Romi Garduce
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Setyembre 2017)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Romeo "Romi" Garduce (ipinanganak 1969 sa Balanga, Bataan), pinapalayaw minsan bilang "Garduch", ay isang Pilipinong namumundok at nagtratrabo bilang Propesyunal ng IT sa Procter and Gamble Philippines. Nagsimula siyang umaakyat ng bundok para sa kawang-gawa noong 1991 bilang kasapi ng UP Mountaineers.
Romi Garduce | |
---|---|
Kapanganakan | 1969
|
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Unibersidad ng Santo Tomas Tomas del Rosario College |
Nang maakayat niya ng tuktok ng Bundok Aconcagua noong Enero, 2004, si Garduce ang unang Pilipino na nakaayat sa isa sa mga Pitong Tutok (Seven Summits).
Noong 26 Setyembre 2005, si Romi Garduce ang unang Pilipino na nakaayat sa Cho Oyu, ang pinakamataas na naakayat ng isang Pilipino noong mga panahon na iyon. [1] Bagaman, noong 17 Mayo 2006, tinalo ni Leo Oracion ang tala na iyon nang naakyat niya ang tuktok ng Bundok Everest, ang pinakamataas na bundok sa Daigdig, at tinayo ang watawat ng Pilipinas. [2]
Pagsubok ng pag-akyat sa Bundok Everest
baguhinSinubok ni Garduce na akyatin ang tuktok ng Everest sa nag-iisang misyon na sinuportahan GMA Network kasabay ng koponan ni Leo Oracion, ang First Philippine Mount Everest Expedition (FPMEE) at pangunahing sinusuportahan ng ABS-CBN. [3] Naka-arkibo 2007-10-12 sa Wayback Machine. Bagaman tinalo ni Oracion si Garduce, nagpatuloy siya sa pag-akyat sa tuktok.
Noong 19 Mayo 2006, Si Garduce ay ang naging pangatlong Pilipino na naka-akyat sa tuktok ng Mount Everest pagkatapos nina Oracion at Emata. Naging mas maaga sana ang pag-akyat ni Garduce sa tuktok ng Everest ngunit pinayuhan siya ng kanyang mga tagagabay na Sherpa na huwag ng mapatuloy dahil sa masamang panahon. Nang malaman niya na nakarating na sina Oracion at Emata sa tuktok, nilinaw ni Garduce na hindi siya nakikipagkarerahan at labis siyang nasiyahan para sa kanila (Oracion at Emata). [4]
Pagkatapos maakyat ng tatlog mga Pilipino ang tuktok ng Everest, pinahatid ni Sir Edmund Hillary sa isang panayam ng GMA Network sa kanyang tahanan sa Auckland ang kanyang pagbati sa tatlong Pilipino sa kanilang determinasyon at binigay ang kanyang labis na paggalang sa koponan ng ekspidisyon. [5] Naka-arkibo 2006-06-14 sa Wayback Machine.
Tala ng mga naakyat na bundok
baguhinHindi alam ang petsa
baguhinAlam ang petsa
baguhin- Annapurna, Nepal-Himalaya (Nobyembre 1998)
- K2, Pakistan-China at ibang mga bansa (Septyembre 2001, nakarating sa baseng kampo lamang)
- Mount Kilimanjaro, Tanzania (Setyembre 2002)
- Pokalde, Khumbu, Nepal (Oktubre 2003)
- Gokyo, Nepal (Oktubre 2003)
- Kala Pattar, Nepal (Oktubre 2003)
- Bonete, La Rioja, Argentina (Enero 2005)
- Bundok Aconcagua, Argentina (Enero 2005)
- Bundok Elbrus, Russia (Agosto 2004, hindi narating ang tuktok)
- Cho Oyu, Nepal-Tibet (Setyembre 2005)
- Bundok Everest, Nepal-Tibet (Nakarating sa tuktok ng mga 12:00 P.M. (Oras sa Nepal) May 19, 2006)
Mga plano sa hinaharap
baguhinNagplaplano si Garduce na akyatin ang Pitong Tuktok ng pitong mga kontinente ng mundo para sa kawang-gawa hanggang 2014. Nakarating na siya ng tatlo, Bundok Kilimanjaro (pinakamtaas sa Aprika), Bundok Aconcagua (pinakamataas sa Timog Amerika), at ang pinakamataas sa Asya at sa buong mundo, ang Bundok Everest. Nakaakyat siya sa Bundok Elbrus (pinakamataas sa Europa) ngunit kinansela ito sa taas na 5,400 m due dahil sa masamang panahon. Malamang na akyatin niya muli ang Mount Elbrus at abutin ang tuktok, gayon din ang iba pa na pinaplano na mga pag-akyat — Bundok Denali (pinakamataas sa Hilagang Amerika), Carstensz Pyramid (pinakamataas sa Australasia) at Bundok Vinson (pinakamataas sa Antartika).