Kritisismong pangkasaysayan

(Idinirekta mula sa Historikal na kritisismo)

Ang Kritisismong pangkasaysayan (Ingles: Historical criticism, the historical-critical method o higher criticism) ay isang sangay ng kritisismong pampanitikan na sumisiyasat sa mga pinagmulan ng sinaunang panitikan o teksto upang maunawaan "ang daigdig sa likod ng tekstong ito".[1] Ang pangunahing layunin ng kritisismong historikal ay tiyakin ang pangunahin o orihinal na kahulugan ng teksto sa orihinal na kontekstong historikal nito at sa literal na kahulugan o sensus literalis historicus nito. Ang ikalawang layunin nito ay hangarin na buuin ang rekonstruksiyon ng historikal na sitwasyon ng may akda at sinusulatan ng tekstong ito. Ito ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng muling paglikha ng tunay na kaliksan ng mga pangyayari na inilalarawan ng teksto. Ang sinaunang teksto ay maaari ring magsilbing isang dokumento, rekord, o pinagkukunan sa muling paglikha ng sinaunang nakaraan na maaari ring magsilbi bilang pangunahing interes sa kritikong historikal. Tungkol sa Semitikong interpretasyong Biblikal, ang kritikong historikal ay magagawang bigyang pakahulugan ang Panitikan ng Israel gayundin ang Kasaysayan ng Israel.[2] Sa ika-18 siglo CE kritisismong biblikal, ang terminong "mas mataas na kritisismo" (higher criticism) ay karaniwang ginagamit sa nananaig na skolarsiyip[3] bilang pagsalungat sa mas mababang kritisismo. Sa ika-21 siglo, ang krtisismong historikal ay ang mas karaniwang ginagamit na termino para sa mas mataas na kritisismo samantalang ang kritisismong tekstuwal ay mas karaniwang ginagamit kesa sa maluwag na ekspresyong mas mababang kritisismo.[4] Ang kritisismong historikal ay nagsimula noong ika-17 siglo CE at nagkamit ng sikat na pagkilala noong ika-19 at ika-20 siglo CE. Ang perspektibo ng sinaunang kritikong historikal ay nakaugat sa ideolohiyang Protestanteng Repormasyon kung paanong ang kanilang pakikitungo sa mga pag-aaral biblikal ay malaya mula sa impluwensiya ng interpretasyong tradisyonal.[5] Kung ang imbestigasyong historikal ay hindi magagamit, ang kritisismong historikal ay nakasalig sa interpretasyong pilosopikal at teolohikal. Sa paglipas ng mga siglo, ang kritisismong historikal ay pinino sa iba't ibang mga pamamamaraang ginagamit sa kasalukuyan: kritisismo ng pinagkunan, kritisismo ng anyo, kritisismong redaksiyon, kritisismong tradisyon, kritisismong kanonikal at mga kaugnay na pamamaraan.[2]

Mga pamamaraan

baguhin

Ang mga pamamaraang historikal-kritikal ang mga spesipikong pamamaraan [1] na ginagamit upang siyasatin ang mga pinagmulang historikal ng teksto gaya ng: panahon ng pagkakasulat nito, lugar kung saan ito isinulat, mga pinagkunan nito, mga pangyayaring nakapaligid dito, mga petsa nito, mga taong sangkot dito, bagay, kustombre na binabanggit o pinahihiwatig sa teksto.[2]

Ang pakikitungo sa mga pamamaraang historikal-kritikal ay kinakatawan ng sumusunod: (1) ang realidad ay pantay at pangkalahatan, (2) ang realidad ay malalapitan ng katwiran at imbestigasyon ng tao (3) na ang lahat ng mga pangyayari na historikal at natural ay magkakaugnay at maikukumpara sa analohiya, (4) na ang kontemporaryong karanasan ng sangkatauhan ng realidad ay maaaring magbigay ng obhektibong kriterya sa maaari o hindi maaaring nangyari sa mga nakaraang pangyayari.[1]

Aplikasyon

baguhin

Ang aplikasyon ng paraang historikal-kritikal sa pag-aaral biblikal ay sumisiyasat sa mga aklat ng Tanakh gayundin din sa Bagong Tipan. Kinukumpara ng mga kritikong historikal ang mga teksto sa iba pang mga tekstong isinulat sa parehong panahon. Ang isang halimbawa nito ay nang tangkain ng modernong biblikal na skolarsiyip na unawaain ang Aklat ng Pahayag sa ika-1 siglong kontekstong historikal nito sa pamamagitan ng pagtukoy ng genreng pampanitikan nito sa panitikang apokaliptikong Hudyo at Kristiyano. Tungkol sa mga ebanghelyo, ang mas mataas na kritisismo ay nakikitungo sa problemang sinoptiko na ugnayan ng mga apat na kanonikal na ebanghelyong Ebanghelyo ni Marcos, Ebanghelyo ni Mateo, Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Juan. Sa ilang mga kaso, gaya ng sa ilang mga Sulat ni Pablo, ang mas mataas na kritisismo' ay maaaring kumumpirma ng tradisyonal na pagkaunawa ng may-akda o sumalungat sa tradisyonal na paniniwala ng simbahan tungkol sa may akda nito gaya ng sa mga ebanghelyo at sa Ikalawang Sulat ni Pedro. Sa mga pag-aaral klasiko, ang pakikitungong ika-19 siglo sa mas mataas na kritisismo ay nagsasantabi ng "mga paghahangad na pununin ang sinaunang relihiyon ng direktang kahulugan at kahalagahan at naglalalaan ng sarili nito bagkus sa kritikal na koleksiyon at kronolohikal na pagsasaayos ng pinagkunang materyal".[6] Kaya ang mas mataas na kritisismo, kahit pa ito ay biblikal, klasiko, Byzantine, o medibeal ay nakatuon sa mga pinagkunang dokumento upang tukuyin kung sino ang sumulat nito, kailan ito isinulat o saan ito isinulat. Ang kritisismong historikal-kritikal ay nilalapat rin sa iba pang mga kasulatang relihiyoso gaya ng Quran at iba pa.

Mga pamamaraan

baguhin
 
Diagrama ng Dokumentaryong hipotesis.
* kinabibilangan ng karamihan sa Aklat ng Levitico
kinabibilangan ng karamihan ng Deuteronomio
"Kasaysayang Deuteronomistiko": Aklat ni Josue, Aklat ng mga Hukom, 1 at 2 Aklat ni Samuel, 1 at 2 Aklat ng Mga Hari

Ang kritisismong historikal ay binubuo ng ilang mga disiplina na kinabibilangan ng sumusunod:[2]

Kritisismo ng pinagkunan

baguhin

Ang kritisismo ng pinagkunan ang paghahanap sa mga orihinal na pinagkunan na nasa likod ng isang tekstong biblikal. Ito ay maaaring bakasin pabalik sa ika-17 siglong paring Pranses na si Richard Simon at ang pinakamaimpluwensiyang produkto nito ang Prolegomena zur Geschichte Israels (1878) ni Julius Wellhausen na ang "kabatiran at klaridad ng ekspresyon ay nag-iwan ng hindi mabuburang marka sa modernong mga pag-aaaral biblikal".[7]

Kritisismo ng anyo

baguhin
 
Kritisismo ng anyo: diagrama ng hipotesis ng dalawang-pinagkunan sa problemang sinoptiko na isang paliwanag sa ugnayan ng Ebanghelyo ni Marcos, Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas.

Hinahati ng kritisismo ng anyo ang Bibliya sa mga seksiyon (pericopes, mga kuwento) na sinisiyasat at inuuri sa genres (prose o talata, sulat, arkibo ng korte, himno ng digmaan, tula etc). Ang kritiko ng anyo ay nagbibigay teoriya naman sa Sitz im Leben ("setting in life") ng pericope na kinalalagyan ng paglikha at pinaggamitan.[8] Ang kasaysayang tradisyon ay isang spesipikong aspeto ng kritisismo ng anyo na naglalayon bakasin ang paraan kung saan ang mga pericope ay pumasok sa mas malaking mga unit ng kanon na Biblikal at lalo na sa paraan kung saan ito lumipat mula sa anyong pambibig tungo sa anyong isinulat. Ang paniniwala sa prioridad, stabilidad at pagiging matutukoy ng mga tradisyong pambibig ay nakikilala ngayon na malalim na kaduda duda upang gawin ang kasaysayang tradisyon na hindi magagamit ngunit ang mismong kritisismo ng anyo ay patuloy na nabubuo bilang nagpapatuloy na pamamaraan sa mga pag-aaral biblikal.[9]

Kristisismong redaksiyon

baguhin

Ang kritisismong redaksiyon ay nag-aaral ng "koleksiyon, kaayusan, pag-eedit, at pagbabago ng may akda o mga may akda sa teksto".[10]

Kritisismong radikal

baguhin

Sa huli nang ika-19 siglo, may mga tagapagtaguyod ng mas mataas na kritisismo na walang tigil sa pagsubok na iwasan ang anumang bakas ng dogma o pagkiling teolohikal sa muling paglilikha ng nakaraang realidad. Ito ay nagresulta sa sangay ng kritisismong radikal na pinursige ng mga kritikong historikal na ang karamihan ay skeptiko sa tradisyon ng simbahan at nagsasantabi ng simpatetikong skolarsiyip. Ang kritisismong radikal ay nagtaguyod ng konseptong si Hesus ay hindi kailanman umiral [1] o ang kanyang mga apostol. Nagtangka rin ang mga kritikong radikal na ipakitang wala sa mga Sulat ni Pablo ang autentiko o tunay na isinulat ni Pablo.

Mga may akda ng Bibliya

baguhin

Lumang Tipan

baguhin
Aklat May akda ayon sa tradisyon May akda ayon sa mga skolar
Torah (Pentateuch, Mga aklat ni Moises, i.e., Genesis, Exodus, Leviticus, Deuteronomy and Numbers) Moises, c 1300 BCE Dokumentaryong hipotesis: Apat na independiyenteng mga dokumento (ang Jahwist, Elohist, Deuteronomist at ang Priestly source), nilikha sa pagitan ng 900–550 BCE, ni-redact c 450 BCE

Mga modelong suplementaryo (e.g. John Van Seters): Ang Torah ay nilikha bilang isang sunod sunod na mga pagpapaliwang ng may akda sa orihinal na pinagkunang dokumento na karaniwang tinutukoy na J o P noong mga ika-7 at ika-6 na siglo BCE, ang huling anyo ay nakamit noong c. 450 BCE.

Mga modelong pragmentaryo (e.g. Rolf Rendtorff, Erhard Blum): Ang Torah ay produkto ng mabagal na paglago ng mga tradisyong pragmentaryo sa loob ng 850–550 BCE, ang huling anyo nito ay noong c. 450 BCE.

Minimalismong biblikal: Ang Torah ay nilikha noong panahong Hellenistiko-Hasmonean c. 300–140 BCE.

Aklat ni Josue Josue na ang ilang bahagi ay ni Phinehas o Eleazar Deuteronomista gamit ang materyal mula sa Jahwist at Elohist
Aklat ng mga Hukom Samuel Deuteronomista
Aklat ni Ruth Samuel Isang kalaunang may akda na sumulat pagkatapos ng sinasabing panahon ni David
1 Samuel Samuel, Gad, at Nathan Deuteronomista bilang isang kombinasyon ng pinagkunan sa Herusalem, isang pinagkunang republikano na kasaysayan ng korte ni David, pinagkunan ng sanktuwaryo at pinagkunan monarchial
2 Samuel
1 Hari Marahil ay si Ezra Deuteronomista
2 Kings
1 Kronika Ezra Nagkronika (chronicler) na sumulat sa pagitan nang 450 at 435 BCE, pagkatapos ng pagkakabihag ng mga Israelita sa Babiblonia
2 Kronika
Aklat ni Ezra Ezra Nagkronika na sumulat sa pagitan nang 450 at 435 BCE, pagkatapos ng pagkakabihag ng mga Israelita sa Babiblonia
Aklat ni Nehemias Nehemias gamit ang ilang materyal ni Ezra Nagkronika na sumulat sa pagitan nang 450 at 435 BCE, pagkatapos ng pagkakabihag ng mga Israelita sa Babiblonia
Aklat ni Tobit Isang may akda noong ika-2 siglo BCE
Aklat ni Judith Eliakim (Joakim), ang mataas na saserdote ng kuwento
Aklat ni Esther Ang Dakilang Asemblea gamit ang materyal mula kayMordecai Isang hindi kilalang may akda na sumulat sa pagitan nang 460 at 331 BCE
1 Macabeo Isang debotong Hudyo Isang hindi kilalang may akdang Hudyo na sumulat noong mga 100 BCE
2 Macabeo Batay sa kasulatan ni Jason ng Cyrene Isang hindi kilalang may akda na sumulat noong ika-2 o ika-1 siglo BCE
3 Macabeo Isang Hudyong Alexandrian na sumulat sa Griyego noong ika-1 siglo BCE o ika-1 siglo
4 Macabeo Josephus Isang Hudyong Alexandrian na sumulat sa Griyego noong ika-1 siglo BCE o ika-1 siglo
Aklat ni Job hindi alam[11] hindi kilalang may akda na posibleng dalawang may akda na ang isa ay sumusulat ng seksiyong prosa at ang isa ay ang seksiyon ng tula, ika-5 siglo BCE.[12]
Aklat ng mga Awit Pangunahing isinulat ni David at Asaph, mga anak ni Korah, Moises, Heman ang Ezrahite, Ethan ang Ezrahite at Solomon Iba't ibang mga may akda na nagrerekord ng tradisyong pambibig. Ang mga bahagi ay mula 1000 BCE hanggang 2000 BCE.
Aklat ng mga Kawikaan Solomon, Agur anak ni Jakeh, Lemuel at iba pang mga matatalinong tao Isang editor na nagtitipn ng iba't ibang mga pinagkunan pagkatapos ng panahon ni Solomon.
Eclesiastes Solomon Isang manunulang Hebreo noong ika-3 o ika-2 siglo BCE gamit ang buhay ni Solomon bilang vista para sa pagpupursiging Hebreo ng Karunungan. Isang hindi kilalang may akda noong panahong Hellenistiko mula sa dalawang mas matandang mga pinagkukunang pambibig (Eccl 1:1–6:9 na nag-aangkin mula kay Solomon, Eccl 6:10–12:8 nay may tema ng hindi pagkaalam)
Awit niSolomon Solomon Hindi alam, ang pagtatantiya ng mga skolar ay iba iba sa pagitan ng 950 BCE hanggang 200 BCE[12]
Aklat ng Karunungan Solomon Isang Hudyong Alexandrian na sumulat noong panahong Hellenistiko
Sirach si Jesus na anak ni Sirach ng Herusalem
Aklat ni Isaias Isaias, ika-6 siglo BCE Tatlong pangunahing mga may akda at labis na proseso ng pag-eedit:[12]
Isaias 1–39 "Historikal na Isaias" na maraming mga patong ng pag-eedit, ika-8 siglo BCE
Isaias 40–55 Panahon ng Pagkakatapon sa Babilonia (Deutero-Isaias), ika-6 siglo BCE
Isaias 56–66 pagkatapos ng pagkakatapon sa Babiblonia (Trito-Isaias), ika-6 hanggang ika-5 siglo BCE
Aklat ni Jeremias Jeremias hindi alam, posibleng si Baruch ben Neriah.[13] Ang aklat na ito ay may ilang mga apinidad sa may akdang Deuteronomista
Aklat ng mga Panaghoy Jeremias Tinutulan
Letter of Jeremiah Jeremiah Isang Hudyong Hellenistiko na naninirahan sa Alexandria, Ehitpo
Aklat ni Baruch Baruch ben Neriah Isang may akda na sumulat noong o sandaling pagkatapos ng panahon ng mga Macabeo
Aklat ni Ezekiel Ezekiel Tinutulan, na may iba ibang digri ng atribusyon kay Ezekiel
Aklat ni Daniel Daniel noong ika-6 siglo BCE Isang may akda o editor na sumulat noong gitna nang ika-2 siglo BCE
Aklat ni Hosea Hosea noong gitna nang ika-8 siglo BCE Isang hindi kilalang may akda na sumulat noong ika-8 siglo BCE o kalaunan nito [12]
Aklat ni Joel Joel hindi kilala
Aklat ni Amos Amos noong ika-8 siglo BCE Isang hindi kilalang may akda na sumulat pagkatapos nang ika-6 siglo BCE [12]
Aklat ni Obadias Obadias Hindi kilalang may akda na sumulat noong ika-6 siglo BCE o kalaunan nito[12]
Aklat ni Jonas Jonas Posibleng pagkatapos ng pagkakatapon sa Babiblonia (pagkatapos ng 530 BCE) ng isang editor na nagrerekord ng mga tradisyong pambibig na pinasa mula ika-8 siglo BCE
Aklat ni Micas Micas Ang unang tatlong kapitulo ni Micas at ang natitira ay ng isang kalaunang may akda
Aklat ni Nahum Nahum Hindi kilalang may akda na sumulat noong ika-6 siglo BCE o kalaunan nito[12]
Aklat ni Habakkuk Habakkuk Hindi kilalang may akda na sumulat noong ika-6 siglo BCE o kalaunan nito[12]
Aklat ni Zefanias Zefanias Posibleng isang may akda na sumulat sa panahon na pinapahiwatig sa tekstong ito
Aklat ni Hagai Hagai noong ika-6 siglo BCE Isang hindi kilalang may akda na sumulat noong ika-5 siglo BCE o kalaunan nito [12]
Aklat ni Zecarias Zecharias Zecharias (kapitulo 1–8), ang natitira ay tinakdaan na Deutero-Zecarias na posibleng isinulat ng mga alagad ni Zecarias
Aklat ni Malakias Malakias Posibleng ang may akda ng Deutero-Zecharias

Bagong Tipan

baguhin
Aklat May akda ayon sa Tradisyon May akda ayon sa mga skolar
Ebanghelyo ni Marcos Marcos tagasunod ni Pedro, gitna nang ika-1 siglo CE Hindi isinulat ni Marcos. Isang hindi kilalang may akda na sumulat noong gitna hanggang huli nang ika-1 siglo CE, ito ang unang ebanghelyong isinulat at pinagbasehan ng Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas
Ebanghelyo ni Mateo Mateo Hindi isinulat ni Mateo. Isang hindi kilalang may akda na sumalig sa Ebanghelyo ni Marcos at Dokumentong Q noong huli nang ika-1 siglo CE
Ebanghelyo ni Lucas Lucas na kasama ni Apostol Pablo si Lucas o isang hindi kilalang may akda na sumalig sa Ebanghelyo ni Marcos at Dokumentong Q noong huli nang ika-1 siglo CE
Ebanghelyo ni Juan Apostol Juan Hindi isinulat ni Juan. Isang pamayanang Johannine na bumakas ng mga tradisyon nito kay Juan, ang mismong ebanghelyong ito ay nagpapakita ng mga tanda ng paglikha sa tatlong mga patong na umabot sa huling anyo nitong noong mga 90–100 CE.[14][15]
Mga Gawa ng mga Apostol Lucas Lucas o isang hindi kilalang may akda na sumulat rin ng Ebanghelyo ni Lucas
Sulat sa mga taga-Roma, Unang Sulat sa mga taga-Corinto, Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto, Sulat sa mga taga-Galacia, Sulat sa mga taga-Filipos, Unang Sulat sa mga taga-Tesalonica, Sulat kay Filemon Apostol Pablo (tignan ang Sulat ni Pablo) Pablo
Sulat sa mga taga-Efeso Pablo Hindi matiyak
Sulat sa mga taga-Colosas Pablo Hindi matiyak
Ikalawang Sulat sa mga taga-Tesalonica Pablo pseudepigraphal, hindi isinulat ni Pablo. Maaring isang kasama o alagad pagkatapos ng kamatayan ni Pablo na kumakatawan sa pinaniniwalaang kanyang mensahe.[16]
Unang Sulat kay Timoteo, Ikalawang Sulat kay Timoteo, Sulat kay Tito Pablo pseudepigraphal, hindi isinulat ni Pablo, ika-2 siglo CE
Sulat sa mga Hebreo Pablo (tinutulan) hindi isinulat ni Pablo[17] c 95 CE
Sulat ni Santiago Santiagong Matuwid pseudepigraphal, hindi isinulat ni Santiago kundi ng isang may akda na sumulat noong huli nang ika-1 siglo o simula nang ika-2 siglo CE a[18]
Unang Sulat ni Pedro Apostol Pedro pseudepigraphal, hindi isinulat ni Pedro, 70–90
Ikalawang Sulat ni Pedro Apostol Pedro pseudepigraphal, hindi isinulat ni Pedro[19] perhaps as late as c 150, the last-written book of the Bible
Unang Sulat ni Juan Apostol Juan Hindi alam na may akda na walang direktang koneksiyon kay Hesus
Ikalawang Sulat ni Juan, Ikatlong Sulat ni Juan Apostol Juan Hindi isinulat ni Juan. Isang hindi kilalang may akda na walang direktang koneksiyon kay Hesus, ang huling editor ng Juan 21 c 100–110
Sulat ni Judas Judas na Apostol o Judas na kapatid ni Hesus Hindi isinulat ni Judas. Isang kapangalang akda na isinulat sa pagitan nang huli ng ika-1 siglo at unang kwarter nang ika-2 siglo CE[20]
Aklat ng Pahayag Apostol Juan Hindi isinulat ni Juan. Isang may akda na hindi ang parehong may akda ng Ebanghelyo ni Juan, 2 Juan o 3 Juan. Isinulat na sumasalamin sa panininiwala ng mga Kristiyano noong siglo CE na ang pagkasawak ng Herusalem at templo nito ang tanda ng muling pagbabalik ni Hesus at ang pagwawakas ng mundo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Soulen, Richard N.; Soulen, R. Kendall (2001). Handbook of biblical criticism (ika-3rd ed., rev. and expanded. (na) edisyon). Louisville, Ky.: Westminster John Knox Press. p. 78. ISBN 0-664-22314-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Soulen, Richard N. (2001). John Knox. p. 79. {{cite book}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hahn, general editor, Scott (2009). Catholic Bible dictionary (ika-1st ed. (na) edisyon). New York: Doubleday. ISBN 0-385-51229-5. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong); |first= has generic name (tulong); Text "Methods of Biblical criticism" ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Soulen, Richard N. (2001). John Knox. pp. 108, 190. {{cite book}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gerhard Ebeling. Word and Faith. Philadelphia, Fortress Press, 1963
  6. Burkert, Greek Religion (1985), Introduction.
  7. Antony F. Campbell, SJ, "Preparatory Issues in Approaching Biblical Texts", in The Hebrew Bible in Modern Study, p.6. Campbell renames source criticism as "origin criticism".
  8. "Bibledudes.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-28. Nakuha noong 2012-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Yair Hoffman, review of Marvin A. Sweeney and Ehud Ben Zvi (eds.), The Changing Face of Form-Criticism for the Twenty-First Century, 2003" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-04-07. Nakuha noong 2012-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Religious Studies Department, Santa Clara University". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-02-28. Nakuha noong 2012-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "New American Bible: Job". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-07. Nakuha noong 2012-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 12.5 12.6 12.7 12.8 "Dates for the Sacred Texts of the Jewish and Christian Traditions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-01. Nakuha noong 2012-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Miller, Stephen M., Huber, Robert V. (2004). The Bible: A History. Good Books. pp. 33. ISBN 1-56148-414-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  14. Harris 1985 pp. 302–10. "John."
  15. Harris 1985 pp. 367–432. "Glossary."
  16. Ehrman, Bart D. (2004). The New Testament: A Historical Introduction to the Early Christian Writings. New York: Oxford, p.385; Beverly Roberts Gaventa, First and Second Thessalonians, Westminster John Knox Press, 1998, p.93; Vincent M. Smiles, First Thessalonians, Philippians, Second Thessalonians, Colossians, Ephesians, Liturgical Press, 2005, p.53; Udo Schnelle, translated by M. Eugene Boring, The History and Theology of the New Testament Writings (Minneapolis: Fortress Press, 1998), pp. 315–325; M. Eugene Boring, Fred B. Craddock, The People's New Testament Commentary, Westminster John Knox Press, 2004 p652; Joseph Francis Kelly, An Introduction to the New Testament for Catholics, Liturgical Press, 2006 p.32
  17. http://www.religion-online.org/showchapter.asp?title=531&C=563 Naka-arkibo 2011-03-06 sa Wayback Machine. Richard Heard, Introduction To The New Testament
  18. "New American Bible: James". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-28. Nakuha noong 2012-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Carson, D.A., and Douglas J. Moo. An Introduction to the New Testament, second edition. HarperCollins Canada; Zondervan: 2005. ISBN 0-310-23859-5, ISBN 978-0-310-23859-1. p.659.
  20. "New American Bible: Jude". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-09. Nakuha noong 2012-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)