Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2007
Mula 04 Pebrero 2007 hanggang 26 Disyembre 2007
Alam ba ninyo...
- ... na natatangi ang Pasko sa Pilipinas sa buong mundo bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko?
- ... na ang pugita ay isang cephalopod ng ordeng Octopoda na naninirahan sa mararaming iba-ibang mga rehiyon ng karagatan, lalo na ang mga hanay ng mga baklad?
- ... na itinatag ang Kilusang Propaganda ng mga Pilipinong ilustrado sa Madrid para sa layuning pampanitikan at kultural sa halip na politikal?
- ... na mayroon lamang sa Windows at GNU/Linux ang scripting language na KonsolScript?
- ... na maliban sa pagpapalakad ng pamahalaan, isang mananalumpati at estratehista, isa ring opisyal ng Sandatahan ng Gran Britanya si Winston Churchill?
- ... na ang mga Gisaeng (binabaybay din na kisaeng), bukod sa pagtatanghal, ay maaari rin sila sa pananahi, pagbuburda, at maging sa panggagamot?
- ... na ang kalansay ay isang sistemang nagbibigay ng suportang pisikal sa mga organismo?
- ... na may kondom na panlalaki at pambabae?
- ... na ang sikmura ng tao ay kahugis ng isang bunga ng bataw?
- ... na ang sistemang respiratoryo (nasa larawan) ay binubuo ng mga tubo sa loob ng katawan ng tao?
- ... na ang Team Rocket ay may limang miyembro?
- ... na may tatlong uri ng mga selula ang dugo ng tao?
- ... na ang mga organo sa katawan ng hayop at halaman ay may takdang tungkulin o grupo ng mga tungkulin?
- ... na ang mga baga (nasa larawan) ay may mga tungkuling pang-hinga at hindi-panghinga?
- ... na maaari ring magkaroon ng malalaking mansanas ni Adan ang mga kababaihan?
- ... na mainam na panalat sa dilim ng mga kagamitang pambahay ang lulod ng tao?
- ... na ang Bayan ng Bantayan (nasa larawan) ay isang ika-2 klaseng bayan sa lalawigan ng Cebu, Pilipinas?
- ... na ang Star Wars Episode II: Attack of the Clones ay nangyari sampung taon pagkatapos ng mga panyayari sa unang bahagi ng Star Wars saga?
- ... na pipintig nang may 2.5 bilyong beses sa kahabaan ng buhay na may 66 taon ang karaniwang puso ng tao?
- ... na si Jimmy Wales (nakalarawan) ay isa sa mga tagapagtatag ng Wikipedia?
- ... na dalawang magkaibang espesye ng mga loro ang budgerigar at lovebird?
- ... na ang Końskowola ay isang nayon sa timog-silangang Poland?
- ... na ang mga daliri (nakalarawan) ay mayroon ding abnormalidad tulad ng polydactyly at hypodactyly?
- ... na si Ignacia del Espíritu Santo ang pinakaunang Pilipinang nagtatag ng isang kongregasyon para sa mga kababaihan sa Pilipinas?
- ... na ang Pamantasang Normal ng Pilipinas ay isang institusyong itinatag ng mga Amerikano para magsanay ng mga guro?
- ... na ang kangkong (nakalarawan) ay may tatlong karaniwang katawagan sa wikang Ingles?
- ... na si Philinda Rand ay isang Amerikanong guro ng Ingles sa Pilipinas mula 1901 hanggang 1907?
- ... na ang PinoyCentric ay isang blog na nakatuon sa sining, kultura at mga agham ng Pilipinas?
- ... na ang ashtray (nakalarawan) ay ginagamit din sa pagpapatalastas?
- ... na si Lorenzo M. Tañada ang may pinakamahabang panahon sa pagka-senador sa Kasaysayan ng Pilipinas?
- ... na si Stanley Karnow ang may-akda ng In Our Image: America's Empire in the Philippines?
- ... na si Gabe Baltazar ay isang Pilipino-Amerikanong alto-saxoponista sa larangan ng jazz?
- ... na si Fernando María Guerrero ay isang magiting na Pilipinong makata, tagapamahayag, poliglota at politiko noong ginintuang panahon ng panitikang Kastila sa Pilipinas?
- ... na ang Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal ay mas kilala bilang RiSci?
- ... na si Psycho T ay isang Amerikanong manlalaro ng basketbol sa kolehiyo para sa Pamantasan ng North Carolina?
- ... na ang Goodbye America ay isang pelikula ng 1997 na tumatalakay sa pagsasara ng baseng hukbong-pandagat ng Estados Unidos sa baybayin ng Subic?
- ... na ang babaylan ay isang katawagan sa mga katutubong Pilipinang manggagamot at pinuno ng pamayanan?
- ... na ang egg-fish goldfish ay isang uri ng goldfish na hugis-itlog at walang palikpik sa likod?
- ... na ang musaka (nakalarawan) ay isang pagkaing batay sa talong?
- ... na ang Eksarkado ng Pilipinas ay isang hurisdiksiyon ng Simbahang Ortodoksong Pilipino sa Pilipinas?
- ... na si Martha de San Bernardo ang pinakaunang Pilipinong naging madre sa Pilipinas at sa buong mundo?
- ... na ang hummus (nakalarawan) ay isang sawsawan na popular sa Gitnang Silangan?
- ... na si Sinibaldo de Mas ay isang diplomata ng pamahalaan ng Espanya sa Asya noong ika-19 siglo na nagpanimula ng potograpiya sa Pilipinas?
- ... na may mga lungsod na ang pangalan ay San Fernando sa La Union at sa Pampanga?
- ... na si Darren Mcfadden ay isang Amerikanong basketbolista mula sa Pamantasan ng Arkansas at kaunaunahang sophomore na nagantimpalaan ng Doak Walker Award?
- ... na ang tungkulin ng Serbisyo ng Interpretasyon ng Mga Nagkakaisang Bansa ay ang pagsasalin ng mga nagaganap na pagpupulong sa mga wikang Arabo, Intsik, Ingles, Pranses, Ruso at Kastila?
- ... na si Jeff Burton ay isang drayber pangarera ng NASCAR Nextel Cup Series?
- ... na maaaring tumukoy ang salitang transmutasyon sa mitisismo, pisika, relihiyon at iba pa?
- ... na ang oligarkiya ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihang pampulitika ay nakasalalay sa isang maliit na pangkat ng mga piniling tao ng lipunan?
- ... na ang Mga Kabataan ng Zion ay isang akda ni Henryk Grynberg na isinalin ni Jacqueline Mitchell (nakalarawan), isang tagapag-salin sa Mga Nagkakaisang Bansa?
- ... na ang Tratado ng Paris ay isang kasunduan na nagbibigay-karapatan sa mga Pranses na sakupin lahat ng mga ari-arian ng Espanya sa Río Muni kung ginusto ng huli na abandonahin ito?
- ... na ang pangalang Muhammad ay may higit pa sa tatlong anyo ng pagbabaybay?
- ... na ang tuldik ay dinadagdag sa isang titik upang mapalitan ang paraan ng pagbigkas ng mga salita?
- ... na ang pinakamalapit na katumbas ng salitang ulam sa wikang Ingles ay ang salitang viand?
- ... na si Teodoro Plata ay isa sa mga bayaning Pilipino na nagtatag ng Katipunan?
- ... na si Jimmy Clausen ay isang Amerikanong manlalaro ng football para sa Pamantasan ng Notre Dame?
- ... na si Lev Šestov (nakalarawan) ay isang pilosopong eksistensiyalista mula sa bansang Rusya?
- ... na ang Kongreso ng Pilipinas ay binubuo ng dalawang kapulungan?
- ... na ang kasaysayan ng agham at teknolohiya ay isang larangan kung saan sinusuri kung paano inuunawa ng buong sangkatauhan ang mga pagbabago sa agham at teknolohiya sa loob ng dantaon?
- ... na si Sandara Park ay isang artistang Koreana na sumikat sa Pilipinas?
- ... na Ang Panday ay isang fantaserye na ibinatay sa kwentong komiks sa panulat ni Carlo J. Caparas?
- ... na ang Babaeng May Pamaypay (nakalarawan) ay isang dibuho ni Diego Velázquez na kung saan ang modelo ay hindi pa nakikilala ng husto ng mga eksperto sa larangan ng sining?
- ... na si Irene Saunders ang may-akda ng diksyunaryong Ingles-Intsik na pinamagatang Ang Tamang Salita sa Intsik?
- ... na ang sawikain ay isa o grupo ng mga salita na nagpapahiwatig ng sentimyento ng mga tao, mga bansa at mga institusyon tulad ng unibersidad o empresa?
- ... na may dalawang pangunahing uri ang panitikan?
- ... na mga gobernador-heneral ang namumuno sa Pilipinas noong kapanahunan ng mga Kastila at Amerikano?
- ... na ang Korte Suprema ng Pilipinas (gusali nakalarawan) ay ang pinakamataas na hukuman sa Pilipinas?
- ... na ang Microsoft Windows ay isang pamilya ng mga operating system na gawa ng Microsoft na inilabas noong Nobyembre 1985 bilang dagdag sa MS-DOS?
- ... na marami pang pamamaraan ng pagluluto bukod sa paggamit ng init?
- ... na ang reaksiyong kimikal ay isang prosesong nagiging sanhi ng isang pagpapalitan ng mga sustansiyang kimikal?
- ... na si Padre Leo James English ay isang Australyanong may-akda sa dalawang pinakaunang diksyunaryong pang-dalawang wika sa Pilipinas?
- ... na ang unang pelikula ng direktor na si Richard Abelardo ay ang Malikmata noong 1948?
- ... na si Thales (nakalarawan) ay isa sa mga pitong paham ng Gresya?
- ... na ang metapisika ay isang sangay ng pilosopiya na may kaugnayan sa mga agham-pangkalikasan at mga paksang espirituwal?
- ... na unang nasilayan ang aktor na si Ramon d'Salva sa pelikulang Suwail ng 1949?
- ... na ang Aa ay isang ilog na matatagpuan sa Hilagang Pransiya?
- ... na ang matematikal na lohika ay isang disiplina kung saan pinag-aaralan ang mga pormal na sistema na may kaugnayan sa pundasyon ng matematika?
- ... na ang Kanlaon (nakalarawan) ay isang bundok na nasa pagitan ng mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental sa kapuluang Visayas ng Pilipinas?
- ... na ang ab incunabulis ay isang pariralang Latin na ang kahulugan ay "mula sa duyan"?
- ... na ang abaka ay isang klase ng pibro na gawa sa sanga ng punong saging?
- ... na ayon sa mga alamat ng Pilipinas, si Maria Makiling (nakalarawan) ay isang diwata na nagbabantay ng Bundok Makiling?
- ... na ang Bleach ay isang manga at anime tungkol sa buhay ng estudyanteng si Ichigo Kurosaki?
- ... na ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong 1945 ay isang serye ng labanan na nagtapos sa halos tatlong taon na pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga gerilya sa Maynila?
- ... na nagsimula ang Roma bilang isang siyudad-estado na pinamumunuan ng isang hari?
- ... na si Javaris Crittenton ay isang propesyunal na basketbolista mula sa Estados Unidos at naglalaro bilang point guard sa koponan ng Los Angeles Lakers?
- ... na Ang Munting Prinsipe ay isang akdang Pranses ni Antoine de Saint-Exupéry?
- ... na si Jaime Castellví ay naging artista noong panahon ng mga silent movie?
- ... na si Obi-Wan Kenobi ay isang tauhan mula sa mga kuwento ng Star Wars?
- ... na ang millipede ay isang arthropod na may mahigit sa dalawampung paa?
- ... na ang Mac OS ay isang serye ng mga operating systems para sa kompyuter ng kumpanyang Apple at una itong nakilala bilang Macintosh noong 1984?
- ... na mas malapad at maikli ang ulo ng mga alligator (nakalarawan) kaysa sa mga buwaya?
- ... na ang salitang sanitasyon ay hindi lamang patungkol sa isang gawaing pangkalinisan?
- ... na ang ablutophobia ay isang uri ng phobia na ang isang tao ay may takot sa pagligo?
- ... na ang Botika sa Baryo ay isang pelikulang Pilipino na ipinalabas noong 1960 at kinabibidahan nina Diomedes Maturan, Marita Zobel at Bayani Casimiro?
- ... na nalalaman ng mga astronomo ang mga katangian ng isang bituin (nakalarawan) sa pamamagitan ng pagmamatyag ng espektrum, ningning at kilos nito sa kalawakan?
- ... na may anim na edisyon ang Microsoft Windows Vista sa kasalukuyan?
- ... na ang ika-12 Palaro ng Timog Silangang Asya noong 1983 ay ginanap sa Singapore imbis na sa Brunei Darussalam?
- ... na ang Mirmo! ay isang seryeng anime mula sa bansang Hapon?
- ... na ang basketbolistang si Ronald Glen Davis mula sa Baton Rouge, Louisiana ay mas kilala bilang "Big Baby"?
- ... na ang Bayan ng Kapalong (nakalarawan ang mapa) ay isang bayan sa lalawigan ng Davao del Norte, Pilipinas?
- ... na ang Microsoft Windows ay isang pamilya ng mga operating system na gawa ng korporasyong Microsoft?
- ... na si Akira Kushida ay isang mang-aawit para sa Anime mula sa bansang Hapon?
- ... na si Kuh Ledesma ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng Salem Music Awards sa London?
- ... na ang mga ilustrado ang nagkalat ng ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas noong panahon ng mga Kastila?
- ... na si Jeronima de la Asuncion (nakalarawan) ang nagtayo ng pinakaunang monasteryo ng mga madre sa Maynila at sa Asya?
- ... na si Daequan Cook ay isang Amerikanong basketbolista para sa koponan ng Miami Heat?
- ... na ang Kasunduang Schengen ay isang kasunduan ng mga estadong Europeo na sumasang-ayon para sa pagwawalang-bisa ng mga sistematikong kontrol ng mga hangganan?
- ... na ang cuneiform ay isang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian?
- ... na ang mitopilosopiya ay isang pag-aaral na nakatuon sa pagkilala sa sarili?
- ... na ang mga Ivatan ay naniniwala sa mga pamahiin?
- ... na tungkol sa kuwento ng limang dalaga ang W.I.T.C.H.?
- ... na ang pinuno ng barangay bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay ang datu?
- ... na ang pinakahilaga at pinakakanlurang lalawigan ng Thailand ay ang Mae Hong Son (nakalarawan ang mapa)?
- ... na naganap ang tatlong makasaysayang pangyayari ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain?
- ...na ang abestrus (nakalarawan) ang pinakamalaking ibong nabubuhay ngayon?
- …na ang Kalakhang Cebu ang isa sa dalawang opisyal na takdang kalakhan sa Pilipinas?