Kumbensiyon ukol sa Batas ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa

Pandaigdigang batas sa dagat
(Idinirekta mula sa UNCLOS)

Ang Kumbensiyon ukol sa Batas ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations Convention on the Law of the Sea) o UNCLOS, tinatawag din na Law of the Sea Convention (transliterasyon: Kumbensiyon sa Batas ng Dagat) ay ang pandaigdigang kasunduan na bunga ng ikatlong United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS III), na nangyari mula 1973 hanggang 1982. Itinatakda ng Law of the Sea Convention ang mga karapatan at pananagutan ng mga bansa kaugnay ng kanilang paggamit ng mga karagatan ng daigdig, nagtataguyod ng mga alituntunin sa mga negosyo, kalikasan at pamamahala ng likas na yamang dagat. Nagtapós ang kumbensiyon noong 1982 at pinalitan ang apat na tratado ng 1958. Nagkabisà ang UNCLOS noong 1994, isang taon matapos maging ika-60 bansang lumagda sa tratado ang Guyana. Noong Agosto 2013, 165 bansa at ang European Union ang umanib sa Kumbensiyon. Subalit, walang katiyakan ang lawak ng saklaw ng pagkodigo nito napagkaugaliang batas pandaigdig.

United Nations Convention on the Law of the Sea
Nilagdaan10 Disyembre 1982
LokasyonMontego Bay, Jamaica
Nagkabisà16 Nobyembre 1994[1]
Kundisyon60 ratipikasyon
Nagsilagda157[2]
Partido166[2][3]
DepositaryoSecretary-General of the United Nations
Mga wikaArabic, Tsino, Ingles, Pranses, Ruso at Espanyol
United Nations Convention on the Law of the Sea at Wikisource

Paglagda at ratipikasyon

baguhin
 
  nagratipika
  lumagda, ngunit di-niratipika
  hindi lumagda
 

Sinimulan ang pagpapalagda ng kumbensiyon noong Disyembre 10, 1982 at nagkaroon ng bisà noong Nobyembre 16, 1994 nang maideposito ang ika-60 instrumento ng ratipikasyon.[1] Ang kumbensiyon ay niratipikahan ng 166 partido, kasama ang 165 estado (163 kasaping estado ng Mga Nagkakaisang Bansa dagdag pa ang Kapuluang Cook at Niue) at European Union.[2][4]

Kasaping estado ng Mga Nagkakaisang Bansa na lumagda, ngunit di nagratipika
Kasaping estado ng Mga Nagkakaisang Bansa na hindi lumagda

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "The United Nations Convention on the Law of the Sea (A historical perspective)". United Nations Division for Ocean Affairs and the Law of the Sea. Nakuha noong 30 Abril 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "United Nations Convention on the Law of the Sea". United Nations Treaty Series. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-12. Nakuha noong 2013-12-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Chronological lists of ratifications of, accessions and successions to the Convention and the related Agreements". United Nations Division for Ocean Affairs and the Law of the Sea. 8 Enero 2010. Nakuha noong 2010-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. La Convention des Nations Unies sur le droit de la mer, instrument de régulation des relations internationales par le droit, éd. L'Harmattan, 2011