Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2005
Mula 27 Hulyo 2005 hanggang 13 Nobyembre 2005
Alam ba ninyo...
- ...na ang Lating Pansimbahan, na may sariling pamamaraan ng pagbigkas, ang uri ng Latin na ginagamit ng Simbahang Katoliko?
- ...na si Sir Isaac Newton ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko?
- ...na ang ESPN ay isang tsanel sa telebisyong kaybol, na pinapalabas sa Estados Unidos, mula pa noong 1979?
- ...na ginagamit pa rin ang abacus ng mga mangangalakal at kleriko sa Tsina at mga iba pang lugar?
- ...na kabilang sa malalaking tagapag-ani ng tubo ang Brasil, Indya, at Tsina?
- ...na Olandes ang orihinal na sinasalitang wika sa lungsod ng Dunkerque sa France?
- ...na nahati sa Timog Korea at Hilagang Korea ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ...na bukod kay Mario at Luigi, ay mayroon ring Wario at Warluigi sa Nintendo?
- ...na nanalo ang drayber ng NASCAR na si Tony Stewart sa Winston Cup Championship noong 2002?
- ...na ang awiting Pinoy Ako ay nasa loob rin ng album na may parehong pamagat?
- ...na Ilocano ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuaan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan at marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao?
- ...na ang València ang pangatlong pinakamataong lungsod sa Espanya na itinatag noong 138 AD, ayon sa konsul Romano na si Decimus Junius Brutus?
- ...na may lahing Irish ang tatay ni Michelle Branch at may lahing Olandes, Indonesian (Javanese), at Pranses naman ang kanyang ina na nagresulta sa kanyang anyong Eurasian?
- ...na ayon sa opisyal na posisyon ng pamahalaan ng Pilipinas, ang wikang Tagalog ang batayan para sa pambansang wikang Filipino?
- ...na ang Québec ang tanging lalawigan ng Canada na kung saan ang Ingles ay hindi opisyal na wika (sa antas panlalawigan)?
- ..na nasa lahat ng uri ng Windows operating system ng Microsoft ang blue screen of death sa iba't ibang anyo simula pa noong Windows 3.1 na bersyon.
- ...na hindi pa alam noon ang estruktura sa loob ng atomo nang gawin ang unang talaang peryodika
- …na bituin ang huling salita sa bawat tatlong bahagi o cantica ng Banal na Komedya ni Dante Alighieri?
- …na nasa urban ang karamihan ng mga taga-Ehipto, nakatira sa mga matataong lugar katulad ng Cairo, ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, at Alexandria?
- ...na nagkaroon ng interes si Charles Darwin sa likas na kasaysayan habang nag-aaral ng medisina noong una, pagkatapos teolohiya, sa isang pamantasan.
- ...na base ang palabas na Pinoy Big Brother sa Big Brother na nagmula sa Kaharian ng Lupaing Olandes noong 1999.
- ...na mahirap o imposibleng makagawa ng pribadong kita sa isang public good, dahil nabigong isaalang-alang ng merkado ang malaki nitong kapakipakinabang na mga externality.
- ...na sa pangkalahatan, sinusubok ng mga likas na agham ipaliwanag ang mga gawa ng mundo sa pamamagitan ng mga natural na proseso sa halip na prosesong pang-diyos.
- ...na nagpapatangay lamang sa hangin ang ibang mga mamalya, katulad ng mga lumilipad na ardilya o mga palanger ngunit ang paniki lamang ang totoong lumilipad.
- ...na bago pa noong 1925, nagkakahalaga ng 50 piso ang isang kalabaw.
- ...na matatagpuan sa Lawa ng Bato at Lawa ng Buhi sa Camarines Sur ang isdang pinakamaliit na pangkalakalan (commercial) na inaani, ang Sinarapan.
- ...na ang Harbin ay tinatawag na “Silangang Moskva” o “Silangang Paris” dahil sa arkitektura ng lungsod?
- ...na ang 2003 UB313 ay hindi ang Planet X, ang planeta na hinahakang magpapaliwanag ng mga anomalya sa mga orbit ng mga panlabas na planeta o outer planet?
- ...na ang Saint-Petersburg ang pinakahilagang lungsod sa daigdig na may populasyong humihigit isang milyon?
- ...na kadalasang tinutukoy ang DNA bilang molecule ng pagkakamana (heredity), dahil ito ang responsable sa henetikong pagpapalaganap ng karamihan sa minanang katangian.
- ...na dinagdag ng mga Katoliko ang mga aklat na Deuterokanoniko sa Lumang Tipan ng Biblia?
- ...na unang pinanukula ang Kalendaryong Gregorian ng isang doktor na taga Neapolitan na si Aloysius Lilius?
- ...na bukod sa Internet Explorer, mayroon pang ibang web browsers gaya ng Mozilla, Mozilla Firefox, Safari, Epiphany, Konqueror at Opera?
- ...na kung ang alpabetong Filipino ay may 28 titik, mayroon naman 30 titik Wikang Bulgaro sa kanilang alpabeto?
- ...na kabilang sa mga pinakamaunlad na bansa ang Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit nalampasan na ito ng mga karatig-bansa dahil sa mahinang paglago ng ekonomiya at dahil na rin sa malawakang katiwalian sa pamahalaan?