Tagagamit:Masahiro Naoi/Unang Pahina/2

Isang Pilipinang mang-aawit si Maureen "Mau" Flores Marcelo (ipinanganak noong Mayo 13, 1980) na nakilala nang nagwagi sa Philippine Idol, na prankisa ng mga seryeng idol ng FremantleMedia at ipinalabas sa Pilipinas sa estasyong pantelebisyon na ABC. Tinagurian siyang "Soul Idol" at ang "black belter" (mambibirit) ng kompetisyon dahil sa kanyang estilong R&B sa pagkanta. Tinawag din siyang "The Diamond Diva" (Ang Diamanteng Babaeng Mang-aawit) matapos ng kanyang pagtanghal ng "Diamonds Are Forever" ni Shirley Bassey noong Linggo ng mga Temang Pampelikula at Pangmusikal na lubusang pinalakpakan ng mga manonood. Naging kilala rin siya sa bansag na Samantha Brown, hango sa apelyido ng kanyang ama. Siya rin ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Idol, na ginanap sa kalagitnaan ng Disyembre 2007 sa Lungsod ng Jakarta sa Indonesia. Isang Amerikanong mamamayan mula Puerto Rico ang kanyang ama, na may dugong Aprikano at Kastila habang Pilipina ang kanyang ina. Iniwan sila ng kanyang ama noong apat na buwang gulang pa lang siya, habang namatay ang kanyang ina noong siya ay 14 na taong gulang. Mayroon siyang kapatid sa labas mula sa kanyang ina at tatlo pang kapatid sa labas mula sa kanyang ama. Madalas siya kutsyain at tuksuhin noong bata dahil sa kanyang maitim na balat, dahilan ng kanyang takot na pumasok sa paaralan.

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan: NASA

  • Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024: Pinanalunan ni himnasta na si Carlos Yulo (nakalarawan) ang kanyang ikalawang medalya para sa luksong Kalalakihan (Men's vault) na unang Pilipinong nakakuha ng dalawang medalya mula noong lumahok ang Pilipinas sa Palarong Olimpiko noong 1924.
  • Hindi bababa sa 11 ang namatay sa isang sunog sa isang gusaling residensyal-komersyal sa Binondo, Maynila, Pilipinas.
  • Nagdeklera ang pamahalaang panlalawigan ng Kabite sa Pilipinas ng "estado ng kalamidad" pagkatapos umabot ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa mga baybayin ng walong bayan, na nangangailangan ng implementasyon ng isang sonang walang-huli at ayuda na ibibigay sa mga tinatayang naapektuhang 25,000 mangingisda.
  • Ipinabatid ng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang alokasyon ng $500 milyon para pondohan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
  • Naaresto si Freddy Superlano, ang nangungunang personalidad sa koalisyon ng oposisyon sa Venezuela habang tumaas sa apat ang namatay mula sa protestang kontra-Maduro.

Nobyembre 26

Pamantasan ng Notre Dame
Pamantasan ng Notre Dame

Mga huling araw: Nobyembre 25Nobyembre 24Nobyembre 23

Ngayon ay Nobyembre 26, 2024 (UTC) – Sariwain ang pahina
Kabikolanbcl:
Kabikolan
Zamboangacbk-zam:
Zamboanga
Sugboceb:
Sugbo
Ilocosilo:
Ilocos
Pampangapam:
Pampanga
Pangasinanpag:
Pangasinan
Samarwar:
Samar
Bikol Chavacano Sugboanon Ilokano Pampanga Pangasinan Winaray
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)
  • Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
  • Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
  • Nominasyon ng mga Napiling Nilalaman – Pahina sa pagnomina ng mga itatampok na artikulo at larawan.
  • Tagapangasiwa – Pahina tungkol sa pangkalahatang impormasyon sa mga tagapangasiwa ng Tagalog Wikipedia at kung paano makikipag-ugnayan sa kanila.

   Embahada at koordinasyong multilingguwal   

Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embahada · Embajada · Embassy · 大使館

Koordinasyong multilingguwal · Paano magsimula ng isang Wikipedia