Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2012

Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Mula Enero 2012 hanggang Disyembre 2012

baguhin

Alam ba ninyo...

Disyembre 2012

baguhin
  • ... na ang Ikalabindalawang Gabi ay isang kapistahan sa ilang mga sangay ng Kristiyanismo na tanda ng pagtatapos ng Labindalawang mga Araw ng Pasko?
  • ... na si Jordan Anderson ay isang Aprikanong Amerikano na dating alipin na kinikilala dahil sa isang liham na isinulat niya para sa kaniyang dating panginoon?
  • ... na ang nasa dulo ng dila ay ang kababalaghan ng pagkabigo na kaagad na maibalik ang isang salita magmula sa alaala?
  • ... na ang "The Tallow Candle" ay isang kuwentong-bibit na isinulat ni Hans Christian Andersen noong 1820 na natuklasan lamang noong 2012?

Nobyembre 2012

baguhin
  • ... na ang Atenismo ay ang mga pagbabagong panrelihiyon sa Ehipto noong nasa pamumuno ni Paraon Amenhotep IV?
  • ... na sa mitolohiyang Griyego, ang kaguluhan ay ang walong katayuan ng pagiging walang laman bago nalikha ang uniberso?
  • ... na ang ekonomiyang pampamamahala ay nakatuon sa paglalapat ng mga diwa at pagsusuring pang-ekonomiya ukol sa mga suliranin ng paglikha ng makatwirang mga kapasyahang pampamamahala?
  • ... na ang Ugarit ay isang sinaunang puertong siyudad sa silanganing Mediteraneo sa lungos ng Ras Shamra?
  • ... na mayroong siyam na mga uri ng pang-abay?
  • ... na ang sensei ay isang salitang Hapones na may kahulugang tao na ipinanganak bago ang isa pang tao?
  • ... na ang araling pangkasarian ay isang larangan na nakalaan sa pagkakakilanlan at representasyong pangkasarian bilang pangunahing mga kategorya ng pagsusuri?
  • ... na ang humanismong sekular ay nagsasaad na ang mga tao ay may kakayahang maging etikal at moral kahit na walang relihiyon?
  • ... na ang pisikang pangplasma ay naglalayong maunawaan ang masalimuot na ugali ng nakakulong na plasma?
  • ... na ang Kapuluan ng Falkland ay isang pangkat ng mga pulo na nasa loob ng karagatan ng Timog Atlantiko?
  • ... na ang kasaysayang pangmilitar ay isang disiplina ng mga araling pantao na nasa loob ng saklaw ng pangkalahatang pangkasaysayan ng pagtatala ng hidwaang may sandata sa kasaysayang pantao?
  • ... na ang agham na panghayop ay ang pag-aaral ng biyolohiya ng mga hayop na nasa ilalim ng pagtaban ng mga tao?

Oktubre 2012

baguhin

Setyembre 2012

baguhin
  • ... na ang purong matematika ay isang matematika na nag-aaral ng buong mga konseptong abstrakto?

Agosto 2012

baguhin
  • ... na ang kombinatorika ay isang ng sangay ng matematika na umuukol sa may hangganan na diskretong mga istraktura?

Hulyo 2012

baguhin
  • ... na ang krup ay isang impeksiyon ng birus na nagsasangkot ng tatlong mga bahagi ng katawan na ginagamit sa paghinga?

Hunyo 2012

baguhin
  • ... na ang trutsa ay mga espesye ng mga isdang pangtubig-tabang na nasa saring Oncorhynchus, Salmo at Salvelinus, at subpamilyang Salmoninae?
  • ... na ang kabinian ay pamantayang kasama sa mga aspeto ng kultura na nagiging sukatan ng paghatol sa isang indibiduwal ng isang lipunan sa loob ng isang kapanahunan?
  • ... na si José Sánchez del Río ay isang Kristiyanong martir mula sa Mehiko?

Abril 2012

baguhin

Enero 2012

baguhin