Gulay
Ang mga gulay ay mga bahagi ng halaman na kinakain ng mga tao o hayop. Karaniwan pa ring tumutukoy ang gulay sa lahat ng parte ng mga halaman na maaaring lutuin at kainin, kabilang dito ang mga bulaklak, bunga, tangkay, dahon, ugat, at buto. Ilan sa mga halimbawa nito ang kadyos, mais, letsugas, gisantes at kamatis.[1] Inilalapat ang isang alternatibong kahulugan ngunit medyo arbitraryo, madalas base sa mga tradisyon sa pagluluto at kultura. Maaaring hindi kasama rito ang mga pagkaing hinango mula sa ilang halaman na mga prutas, bulaklak, nuwes, at angkak, pero kasama naman ang mga malinamnam na prutas tulad ng kamatis at pipino, bulaklak tulad ng brokoli, at binhi tulad ng monggo.
Noong unang panahon, pinulot ang mga gulay sa ilang ng mga mangangaso at sinimulang itanim sa ilang bahagi ng mundo, marahil noong mga 10,000 BK to 7,000 BK, kung kailan naging mas agrikultural ang pamumuhay. Sa simula, itinanim ang mga halamang tumutubo sa lokalidad, ngunit sa paglipas ng panahon, dinala ng kalakalan ang mga kakaibang pananim mula sa ibang lugar na idinagdag sa mga katutubong uri. Ngayon, itinatanim ang karamihan ng gulay sa buong mundo basta pinapayagan ng klima, at maaaring tubuin ang mga pananim sa mga protektadong tagpuan sa mga lokasyon na di-gaanong angkop. Tsina ang pinakamalaking prodyuser ng gulay, at dahil sa pandaigdigang kalakalan, maaaring bilhin ng mga konsyumer ang mga gulay na itinatanim sa mga malalayong bansa. Nag-iiba ang laki ng produksiyon mula sa mga maliliit na magsasaka na nagsusuplay ng mga kinakailangang pagkain ng kani-kanilang pamilya, hanggang sa mga agrinegosyo na may malalawak na ektarya ng nag-iisang uri ng pananim. Depende sa uri ng gulay na pinag-uusapan, sinusundan ang pag-aani ng pananim ng paggrado, pag-iimbak, pagpoproseso, at marketing.
Maaaring kainin ang mga gulay nang hilaw o luto, at mahalaga ang papel nitong mga gulay sa nutrisyon ng tao, dahil mababa ang nilalamang taba at karbohidrata, habang mataas naman sa mga bitamina, mineral, at hiblang pandiyeta. Hinihikayat ng maraming nutrisyonista ang mga tao na kumain ng maraming prutas at gulay, lima o higit pang porsiyon bawat araw ang kadalasang inirerekomenda.
Terminolohiya
baguhinNag-iiba-iba ang eksaktong kahulugan ng "gulay" dahil lamang sa pagkaraming mga bahagi ng halaman na kinakain sa buong mundo—ugat, tangkay, dahon, bulaklak, bunga, at binhi. Ang pinakamalawak na kahulugan ay ang paggamit nito bilang pantukoy sa mga "bagay mula sa halaman". Kung gagawing mas tumpak, maaaring tukuyin ang gulay bilang "anumang halaman, na pinagpagkain ang mga bahagi nito",[2] at may pangalawang kahulugan na "ang nakakaing bahagi ng naturang halaman".[2] Isang mas tumpak pang kahulugan ang "anumang bahagi ng halaman na kinakain na hindi prutas o binhi, ngunit kasama ang mga hinog na prutas na inuulam".[3][4] Hindi kasama sa kahulugan na ito ang mga nakakaing kolatkolat (tulad ng mga nakakaing kabute) at nakakaing damong-dagat, na tinatrato bilang gulay kahit hindi bahagi ng halaman ang mga ito.[5]
Sa huling binanggit na kahulugan ng "gulay", na ginagamit sa pang-araw-araw na wika, kapwa eksklusibo ang mga salitang "prutas" at "gulay". May tumpak na kahulugan ang "prutas" sa botanika, isang bahagi na tumubo mula sa obaryo ng halamang namumulaklak. Lubos na naiiba ito sa kahulugan ng salita sa kulinarya. Habang "prutas" ang milokoton, sirwelas, at dalandan ayon sa dalawang kahulugan, marami ang mga pagkain na karaniwang tinatawag na "gulay", tulad ng mga talong, kampanilya, at kamatis na bunga ayon sa botanika. Nakarating ang tanong kung ang kamatis ay prutas o gulay sa Korte Suprema ng Estados Unidos noong 1893. Nagkaisa ang desisyon ng korte sa Nix v. Hedden na ang isang kamatis ay wastong kinikilala bilang, at sa gayon ay binubuwisan bilang, isang gulay, para sa mga layunin ng Taripa ng 1883 sa mga inaangkat na ani. Gayunpaman, inamin ng korte na sa usaping botanika, isang prutas nga ang kamatis.[6]
Nutrisyon at kalusugan
baguhinImportante ang papel ng mga gulay sa nutrisyon ng tao. Kaunti ang taba at kaloriya ng karamihan ngunit nakakabusog.[7] Pinagkukunan ito ng hiblang pandiyeta, mahahalagang bitamina, mineral, at katiting elemento. Partikular na mahalaga ang mga bitaminang antioksidante, A, C, at E. Kapag may isinamang gulay sa diyeta, makikitang may pagbabawas sa kanser, istrok, sakit sa puso, at iba pang mga malalang karamdaman.[8][9][10] Ipinakita ng pananaliksik na, kumpara sa mga indibidwal na kumakain ng mas kaunti sa tatlong serbing ng prutas at gulay bawat araw, mas mababa ng halos dalawampung porsiyento ang tsansa na magkasakit sa puso o maistrok ang mga kumakain ng higit sa limang serbing.[11] Malaki ang pagkakaiba ng sustansiya ng mga gulay; may makabuluhang halaga ng protina ang ilan ngunit sa pangkalahatan kaunti lamang ang nilalamang taba,[12] at iba't ibang proporsiyon ng mga bitamina tulad ng bitamina A, bitamina K, at bitamina B6; probitamina; pandiyetang mineral; at karbohidrata.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Leo James English, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Bookstore, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ 2.0 2.1 "Vegetable" [Gulay] (sa wikang Ingles). Dictionary.com. Nakuha noong 2015-03-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sinha, Nirmal; Hui, Y.H.; Evranuz, E. Özgül; Siddiq, Muhammad; Ahmed, Jasim (2010). Handbook of Vegetables and Vegetable Processing [Hanbuk ng Mga Gulay at Pagpoproseso sa Gulay] (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. pp. 192, 352. ISBN 978-0-470-95844-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vainio, Harri & Bianchini, Franca (2003). Fruits And Vegetables [Mga Prutas at Gulay] (sa wikang Ingles). IARC. p. 2. ISBN 978-92-832-3008-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fungi vegetables" [Gulay na kolatkolat]. Spices & Medicinal Herbs: Classification of vegetables (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2015-03-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nix v. Hedden, 149 U.S. 304 (1893) Naka-arkibo 2011-06-28 sa Wayback Machine.. Findlaw.com.
- ↑ "Vegetables" [Mga gulay]. www.myplate.gov (sa wikang Ingles). U.S. Department of Agriculture. Nakuha noong 2022-04-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vegetables" [Mga gulay]. Infotech Portal (sa wikang Ingles). Kerala Agricultural University. Nakuha noong 2015-03-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Terry, Leon (2011). Health-Promoting Properties of Fruits and Vegetables [Mga Makakalusugang Katangian ng Mga Prutas at Gulay] (sa wikang Ingles). CABI. pp. 2–4. ISBN 978-1-84593-529-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Büchner, Frederike L.; Bueno-de-Mesquita, H. Bas; Ros, Martine M.; Overvad, Kim; Dahm, Christina C.; Hansen, Louise; Tjønneland, Anne; Clavel-Chapelon, Françoise; Boutron-Ruault, Marie-Christine (2010-09-01). "Variety in fruit and vegetable consumption and the risk of lung cancer in the European prospective investigation into cancer and nutrition" [Ang pagkasari-sari sa pagkonsumo ng prutas at gulay at ang panganib ng kanser sa baga sa inaasahang pagsisiyasat sa Europa ukol sa kanser at nutrisyon]. Cancer Epidemiology, Biomarkers & Prevention (sa wikang Ingles). 19 (9): 2278–86. doi:10.1158/1055-9965.EPI-10-0489. ISSN 1538-7755. PMID 20807832.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vegetables and Fruits" [Mga Gulay at Prutas] (sa wikang Ingles). Harvard School of Public Health. 2012-09-18. Nakuha noong 2015-09-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Li, Thomas S.C. (2008). Vegetables and Fruits: Nutritional and Therapeutic Values [Mga Gulay at Prutas: Mga Halagang Nutrisyonal at Teraputiko] (sa wikang Ingles). CRC Press. pp. 1–2. ISBN 978-1-4200-6873-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)