The Chosen
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Ang The Chosen ay isang Amerikanong pangkasaysayang dramang telebisyong seryeng nilikha, idinirekta, at isinulat ng Amerikanong gumagawa ng pelikulang si Dallas Jenkins.[1] Ito ang unang seryeng multiseason tungkol sa buhay at ministeryo ni Jesus ng Nazaret.[2] Pangunahing itinakda sa Judea at Galilea noong ika-unang siglo, ang serye ay umiikot kay Jesus at sa mga iba't-ibang taong nakakilala't sumunod sa kaniya. Ang serye ay pinagbibidahan ni Jonathan Roumie bilang si Jesus, kasama sina Shahar Isaac, Elizabeth Tabish, Paras Patel, Noah James, at George H. Xanthis.
The Chosen | |
---|---|
Uri | Pangkasaysayang drama |
Gumawa | Dallas Jenkins |
Batay sa | Ang buhay ni Jesus |
Isinulat ni/nina |
|
Direktor | Dallas Jenkins |
Pinangungunahan ni/nina |
|
Kompositor ng tema |
|
Bansang pinagmulan | Estados Unidos |
Bilang ng season | 3 |
Bilang ng kabanata | 26 (Listahan ng mga episodyo ng The Chosen) |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap |
|
Prodyuser |
|
Sinematograpiya |
|
Patnugot |
|
Oras ng pagpapalabas | 20–100 minuto |
Kompanya |
|
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan |
|
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 24 Disyembre 2017 present | –
Website | |
Opisyal |
Matapos sabihin ni Jenkins na hindi kailanman nagkaroon ng multi-season na mga episodyong paglalarawan kay Jesus na maaaring "panoorin" tulad ng mga palabas sa mga daluyan ng streaming gaya ng Netflix,[3] itinakda niyang likhain ang serye sa pakikipagtulungan sa Angel Studios na dating VidAngel. Sa layuning maiba sa mga naunang paglalarawan kay Jesus, gumawa siya ng arko ng kwentong higit na nakatuon sa mga taong nakatagpo ni Jesus.[3] Sinabi niya sa mga panayam na hinahangad niyang ipakita si Hesus sa paraang mas "personal, pahiwatigan, [at] agaran".[4]
Gumamit ang mga producer ng palabas ng mga makabagong pamamaraan para sa pagpapalabas, sa pamamagitan ng crowdfunding sa Angel Studios. Ang pangangalap ng pondo[4][5] ang dahilan kung bakit ang The Chosen ang pinakamatagumpay na crowdfunded na serye sa TV o pelikulang proyekto.[6] Noong 2021, nag-ambag ang mga manonood ng $40 milyon para sa produksyon nito.[6] Noong huling bahagi ng 2022, nakipagsosyo ang mga manlilikha sa isang bagong hindi-pangkalakal na kumpanya, ang Come and See Foundation, para pamahalaan ang pagpopondong nagbibigay-daan sa mga contributor na makatanggap ng bawas sa buwis para sa kanilang kontribusyon.
Bilang karagdagan sa crowdfunding at ang pay-it-forward na modelo, nagkakaroon din ng kita sa pamamagitan ng ilang iba pang mga pamamaraan. Ang palabas ay lisensyado sa iba pang streaming platform at TV network, gaya ng Amazon Prime Video, Peacock, at Netflix. Ang mga benta ng merchandise at bidyo ay nagbibigay ng mga karagdagang pinagmumulan ng kita, tulad ng limitadong pagpapalabas ng premiere sa mga sinehan. Ang palabas ay higit pang inangkop sa isang serye ng mga nobela ng ama ni Jenkins, ang may-akdang si Jerry B. Jenkins, na isang serye ng grapikong nobela ng Corvus Comics, at kasamang mga materyal sa pag-aaral ng Bibliya na inilathala ni David C. Cook.
Ang mga bagong episodyo ay unang ginawang available sa website at app ng palabas nang libre. Pagkatapos, ang mga ito ay ginawang available sa pamamagitan ng mga iba't-ibang streaming platform at TV network. Ang ilang mga episodyo, partikular ang mga season debut at finale, ay inilalabas sa mga sinehan bago lumabas nang libre.
Ayon sa pagsusuring kinomisyon ng mga producer, 108 milyon ang nakakita ng kahit man lang bahagi ng palabas noong 2022.[7] Ang pagsasalin sa kasing dami ng 600 wika ay pinopondohan ng Come and See Foundation.
Cast at mga karakter
baguhin- Shahar Isaac bilang Simon: isang dating mangingisda sa Capernaum, isa sa mga anak ni Jonas, ang kapatid ni Andres, ang asawa ni Eden, ang manugang ni Dasha, dating kasama sa pangingisda nina Zebedeo't kaniyang mga anak, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Jonathan Roumie bilang Jesus: ang Mesiyas, isang manggagawang karpintero mula sa Nazaret na anak nina Maria at Jose, at ang Anak ng Diyos.
- Elizabeth Tabish bilang Maria Magdalena: isang babaeng tinubos mula sa Magdala at isa sa mga babaeng tumutulong sa ministeryo ni Jesus.
- Paras Patel bilang Mateo: isang dating publikano o maniningil ng buwis sa Capernaum, ang anak ni Alfeo, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Si Noe James bilang si Andres: isang dating mangingisda sa Capernaum, isa sa mga anak ni Jonas, ang kapatid ni Simon, isang dating disipulo ni Juan Bautista, isang kaibigan ni Felipe sa kaniyang bayan sa Bethsaida, dating kasama sa pangingisda nina Zebedeo't kaniyang mga anak, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Janis Dardaris bilang Zohara (season 1): ang asawa ni Nicodemus.
- Lara Silva bilang Eden (mga season 1 at 3; bisita season 2): ang asawa ni Simon at ang anak ni Dasha.
- Shaan Sharma bilang Shmuel: isang Pariseo sa Capernaum na nag-aral sa ilalim ng pamumuno ni Nicodemo.
- Nick Shakoour bilang Zebedeo: isang dating mangingisda sa Capernaum, ang ama nina Malaking Santiago at Juan, ang asawa ni Salome, at dating kasosyo sa pangingisda nina Simon at Andres.
- George H. Xanthis bilang Juan: isang dating mangingisda sa Capernaum, isa sa mga anak nina Zebedeo at Salome, ang nakababatang kapatid ni Malaking Santiago, isang dating kasamang mangingisda nina Simon at Andres, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Abe Bueno-Jallad bilang Malaking Santiago (mga season 2–3): isang dating mangingisda sa Capernaum, isa sa mga anak nina Zebedeo at Salome, ang nakatatandang kapatid ni Juan, isang dating kasamang mangingisda nina Simon at Andres, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus. Si Martell ang pangatlong aktor na gumanap bilang Big James.
- Kian Kavousi bilang Malaking Santiago (season 1, mga episodyong 5-8): Si Kavousi ang pangalawang aktor na gumanap bilang Malaking Santiago.
- Shayan Sobhian bilang Malaking Santiago (season 1, mga episodyong 1-4): Si Sobhian ang unang aktor na gumanap bilang Malaking Santiago.
- Erick Avari bilang Nicodemo (season 1): isang nangungunang Pariseo mula sa Jerusalem, isa sa mga pinuno ng relihiyon, at isang kilalang miyembro ng Sanhedrin.
- Brandon Potter bilang Quintus (mga season 1 at 3; umuulit season 2): isang Romanong mahistrado sa Capernaum at ang Praytor ng Galilea.
- Kirk B. R. Woller bilang Gayo (mga season 1 at 3; umuulit season 2): isang Romanong senturyon sa Capernaum, na may aliping anak, at dating kasamahan ni Mateo.
- Giavani Cairo bilang Tadeo: isang dating kantero sa Bethsaida, ang anak ng isa pang Santiago, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Jordan Walker Ross bilang Maliit na Santiago: isang dating mang-aawit na miyembro ng 288 Jerusalem Koro ng Templo, ang anak ng isa pang Alfeo, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Joey Vahedi bilang Tomas (mga season 2–3; bisita season 1): isang dating magtutustos ng pagkain mula sa Kapatagan ng Sharon, dating kasama ni Rama sa negosyo, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Yasmine Al-Bustami bilang Rama (mga season 2–3; bisita season 1): isang dating tagagawa ng alak, dating kasama ni Tomas sa negosyo, at isa sa mga babaeng tumutulong sa ministeryo ni Jesus.
- Vanessa Benavente bilang Maria (mga season 2–3; bisita season 1): ang asawa ng karpinterong si Jose mula sa Nazaret at ang ina ni Jesus.
- Yoshi Barrigas bilang Felipe (mga season 2–3): isang kaibigan ni Andres sa kaniyang bayan sa Bethsaida, isang dating disipulo ni Juan Bautista, isang matagal nang kaibigan ni Nathanael, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Austin Reed Alleman bilang Nathanael (mga season 2–3): isang dating arkitekto sa Cesarea ng Filipos, ang anak ni Tolmai mula sa Cana, isang matagal nang kaibigan ni Felipe, at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Alaa Safi bilang Simon Z. (mga season 2–3): isang dating Makabayan mula sa Ashkelon at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Luke Dimyan bilang Judas Iscariote (season 3; bisita season 2): isang dating negosyong aprendis mula sa Kiryot at isa sa labindalawang apostol ni Jesus.
- Ivan Jasso bilang Yussif (season 3; umuulit season 1; bisita season 2): isang nangungunang Pariseo mula sa Jerusalem na naka-istasyon sa Capernaum.
- Amber Shana Williams bilang Tamar (season 3; umuulit season 2; bisita season 1): isang taga-Etiopia na kaibigan ng gumaling na paralitiko sa Capernaum at isa sa mga babaeng tumutulong sa ministeryo ni Jesus.
- Elijah Alexander bilang Atticus Aemilius Pulcher (season 3; umuulit season 2): isa sa mga Romanong cohortes urbanae na ipinadala mula sa Roma upang magimbestiga sa mga Makabayan.
Mga episodyo
baguhinSerye | Bilang | Orihinal na nilabas | ||
---|---|---|---|---|
Una | Huli | |||
Pilot | 24 Disyembre 2017 | |||
1 | 8 | 21 Abril 2019 | 26 Nobyembre 2019 | |
2 | 8 | 4 Abril 2021 | 11 Hulyo 2021 | |
Espesyal sa Pasko | 1 Disyembre 2021 | |||
3 | 8 | 11 Disyembre 2022 | 7 Pebrero 2023 |
Pilot (2017)
baguhinPamagat | Direktor | Sumulat | Unang nilabas | |
---|---|---|---|---|
"Ang Pastol" | Dallas Jenkins | Tyler Thompson at Dallas Jenkins | 24 Disyembre 2017 | |
Sa labas ng Bethlehem, noong panahon ng pananakop ng mga Romano, si Simon (Aaron Himelstein), isang baldadong pastol, ay nagdala ng isang tupa para ihain. Habang tinanong ni Simon ang pari tungkol sa pagdating ng Mesiyas, ang korderong dinadala niya'y natuklasang may dungis. Sa pag-uwi, nakasalubong ng pastol ang isang mag-asawang mula sa Nazaret, ang buntis na Maria (Sara Anne) at ang kaniyang asawang si Jose (Raj Bond). Nang gabing iyon, habang si Simon ay malayo sa kaniyang mga kapwa pastol, narinig ng mga pastol ang pahayag ng anghel tungkol sa pagsilang ng Kordero ng Diyos, at agad silang nagtungo sa Betlehem. Puno ng kagalakan, himalang gumaling si Simon habang sumusunod siya kaya't iniwan niya ang kaniyang tungkod. Ang mga pastol ay dumating at sumaksi sa pagsilang ng Mesiyas. Nang makita ang sanggol, itinanong ni Simon ang kaniyang pangalan, at sinagot nina Maria at Jose na siya'y tatawaging "Jesus." Pagkaalis sa sabsaban, sinabi ng mga pastol sa lahat ang kanilang nakita. |
Season 1 (2019)
baguhinSerye | Season | Pamagat | Direktor | Sumulat | Unang nilabas | |
---|---|---|---|---|---|---|
1 | 1 | "Tinawag Kita sa Iyong Pangalan" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 21 Abril 2019 | |
Sa Capernaum, AD 26, si Maria Magdalena (Elizabeth Tabish), na tinatawag na "Lilith," ay nakikipagbuno sa mga demonyo. Habang ang Pariseong si Nicodemo (Erick Avari) ay naglilibot sa rehiyon, si Praytor Quintus (Brandon Potter) ay lumapit sa kaniya't humingi ng tulong sa pagkolekta ng mga hindi nababayarang buwis. Hinaharap ng maniningil ng buwis na si Mateo (Paras Patel) ang pagiging traydor sa kaniyang kapwa Hudyo. Ang mga mangingisdang Simon (Shahar Isaac) at ang kaniyang kapatid na si Andres (Noah James) ay nahihirapan sa kanilang mga utang sa buwis sa Roma. Sa utos ng isang senturyon, pumunta si Nicodemo sa Pulang Pook upang paalisin ang mga demonyo mula kay "Lilith" ngunit siya'y nabigong nanginginig. Hindi makabayad si Andres sa araw ng buwis, ngunit sinabi ni Simon kay Mateo na mayroon siyang kasunduan kay Praytor Quintus. Nawalan ng pag-asa si "Lilith" para sa kaniyang kalagayan, hanggang sa makatagpo niya si Jesus (Jonathan Roumie), na tinawag si Maria Magdalena sa pangalan at pinagaling siya. | ||||||
2 | 2 | "Shabbat" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 21 Abril 2019 | |
Binigyang-bisa ni Mateo ang pahayag ni Simon ng kasunduan kay Praytor Quintus. Si Simon ay patuloy na nageespiya sa mga mangangalakal at bumili ng mga inumin para sa kanila at sa kaniyang mga kapwang mangingisdang sina Santiago[S1 1] (Shayan Sobhian) at Juan (George H. Xanthis), mga anak ni Zebedeo (Nick Shakoour). Habang si Maria Magdalena'y naghahanda ng kaniyang hapunan sa Shabbat, nakatanggap siya ng mga sorpresang panauhin, kasama sina Jesus at ang kaniyang mga estudyanteng sina Tadeo (Giavani Cairo) at Santiago[S1 2] (Jordan Walker Ross). Pinangunahan ni Nicodemo ang hapunan kasama ang iba pang mga Pariseo. Si Mateo ay kumain ng hapunan kasama ang kaniyang aso pagkatapos magpasyang huwag maghapunan kasama ang kaniyang pamilya. Pagkaalis sa hapunang ikinadismaya ng kaniyang asawang si Eden (Lara Silva) at ni Andres, si Simon ay nilapitan ng mga Romano sa Dagat ng Galilea upang magespiya muli. | ||||||
3 | 3 | "Mahal ni Jesus ang mga Maliliit na Bata" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 21 Abril 2019 | |
Nagkampo si Jesus sa labas ng Capernaum, AD 26. Natuklasan ng lokal na batang babae na nagngangalang Abigail (Reina Ozbay) ang lokasyon. Inanyayahan niya ang kanyang kaibigang si Josue (Noah Cottrell) na puntahan si Jesus. 'Di-nagtagal, naging mga kaibigan ni Jesus sina Abigail at Josue, gayundin ang mga kaibigang inanyayahan nila sa mga sumunod na araw. Tinulungan ng mga bata si Jesus sa kaniyang gawain. Itinuro sa kanila ni Jesus ang tungkol sa pag-ibig, pananalangin, katarungan, kahabagan, pananampalataya, at karunungan. Nang tanungin siya kung bakit siya naririto, inihayag ni Jesus ang kaniyang sarili bilang Mesiyas habang binibigkas ang mga salita ng propetang Isaias. Matapos lumipat si Jesus ng kampo, natuklasan ni Abigail na regalo ni Jesus para sa kaniya. | ||||||
4 | 4 | "Ang Bato Kung Saan Ito Itinayo" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 21 Abril 2019 | |
Sa Dagat ng Galilea, iniligaw ni Simon ang mga Romano upang iligtas ang mga kapuwa Hudyo mula sa pagkahuli. Sinabi ni Shmuel (Shaan Sharma) kay Nicodemo ang tungkol sa Bautista sa Ilog Jordan. Galing Jerusalem, sinabi ni Andres kay Simon na sila'y ligtas na, dahil ipinakilala ng kaniyang rabbi na si Juan Bautista (David Amito) ang Kordero ng Diyos, ngunit nangisda si Simon. Dumating sina Andres, Zebedeo, Malaking Santiago, at Juan upang tumulong, subalit wala silang nahuli. Sa umaga, may nakita silang nagtuturo sa mga tao sa dalampasigan. Kilala ni Andres ang guro bilang si Jesus na humiling na mangaral mula sa kanilang bangka. Pagkatapos ng sermon, sinabi ni Jesus kina Simon at Andres na ihagis ang kanilang mga lambat. Maraming isda ang lumitaw at nakakakuha sila ng sapat na pambayad sa kanilang mga utang. Isinuko ni Simon ang kaniyang sarili kay Jesus, at habang inaanyayahan ni Jesus sina Simon at Andres na maging mga mangingisda ng tao, tinawag din niya sina Malaking Santiago at Juan. Nabigla si Mateo sa imposibilidad ng himala. Dinalaw ni Nicodemo si Juan Bautista sa kulungan upang magtanong tungkol sa mga himala. | ||||||
5 | 5 | "Ang Regalo sa Kasal" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 26 Nobyembre 2019 | |
Sa Jerusalem, AD 8, natagpuan nina Maria (Vanessa Benavente) at Jose ang nawawalang 12-taong-gulang na si Jesus (Shayan Naveed Fazli) na nagtuturo sa Templo. Sa Cana, AD 26, tumutulong si Maria sa isang kasalan. Si Tomas (Joey Vahedi) at ang kaniyang kasosyo sa negosyong si Rama (Yasmine Al-Bustami) ay naghahanda ng alak para sa kasal. Si Jesus at ang kaniyang mga estudyante'y tumungo sa kasalan. Ipinaliwanag ni Juan Bautista ang kaniyang ministeryo't ang ministeryo ni Jesus kay Nicodemo. Sa kasal, ibinahagi nina Tadeo at Maliit na Santiago kung paano sila tinawag ni Jesus. Nang maubos ang alak, agad na hiniling ni Maria kay Jesus na mamagitan sa ngalan ng pamilya ng kasintahang lalaki't sinabihan ang mga aliping gawin ang lahat ng sasabihin ni Jesus. Inutusan sila ni Jesus na punuin ng tubig ang mga banga't sumunod sila, ngunit nagalinlangan si Tomas. Ipinalangin ni Jesus ang kaniyang kahandaan sa kaniyang Ama, at ginawa niyang alak ang tubig. Nang inihain ang alak, napansin ng pinuno ng piging na iyon ang pinakamasarap na natikman niya. Tinanggap nina Tomas at Rama ang paanyayang sumama kay Jesus sa Samaria sa loob ng 12 araw. | ||||||
6 | 6 | "Hindi Mailarawang Kahabagan" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 26 Nobyembre 2019 | |
Si Mateo at ang senturyong si Gayo (Kirk B. R. Woller) ay naghatid ng pambayad ng buwis ni Simon kay Praytor Quintus. Sa daang pabalik sa Capernaum, isang ketongin (Stephen Hailo) ang lumapit kay Jesus at sa grupo sa daan, at humiling kay Jesus na pagalingin siya. Nilinis ni Jesus ang ketongin at sinabi sa kaniyang huwag magsabi tungkol dito. Ang grupo ay tumungo sa bahay ni Zebedeo at ng kaniyang asawang si Salome (Nina Leon). Si Jesus ay nangaral at maraming tao ang nagtipong nakuha ang atensyon ng mga Pariseo't mga Romano. Matapos masaksihan ang pagpapagaling ng ketongin sa daan, isang Egipciang nagngangalang Tamar (Amber Shana Williams) ang pumilit na dumaan sa karamihan upang matagpo ng kaniyang kaibigang paralitikong si Etan (Noé de la Garza) si Jesus. Umakyat at inalis ng mga kaibigan ni Tamar ang bubong at saka ibinaba ang paralitiko. Pinatawad ni Jesus ang paralitikong naging gambala sa mga Pariseong nanonood. Mabilis na tinawag ni Shmuel ang mga Romano upang dakpin si Jesus. Agad na tumakas ang mga disipulo't hinanap ni Nicodemo si Maria Magdalena upang makipagkita kay Jesus. | ||||||
7 | 7 | "Mga Imbitasyon" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 26 Nobyembre 2019 | |
Sa Tangway ng Sinai, ika-13 siglo BC, si Moises (Stelio Savante) ay gumawa ng tansong ahas na ikinalito ng kaniyang katulong na si Josue (Advait Ghuge). Sa Capernaum, AD 26, sumang-ayon si Jesus na makipagkita kay Nicodemo sa gabi. Nagpupumilit na itugma ni Mateo ang mga himalang nasaksihan niya sa katotohanan. Sa pakikipagkita kay Nicodemo sa gabi, ipinaliwanag ni Jesus ang Kaharian ng Diyos at ang pagiging ipinanganak na muli. Inilarawan ni Jesus ang kaniyang sarili bilang Anak ng Tao gamit ang ilustrasyon ni Moises at ng tansong ahas. Isinalaysay niya ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan at ang kaniyang misyong iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Habang inaanyayahan ni Jesus si Nicodemo na sumama sa kaniya, itinala ni Juan ang kanilang pag-uusap. Sinamba ni Nicodemo si Jesus at ipinahayag niyang si Jesus ang Anak ng Diyos. Kinaumagahan, dumaan si Jesus at ang kaniyang mga estudyante sa kubol ni Mateo. Inanyayahan ni Jesus si Mateo na sumama sa kaniya, at kaagad na sumunod si Mateo. | ||||||
8 | 8 | "Ako Siya" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 26 Nobyembre 2019 | |
Sa Canaan, 1952 BC, si Jacob (Amato D'Apolito) at ang kaniyang mga anak ay naghukay ng balon sa Shechem. Sa Sicar, AD 26, isang Samaritanang nagngangalang Photina (Vanessa De Silvio) ay umiigib ng tubig mula sa Balon ni Jacob. Sa bahay ni Mateo sa Capernaum, sinagot ni Jesus, sa mga salita ni Oseas, ang mga tanong ng mga Pariseong kasama si Yussif (Ivan Jasso). Pumunta si Jesus sa bahay ni Simon at pinagaling ang maysakit na biyenan ni Simon na si Dasha (Leticia Magaña). Ipinamana ni Gayo ang kayamanan ni Mateo sa ama nitong si Alfeo (Troy Caylak). Sa daan, nagpasiya si Jesus na dumaan sa Samaria, na ikinagulat nina Malaking Santiago (Kian Kavousi) at Juan. Pagdating sa Sicar, pumunta ang mga disipulo sa bayan upang bumili ng pagkain. Si Jesus ay nanatili sa Balon ni Jacob, kung saan nakilala niya si Photina. Si Jesus ay nag-alok ng "tubig na nagbibigay-buhay" at inihayag ang tunay na pagsamba't siya ang Mesiyas. Matapos marinig na sinabi ni Jesus sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga ginawa, sinabi ni Photina sa lahat na si Jesus ang Kristo. Ang mga disipulo'y bumalik at inilunsad ni Jesus sa publiko ang kaniyang ministeryo. |
Season 2 (2021)
baguhinSerye | Season | Pamagat | Direktor | Sumulat | Unang nilabas | |
---|---|---|---|---|---|---|
9 | 1 | "Kulog" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 4 Abril 2021 | |
Sa panahon ng shiva ng martir na si Malaking Santiago noong AD 44, si Juan ay nakipagpanayam sa mga kapwa disipulo habang isinusulat niya ang kanilang mga patotoo para sa kaniyang aklat. Sa Sicar, AD 26, sina Malaking Santiago (Abe Martell) at Juan ay nag-aararo ng bukid habang si Jesus ay patuloy na nagtuturo sa mga Samaritano. Dumating at sumama sa grupo sina Tomas at Rama. Habang nabubuo ang tensyon sa mga disipulo sa Samaria, inako nina Malaking Santiago't Juan ang mga tungkulin ng paglilider ngunit ang ibang mga disipulo'y sumasalungat sa kanilang mga pagpapalagay. Nang subukan nina Malaking Santiago't Juan na iharap kay Jesus ang kanilang mga plano, isang grupo ng mga Samaritano ang nagpakita ng matinding poot sa kanila. Hiniling nina Malaking Santiago't Juan kay Jesus na magpaulan ng apoy upang lipulin ang mga Samaritano, subalit sinaway sila ni Jesus dahil sa kanilang pagtatangi't binigyan sila ni Jesus ng bagong palayaw: "ang mga anak ng kulog." Nang anyayahan sa sinagoga upang magbasa ng balumbon ni Moises, binasa ni Jesus ang unang balumbon ng Genesis, at noong AD 44, isinulat ni Juan ang pambungad para sa kanyang aklat habang ginugunita niya ito. | ||||||
10 | 2 | "Nakita Kita" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 13 Abril 2021 | |
Sa Cesarea ng Filipos, si Nathanael (Austin Reed Alleman) ay nabigo sa kaniyang proyekto sa ilalim ng isang komisyong Romano. Sa Bashan, dumating si Felipe (Yoshi Barrigas) ng Bethsaida mula kay Juan Bautista at hinahangad na makita si Jesus, ngunit nagaalangan ang mga disipulo. Si Nathanael ay umupo sa ilalim ng puno ng igos na nagdadalamhating binibigkas ang isang Awit at sumisigaw kung nakikita ba siya ng Panginoon. Nang walang narinig, sinunog niya ang kaniyang mga arkitekturang ginuhit na sinagoga. Nang matagpo si Jesus sa gabi, si Felipe'y tinawag ni Jesus. Sa kampo, pinayuhan ni Tadeo si Mateo, ngunit nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Simon at Mateo. Bumisita't inaliw ni Felipe si Nathanael, at sinabi sa kaniyang kaibigan ang tungkol sa taong hinihintay nila sa buong buhay nila. Si Nathanael ay may pagaalinlangan sa Nazaret ngunit sumang-ayong tagpuin si Jesus, na kinilala siyang isang tunay na Israelita't sinabi sa kaniyang nakita niya siya sa ilalim ng puno ng igos bago siya tinawag ni Felipe. Nang marinig ito, ipinahayag ni Nathanael na si Jesus ay ang Anak ng Diyos at Hari ng Israel. Dumating si Juan na may balitang lumalago ang katanyagan ni Jesus. | ||||||
11 | 3 | "Mateo 4:24" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 13 Abril 2021 | |
Sa Siria, nagpalipat-lipat ang mga disipulo para tulungan si Jesus na harapin ang maraming mga taong umaasang gumaling. Si Felipe'y patuloy na nagtuturo kay Mateo, habang sina Maria Magdalena at Rama ay nagsimulang mag-aral ng Torah. Ang mahaba't nakakapagod na araw ay naging gabi habang ibinabahagi ng mga disipulo kung paano nila nakikita ang Mesiyas. Si Maria ay dumating mula sa Nazaret upang tumulong. Sa paligid ng apoy sa kampo, sa hapunan, sinisikap ng grupong makilala ang isa't-isa nang mas mabuti. Pinaguusapan nila ang kanilang mga karanasan, ngunit sumiklab ang mga tensyon nang makipagtalo si Simon kay Mateo tungkol sa pagiging pinili. Sumiklab ang galit sa pagkakampihan ng mga disipulo't nalimutan nila ang dahilan kung bakit sila pinili ni Jesus. Biglang bumalik ang pagod na pagod na si Jesus at bumati sa kanila ng magandang gabi, at inasikaso siya ni Maria. Ang mga disipulo'y nanood sa kahihiyan. | ||||||
12 | 4 | "Ang Perpektong Oportunidad" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 11 Mayo 2021 | |
Si Jesse (Dennis Apergis), isang paralitiko, ay gumugol ng 38 taon sa paghahanap ng lunas at nanatili sa Palanguyan ng Bethesda habang ang kaniyang kapatid na si Simon[S2 1] (Alaa Safi) ay sumali sa mga Makabayan. Ang mga Makabayan ay nagbabalak na patayin ang isang Romanong mahistrado sa Jerusalem at si Simon Z. ang pinuno, ngunit natuklasan ito ni Atticus Aemilius (Elijah Alexander), isang Romanong cohorte urbanae. Si Jesus at ang mga disipulo'y nagtungo sa Jerusalem upang maghanda para sa Pista ng mga Tolda. Tinalakay ng mga disipulo ang mga banal na kasulatan habang ipinagdiriwang nila ang kapistahan. Pumunta si Jesus sa Palanguyan ng Bethesda upang makipagkita sa isang tao't sinama niya sina Simon, Juan, at Mateo, at pagkarating doon, nilapitan at tinanong ni Jesus si Jesse kung nais niyang gumaling. Pinagaling ni Jesus ang paralitiko't isinulat ni Juan ang himala. Nang masaksihan ang pagpapagaling, pinagsabihan ni Yanni (Wasim No'mani) at ng iba pang mga Pariseo si Jesse sa pagdadala ng banig habang Shabbat. Nang isinasakatuparan na'ng planong pagpatay, nagambala si Simon Z. nang makita niyang naglalakad si Jesse. Nagkasundo ang magkapatid, at nataranta si Atticus Aemilius. Umalis si Jesus, at hinahanap siya ni Simon Z. | ||||||
13 | 5 | "Espiritu" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 23 Mayo 2021 | |
Nang makakita ang isang Romano, si Maria Magdalena ay nabagabag habang kinakabisado ang mga banal na kasulatan. Inusisa nina Shmuel at Yanni si Jesse tungkol kay Jesus, at ipinabago ang petisyon sa Sanhedrin. Tinanong ni Atticus Aemilius si Jesse kaya't hinahabol niya sina Simon Z. at Jesus. Sa paghahanap kay Jesus, nakasalubong si Simon Z. ng isang lalaking nagngangalang Caleb na sinasapian ng demonyo. Binisita ni Juan Bautista ang grupo't sinabi kay Jesus ang kaniyang mapanganib na misyong pagpunta sa Jerusalem upang sawayin ang kasalanan ni Haring Herodes Antipas sa pagaasawa kay Herodias. Nang matagpuan ni Simon Z. ang kampo ng mga disipulo, tinangka ng sinasapian ng demonyo na si Caleb na salakayin ang grupo. Si Jesus ay bumalik sa kampo, pinagaling si Caleb, at pinalayas ang demonyong si Belial. Sinuko ni Simon Z. ang kaniyang sarili kay Jesus at siya'y tinawag ni Jesus. Si Juan Bautista'y nagpasakop kay Jesus at umalis upang isagawa ang kaniyang misyon. Dahil sa engkwentrong nangyari, si Maria Magdalena'y tumakas sa isang lokal na taberna. Nang malamang umalis si Maria Magdalena, inutusan ni Jesus sina Simon at Mateo para hanapin siya. | ||||||
14 | 6 | "Labag sa Batas" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 23 Hunyo 2021 | |
Sa Nob, Israel, 1008 BC, habang itinuturo ni Ahimelec (Marty Lindsey) sa kaniyang anak na si Abiatar (Major Dodge Jr.) ang tungkol sa tinapay na handog, natagpuan siya ni David (Jorge Franco IV) para humingi ng pagkain. Sa Jerico, AD 26, nahanap nina Mateo't Simon si Maria Magdalenang nahihiya dahil sa kaniyang pag-alis sa kampo't pagbabalik sa dati niyang buhay, pero kinumbinsi nila siyang bumalik. Sa kampo, pinatawad ni Jesus si Maria Magdalena. Ang grupo ay nakatanggap ng masamang balitang pag-aresto kay Juan Bautista ni Haring Herodes Antipas, na nagpabalisa kay Andres. Ipinaalam ni Tomas kay Jesus na kulang sila sa pagkain, at ang grupo'y pumunta sa isang sinagoga sa Wadi Kelt habang Shabbat. Sa sinagoga, pinagaling ni Jesus ang lalaking nagngangalang Elam (Shaun Bedgood) na paralisado ang kamay, na ikinagalit ng mga Pariseong sina Madai (Tony Sears) at Lamec (Sergio Lanza). Pagkaalis ng grupo, pinahintulutan ni Jesus ang kaniyang mga gutom na disipulong kumain at mamitas ng butil. Pinuna sila ng mga Pariseo sa kanilang ginagawa habang Sabbath, at binanggit ni Jesus si David at ang tinapay na handog na ipinahahayag niya ang kaniyang sarili bilang Anak ng Tao at Panginoon ng Sabbath. | ||||||
15 | 7 | "Pagtutuos" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 30 Hunyo 2021 | |
Matapos malaman ang kinaroroonan ni Jesus mula kay Atticus Aemilius, ipinadala ni Praytor Quintus si Gayo upang arestuhin siya. Kasama si Yanni, bumalik si Shmuel sa Capernaum at tinanong si Yussif tungkol kay Tamar. Inaresto ni Gayo si Jesus, at si Jesus ay mapayapang sumuko. Nawalan ng kontrol ang mga disipulo habang nagtatalo sila kung paano tutugon. Sa Jotapata, habang naghahanap ng impormasyon tungkol sa kung saan dinala si Jesus, nakasalubong nina Andres at Felipe sina Tamar at ang kaniyang pinagaling na paralitikong kaibigang si Etan na mga nagpapatotoo tungkol sa himala. Nakipagpulong si Praytor Quintus kay Jesus at nang makitang hindi siya banta, pinakawalan niya si Jesus nang may mahigpit na babala. Natagpo nina Madai at Lamec sina Shmuel at Yanni sa Jotapata't ipinaalam sa kanila ang tungkol kay Jesus. Sinabihan ni Andres sina Tamar at Etan na tumahimik, na sinuportahan ng nakabalat-kayong si Yussif upang bigyan sila ng babala tungkol kay Shmuel. Kinagabihan, bumalik si Jesus sa kaniyang mga disipulong nagtanong sa kaniya kung paano manalangin, at itinuro sa kanila ni Jesus ang pananalangin. | ||||||
16 | 8 | "Sa Ibayo ng mga Kabundukan" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 11 Hulyo 2021 | |
Habang nakikipag-usap sa may-ari ng lupa, sinamantala ng isang negosyante at ng kaniyang aprendis (Luke Dimyan) ang lupa. Inihanda nina Jesus at Mateo ang mga nilalaman ng sermon. Habang ang mga disipulo'y nakikipagtalo sa isa't-isa, ipinalaganap nila ang paparating na sermon at isinaayos ang lokasyon para sa sermon sa bundok ng Talampas ng Korazim. Si Shammai (Ric Sarabia), isang mataas na miyembro ng Sanhedrin at karibal ni Shimon, ay nagulat sa mga ulat nina Shmuel at Yanni tungkol kay Jesus. Tinalakay ni Jesus kay Mateo ang mga bahagi ng sermon, tulad ng asin at liwanag, na humantong sa Beatitudes bilang panimula ng sermon. Libu-libo ang mga dumating para sa sermon, kabilang ang mga pamilyar na mukha. Nakipagkita muli si Eden kay Simon. Nagsamang muli sina Malaking Santiago't Juan sa kanilang mga magulang na sina Zebedeo't Salome. Dumating din ang negosyante't ang kaniyang aprendis na tumulong sa mga disipulong makuha ang lokasyon ng sermon. Natagpuan muli ng aprendis ang mga disipulo't ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang si Judas. Si Jesus ay lumakad sa entablado upang simulan ang kaniyang Sermon sa Bundok. |
- ↑ Nakilala sa ibang mga pagkakataon sa serye bilang Simon Z.
Espesyal sa Pasko (2021)
baguhinPamagat | Direktor | Sumulat | Unang nilabas | |
---|---|---|---|---|
"Ang mga Mensahero" | Dallas Jenkins | Ryan Swanson, Dallas Jenkins, at Tyler Thompson | 1 Disyembre 2021 | |
Noong AD 48, habang laganap ang pag-uusig ng mga Romano sa mga Kristiyano, si Tiquico (Alican Barlas), isang tagasunod ng Ang Daan, ay nakipagkita kay Lazaro (Demetrios Troy) upang tulungan si Maria Magdalena na makita si Maria na may lagnat. Ipinaalam ni Maria Magdalena kay Maria ang tungkol sa paglago ng simbahan, ang mga misyon ng mga disipulo, at kung ano ang mga nangyari sa mga alagad. Ikinuwento ni Maria kay Maria Magdalena ang kaniyang karanasan noong 4 BC mula sa paglalakbay patungong Bethlehem kung saan siya at ang kaniyang asawang si Jose ay hindi nakakuha ng silid sa bahay-tuluyan hanggang sa sabsaban kung saan isinilang niya si Jesus. Ibinahagi rin ni Maria ang kaniyang Awit at binigyan si Maria Magdalena ng kapirasong damit mula sa sabsaban. Inutusan ni Maria si Maria Magdalenang isulat ang kumpletong kuwento ng kapanganakan ni Jesus at ang kaniyang Awit na pagkatapos ay ihatid kay Lucas (Alex Veadov) na nangangalap ng mga patotoo tungkol kay Jesus. Sa Roma, ibinigay ni Maria Magdalena ang masusing kuwento ng kapanganakan ni Jesus kay Lucas upang isama at idagdag sa mga sinulat ni Lucas. |
Season 3 (2022–2023)
baguhinSerye | Season | Pamagat | Direktor | Sumulat | Unang nilabas [8] | |
---|---|---|---|---|---|---|
17 | 1 | "Pag-uwi" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 11 Disyembre 2022[S3 1] | |
Noong AD 24, sa Capernaum, tinalikuran ni Alfeo bilang kaniyang anak ang publikano noong si Mateo. Sa kasalukuyan, patuloy na ipinangangaral ni Jesus ang Sermon sa Bundok sa Talampas ng Korazim. Pagkatapos ng sermon, nagpaalam si Judas Iscariote sa negosyante't tinawag ni Jesus si Judas Iscariote upang sumunod sa kaniya. Tinipon ni Jesus ang kaniyang mga disipulo upang magpahinga sa ministeryo. Si Joanna (Amy Bailey), isang babaeng nagtratrabaho sa palasyo ni Haring Herodes Antipas sa Machaerus, ay isinugo ng nakakulong na Juan Bautista upang suportahan ang ministeryo ni Jesus. Si Andres ay sumama kay Joanna para bisitahin si Juan Bautista sa bilangguan. Nang marinig ang sermon ni Jesus, si Yussif ay nag-imbestiga't sumulat ng talaan tungkol kay Jesus, at kaniyang ibinahagi ang nakasulat na liham para kay Nicodemo kay Jairo (Alessandro Colla), ang bagong tagapangasiwa ng sinagoga sa Capernaum. Sa pakikipag-usap kay Juan Bautista, si Andres ay ipinaalahanang makinig kay Jesus. Ipinamana ni Judas Iscariote ang kaniyang mga ari-arian sa kaniyang kapatid na babae't umalis upang sumunod kay Jesus. Humingi ng paumanhin si Andres kay Maria Magdalena para sa kaniyang mga naging aksyon habang si Mateo'y pumunta sa tahanan ng kaniyang pamilya't nakipagkasundo kay Alfeo. | ||||||
18 | 2 | "Dala-dalawa" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 18 Disyembre 2022[S3 1] | |
Sina Atticus Aemilius at Gayo ay nag-ulat kay Praytor Quintus tungkol sa mga peregrinong mula sa lahat ng dakong nagtatayo ng isang toldang lungsod sa labas ng Capernaum upang makita si Jesus. Natagpo ni Simon Z. si Atticus Aemilius, na humihingi ng sagot tungkol sa kung ano si Jesus at nag-aalok ng isang alyansa upang lipulin ang mga Makabayan. Sa bahay ni Simon, inatasan ni Jesus ang labindalawa bilang kaniyang mga piniling apostol at sinugo niya sila sa isang misyon sa bawat direksyon, dala-dalawa, upang ipangaral at ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian ng Langit sa mga nawawalang tupa ng sambahayan ni Israel. Pagkabigay ng mga tagubilin sa misyon, binigyan sila ni Jesus ng awtoridad na magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Matapos tanggapin ni Judas Iscariote ang nominasyon mula kay Mateo bilang ingat-yaman ng grupo, pinag-pares ni Jesus ang mga apostol, na lumikha ng mga tensyon sa kanila. Habang ipinagninilayan ang misyon, nagtanong si Maliit na Santiago kay Jesus kung bakit hindi siya gumagaling. Inaliw ni Jesus si Maliit na Santiago sa pagtitiyak na siya'y gagaling balang araw. Sa labas ng dating tahanan ni Mateo, sabay-sabay na binigkas ng mga apostol ang Awit ni David. | ||||||
19 | 3 | "Manggagamot, Pagalingin Mo ang Iyong Sarili" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 25 Disyembre 2022 | |
Si Jesus ay bumalik sa Nazaret upang ipagdiwang ang Rosh Hashanah kasama si Maria. Matapos malamang wala sa hapunan sina Santiago at Judas, sinabi ni Jesus kay Maria ang kalagayan ng kaniyang mga estudyante. Ang kanyang mga kaibigan sa pagkabatang sina Lazaro, Maria (Catherine Lidstone), at Martha (Sophia Cameron Blum) ay dumating sa Nazareth mula Bethania para sa pagdiriwang, kasama ang mga magulang ng lalaking kinasal mula sa Cana. Sa sinagoga, binasa ni Jesus ang isang balumbon mula kay propeta Isaias at ipinahayag ang katuparan nito sa araw na iyon. Ginamit ni Jesus ang mga halimbawa ni Elias at ng balo sa Sarepta at nina Eliseo at Naaman upang patunayan ang kaniyang pagpapahayag ng kaligtasan sa Taon ng Jubileo. Pagkatapos ay ipinahayag ni Jesus ang kaniyang sarili bilang Mesiyas na ikinagambala't ikinagalit ng mga nakikinig. Kinundena't itinanggi ng mga tao ng Nazaret si Jesus dahil sa kaniyang pahayag bilang Kautusan ni Moises kaya't itinaboy nila siya sa labas ng bayan upang ihagis sa bangin, ngunit dumaan si Jesus sa kalagitnaan nila. Dinalaw ni Jesus ang libingan ng kaniyang makalupang amang si Jose upang gunitain ang minanang kabisadang ipinasa sa kaniya ni Jose. | ||||||
20 | 4 | "Malinis, Bahagi 1" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 1 Enero 2023 | |
Dala-dalawa, isinagawa ng labindalawang apostol ang atas ni Jesus na magpagaling, magpalayas ng mga demonyo't ipahayag ang Kaharian ng Diyos. Si Yussif ay pinilit ng Roma na pangasiwaan ang komplikasyon ng sirang tangke, sa ilalim ng pangangasiwa ni Gaius. Inamin ni Jairo ang pagbabasa ng selyadong salaysay ni Yussif tungkol kay Jesus at ipinahayag ang kaniyang paniniwala. Sa pagbalik sa bahay ni Simon, ang mga apostol ay nahihirapang maunawaan kung ano ang nangyari. Nakatagpo ni Eden si Veronica (Zhaleh Vossough), isang babae mula sa Cesarea ng Filipos na nagdurusa mula sa pag-agos ng dugo sa loob ng labindalawang taon. Sa bahay ni Jairo, ang anak ni Jairo na si Nili (Ella McCain) ay nagkasakit dahil sa tubig. Kasama sina Shmuel at Yanni, ang panukala ni Shammai ng kautusang laban sa mga huwad na propeta ay inaprubahan ng konseho. Si Simon ay nabalisang ang kaniyang tahanan ay nagiging lugar ng pagtitipong nakadaragdag sa kaniyang pagkadiskonekta kay Eden. Nakatagpo't nakausap ni Simon si Gayo sa sinagoga't sumang-ayong tumulong sa pag-aayos ng sirang balon. Agarang tinawag ni Mical ang kaniyang asawang si Jairo nang tingnan niya si Nili. | ||||||
21 | 5 | "Malinis, Bahagi 2" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 8 Enero 2023 | |
Dalawang linggo mula sa kasalukuyan, nakunan si Eden. Natagpuan nina Nathanael at Tadeo si Veronica't tinulungan nila siya. Sina Zebedeo, Judas Iscariote't ang mga babae ay bumili ng taniman ng olibo. Matapos tanungin nina Felipe at Andres si Jesus tungkol sa pag-aayuno, sinabi ni Jesus sa kanila ang talinghaga ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Nang naghihingalo si Nili, nakiusap si Jairo kay Yussif. Nang nahanap si Jesus, si Jairo'y desperadong nagsumamong pagalingin ang kaniyang anak na babae. Sa daan, ang mga tao'y nagsisiksikan sa paligid ni Jesus. Sa kalagitnaan, desperadong lumapit si Veronica sa likuran ni Jesus at hinawakan ang laylayan ng kaniyang damit, at agarang tumigil ang pag-agos ng dugo. Nang maramdaman ito, tinanong ni Jesus kung sino ang humawak sa kaniya. Nang sabihin ni Veronica ang totoo, tinubos siya ni Jesus. Pagdating sa bahay ni Jairo, namatay si Nili. Pagkaalis ng mga nagdadalamhati, isinama ni Jesus sina Jairo't Mical, kasama sina Simon, Malaking Santiago, at Juan. Binuhay ni Jesus si Nili mula sa patay at mahigpit niyang iniutos sa kanilang huwag sabihin kaninuman ang tungkol dito. Sina Veronica, Jesus, at ang mga disipulo'y naglinis ng kanilang mga sarili sa Dagat ng Galilea. | ||||||
22 | 6 | "Katindihan sa Lungsod ng Tolda" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 15 Enero 2023 | |
Sa Jerusalem, ang asawa ni Poncio Pilato (Andrew James Allen) na si Claudia (Sarah J. Bartholomew) ay nanaginip tungkol kay Jesus. Natuklasan nina Andrew at Philip na ang kanilang nakaraang misyon sa Naveh ay nangangailangan ng pagbabalik sa Decapolis. Nakipagpulong si Atticus Aemilius kay Poncio Pilato sa Judea upang mag-ulat tungkol kay Praytor Quintus at para talakayin si Jesus. Mula sa Judea, dumating sa Capernaum ang dalawang disipulo ni Juan Bautistang sina Avner (Ash Kahn) at Nadab (Austen Parros) na may tanong kay Jesus. Hinarap ni Simon Z. ang mga Makabayang sumubaybay sa kaniya sa Capernaum dahil sa pagtalikod sa Ika-apat na Pilosopiya, at siya'y nagpatotoo tungkol kay Jesus. Habang nagpapagaling si Jesus, tinanong siya nina Avner at Nadab kung siya ba ang Mesiyas. Sinagot sila ni Jesus na sabihin kay Juan Bautista ang kanilang naririnig at nakikita. Nangaral si Jesus tungkol kay Juan Bautista't ipinahayag niyang katotohanan ng Kaharian ng Langit na naglalarawan mula sa mga pabula ni Aesop, at sinaway ang mga tao, ang mga Makabayan, at ang Saduseong si Akiva (Philip Shahbaz). Iniwan ng mga naliwanagang Makabayan si Simon Z. Sinabi ni Eden kay Simon ang tungkol sa kaniyang pagkalaglag na ikinagalit ni Simon. | ||||||
23 | 7 | "Mga Tainga Para Marinig" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 5 Pebrero 2023[S3 3] | |
Habang Purim, gumagala si Simon sa Capernaum, hanggang sa makarating sa Romanong Pook. Kasunod ng hindi matagumpay na pagtatangkang ayusin ang malawakang krisis sa Decapolis, bumalik sina Felipe't Andres na nangangailangan ng tulong ni Jesus upang malutas ito. Nang tanungin ni Maria Magdalena si Mateo tungkol sa mga nakatagong palawit, ipinaliwanag ni Mateo ang kanilang kahalagahan sa paggunita sa kaniyang pakikipagtagpo kay Mateo (Mike Saad), isang pastol na nakasaksi ng kapanganakan ni Jesus[S3 2]. Dinala ni Gayo si Simon sa kaniyang tahanan, at nakita ni Simon ang maysakit na aliping anak ni Gayong si Ivo (Malachi Grayson). Itinali ni Mateo ang Tzitzit sa kaniyang damit. Matapos atasan si Juan para dalhin si Simon, pinangunahan ni Jesus ang iba sa paglalakbay patungong Decapolis. Pagdating sa Abila, natagpo ng batang si Telemachus (Kace Winfield) si Jesus, at pinagaling ni Jesus ang binging-piping ama ni Telemachus na si Argo (Greg Roman), at mahigpit na iniutos ni Jesus sa kanilang huwag sabihin kaninuman ang tungkol dito. Sinabi ni Simon kay Juan ang kaniyang kalagayan. Si Jesus at ang grupo'y napaharap sa pagsalungat mula sa lahat ng panig, kasama ang mga Cananea't Nabataean. | ||||||
24 | 8 | "Sustento" | Dallas Jenkins | Dallas Jenkins, Ryan Swanson at Tyler Thompson | 7 Pebrero 2023[S3 3] | |
Noong 990 BC, sina Haring David at ang kaniyang Reyna (Moriah Smallbone) ay nakinig sa Awit ni Asaf (Pezh Maan) ayon kay Jeduthun (Moud Sabra). Sa kasalukuyan, libu-libo ang dumating upang makipagtalo kay Jesus. Pagkatapos magturo si Jesus tungkol sa pananampalataya, tinalakay nila ang kanilang mga kalagayan. Tinulungan nina Dasha, Yussif, Salome't Maria Magdalena si Eden na makapaglinis sa Mikveh. Si Jesus ay nangaral ng maraming talinghaga't ipinahayag ang kaniyang kapahingahan. Napagtanto ng mga disipulong libu-libo ang nagugutom, at walang pagkain kaya't ipinaalam kay Jesus. Habang naghahanap ng pagkain si Andres, ibinihagi ni Telemachus ang dalawang isda't limang sebadang tinapay. Tinanong ni Jesus kung saan bibili ng pagkain, bilang pagsubok kay Felipe, at dinala ni Andres ang pagkain ni Telemachus. Binasbasan at pinarami ni Jesus ang pagkaing ipinamahagi ng mga disipulong nagpakain ng libu-libo. Dahil sa bagyo, pinauna ni Jesus ang mga disipulo sa bangka. Sa gabi, nang lumulubog ang bangka, si Jesus ay naglalakad sa tubig at pinatunayan niyang siya iyon matapos isipin ng mga disipulong siya'y multo. Lumakad si Simon sa tubig pero lumubog, ngunit iniligtas siya ni Jesus. Sa bangka, inaliw ni Jesus at ng mga disipulo si Simon, at pinakalma ni Jesus ang bagyo. |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Moore, Even (Marso 18, 2020). "'The Chosen': Elgin filmmaker wants people to 'Binge Jesus' on an app". Chicago Sun-Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Parke, Caleb (Enero 7, 2019). "Story about life of Jesus emerges as largest crowdfunded entertainment project in history". Fox News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Carpenter, Chris (Disyembre 28, 2018). "New TV Series The Chosen a Modern Day 'Five Loaves and Two Fish' Story". CBN. Nakuha noong Enero 4, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Moore, Evan F. (Marso 18, 2020). "'The Chosen': Elgin filmmaker wants people to 'Binge Jesus' on an app". Chicago Sun-Times. Nakuha noong Mayo 5, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Law, Jeannie (Disyembre 13, 2019). "'The Chosen': Record-breaking TV series about Jesus debuts worldwide". The Christian Post. Nakuha noong Enero 4, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Jurgensen, John (Nobyembre 27, 2021). "Fans Pour Funding—and Faith—Into a Hit Drama About Jesus". The Wall Street Journal. Nakuha noong Abril 5, 2022 – sa pamamagitan ni/ng www.wsj.com.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Graham, Ruth (Nobyembre 25, 2022). "Jesus Christ, Streaming Star". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong Disyembre 8, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Toone, Trent (Disyembre 5, 2022). "'The Chosen' announces streaming release date". Deseret News. Nakuha noong Disyembre 23, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Allen, Virginia (Nobyembre 20, 2022). "'The Chosen' Is Box Office Hit, Outpacing Major Hollywood Films". The Daily Signal. Nakuha noong 2022-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wise, Talia (Enero 16, 2023). "'The Chosen' Creators' Big Season 3 Finale Announcement Crashes Website". CBN News. Nakuha noong 2023-01-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Opisyal na website
- The Chosen channel sa YouTube
- The Chosen sa IMDb
- The Chosen sa Rotten Tomatoes