Ang sushi (すし, 寿司, 鮨, 鮓, 寿斗, 寿し, 壽司) ay isang lutuing Hapones na binubuo ng hinandang kaning may suka (鮨飯 sushi-meshi), kadalasang may kaunting asukal at asin, kasama pa ng mga iba't ibang kasangkapan (ネタ neta), katulad ng pagkaing-dagat, gulay, at paminsan-minsan tropikal na prutas. Nag-iiba ang mga estilo ng sushi at anyo ng kanyang presentasyon ngunit ang lahat ng sushi ay may "kaning sushi" na tinatawag na shari (しゃり) o sumeshi (酢飯). Hindi na ginagamit ang salitang sushi sa kanyang orihinal na konteksto; "maasim" ang literal na kahulugan nito.

Sushi.
Mga klase ng sushi. Sa daloy ng orasan mula sa kaliwang-itaas: nigirizushi, makizushi, temaki.

Tradisyunal na binubuo ang sushi ng kaning puti na may katamtamang butil, ngunit maaari itong ihanda gamit ang kaning kayumanggi o kaning may maikling butil. Kadalasang inihahanda ito kasama ng pagkaing-dagat, katulad ng pusit, igat, yellowtail, salmon, tuna, o crab stick. Pangugulayin ang mararaming sushi. Madalas na inihahain ito kasama ng gari, wasabi, at toyo. Tanyag na palamuti ng putahe ang daikon (takuan).

Ikinalilito minsan ang sushi bilang sashimi, isang kaugnay na ulam sa lutuing Hapones na binubuo ng hinating isda na ihinaing hilaw, minsan karne, na ipinapares sa kanin (opsyonal).[kailangan ng sanggunian]


Kasaysayan

baguhin
 
Sushi ni Hiroshige sa panahong Edo

Nagmumula ang sushi sa Timong-silangang Asya, kilala ngayon bilang narezushi (馴れ寿司, 熟寿司 – "daing na isda"), na posibleng nakaimbak sa ibinurong kanin nang iilang buwan sa isang pagkakataon. Pinipigilan ng laktopermentasyon ng kanin ang pagbubulok ng isda;[1] itinatapon ang kanin bago kaninin ang isda.[2] Ang ganitong maagang uri ng sushi ay naging mahalgang pinagkukunan ng protina sa mga Haponesang konsumidor. Ang salitang "sushi" ay nagmumula sa makalumang pambalarilang uri na hindi na ginagamit sa ibang konteksto, at literal na nangangahulugang "maasim"; ang putahe ay may lasang maasim at umami o malinamnam.[3] Umiiral pa rin ang narezushi bilang rehiyonal na espesyalidad, kapansin-pansin bilang funa-zushi mula sa Prepektura ng Shiga.[4]

 
Sushi ng estilong Osaka, tinatawag ding "Oshi-zushi" o "hako-sushi"

Sinimulang idinagdag ang suka sa paghahanda ng narezushi sa panahong Muromachi (1336–1573) para mapahusay ang lasa at pagpapanatili. Bilang karagdagan sa pagdaragdag ng asim ng kanin, ipinahaba ng suka ang kahabaan ng buhay ng putahe, na naging sanhi ng pagpapaikli ng proseso ng pagbuburo at kalaunang pagwawaksi. Higit pang nilinang ang primitibong sushi sa Osaka, kung saan naging oshi-zushi o "hako-zushi" ito sa loob ng iilang siglo; sa ganitong paghahanda, hinubog ang pagkaing-dagat at kanin gamit ang hulma na gawa sa kahoy (tipikal na kawayan).

Nagsimulang inihain lamang noong panahong Edo (1603-1868) ang sariwang isda sa ibabaw ng ipinasukang kanin at nori. Naging popular ang partikular na estilo ng nigirizushi sa kasalukuyan sa Edo (kapanahunang Tokyo) sa mga dekada 1820 o 1830. Isang karaniwang kwento ng pinagmulan ng nigirizushi ay ang kwento ni chef Hanaya Yohei (1799-1858), na lumikha o pinerpekto ang kasiningan noong 1824 sa kanyang tindahan sa Ryōgoku.[4] Edomae zushi ang orihinal na tawag sa putahe dahil ginamit nito ang sariwang isda mula sa Edo-mae (Edo o Tokyo Bay); ginagamit pa rin ang terminong Edomae nigirizushi bilang kawikaan para sa sushing may kalidad na walang kinalaman sa pinagmulan ng kanyang kasangkapan.[5][6]

Ang pinakamaagang sulating pagbanggit ng sushi sa Ingles na dineskribo sa Oxford English Dictionary ay sa isang aklat noong 1893, A Japanese Interior, kung saan ibinabanggit ang sushi bilang "bumbong ng malamig na kanin at isda, halamang dagat, o iba pang pampalasa".[7][8] Mayroong mas maagang pagbanggit ng sushi sa diksyunaryong Hapones-Ingles ni James Hepburn mula sa 1873,[9] at sa artikulo noong 1879 tungkol sa lutuing Hapones sa pahayagang Notes and Queries.[10]

Mga uri

baguhin
 
Bandehado ng sushi sa takeway

Pinasukang kaning pansushi ang karaniwang sangkap ng lahat ng klase ng sushi. Maaaring mag-iba ang mga laman, palamuti, pampalasa, and paghahanda.[11]

Dahil sa mutasyon ng katinig sa rendaku, zushi ang pagbabaybay ng sushi kapag may inilakip na unlapi, tulad ng nigirizushi.

Chirashizushi

baguhin
 
Chirashizushi na may hilaw na sangkap

Sa chirashizushi (ちらし寿司, "kinalat na sushi", na tinatawag ding barazushi), inihahain ang kanin sa mangkok at pinapatungan ng iba't ibang hilaw na isda and palamuting gulay. Karaniwang kinakain ito dahil ito ay nakabubusog, mabilis at madaling ihanda.[kailangan ng sanggunian] Kinakain ito taun-taon sa Hinamatsuri sa Marso.

  • Edomae chirashizushi (Kinalat na sushi ng estilong Edo): inihahain na may hilaw na sangkap sa masining na pagkakaayos.
  • Gomokuzushi (Estilong Kansai): binubuo ng luto o hilaw na sangkap na hinahalo sa kanin.
  • Sake-zushi (Estilong Kyushu): ginagamit ang alak ng kanin kaysa sa suka sa paghahanda ng kanin, at pinapatungan nito ng hipon, sea bream, pugita, kabuteng shiitake, usbong ng kawayan at ginutay na torta.

Inarizushi

baguhin
 
Tatlong piraso ng inarizushi.
 
Wikibooks
Ang Wikibooks Cookbook ay may artikulo hinggil sa

Ang inarizushi (稲荷寿司) ay maliit na lukbot ng pinritong tokwa na karaniwang nilalaman ng kaning pansushi lamang.

Ayon sa mga kwento, nanggaling ang pangalang inarizushi mula kay Inari, isang diyos sa Shinto. Pinaniniwalaan na gusto ang mga soro, mga sugo ni Inari, ng pinritong tokwa, at may mga matutulis na sulok ang isang Inari-zushi na bumbong na kahawig sa mga tainga ng soro.[12]

Kabilang sa mga rehiyonal na baryante ang lukbot na gawa sa manipis na torta (帛紗寿司, fukusa-zushi, o 茶巾寿司, chakin-zushi) sa halip ng tokwa. Hindi dapat ikalito ito sa inari maki, isang bumbong na nilalaman ng pinalasang pinritong tokwa.

Ang cone sushi ay baryante ng inarizushi na nagmumula sa Hawaii na maaaring magkaroon ng sitaw, asanorya, o gobo kasama ng kanin, na binalot sa tatsulukang piraso ng aburage. Kadalasang ibinebenta ito sa mga okazu-ya (Haponesang deli) at bilang bahagi ng mga bento.[13][14][15][16]


Makizushi

baguhin
 
Hosomaki
 
Inihahandang makizushi

Ang makizushi (巻き寿司, "binumbong na sushi"), norimaki (海苔巻き, "bumbong-Nori") o makimono (巻物, "iba't ibang bumbong") ay silindrikong piraso, na binuo sa pamamagitan ng saping gawa sa kawayan na kilala bilang makisu (巻き簾). Karaniwang ibinabalot ang makizushi sa nori (halamang dagat), ngunit ibinabalot ito paminsan-minsan sa manipis na torta, papel detoyo, pipino, or dahong shiso. Kadalasang inihihiwa ang makizushi sa anim o walong piraso, na bumubuo ng isang order ng bumbong. Narito ang ilang karaniwang uri ng makizushi, ngunit posible na mayroong ibang baryante.

Ang futomaki (太巻, "makapal, malaki or mataba na bumbong") ay isang malaking silindrikong piraso, karaniwang may nori sa labas.[17] Lima hanggang anim na sentimetro (2 to 2 1⁄2 in) ang bantod ng tipikal na futomaki.[18] Kadalasang gawa ang mga ito sa dalawa, tatlo, o higit pa na laman na pinili para sa kanilang komplimentaryong lasa at kulay. Tuwing gabi ng pistang Setsubun, kaugalian sa rehiyon ng Kansai na kumain ng di-nahiwang futomaki sa kanyang silindrikong anyo, kung saan ehō-maki (恵方巻, lit. masayang bumbong ng direksyon) ang tawag dito.[19] Sa taong 2000, kumalat ang kostumbre sa buong Hapon.[20] Madalas na panggugulayin ang futomaki, at maaaring gamitin ang mga piraso ng pipino, kampyō gourd, takenoko (usbong ng kawayan), o ugat ng lotus. Kabilang sa mga di-panggugulaying laman ang mga piraso ng tamagoyaki torta, maliit na itlog ng isda, hiniwang tuna, at oboro (pagkain) whitefish flakes.[17] Ayon sa tradisyon, tinitimplahan nang kaunti ang kanin ng asin at mantika ng linga/perilla. Kasama sa mga popular na kasangkapang protina ang mga fish keyk, imitation crab meat, itlog, at tinimplahang beef rib-eye. Karaniwang isinasamang gulay ang pipino, espinaka, asanorya, at takuan (沢庵) (inatsarang raddish). Pagkapulupot at pagkahiwa ng makizushi, inihahain ito na may kasamang takuan.

Kadalasang ginagamit ang puting kanin na may maikling butil, ngunit nagiging mas laganap ang paggamit ng kayumangging kanin na may maikling butil sa mga nakakamalay sa kanilang kalusugan. Madalang inihahalo ang matamis na kanin sa kaning makizushi. Sa kasalukuyan, maaaring gamitin bilang kanin ng makizushi ang iba't ibang klase ng kaning itim, pinakuluang kanin, angkak, atbp. Maliban sa mga karaniwang sangkap na naitala sa ibabaw, maaaring isama ng mga ibang baryante ng keso, maanghang na nilutong pusit, yakiniku, kamaboko, lunch meat, longganisa, bacon o maanghang na tuna. Maaaring iphaid ang nori ng mantika ng linga o kalatan ng linga. Sa isang baryasyon, maaaring iprito nang babahagya ang mga nahiwang piraso ng makizushi ng patong na gawa sa itlog. Ang tamago makizushi (玉子巻き寿司) ay makizushi na iginulong ng manipis na itlog. Ang tempura makizushi (天ぷら 巻き寿司) or agezushi (揚げ寿司ロール) ay pinritong berysyon ng putahe.

Ang hosomaki (細巻, "manipis na bumbong") ay maliit na silindrikong piraso na may nori sa labas. May karaniwang diyametro ng 2.5 sentimetro (1 pul).[18] Isa lamang sa kadalasan ang laman nito, katulad ng tuna, pipino, kanpyō, asanoryang hiniwa nang manipis, o, mas kamakailan, abukado. Ang Kappamaki, (河童巻), isang uri ng Hosomaki na may pipino bilang laman, ay pinangalanan mula sa kappa, isang diyabilyo na mahilig sa pipino sa Haponesang alamat. Ayon sa kaugalian, kinakain ang kappamaki para limasin ang panlasa sa gitna ng pagkain ng hilaw na isda at ibang klaseng pagkain, upang manatiling kaiba ang lasa ng isda mula sa lasa ng ibang pagkain. Ang Tekkamaki (鉄火巻) ay isang klase ng hosomaki na may hilaw na tuna bilang laman. Habang pinaniniwalaan na tumutukoy ang salitang tekka, na may kahulugang "napakainit na bakal" sa kulay ng balat ng tuna o balat ng salmon, talagang nagmula ito bilang meryenda na kinakain sa mga bahay-sugalan na tinatawag na tekkaba (鉄火場), katulad ng pinalamanang tinapay.[21][22] Ang Negitoromaki (ねぎとろ巻) ay uri ng hosomaki na puno ng skalyon (negi) and hiniwang tuna (toro). Madalas na ginagamit ang matabang tuna sa estilong ito. Ang Tsunamayomaki (ツナマヨ巻) ay klase ng hosomaki na puno ng de latang tuna na hinalo kasama ng mayonesa.

 
Ehōmaki

Ang ehōmaki (恵方巻, "bumbong ng masuwerteng direksyon") ay bumbong na gawa sa pitong sangkap na itinuturing bilang mapalad. Kadalasang kinakain ang Ehōmaki sa setsubun sa Hapon. Kabilang sa mga kasangkapan nito ang kanpyō, itlog, igat, and kabuteng shiitake. Maaari ring isama ang mga ibang kasangkapan sa Ehōmaki. Karaniwang kinakain ang ehōmaki habang nakaharap sa direksyon na itinuring bilang mapalad sa taong iyon.[23]

Ang temaki (手巻, "kamay bumbong") ay isang malaking silindrikong piraso ng nori sa labas na may umaagos na sangkap sa malapad na banda. 10 sentimetro (4 pul) ang tipikal na temaki at kinakain gamit ang mga daliri dahil masyadong mahirap pulutin ito ng mga sipit. Para sa pinakamainam na lasa at pagkakahabi, dapat kainin ang temaki agad pagkatapos ito mabuo dahil sinisipsip ng kono ng nori ang kahalumigmigan mula sa laman at nawawala ang lutong nito, na ginagawa itong medyo mahirap kagatin. Dahil sa rasong ito, selyado ang nori sa pre-made o take-out temaki sa balok na plastik na tinatanggal agad-agad bago kainin.[24]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Food History Timeline, Events in Food History, 50,000 BC to 2012". Nakuha noong 30 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hill, Amelia (2007-10-08). "Chopsticks at dawn for a sushi showdown". London: The Guardian. Nakuha noong 25 Setyembre 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kouji Itou; Shinsuke Kobayashi; Tooru Ooizumi; Yoshiaki Akahane (2006). "Changes of proximate composition and extractive components in narezushi, a fermented mackerel product, during processing". Fisheries Science. 72 (6): 1269–1276. doi:10.1111/j.1444-2906.2006.01285.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Bestor, Theodore C. (2004-07-13). Tsukiji: The Fish Market at the Center of the World. p. 141. ISBN 9780520923584.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lowry, Dave (2010). The Connoisseur's Guide to Sushi. ReadHowYouWant.com. p. xvii. ISBN 978-1458764140. A nugget of rice was seasoned with vinegar and topped by a sliver of seafood fresh from the bay that was only a few blocks away. That's why a synonym for nigiri sushi is Edomae sushi: Edomae is "in front of Edo", i.e., the bay.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Mouritsen, Ole G. (2009). Sushi: Food for the Eye, the Body and the Soul. Springer. p. 17. ISBN 978-1441906182. Edomae-zushi or nigiri-zushi? Nigiri-zushi is also known as Edomae-zushi. Edomae refers to the small bay in Edo in front of the old palace that stood on the same site as the present-day imperial precinct in Tokyo. Fresh fish and shellfish caught in the bay were used locally to make sushi, which was known as Edomae-zushi. It has, however, been many years since these waters have been a source of seafood. Now the expression Edomae-zushi is employed as a synonym for high quality nigiri-zushi.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Sushi", Oxford English Dictionary, Second edition, 1989; online version December 2011. Accessed 23 December 2011.
  8. Bacon, Alice Mabel (1893). A Japanese interior. Houghton, Mifflin and Company. p. 271.
    p. 271: "Sushi, a roll of cold rice with fish, sea-weed, or some other flavoring"
    p. 181: "While we were waiting for my lord and my lady to appear, domestics served us with tea and sushi or rice sandwiches, and the year-old baby was brought in and exhibited."
    p. 180: "All the sushi that I had been unable to eat were sent out to my kuruma, neatly done up in white paper."
    {{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. James Curtis Hepburn, Japanese-English and English-Japanese dictionary, Publisher: Randolph, 1873, 536 pages (page 262)
  10. W. H. Patterson, Japanese Cookery, "Notes and queries", Publisher: Oxford University Press, 1879. (p.263)
  11. Kawasumi, Ken (2001). The Encyclopedia of Sushi Rolls. Graph-Sha. ISBN 978-4-88996-076-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Smyers, Karen Ann. The Fox and the Jewel: Shared and Private Meanings in Contemporary Japanese Inari Worship(1999), Honolulu: University of Hawaii Press, p. 96.
  13. Ann Kondo Corum, Ethnic Foods of Hawaii (2000). Bess Press: p. 54.
  14. Betty Shimabukuro, "Yama's Fish Market offers more than fish (March 20, 2002). Honolulu Star-Bulletin.
  15. Joan Namkoong, Go Home, Cook Rice: A Guide to Buying and Cooking the Fresh Foods of Hawaii (2001). Ness Press: p. 8.
  16. Joan Namkoong, Food Lover's Guide to Honolulu (2006), Bess Press, p. 37.
  17. 17.0 17.1 Ōmae, Kinjirō; Tachibana, Yuzuru (1988). The book of sushi (ika-1st paperback (na) edisyon). Tokyo: Kōdansha International. p. 70. ISBN 9780870118661. OCLC 18925025.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 Strada, Judi; Moreno, Mineko Takane (2004). Sushi for dummies. John Wiley & Sons. p. 106. ISBN 978-0-7645-4465-1. Sliced sushi rolls are traditionally made in three different sizes, or diameters: thin 1-inch rolls (hoso-maki); medium 1 12-inch rolls (chu-maki); and thick 2 to 2 12-inch rolls (futo-maki)."{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Setsubun [節分]". Heisei Nippon seikatsu benrichō [平成ニッポン生活便利帳] (sa wikang Hapones). Tokyo: Jiyū Kokuminsha. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 25, 2007. Nakuha noong 2012-05-26. {{cite ensiklopedya}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Ehō-maki". Dijitaru daijisen (sa wikang Hapones). Tokyo: Shogakukan. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 25, 2007. Nakuha noong 2012-05-26. {{cite ensiklopedya}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Andy Bellin (Marso 2005). "Poker Night in Napa". Food & Wine. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-06. Nakuha noong 2019-05-18.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Ryuichi Yoshii, "Tuna rolls (Tekkamaki)", Sushi, p. 48 (1999), Tuttle Publishing, ISBN 962-593-460-X.
  23. "Setsubun Ehomaki, Mame-maki and Grilled Sardine". Kyoto Foodie. Nakuha noong 2015-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Packaging For Temaki Sushi". Gpe.dk. Nakuha noong 2012-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)