Miss Universe 1958
Ang Miss Universe 1958 ay ang ikapitong edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 25 Hulyo 1958.
Miss Universe 1958 | |
---|---|
Petsa | 25 Hulyo 1958 |
Presenters | Bryon Palmer |
Pinagdausan | Long Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 35 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Luz Marina Zuluaga Kolombya |
Congeniality | Tomoko Moritake Hapon |
Photogenic | Corine Rottschäfer Olanda |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Gladys Zender ng Peru si Luz Marina Zuluaga ng Kolombya bilang Miss Universe 1958.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Kolombya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Adalgisa Colombo ng Brasil, habang nagtapos bilang second runner-up si Geri Hoo ng Hawaii.[2][3]
Mga kandidata mula sa tatlumpu't-limang mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Byron Palmer ang kompetisyon.
Kasaysayan
baguhinPagpili ng mga kalahok
baguhinAng mga kalahok mula sa tatlumpu't-limang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa matapos na mapatalsik ang orihinal na nanalo.
Mga pagpalit
baguhinIniluklok ang first runner-up ng Señorita Colombia 1957 na si Luz Marina Zuluaga bilang kandidata ng Kolombya sa Miss Universe matapos tanggalan ng titulo si Señorita Colombia 1957 Doris Inés Gil dahil ito ay nagpakasal.[4] Dapat sanang kakatawan sa bansang Inglatera si June Cooper. Gayunpaman, napatalsik si Cooper sa kanyang titulo matapos na matuklasan na hindi siya nakaabot sa minimum age requirement.[5] Dahil sa pagpapatalsik kay Cooper, naganap ang isang pang kompetisyon upang piliin ang bagong kinatawan ng Inglatera sa Miss Universe. Nanalo si Wendy Peters sa kompetisyong ito, ngunit, napatalsik rin si Peters sa kanyang titulo matapos na matuklasan na siya ay kasal na pero hiwalay na sa asawa.[6] Dahil dito, iniluklok si Dorothy Hazeldine bilang kinatawan ng Inglatera.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon
baguhinUnang sumali sa edisyong ito ang Kolombya, Polonya, at Suriname, at bumalik ang Australya, British Guiana, Dinamarka, Estados Unidos, Kanlurang Indies, Noruwega, Olanda, Singapura, at Tsile. Huling sumali noong 1953 ang Dinamarka, noong 1954 ang Australya at Singapura, noong 1955 ang Noruwega at Kanlurang Indies, at noong 1956 ang British Guiana, Estados Unidos, Olanda, at Tsile.
Hindi sumali ang mga bansang Austrya, Ceylon, Kosta Rika, Lupangyelo, Martinika, Moroko, Pilipinas, Porto Riko, at Turkiya sa edisyong ito. Hindi sumali si Hanni Ehrenstrasser ng Austrya dahil nanalo na ito sa ibang kompetisyong internasyonal.[7] Hindi sumali si Eugenia Valverde ng Kosta Rika dahil hindi siya nakaabot sa minimum age requirement. Bagama't hindi pinayagang sumali sa kompetisyon, pinayagan pa rin si Valverde na lumahok sa mga programa nang hindi binibigyan ng iskor.[8][9] Hindi sumali si Carmen Remedios Tuason ng Pilipinas dahil sa pagtutol ng kanyang pamilya.[10] Hindi sumali ang Ceylon, Lupangyelo, Martinika, Moroko, Porto Riko, at Turkiya matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Mga resulta
baguhinMga pagkakalagay
baguhinPagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1958 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up |
|
4th runner-up | |
Top 15 |
|
Mga espesyal na parangal
baguhinParangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Photogenic | |
Miss Congeniality |
|
Most Popular Girl |
Kompetisyon
baguhinPormat ng kompetisyon
baguhinTulad noong 1955, labinlimang mga semi-finalist lang ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang labinlimang mga semi-finalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.[12]
Komite sa pagpili
baguhin- David Arasik – Editor ng Cinema Magazine[12]
- Raul Ferrada – Tsilenong editor sa dyaryo[12]
- Jacob Gaudaur – Kanadyanong oarsman[12]
- Ma Ma Loa – Mang-aawit mula sa Hawaii[12]
- Miyoko Nayagita – Miyembro ng Woman Artists Association[12]
- Vincent Trotta – Artistic director ng Paramount Pictures[12]
- Alberto Vargas – Peruano-Amerikanong pintor[12]
- Earl Wilson – Amerikanong mamamahayag at kolumnista[12]
- Roger Zeiler – French official from the Miss Europe Committee[12]
Mga kandidata
baguhinTatlumpu't-limang kandidata ang lumahok para sa titulo.[13]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alaska | Eleanor Moses[8] | 20 | Fairbanks |
Arhentina | Celina Mercedes Ayala | 19 | Misiones |
Australya | Astrid Lindholm[12] | 20 | Adelaide |
Belhika | Liliane Taelemans | 20 | Bruselas |
Beneswela | Ida Margarita Pieri[14] | 18 | Carúpano |
Brasil | Adalgisa Colombo[15] | 18 | Rio de Janeiro |
British Guiana | Clyo Fernandes | 18 | Georgetown |
Dinamarka | Evy Norlund[16] | 20 | Copenhague |
Ekwador | Alicia Vallejo[17] | 22 | Riobamba |
Estados Unidos | Eurlyne Howell[18] | 18 | Lungsod ng Bossier |
Gresya | Marily Kalimopoulou | 18 | Atenas |
Guwatemala | Maya Glinz | – | Lungsod ng Guwatemala |
Hapon | Tomoko Moritake[19] | 20 | Nagasaki |
Hawaii | Geri Hoo[20] | 18 | Honolulu |
Inglatera | Dorothy Hazeldine[21] | 19 | Rochdale |
Israel | Miriam Hadar[22] | 21 | Herusalem |
Italya | Clara Coppola[23] | 20 | Lazio |
Kanada | Eileen Conroy | 21 | Toronto |
Kanlurang Alemanya | Marlies Jung Behrens[24] | 19 | Munich |
Kanlurang Indies | Angela Tong[25] | – | Port of Spain |
Kolombya | Luz Marina Zuluaga[26] | 19 | Manizales |
Kuba | Arminia Pérez[27] | 21 | Havana |
Mehiko | Elvira Leticia Risser[25] | 19 | Lungsod ng Mehiko |
Noruwega | Greta Andersen[28] | 20 | Stavanger |
Olanda | Corine Rottschäfer[12] | 20 | Amsterdam |
Paragway | Graciela Scorza[29] | 18 | Asuncion |
Peru | Beatriz Boluarte[30] | 19 | Lungsod ng Lima |
Polonya | Alicja Bobrzowska[31] | 22 | Cracovia |
Pransiya | Monique Boulinguez[32] | 21 | Paris |
Singapura | Marion Willis[33] | 19 | Singapura |
Suriname | Gertrud Gummels[34] | 20 | Paramaribo |
Suwesya | Birgitta Gårdman | 19 | Estokolmo |
Timog Korea | Oh Geum-soon | 19 | Seoul |
Tsile | Raquel Molina[35] | 23 | Quilpue |
Urugway | Irene Augustyniak | 20 | Montevideo |
Mga tala
baguhin- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Luz Marina, "Miss Universo 1958"". El Tiempo (sa wikang Kastila). 26 Hulyo 1958. p. 1. Nakuha noong 12 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Elegida por Unanimidad; Miss Brasil Fue Segunda". El Tiempo (sa wikang Kastila). 26 Hulyo 1958. p. 1. Nakuha noong 12 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New Miss Universe Is Looking for Husband, Not Movie Glamour". Lakeland Ledger (sa wikang Ingles). 27 Hulyo 1958. p. 3. Nakuha noong 12 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hoy Eligen Señorita Colombia". El Tiempo (sa wikang Kastila). 11 Nobyembre 1957. p. 1. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mum proves who's queen in her family". The Royal Gazette (sa wikang Ingles). 28 Abril 1958. p. 8. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty Queen promoters are running Henry VIII close". The Royal Gazette (sa wikang Ingles). 10 Mayo 1958. p. 9. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Markus, Georg (29 Disyembre 2021). "Die schönsten Frauen der Welt". Kurier (sa wikang Aleman). Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "The problem beauties of Miss Universe pageant". The Straits Times (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1958. p. 2. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cutie pageant passes crisis". Los Angeles Mirror (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1958. p. 17. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dolor, Danny (26 Nobyembre 2017). "Chuchay Tuason: "Most Beautiful Girl in Phl"". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.00 11.01 11.02 11.03 11.04 11.05 11.06 11.07 11.08 11.09 "Miss USA garners place among Universe finalists". The Salt Lake Tribune (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1958. p. 8. Nakuha noong 14 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.00 12.01 12.02 12.03 12.04 12.05 12.06 12.07 12.08 12.09 12.10 12.11 12.12 12.13 "First honors". The Minneapolis Star (sa wikang Ingles). 23 Hulyo 1958. p. 20. Nakuha noong 12 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dundon, Rian (14 Agosto 2017). "Photos of early Miss Universe contestants are a strange look at Jet Age ideas of multiculturalism". Medium (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Mayo 2022. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "La belleza Venezolana". El Tiempo (sa wikang Kastila). 20 Hulyo 1958. p. 8. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gerbase, Fabiola (20 Enero 2013). "Morre Adalgisa Colombo, Miss Brasil de 1958". O Globo (sa wikang Portuges). Nakuha noong 12 Oktubre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hollywood girls are worried". The Australian Women's Weekly (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 1959. p. 74. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Candidatas a "Miss Universo"". El Tiempo (sa wikang Kastila). 23 Hulyo 1958. p. 1. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bossier Girl Wins Miss U.S.A. Title". The Monroe News-Star (sa wikang Ingles). Monroe, Louisiana. United Press International. 24 Hulyo 1958. p. 1. Nakuha noong 3 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Universe hopeful". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1958. p. 6. Nakuha noong 12 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fruto, Ligaya (1 Nobyembre 1965). "Hawaii's beauty queens: where are they now?". Honolulu Star-Bulletin (sa wikang Ingles). p. 23. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Opening up the gateway to world of glamour girls". Manchester Evening News (sa wikang Ingles). 13 Agosto 2007. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Heiman, Leo (3 Hulyo 1958). "Does beauty have moral and spiritual aspects?". Northern Virginia Sun (sa wikang Ingles). p. 7. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Virginia Chronicle.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Stamane Clara Coppola parte in volo per l'America". Stampa Sera (sa wikang Italyano). 14 Hulyo 1958. p. 3. Nakuha noong 28 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng La Stampa.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Germany in crash". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 5 Agosto 1958. p. 16. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 25.0 25.1 "Lovelies Tell Beauty Secrets of Homeland". Suffolk News-Herald (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1958. p. 1. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Virginia Chronicle.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Torgerson, Dial (26 Hulyo 1958). ""Never-been-kissed" Miss Universe named". The Daily Reporter (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 14 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Miss Cuba' writes to imprisoned husband". The Herald-Press (sa wikang Ingles). 10 Marso 1959. p. 16. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Norway chooses a beauty queen". The Straits Times (sa wikang Ingles). 10 Hunyo 1958. p. 1. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Coronel, Raul (15 Oktubre 2021). "Te presentamos a todas nuestras representantes en Miss Universe". Epa! (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Perú: las peruanas más bellas de las últimas décadas". El Comercio Perú (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty from Poland welcomed". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1958. p. 18. Nakuha noong 12 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hot dog time". Eugene Register-Guard (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1958. pp. 2A. Nakuha noong 5 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "California, here I come". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 26 Hunyo 1958. p. 1. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Surinam naar Trinidad". Het Nieuws (sa wikang Olandes). 2 Hunyo 1958. p. 1. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauties Light Up The Universe". Franklin News-Post (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1958. pp. B-4. Nakuha noong 21 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Virginia Chronicle.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)