İzmir
Ang İzmir (Pagbigkas sa Turko: [ˈizmiɾ]) ay isang kalakhang lungsod sa pinakakanlurang dulo ng Anatolia sa Turkiya. Ito ang pangatlong pinakamataong lungsod sa Turkiya, kasunod ng Istanbul at Ankara, at ang pangalawang pinakamalaking kalakhang pook sa Dagat Egeo kasunod ng Atenas, Gresya. Noong 2018, mayroong 2,947,000 katao ang lungsod, habang may kabuoang populasyon naman na 4,320,519 na katao ang Lalawigan ng İzmir.[1][2] Umaabot ang kalakhang pook ng İzmir sa kahabaan ng panlabas na mga katubigan ng Golpo ng İzmir at papaloob sa hilaga sa kahabaan ng delta ng Ilog Gediz; pasilangan sa kahabaan ng kapatangang banlik na nilikha ng ilang maliit na mga sapa; at sa bahagyang mas-mabatong lupain sa timog.[4]
İzmir | |
---|---|
Mula taas, kaliwa-pakanan: Tanawing panggabi ng İzmir, Toreng Orasan ng İzmir, Kalyeng Tiyangge ng Distrito ng Karşıyaka, Golpo ng İzmir na tanaw mula Kadifekale, Mga Toreng Folkart, Liwasang Gündoğdu. | |
Palayaw: Mutya ng Aegean | |
Mga koordinado: 38°25′N 27°08′E / 38.42°N 27.14°E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Aegean |
Lalawigan | İzmir |
Itinatag | c. 6500 BC (Bunton ng Yeşilova sa distrito ng Bornova) c. ika-11th dantaon BK (bilang sinaunang Smyrna) |
Kabisera | Konak (sa katotohanan;walang kinikilalang mga kabiserang bayan ang mga daklungsod ng Turkiya) |
Pamahalaan | |
• Alkalde | Tunç Soyer (CHP) |
Lawak | |
• Kalakhang munisipalidad | 7,340 km2 (2,830 milya kuwadrado) |
• Urban | 893.13 km2 (344.84 milya kuwadrado) |
Taas | 2 m (7 tal) |
Populasyon | |
• Kalakhang munisipalidad | 4,320,519 |
• Urban | 2,947,000 |
• Densidad sa urban | 4,630/km2 (12,000/milya kuwadrado) |
• Densidad sa metro | 360/km2 (900/milya kuwadrado) |
Demonym | Ingles: Smyrniot Turko: İzmirli |
Sona ng oras | UTC+3 (TRT) |
Kodigong postal | 35xxx |
Kodigo ng lugar | (+90) 232 |
Plaka ng sasakyan | 35 |
Websayt | www.izmir.bel.tr www.izmir.gov.tr |
Noong sinaunang panahon, kinilala ang lungsod bilang Smyrna, ang pangalan na nanatiling ginagamit sa wikang Ingles at ibang mga banyagang wika hanggang sa ipinatupad ang Posta Hizmet Kanunu (Batas ng Turkong Serbisyo ng Koreo) ng Marso 28, 1930. Nilayon nitong gawing kinikilalang pangalan sa daigdig ang pangalang Turko na İzmir sa maraming mga wika. Ngunit ginagamit pa rin ang makasaysayang pangalang Smyrna sa ilang mga wika, tulad sa Griyego (Σμύρνη, Smýrnē), Armenyo (Զմյուռնիա, Zmyurnia), Italyano (Smirne), at Kastila (Esmirna). Ang İzmir, kasama ang panahong ito'y Smyrna, ay may higit sa 3,000 taon ng nakatalang kasaysayang urbano, at umaabot sa 8,500 taon ng kasaysayan bilang isang pamayanan mula noong panahong Neolitiko. Dahil ito'y nasa kapaki-pakinabang na kinaroroonan sa ulo ng isang golpo na dumadaloy sa malalim deep indentation, kalagitnaan sa kahabaan ng kanlurang baybaying-dagat ng Anatolia, isa ito sa pangunahing mga lungsod sa pangangalakal ng Dagat Mediteraneo para sa malaking bahagi ng kasaysayan nito. Idinaos sa İzmir ang Palarong Mediteraneo ng 1971 and at ang Pandaigdigang Palaro ng Unibersidad (Universiade) ng 2005.
Ang lungsod ng İzmir ay binubuo ng ilang mga kalakhang distrito. Sa mga ito, ang distrito ng Konak ay tumutugma sa makasaysayang İzmir. Dating bumuo bilang sentral na "Munisipalidad ng İzmir" (Turko: İzmir Belediyesi) ng lungsod ang distrito hanggang sa taong 1984. Kalakip ng pagbubuo ng "Kalakhang Munisipalidad ng İzmir" (Ingles: İzmir Metropolitan Municipality, Turko: İzmir Büyükşehir Belediyesi), pinangkat nang magkasama ng lungsod ng İzmir ang labing-isa (unang siyam) na mga distritong urbano – Balçova, Bayraklı, Bornova, Buca, Çiğli, Gaziemir, Güzelbahçe, Karabağlar, Karşıyaka, Konak, at Narlıdere – at sinama ang mga ito sa karagdagang mga distrito ng lalawigan sa labas ng kabayanan o sentro ng lungsod na umaabot mula Bergama sa hilaga hanggang Selçuk sa timog. Dahil diyan ang kabuoang bilang mg mga distritong itinuturing na bahagi ng kalakhang pook ng İzmir's sa tatlumpu (30).
Mga kambal at kapatid na lungsod
baguhinAng sumusunod ay isang talaan ng mga kapatid na lungsod ng İzmir:[5]
|
|
|
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Population of Province/District Centers, Towns/Villages by Provinces and Districts and Annual Growth Rate Of Population". Turkish Statistical Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2020. Nakuha noong 26 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "İstatistiklerle İzmir". T.C. İzmir Valiliği. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Agosto 2019. Nakuha noong 26 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Population of Province / District Centers and Towns / Villages by Province and Sex, Population Density by Province". Turkish Statistical Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2020. Nakuha noong 26 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "İzmir | Turkey". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-04-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sister Cities". İzmir Metropolitan Municipality. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-16. Nakuha noong 2015-02-15.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frohmader, Andrea. "Bremen - Referat 32 Städtepartnerschaften / Internationale Beziehungen" [Bremen - Unit 32 Twinning / International Relations]. Das Rathaus Bremen Senatskanzlei [Bremen City Hall - Senate Chancellery] (sa wikang Aleman). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-18. Nakuha noong 2013-08-09.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kardeş Şehirler" [Sister Cities]. Famagusta Municipality (sa wikang Turko). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-16. Nakuha noong 2013-10-19.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mostar Gradovi prijatelji" [Mostar Twin Towns]. Grad Mostar [Mostar Official City Website] (sa wikang Macedonian). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-30. Nakuha noong 2013-12-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ A.Ş., ÜNİBEL. "İzmir Büyükşehir Belediyesi". İzmir Büyükşehir Belediyesi (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-10-16. Nakuha noong 2019-06-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga karagdagang babasahin
baguhin- Atay, Çinar. "Once upon a Time, İzmir", Skyline (Istanbul), no. 172 (Nov. 1997), pp. 62–64, 66, 68, [70], 72. N.B.: Amply ill. with reproductions of 19th-century black and white photos.
Mga kawing panlabas
baguhinGabay panlakbay sa İzmir mula sa Wikivoyage
- İzmir City Portal Naka-arkibo 2013-02-04 sa Wayback Machine.
- Visit İzmir Naka-arkibo 2019-06-23 sa Wayback Machine.