Miss Universe 1954
Ang Miss Universe 1954 ay ang ikatlong edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 24 Hulyo 1954.
Miss Universe 1954 | |
---|---|
Petsa | 24 Hulyo 1954 |
Presenters | Bob Russell |
Pinagdausan | Long Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos |
Lumahok | 33 |
Placements | 16 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Miriam Stevenson Estados Unidos |
Congeniality | Efi Androulakakis Gresya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Christiane Martel ng Pransiya si Miriam Stevenson ng Estados Unidos bilang Miss Universe 1954.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Martha Rocha ng Brasil, habang nagtapos bilang second runner-up si Virginia June Lee ng Hong Kong.[3][4]
Mga kandidata mula sa tatlumpu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Russel ang kompetisyon sa ikatlong pagkakataon. Itinampok rin sa edisyong ito ang Star of the Universe Crown na may isang-libong Oriental cultured at itim na perlas na nakalagay sa solidong ginto at platino. Ang koronang ito ay ginamit para sa sumunod na anim na edisyon.[5]
Kasaysayan
baguhinPagpili ng mga kalahok
baguhinAng mga kalahok mula sa tatlumpu't-tatlong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kaniyang bansa matapos na mapatalsik ang orihinal na nanalo.
Mga pagpalit
baguhinNiluklok ang first runner-up ng Miss Korea 1954 na si Kae Sun-hee bilang kandidata ng Timog Korea sa Miss Universe matapos hindi tanggapin ang visa ni Miss Korea 1954 Pu Rak Hi upang makapasok sa Estados Unidos dahil sa mga paratang na mayroon siyang pagkakaakibat sa mga grupong komunista.[6][7] Ganoon din ang nangyari kay Rika Dialina, Star Hellas 1954, kung saan pinalitan siya ng kanyang first runner-up na si Efi Androulakakis dahil minsan ay nag-pose si Dialina para sa isang libro ng isang komunistang Griyego.[8][9] Subalit, namagitan sa kaso ni Dialina ang noo'y Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na si John Foster Dulles, at nakakuha ng temporary entry permit si Dialina dahil dito. Nakarating si Dialina sa Long Beach ilang araw bago ang paunang kompetisyon, dahilan upang magbitiw si Androulakakis sa kompetisyon. Hiniling ng mga organizer na manatili si Androulakakis sa kompetisyon bilang kinatawan ng Creta, subalit tinanggihan ito ni Androulakakis dahil ayon sa kanya, si Dialina raw ang pinili ng kanyang mga kababayan upang kumatawan sa kompetisyon.[10] Bagama't hindi na opisyal na kandidata si Androulakakis, pinangaralan pa rin ito bilang Miss Congeniality.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon
baguhinUnang sumali sa edisyong ito ang Arhentina, Nuweba Selandiya, Brasil, El Salvador, Honduras, Kanlurang Indies, Kosta Rika, Singapura, Taylandiya, at Timog Korea. Bumalik sa kompetisyon ang Hong Kong, Israel, Kuba, at Tsile na siyang huling sumali noong 1952. Hindi sumali si Berta Elena Landaeta ng Beneswela dahil bigla na lamang ito nawala at hindi matagpuan ng mga pageant organizer ang mga pinaroroonan nito.[11] Samantala, hindi sumali si Gertrude Kapi'olani Miller ng Hawaii dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang Austrya, Dinamarka, Suwisa, Timog Aprika, at Turkiya matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat sanang lalahok ang mga kandidata mula sa Guwatemala at Nikaragwa sa unang pagkakataon, subalit hindi sila pinayagan ng kanilang mga pamahalaan dahil sa sigalot sa Gitnang Amerika.[11]
Mga resulta
baguhinMga pagkakalagay
baguhinPagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1954 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up |
|
4th runner-up | |
Top 16 |
|
Mga espesyal na parangal
baguhinParangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Congeniality |
|
Most Popular Girl |
|
Kompetisyon
baguhinPormat ng kompetisyon
baguhinTulad noong 1953, labing-anim na mga semi-finalist ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang labing-anim na mga semi-finalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.
Komite sa pagpili
baguhinMga kandidata
baguhinTatlumpu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.
Mga tala
baguhin- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Miss Brazil loses out by a hip bulge". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1954. pp. A-6. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "South Carolina's Miriam Stevenson Wins "Miss Universe"; Miss Brazil Second". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1954. pp. 1, 5. Nakuha noong 25 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss USA captures Miss Universe title". The Day (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1954. p. 1. Nakuha noong 8 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 "Freckled Southener tops Universe field". Nashville Banner (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1954. p. 3. Nakuha noong 8 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Universe crowns: Sentimental favorites, all-time greats". Rappler (sa wikang Ingles). 16 Mayo 2021. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Universe entrants prepare for pageant". The Examiner (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 22. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Miss Universe" loses her U.N." The Advocate (sa wikang Ingles). 17 Hulyo 1954. p. 2. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "America bars another Miss Universe beauty". The Sun (sa wikang Ingles). 14 Hulyo 1954. p. 3. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Now US bans a beauty". The Straits Times (sa wikang Ingles). 9 Hulyo 1954. p. 1. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sportieve „miss" in Long Beach" [Sporty "miss" in Long Beach]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 22 Hulyo 1954. p. 7. Nakuha noong 29 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 "Miss Venezuela disappears in beauty contest". Courier-Post (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 35. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.00 12.01 12.02 12.03 12.04 12.05 12.06 12.07 12.08 12.09 12.10 "Miriam Stevenson (VS) gekozen tot Miss Universe 1954" [Miriam Stevenson (USA) elected Miss Universe 1954]. De locomotief (sa wikang Olandes). 26 Hulyo 1954. p. 1. Nakuha noong 29 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 13.2 13.3 "U.S. has Miss Universe". Sunday Times (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1954. p. 2. Nakuha noong 17 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Royal group set to greet Miss Alaska". The Bulletin (sa wikang Ingles). Bend, Oregon. 30 Hunyo 1954. p. 1. Nakuha noong 22 Setyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Martínez, Adolfo C. (16 Disyembre 2005). "Murió Ivana Kislinger, una diva sensual". La Nacion (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Mayo 2009. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Miss Universe" Contest". Cairns Post (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 5. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ah, go on, try it". Waco Tribune-Herald (sa wikang Ingles). 11 Hulyo 1954. p. 8. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Belser, Emily (13 Hulyo 1955). ""Miss Universe" winners seldom become success". Corsicana Daily Sun (sa wikang Ingles). p. 11. Nakuha noong 7 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 19.2 "Miss Universe hopefuls arrive". Albuquerque Journal (sa wikang Ingles). 13 Hulyo 1954. p. 9. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "American girl". Journal and Courier (sa wikang Ingles). 24 Hulyo 1954. pp. 1, 12. Nakuha noong 8 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Strickland, Edwin (9 Hulyo 1954). "Miss Greece eliminated". The Birmingham News (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Japan of 1954". The Beverley Times (sa wikang Ingles). 5 Agosto 1954. p. 1. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hong Kong beauty reaches California". Clarion-Ledger (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 24. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Romano, Elio (30 Hulyo 1954). "Israeli entry in Miss Universe contest shows beauty of character". B'nai B'rith Messenger (sa wikang Ingles). p. 8. Nakuha noong 10 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Wie wordt miss Universe 1954? Duits meisje Regina Ernst favoriet" [Who will be Miss Universe 1954? German girl Regina Ernst favorite]. De vrije pers (sa wikang Olandes). 17 Hulyo 1954. p. 1. Nakuha noong 29 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Former Miss Jamaica dies". The Gleaner (sa wikang Ingles). 30 Mayo 2013. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Universe pageant brings complications". Belvidere Daily Republican (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 1954. p. 3. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""La Srita. Mexico" es una muchacha culta" [The "Miss Mexico" is a cultured girl]. La Opinión (sa wikang Kastila). 18 Hulyo 1954. pp. 5B. Nakuha noong 22 Setyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Heat too much for Miss New Zealand". News-Press (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1954. p. 3. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Norway of 1954 files suit for divorce". The Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 25 Pebrero 1958. p. 2. Nakuha noong 7 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Estas son las panameñas que participaron de Miss Universo". Telemetro (sa wikang Kastila). 7 Enero 2015. Nakuha noong 10 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lo, Ricky (12 Pebrero 2010). "Misses RP for Miss U pageant, 1952-'63". Philippine Star. Nakuha noong 4 Oktubre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lehtkanto, Katariina (6 Disyembre 2018). "17-vuotiaana maailmalle lähtenyt Lenita Airisto: Lapsuus sodan varjossa" [Lenita Airisto, who left the world at the age of 17: Childhood in the shadow of war]. Iltalehti (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 29 Abril 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Belser, Emily (16 Hulyo 1954). "Miss Universe candidates draw many wolf calls". Corsicana Daily Sun (sa wikang Ingles). p. 2. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Here's Jacqueline– the girl that France chose". The Straits Times (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1954. p. 2. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "I was so". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 1954. p. 1. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Not As Much ro Whistle At, Europe's Beauties Not As Attractive as American". Panama City News-Herald (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1954. p. 5. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty contest peaceful as United Nations meeting". Arizona Republic (sa wikang Ingles). 17 Hulyo 1954. p. 6. Nakuha noong 8 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Chile– Miss Universe". The Daily News (sa wikang Ingles). 7 Abril 1954. p. 9. Nakuha noong 12 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nemser, Sandra (10 Agosto 1954). "6 Beauties in contest favor "long hair"". Gettysburg Times (sa wikang Ingles). p. 10. Nakuha noong 5 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)