Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2011
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 7)
Mula Enero 2011 hanggang Disyembre 2011
baguhinAlam ba ninyo...
Disyembre 2011
baguhin- ... na ang metastasis ay ang pagkalat ng sakit mula sa isang organo o bahagi nito sa iba pang hindi katabing organo o bahagi?
- ... na ang mga pamparami ni Lagrange ay nagbibigay ng istratehiya para sa paghahanap ng mga kasukdulan ng isang punsiyong may pagtatakda?
- ... na ang mga amigdala ay ang hugis almendrang pangkat ng mga nukleyo na matatagpuan sa mga kompleks ng utak ng mga bertebrado?
- ... na si Cai Shen ay ang diyos ng kasaganahan, kapalaran, at ng yaman ng mga Taoistang Intsik?
- ... na ang Lumalagaslas na mga Pilas ng Estilo ay isang wika ng pilas ng estilong ginagamit sa pag-eestilo ng mga pahina ng web na nakasulat sa HTML at XHTML?
- ... na ang mga itlog ng bayag ay komponente ng sistemang reproduktibo at ng sistemang endokrino?
- ... na ang pagkalalaki ay tanda ng lakas, tibay, katatagan, kalusugan, at kakayahang gumawa ng bata?
- ... na Ang Mangingibig ni Ginang Chatterley ay isang nobelang isinulat ni D. H. Lawrence?
- ... na ang kawanggawang Romano ay isang kahanga-hangang kuwento ng isang anak na babaeng nagpasuso sa kanyang ama?
- ... na ang El Niño ay isang katawagang naglalarawan sa isang likas na kaganapang nangyayari sa Karagatang Pasipiko?
- ... na ang mga pribadong bahagi ay mga lugar sa katawan ng tao na nakagawiang tinatakpan ng kasuotan habang nasa pampublikong mga pook?
- ... na ang inprared ay isang uri ng radyasyong elektromagnetiko?
- ... na si Samson ay ang pangatlo sa huling mga Hukom ng sinaunang mga Israelita na nabanggit sa Tanakh?
- ... na ang indibidwalismo ay ang paninindigan na nagbibigay-diin sa kahalagahang moral ng indibidwal?
- ... na si Othello ay isang tauhan sa isang dula ni Shakespeare?
- ... na ang kutamaya ay isang natatanging disenyong heraldiko na nasa ibabaw ng isang kalasag?
Nobyembre 2011
baguhin- ... na ang kauna-unahang tsaang mabula ay nagmula sa Taichung, Taiwan noong dekada 1980?
- ... na ang Nasa Tubig ay isang dibuhong naglalarawan ng isang hubo't hubad na babaeng nakalusong sa katubigan habang may pinagmamasdang mga isda?
- ... na ang hakbangang-kabyawan ay isang makinang pang-ehersisyo na ginagamit para sa pagtakbo o paglakad habang nananatili sa isang lugar?
- ... na si Noël Coypel ay isang Pranses na pintor na naimpluwensiyahan ni Nicolas Poussin?
- ... na si Teseo ay ang mitikal na tagapagtatag at hari ng Atenas?
Setyembre 2011
baguhin- ... na ang Boku wa Tomodachi ga Sukunai ay isang magaang na nobelang anime at manga na kung saan ang ikalawang bolyum ng manga ay nakakuha ng ikapitong pwesto sa 30 pinakamataas batay sa Antas ng mga Hapones na komiks, noong Mayo 23 at Mayo 29?
Hunyo 2011
baguhin- ... na ang Morita-san wa Mukuchi ay isang anime at manga na naipakita sa tatlong magkakaibang magasin at magkakaroon ng orihinal na bidyong animasyon sa darating na Hulyo?
- ... na ang Kami-sama no Memo-chō ay isang magaang na nobela na nakabenta ng 530,000 kopya sa Hapon at magkakaroon ng adapsiyong anime sa darating na Hulyo?
- ... na ang Fate/zero ay isang magaang na nobela ng Fate/stay night na kung saan ay nagkaroon ng adapsiyong manga noong 2006 at magkakaroon ng adapsiyong anime sa darating na Oktubre?
Abril 2011
baguhin- ... na ang Maid Sama! ay isang manga at seryeng anime na nagkaroon ng drama sa radyo at mayroon nang 12 bolyum sa ilalim ng imprentang Hana to Yume Comics sa bansang Hapon?
Enero 2011
baguhin- ... na ang Kämpfer ay isang anime at manga na binubuo ng 12 bolyum ng tankōbon at tatlong karagdagang maiikling kwento?
- ... na ang Hanasaku Iroha ay isang anime at manga na ginawa para sa ika-sampung anibesaryo ng kompanyang P.A. Works?