian at kahalagahan ng pamamaraang makaagham[6][7] Para kay Rod Serling, binanggit niya ang kahulugan ito: "Ang Salaysaying Makaagham ay ang improbableng naging posible, at ang Pantasya[8] ay ang imposibleng naging probable."[9][10] Isinulat ni Lester Del Rey na "Maging ang debotong tagasunod - o tagapagtangkilik - ay nahihirapan din sa pagsubok na ipaliwanag kung ano ang salaysaying makaagham," at ang dahilan kung bakit walang "buo at kasiya-siyang kahulugan" ay dahil "walang mga madaliang masasabing hangganan para sa salaysaying makaagham."[11][12] Hayagang ginamit ni Forrest J. Ackerman ang terminong "sci-fi" (daglat para sa science-fiction) sa UCLA noong 1954,[13] bagaman ginamit ito ni Robert A. Heinlein sa isang pribadong pakikipag-ugnayan anim na taon na ang nakararaan.[14] Sa pagpasok ng salaysaying makaagham sa kalinangang bantog, iniugnay ng mga manunulat at mga tagapagtangkilik ng larangan ang katawagan sa mga pelikulang may gradong B - mga panooring hindi primera-klase ang kalidad na naisagawa ng hindi ginugugulan ng maraming salaping at may hindi-gaanong binahagian ng sapat na teknolohiya. Iniugnay din ng mga manunulat at mga tagapangkilik ito sa mga babasahing nasa mga magasin na may mababang kalidad.[15][16][17] Nang sumapit ang mga dekada ng 1970, ginagamit na ng mga manunuri sa loob ng larangan, katulad nina Terry Carr at Damon Knight ang daglat na "sci-fi" upang maipagkaiba ang mga sulating hindi-gaanong pinagtuunan ng pansin at pagtitiyaga mula sa mga seryoso at taimtim na inihandang salaysaying makaagham,[18] at noong mga panahon ng 1978, ipinakilala nina Susan Wood at ng iba pa ang pagbigkas na "skiffy" (iski-fi) para sa sci-fi. Isinulat ni Peter Nicholls na "SF" (o "sf") ang "mas iniibig na gamiting daglat sa loob ng komunidad ng mga manunulat at mambabasa ng salaysaying makaagham."[19][20] Sa buwanang Ansible - isang fanzine o mga magasing elektroniko para sa mga tagapagtangkilik - ni David Langford nabibilang ang isang palagiang seksiyong "As Others See Us" (Kung Paano Tayo Tingnan ng Iba) na nagaalok ng maraming mga halimbawa na ginagamit ng mga tao ang "sci-fi" sa isang diwang nakabababa ng antas, sa labas ng anyong panlarangan ng salaysaying makaagham.[21]

Paglalarawan at mga katangian

baguhin

Naiiba ang kathang-isip na salaysaying pang-agham mula sa mga gawang tuwirang bungang-isip lamang sapagkat maaaring maganap o matupad ang pinaka-paksa at mga bahagi ng kuwento, na batay sa mga napatunayang kaisipan sa larangan ng agham at mga batas ng kalikasan. Tinatalakay nito ang samu't-saring posibilidad na maaaring kakaiba ang pook ng pinangyarihan mula sa kinikilalang katotohanan.[22]

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Mga layunin

baguhin

Ang pagtarok at pagtuklas ng mga kaibahang nabanggit ang siyang pinaka-puno at naka-ugaliang paksa at pakay ng mga kathang-isip na salaysaying pang-agham. Ito ang "panitikan ng mga kaisipan".[25] Layunin ng salaysaying makaagham ang pagpapaliwanag ng walang-katapusang pagbabago, at maging ang pagtalakay sa kung ano ang maibibigay ng darating pang hinaharap. Ito ang panitikan ng bago, makabago at nakapagbibigay-bungang mga kaisipan. At sinasagot o hinuhulaan ng manunulat ng salaysaying makaagham ang katanungang "ano kaya ang mangyayari kung..."[2]

Nahulaan ng mga salaysaying makaagham ang mga natupad na mga ideyang ginagamit sa pangkasalukuyan: katulad ng pagkakalikha ng aparatong radar, mga sasakyang pang-ilalim ng dagat, panghimpapawid at pang-kalawakan, paglalakbay sa kalawakan, robot, telebisyon, kompyuter, at ng bomba atomika.

Isang iba pang uri ng salaysaying makaagham ang alternatibong kasaysayan o ukroniya (mula sa Kastilang ucronía). Halimbawa ang 1984 ni George Orwell.

Ang pagtuluyan ng posibleng kasaysayan ay pinag-uusapan ng maraming manunulat. Ang Last and First Men (Pinakahuli at Unang Katauhan) ni William Olaf Stapledon ay tungkol sa dalawang bilyong taong kinabukasang kasaysayan ng tao.

Sa Hapon, ang tawag sa salaysaying makaagham ay makatradisyong 科学小説 kagaku shousetsu o kaya modernong SF小説 esu efu shousetsu o エスエフ esu efu.

Kasaysayan ng salaysaying makaagham

baguhin

Isa sa pinakaunang salaysaying makaagham ang Histoire comique des états et empires de la Lune {Wikang Pranses} (o Ang Nakakatuwang Salaysay mula sa Bayan at Imperyo ng Buwan, {siglo 1600}) ni Cyrano de Bergerac, isang kuwentong tumukoy sa paglalakbay sa kalawakan sa pamamagitan ng mga rocket o sasakyang pangkalawakan. Itinuturing ding salaysaying makaagham ang Odyssey ni Homer, sapagkat noong kapanahunan ng may-akda itinuturing na katotohanan ang pagkakaroon ng mga dambuhala, sirena, at mga diyos. Kabilang din sa mga pangunahing tagapag-taguyod ng mga salaysaying makaagham [mula siglo 1800 hanggang 1900] sina Edgar Allan Poe, Jules Verne, H.G. Wells, Edgar Rice Burroughs, Hugo Gernsback, at John W. Campbell, Jr. Tinalakay ng mga gawain ng mga manunulat na ito ang paglalakbay sa buwan sa pamamagitan ng malaking lobo, mga makabagong imbensiyon katulad ng submarino, mga mananalakay mula sa ibang planeta, ang paglalakbay sa nakaraang panahon, mga buhay at katayuan sa ibabaw ng ibang mga planeta, at iba't ibang paksa hinggil sa larangan ng kaugaliang pantao.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Mga talababa

baguhin
  1. N. E. Lilly (2002-03-01). "What is Speculative Fiction?". Nakuha noong 2007-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8
  3. Knight, Damon Francis (1967). In Search of Wonder: Essays on Modern Science Fiction. Advent Publishing, Inc. pp. pg xiii. ISBN 0-911682-31-7. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Isinalin mula sa Ingles: "science fiction is what we point to when we say it".
  5. Nabokov, Vladimir Vladimirovich (1973). Strong opinions. McGraw-Hill. pp. pg. 3 et seq. ISBN 0-07-045737-9. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Heinlein, Robert A.; Cyril Kornbluth; Alfred Bester; Robert Bloch (1959). "Science Fiction: Its Nature, Faults and Virtues". The Science Fiction Novel: Imagination and Social Criticism. Pamantasan ng Chicago: Advent Publishers. {{cite conference}}: Unknown parameter |booktitle= ignored (|book-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Salin ito ng "a handy short definition of almost all science fiction might read: realistic speculation about possible future events, based solidly on adequate knowledge of the real world, past and present, and on a thorough understanding of the nature and significance of the scientific method."
  8. Literal na salin ng fantasy
  9. Rod Serling (1962-03-09). The Twilight Zone, The Fugitive.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Salin ng "Science fiction is the improbable made possible, and fantasy is the impossible made probable."
  11. Del Rey, Lester (1980). The World of Science Fiction 1926-1976. Garland Publishing.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Isinalin mula sa "Even the devoted aficionado– or fan- has a hard time trying to explain what science fiction is," and that the reason for there not being a "full satisfactory definition" is that "there are no easily delineated limits to science fiction."
  13. The American Heritage® Dictionary of the English Language, Pang-apat na Edisyon. Houghton Mifflin Company. 2000.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Science Fiction Citations". Nakuha noong 2007-02-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Whittier, Terry (1987). Neo-Fan's Guidebook.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Scalzi, John (2005). The Rough Guide to Sci-Fi Movies.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Ellison, Harlan (1998). ""Harlan Ellison's responses to online fan questions at ParCon"". Nakuha noong 2006-04-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. John Clute at Peter Nicholls, patnugot (1993). ""Sci fi" (artikulo ni Peter Nicholls)". Encyclopedia of Science Fiction. Orbit/Time Warner Book Group UK.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. John Clute at Peter Nicholls, patnugot (1993). ""SF" (artikulo ni Peter Nicholls)". Encyclopedia of Science Fiction. Orbit/Time Warner Book Group UK.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Isinalin mula sa "the preferred abbreviation within the community of sf writers and readers."
  21. "Ansible". David Langford.
  22. Del Rey, Lester (1979). The World of Science Fiction: 1926-1976. Ballantine Books. pp. 5. ISBN 0-345-25452-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Card, Orson Scott (1990). How to Write Science Fiction and Fantasy. Writer's Digest Books. pp. 17. ISBN 0-89879-416-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Hartwell, David G. (1996). Age of Wonders: Exploring the World of Science Fiction. Tor Books. pp. 109–131. ISBN 0-312-86235-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Marg Gilks, Paula Fleming and Moira Allen (2003). "Science Fiction: The Literature of Ideas". WritingWorld.com.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliograpiya

baguhin

Nasa wikang Ingles ang mga sumusunod:

  1. Barron, Neil, ed. Anatomy of Wonder: A Critical Guide to Science Fiction (5th ed.). (Libraries Unlimited, 2004) ISBN 1-59158-171-0.
  2. Clute, John Science Fiction: The Illustrated Encyclopedia. London: Dorling Kindersley, 1995. ISBN 0-7513-0202-3.
  3. Clute, John at Peter Nicholls, eds., The Encyclopedia of Science Fiction. St Albans, Herts, UK: Granada Publishing, 1979. ISBN 0-586-05380-8.
  4. Clute, John at Peter Nicholls, eds., The Encyclopedia of Science Fiction. New York: St Martin's Press, 1995. ISBN 0-312-13486-X.
  5. Disch, Thomas M. The Dreams Our Stuff Is Made Of. Touchstone, 1998.
  6. Reginald, Robert. Science Fiction and Fantasy Literature, 1975-1991. Detroit, MI/Washington, DC/London: Gale Research, 1992. ISBN 0-8103-1825-3.
  7. Weldes, Jutta, ed. To Seek Out New Worlds: Exploring Links between Science Fiction and World Politics. Palgrave Macmillan, 2003. ISBN 0-312-29557-X.
  8. Westfahl, Gary, ed. The Greenwood Encyclopedia of Science Fiction and Fantasy: Themes, Works, and Wonders (three volumes). Greenwood Press, 2005.
  9. Wolfe, Gary K. Critical Terms for Science Fiction and Fantasy: A Glossary and Guide to Scholarship. Greenwood Press, 1986. ISBN 0-313-22981-3.

Mga talaugnayang panlabas

baguhin