Isa sa mga pinakamalalaki at pangunahing relihiyon ang Hinduismo sa Asya, kung saan 26% ng populasyon ng kontinente ang kabilang rito.[1] Noong 2020, tinatayang nasa 1.2 bilyong Hindu ang naninirahan sa kontinente.[2] 99% ng mga Hindu sa buong mundo ang nasa Asya, na pinangunahan ng India, na tinitirhan ng 94% ng mga Hindu sa mundo.[3] Bukod sa India, maraming mga bansa sa kontinente ang may malaking populasyon ng mga Hindu: ang mga karatig-bansa ng India na Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, at Pakistan, gayundin ang mga bansa sa Timog-silangang Asya tulad ng Indonesia at Malaysia.[4][5][6] May malaki ring populasyon ng mga Hindu sa Emiratos, dahil na rin sa mga migranteng nanggaling mula sa subkontinente ng India.[7]
Nagsimula ang Hinduismo sa Asya, partikular na sa Lambak ng Indus sa ngayo'y India, noong bandang 3000 BKP. Lumaganap ito sa sibilisasyong Indus at kalaunan sa kabuuan ng subkontinente ng India,[8] kasabay ng pagdebelop at paglaganap ng ibang mga relihiyon sa rehiyon. May iilang mga tradisyon sa Hinduismo ang nanggaling pa noon pang Panahon ng Bakal at Bronse sa lugar, partikular na sa mga relihiyong nabuo bago pa ang nakatalang kasaysayan. Dahil dito, madalas na itinuturing ang Hinduismo bilang ang "pinakaluma" o "pinakaunang" relihiyon sa kasaysayan.[9]
Mula sa subkontinente, lumaganap pa nang husto ang relihiyon sa kalapit na rehiyon ng Timog-silangang Asya noong panahon ng Imperyong Gupta, ang itinuturing na "ginintuang panahon" ng Hinduismo. Lumaganap din ang relihiyon sa Gitnang Asya, partikular na sa ngayo'y Apganistan sa pamamagitan ng Daang Sutla na kumokonekta sa Europa at Asya.[10][11][12] Nagtatag ang mga Hindu ng mga maliliit na kolonya at posteng pangkalakal sa iba't-ibang bahagi ng Asya, at nakipagkalalakan sa mga karatig rehiyon nito tulad ng sa Gitnang Silangan, Aprika, at Europa.[13] Gayunpaman, ang pag-usbong at ang paglaganap kalaunan ng Islam mula sa Gitnang Silangan, at ang paglalakbay ng mga Muslim sa subkontinente, Apganistan, at sa Timog-silangang Asya, partikular na sa Indonesia, ang naging pangunahing balakid sa pagkalat ng relihiyon sa mas marami pang lugar. Ngayon, ang malaking bahagdan ng populasyon ng mga Hindu sa mundo ay matatagpuan sa subkontinente ng India.[14][15]
Paalala: ang mga estadistikang makikita sa baba ay mga pagtataya mula sa iba't-ibang sanggunian. Ibig sabihin, posibleng hindi ito sumasalamin sa aktwal na bilang ng mga Hindu sa naturang lugar. Posible ring iba-iba ang mga taon ng pagtataya para sa bawat lugar. Nakahilis ang mga teritoryo o dependensiyang nakalista sa baba.
↑Sa Emiratos, tanging mga Sunni Muslim lang ang pwedeng maging mamamayan ng bansa. Nagtatrabaho sa loob ng isang tinakdang panahon o kontrata bilang mga trabahador at empleyado ang mga hindi Muslim doon.[16]
↑Nakadepende ang pagtataya kung kasama ba o hindi ang mga pansamantalang manggagawa - bahagdan ng populasyon na walang tirahan o karapatang manalig nang malaya. Hindi itinuturing na residente o mamamayan ng Kuwait ng opisyal na senso ng pamahalaan ang mga Hindu.
↑Ang mababang bilang ay ayon sa pagtatayang ginawa ng Pew Research, na tumutok sa isla ng Bali at sa mga karatig nitong lalawigan. Samantala, ang mataas na bilang naman ay mula sa isang pagtataya noong 2010 na ginawa ng Ministeryo ng Ugnayang Panrelihiyon ng Pamahalaan ng Indonesia.[17] Sinasabi ng pinakamalaking organisasyong Hindu sa Indonesia, ang Parisada Hindu Dharma Indonesia na masyadong maliit ang pagtatayang ginawa para sa populasyon ng mga Hindu sa senso, dahil hindi kinikilala ng Indonesia, isang bansang Muslim, ang lahat ng mga anyo ng Hinduismo, at tanging kinikilala lang ang mga monoteistikong Hinduismo sa ilalim ng kanilang konstitusyon.[18][19]
↑"Projected Changes in the Global Hindu Population" [Inaasahang Pagbabago sa Pandaigdigang Populasyon ng mga Hindu]. Pew Research Center (sa wikang Ingles). 2 Abril 2015. Nakuha noong 24 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Hindus" [Mga Hindu]. Pew Research Center (sa wikang Ingles). 18 Disyembre 2012. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Table: Religious Composition by Country, in Numbers" [Talahanayan: Komposisyon ng Relihiyon kada Bansa, sa mga Bilang]. Pew Research Center (sa wikang Ingles). 18 Disyembre 2012. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Indonesia". US Department of State. 13 Setyembre 2011. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022. The Ministry of Religious Affairs estimates that 10 million Hindus live in the country and account for approximately 90 percent of the population in Bali. Hindu minorities also reside in Central and East Kalimantan, the city of Medan (North Sumatra), South and Central Sulawesi, and Lombok (West Nusa Tenggara). Hindu groups such as Hare Krishna and followers of the Indian spiritual leader Sai Baba are present in small numbers. Some indigenous religious groups, including the "Naurus" on Seram Island in Maluku Province, incorporate Hindu and animist beliefs, and many have also adopted some Protestant teachings. [Tinataya ng Ministeryo ng Ugnayang Panrelihiyon na may 10 milyong Hindu na naninirahan sa bansa at tinatayang 90 porsyento [sa kanila] ang nasa Bali. Nakatira rin ang mga minoridad na Hindu sa Gitna at Silangang Kalimantan, sa lungsod ng Medan (Hilagang Sumatra), Timog at Gitnang Sulawesi, at sa Lombok (Kanlurang Nusa Tenggara). Meron din ditong mga maliliit na bilang ng mga grupong Hindu tulad ng Hare Krishna at ang mga tagasunod ng Indiyanong pinunong espirituwal na si Sai Baba. May iilang panrelihiyong grupong katutubo, kabilang na ang mga "Naurus" sa isla ng Seram sa lalawigan ng Maluku ang nagsasama sa mga paniniwalang Hindu at animismo, at marami din ang nagsasama sa mga turo ng Protestantismo.]{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)