Tagagamit:Cyrus noto3at bulaga/Unang Pahina

Si Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 - Abril 26, 1972) ay isa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas. Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909. Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan. Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan, nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino. Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Isinilang si Fernando Amorsolo noong Mayo 30, 1892 sa Paco, Maynila kina Pedro Amorsolo, isang tenedor de libro, at Bonifacia Cueto. Lumaki si Amorsolo sa Daet, Camarines Norte, kung saan nakapag-aral siya sa isang paaralang pampubliko at tinuruang bumasa at sumulat ng wikang Kastila sa bahay.

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan: NASA

  • Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024: Pinanalunan ni himnasta na si Carlos Yulo (nakalarawan) ang kanyang ikalawang medalya para sa luksong Kalalakihan (Men's vault) na unang Pilipinong nakakuha ng dalawang medalya mula noong lumahok ang Pilipinas sa Palarong Olimpiko noong 1924.
  • Hindi bababa sa 11 ang namatay sa isang sunog sa isang gusaling residensyal-komersyal sa Binondo, Maynila, Pilipinas.
  • Nagdeklera ang pamahalaang panlalawigan ng Kabite sa Pilipinas ng "estado ng kalamidad" pagkatapos umabot ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa mga baybayin ng walong bayan, na nangangailangan ng implementasyon ng isang sonang walang-huli at ayuda na ibibigay sa mga tinatayang naapektuhang 25,000 mangingisda.
  • Ipinabatid ng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang alokasyon ng $500 milyon para pondohan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
  • Naaresto si Freddy Superlano, ang nangungunang personalidad sa koalisyon ng oposisyon sa Venezuela habang tumaas sa apat ang namatay mula sa protestang kontra-Maduro.

Nobyembre 22

Si John F. Kennedy
Si John F. Kennedy

Mga huling araw: Nobyembre 21Nobyembre 20Nobyembre 19

Ngayon ay Nobyembre 22, 2024 (UTC) – Sariwain ang pahina
Kabikolanbcl:
Kabikolan
Zamboangacbk-zam:
Zamboanga
Sugboceb:
Sugbo
Ilocosilo:
Ilocos
Pampangapam:
Pampanga
Pangasinanpag:
Pangasinan
Samarwar:
Samar
Bikol Chavacano Sugboanon Ilokano Pampanga Pangasinan Winaray
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)
  • Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
  • Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
  • Nominasyon ng mga Napiling Nilalaman – Pahina sa pagnomina ng mga itatampok na artikulo at larawan.
  • Tagapangasiwa – Pahina tungkol sa pangkalahatang impormasyon sa mga tagapangasiwa ng Tagalog Wikipedia at kung paano makikipag-ugnayan sa kanila.

   Embahada at koordinasyong multilingguwal   

Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embahada · Embajada · Embassy · 大使館

Koordinasyong multilingguwal · Paano magsimula ng isang Wikipedia