Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2014
Sinupan ng mga nagdaang "Alam Ba Ninyo" noong taong 2014
baguhinPaunawa: May mga ilang buwan na walang naitalang Alam ba ninyo? sa taong ito.
Setyembre 2014
baguhin- ... na ang alkohol na amyl ay isa sa 8 mga alkohol na may pormulang C5H11OH?
Agosto 2014
baguhin- ... na ang karamdaman ni Addison ay isang diperensiya ng sistemang endokrino na bihira ngunit malubha?
- ... na ang organismong aerobiko ay mga mikrobyo na nabubuhay, namamalagi at lumalaki sa isang kapaligirang may oksiheno?
- ... na ang sakit na Ebola ay isang karamdaman na dulot ng isang birus?
- ... na ang albuminuria ay ang pagkakaroon ng albumin sa ihi ng isang tao?
- ... na ang epinephrine at ang adrenalin ay iisang hormone lamang?
- ... na ang akromegalya ay isang kalagayang medikal na nangyayari kapag ang glandulang putwitaryo ay gumagawa ng labis na hormonang pampalaki pagkatapos ng pubertad?
- ... na si Scott Bradlee ay isang piyanistang kumpositor na lumikha ng mga bidyong sumikat at lumaganap sa YouTube?
Hulyo 2014
baguhin- ... na bagaman nakarehistrong tatak-pangkalakal ang JumboTron na pagmamay-ari ng Sony Corporation, itinigil ng Sony ang paggawa ng mga kagamitang ito noong 2001 at simula noon ang salitang jumbotron ay naging pangkalahatang tatak-pangkalakal?
Hunyo 2014
baguhin- ... na matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hinati ang Kampo Murphy sa dalawang kampo, ang Kampo Crame at ang Kampo Aguinaldo?
- ... na ang Boléro ni Maurice Ravel ang dahilan ng pagkapanalo ng dalawang mananayaw sa yelo noong Olimpiko ng 1984?
- ... na ang Shabu-shabu ay isang masabaw na lutuing Hapones?
- ... na si Bertram Boltwood ang tagapanimula ng radyokimika?
- ... na si Hans Bethe ang pinakadakilang manlulutas ng suliranin noong ika-20 daantaon?
- ... na si Swamp Thing ay isang kathang-isip na humanoid na halaman?
Mayo 2014
baguhin- ... na si Arnold Sommerfeld ay ang pisiko na nagpasimula ng mga kaunlaran sa pisikang atomiko at kuwantum?
- ... na si Peter Barakan ay ang punong-abala sa seryeng Begin Japanology?
- ... na si Paul Forman ay isang Amerikanong historyador na awtor ng dalawang kontrobersiyal na mga tesis?
- ... na mula kay Gilbert N. Lewis nahubog ang modernong mga teoriya ng pagsasanib na kimikal?
- ... na tinawag ni Lee de Forest ang kaniyang sarili bilang ang "Ama ng Radyo"?
- ... na si Friedrich Paschen ay ang pisikong Aleman na nakilala dahil sa mga pagdiskarga ng kuryente?
- ... na si Robert Boyle ay isang alkimistang itinuturing na unang modernong kimiko?
- ... na ayon kay Aristotle ang Griyegong si Zeno ng Elea ang umimbento ng diyalektika?
- ... na si Edwin Howard Armstrong ang pinaka mapanlikha at maimpluwensiyang imbentor sa kasaysayan ng radyo?
- ... na si Werner Heisenberg ay naging bantog dahil sa kaniyang pagpapahayag ng prinsipyo ng walang katiyakan?
- ... na si Reggie Lee ay may dalawang nakababatang kapatid na lalaki si Lee, ang musikerong si Nathan at manlalarawan ng komiks na si R.V. Valdez?
- ... na ang mayang Costa ay isa lamang sa mga maraming uri ng pipit na pinapangalanang "maya" sa [[wikang Pilipino]?
- ... na si Nadine Lustre ay kilala sa pagganap bilang Eya Rodriguez sa pelikulang Diary ng Panget na base sa nobela ni HaveYouSeenThisGirL?