Wikipedia:Mga huling idinagdag

(Idinirekta mula sa Wikipedia:ABN)
Alam Ba Ninyo?
(T:ABN)
Gabay (WP:ABN-gabay)
Paghahanda (WP:ABN-handa)
Susunod (WP:ABN-sunod)
Mungkahi (WP:ABN-mungkahi)
Supnayan (WP:ABN-supnay)
Sinupan (WP:ABN-sinop)

Ito ang mga huling bagong artikulo sa Wikipedia na napili sa Unang Pahina bilang bahagi ng Alam ba ninyo? Tingnan ang mga bagong pahina para sa kumpletong tala ng mga bagong pahina. May sinusunod na gabay ang Wikipediang Tagalog hinggil sa pagdagdag sa "Alam ba ninyo?", subalit maaaring magdagdag ang kahit sino basta ba susundin ang gabay na ito. Maaari mong ilagay o idagdag ang iyong mungkahing paksa (ito ang pangalan ng pahina o ang pamagat ng artikulo) at pamukaw na tanong sa paghahanda at mga mungkahi para sa Alam Ba Ninyo? ng mga maaaring gamitin para sa "Alam ba ninyo?". Doon sa handaang iyon kumuha ng pamalit na pangkat para sa Unang Pahina. Basahin sa ibaba kung ilan ang dapat na laman ng bawat pangkat. Sa kasalukuyan, lingguhan ang pagpapalit ng mga pangkat upang maitanghal ng husto ang mga paksa. Ibabalik ito sa isa hanggang dalawang ulit na pagpapalit ayon sa bilang ng mga kandidatong artikulo o pahina. Pero, inuulit po lamang, na pakibasa muna ang mga gabay na nasa ibaba bago ito gawin. O, kaya maaaring magmungkahi muna kayo sa Usapan hinggil sa mungkahi at paghahanda para sa Alam Ba Ninyo?.

Mga gabay at panuntunan

Ito lamang ang mga paunang gabay sa pagdagdag ng paksa sa "Alam ba ninyo?":

  • Tumingin ng mga bagong pahina sa Natatangi: Mga Bagong Pahina (o Special:Newpages) para maidagdag.
  • Dapat na may sanggunian ang artikulo o lathalain. Kung wala pa, pakihanapan at pakilagyan.
  • Bilang tulong at ambag sa Tagalog na Wikipedia, pumili o magsulat po sana ng artikulong hindi bababa sa 3,000 titik o karakter (mga 4 kilobyte) ang nilalaman ng katawan ng artikulo hindi kabilang ang pamagat o pangalan ng pahina, mga pamagat ng seksiyon, mga titik na nasa sanggunian, kawing na panlabas, mga kapsyon ng larawan, mga kahon ng impormasyon (infobox), talaan, tabla, kategorya, at mga katulad. Isa lamang pong mungkahi at panukala ang mga ito para sa kapakanan ng mga mambabasa at tagagamit ng Tagalog na Wikipedia. Maaari mong bilangin ang mga nilalamang titik ng iyong artikulo sa pamamagitan ng pagkopya nito patungo sa isang pahinang pandokumento ng Microsoft Word sa tulong ng Tools (kasangkapang-kagamitan) kung saan matatagpuan ang word count o pambilang. Maaari ka ring gumamit ng ibang programa na pangkompyuter, kung ibig. Sa ibang paraan ng pagpapaliwanag: mas mainam ang mahigit sa isang dangkal na haba ng lathalain kaysa kalahating dangkal lamang. Mas lalong nakaaangat ang lampas pa sa dalawang dangkal.
  • Kung minsan, maaari pa rin kayong makakita ng maiikling artikulo sa "Alam ba ninyo?", depende sa bilang ng mga kandidato sa loob ng isang panahon. Sa kasong iyon, hinihiling po na tumulong kayo sa pagpapahaba, pagpapalawig, at pagpapaunlad ng artikulo hanggang sa maabot o malampasan ang hinihinging bilang, maging ang kalidad. Lalo na kung usbong (stub) pa ito. Ngunit talaga pong higit na mas mainam kung umabot na sa bilang at pamantayan ang artikulo bago ito mailagay dito sa Alam Ba Ninyo? dahil mas nakatutulong na sa tagabasa.
  • Dapat na nakapupukaw ng pansin ang pamukaw na tanong na gagamitin (tingnan ang mga halimbawang nasa supnayan na nasa ibaba).
  • Hindi isang pangkalahatang seksiyon ng tribya (trivia) ang "Alam ba ninyo?".
  • Ninumungkahi na dapat nasa loob ng nakaraang 30 araw (isang buwan) ng Mga Bagong Pahina ang artikulo na idadagdag. Hindi mahigpit ang pagsasali ng lahok sa "Alam ba ninyo?" ayon sa tagal ng pagkakalikha nito basta't hindi ito nauulit.
  • Nasa artikulo dapat ang binanggit sa "Alam ba ninyo?"
  • Kailangang may larawan ang nasa pinakaibabaw na paksa.
  • Dapat naka-'''BOLD''' ('''MAKAKAPAL ANG MGA TITIK''') ng titulo ng bagong dinagdag na paksa sa "Alam ba ninyo?"
  • Sa pangkalahatan, nakalimita lamang sa mula TATLO hanggang LIMANG (5) paksa, ngunit kung anumang kaso maaaring mahigit dito ngunit hindi lalampas sa WALO (8). Siguraduhin lamang na susukat ito sa pahina noong mga panahong iyon. Gamitin ang inyong sintido kumon o "karaniwang kaisipan".
  • Lagyan ng tag o tatakan ng {{Suleras:AlamBaNinyoUsapan}} ang pahina ng usapan ng artikulo bilang rekord.
Halimbawa:
  Ang isang lahok mula sa lathalaing Mga huling idinagdag ay nailathala sa Unang Pahina ng Wikipedia sa hanay ng Alam ba ninyo? noong Setyembre 3, 2007.
 
Wikipedia

.

  • Bukod sa itaas, maaari mong padalhan ng isang mensahe ang may-akda o nagsimula ng artikulo sa pamamagitan ng paggamit ng suleras na ito: {{subst:AlamBaNinyoUsapan2|Abril 3|2008|Pangalan ng artikulo}} --~~~~ (nagmula sa: {{Suleras:AlamBaNinyoUsapan2}}), upang maipagbigay-alam sa may-akda ang pagkakapili ng kaniyang artikulo. Kung sakaling wala pang panagutan ang nag-ambag ng artikulo, ipadala pa rin ang mensahe upang mahikayat siyang gumawa ng sariling akawnt. Huwag mong kalimutang lumagda sa pahina ng usapan ng pinagbigyan ng mensahe. Ganito ang mababasa ng pinadalhan ng mensahe:
  Noong Marso 30, 2008, ang Alam Ba Ninyo? ay napunan ng kaalaman mula sa lathalaing [[{{{3}}}]], na iyong kinatha, isinalinwika, at/o pinalawig. Magpatuloy ka pa sana sa paglikha ng ganitong uri ng mga lathalain. Salamat sa iyo at mabuhay ka!
  • Kung minsan, maaaring muling mapili ang isang lumang artikulo, lalo na kung napalawig ito ng may ikatlong ulit ang haba (mungkahi) o higit pa, at may kahalagahan at nakapupukaw ng isipan ang mga nadagdag na kaalamang maipapamahagi nito sa mambabasa.
  • Idagdag dito sa supnayan sa ibaba ang mga paksang tinanggal (ayon sa petsa: buwan at taon) - dahil nagamit na - para sa "Alam ba ninyo?". Pakiusap, maglagay ng patlang o puwang sa pagitan ng bawat pangungusap.
  • Nilalagay na sa mga sinupan (ayon sa taon; nasa ibaba, sa gawing kanan) ang mga dating nasupnay dito sa ibaba kapag tapos na ang kasalukuyang taon, o kung masyado nang mahaba ang tala ng supnayan sa ibaba.

Supnayan ng mga napiling Alam ba ninyo?

Alam ba ninyo...

Hulyo 2024

Hunyo 2024

  • ... na unang inilagak ang labi ni Jose Rizal sa Liwasang Paco bago ito nailipat sa bahay ng kapatid niyang si Narcisa at kalaunan, sa Liwasang Rizal?
  • ... na maaring makuha ang langis ng niyog sa dalawang uri ng proseso: basa o tuyo?
  • ... na nakakahawa ang pagtawa, at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon?