Aklat ng Pahayag

(Idinirekta mula sa Aklat ng Apokalipsis)

Ang Aklat ng Pahayag kay Juan o Pahayag kay Juan,[1] na kilala rin bilang Aklat ng Pahayag o Pahayag lamang, ay ang pinakahuling aklat sa Bagong Tipan sa Bibliya ng mga Kristiyano.[2] Nakikilala rin ito bilang Apokalipsis ni Juan o payak na Apokalipsis (Hula) lamang. Ang may akda nitong si Juan ay sumulat mula sa isla ng Patmos na isang isla ng bansang Gresya sa Dagat Aegean. Ang aklat na ito ay pinaniniwalaan na isinulat sa kapanahunan ni Emperador Domitian o sa panahon ni Emperador Nero.[2] Naglalaman ito ng mga simbolismo at mga pahayag o pagsisiwalat na apokaliptiko upang itago ang pag-atake nito sa Imperyo Romano upang makaiwas sa pag-uusig ang may akda nito. Ito ay maaring isang panitikang naglalaman ng vaticinium ex eventu (hula sa mga pangyayaring naganap na) gaya ng Aklat ni Daniel.

Kopya ng Aklat ng Pahayag
Bagong Tipan ng Bibliya

Mga Aklat ng Bibliya

Paglalarawan

baguhin
 
Ang mapa na nagpapakita ng lugar ng pitong simbahang Kristiyano na pinadalhan ng Aklat ng Pahayag sa Anatolia sa kasalukuyang Turkiya. Ang isla ng Patmos ay isang pulo ng Gresya.

Tinutukoy sa Aklat ng Pahayag ang mga pangyayaring "sandaling mangyayari"(Pahayag 1:1) sa pitong Iglesia ng Asya Menor na probinsiya ng Imperyo Romano noong ika-1 siglo CE, pati na ang pinaniniwalaan ng may-akda nitong "huling tagumpay" ng mga Kristiyano, pagbagsak ng Imperyo Romano(o Dakilang Babilonia), pagsapit sa "huling araw", at gayon din ang pagbabalik ni Hesukristo. Inilalahad rin dito ang nangyari nang pakikibaka at pagwawagi ni Hesukristo laban kay Satanas at mga kasamahan ng diyablong ito. Ang tinutukoy na tagumpay ni Hesus ang sanhi ng walang katapusang "paghahari ng Diyos". Dahil sa mga pagtukoy ng aklat na ito sa mga parating na panahon, isa itong apokalipsis, isang uri ng pagsusulat na puno ng nakakubling mga simbolo at ng mga "salitang larawan", at kadalasang nakatuon sa hindi tiyak kung kailan darating na wakas ng panahon. Ang mga sagisag na ginamit sa Aklat ng Pahayag ay mga simbolong karaniwan o pamilyar sa mga Kristiyano subalit hindi pangkaraniwan o "nakakubli" para sa mga hindi Kristiyano.[3] Dahil hindi nauunawaan ng mga may kapangyarihan mga Romano ang "salitang-larawan" at mga simbolo, naging maginhawang lantad na basahin ng mga Kristiyano ang Aklat ng Pahayag, na hindi ]nanganganib na dakpin upang ibilanggo.[3]

Ako'y si Juan, ang inyong kapatid at kasama sa kapighatian at pagtitiis na nararanasan ng mga kabilang sa kanyang kaharian dahil sa pakikipag-isa kay Jesus. Noon ako'y nasa isla ng Patmos sapagkat ipinangaral ko ang salita ng Diyos at nagpatotoo ako para kay Jesus. 10 Noon ay araw ng Panginoon, at habang nasa ilalim ako ng kapangyarihan ng Espiritu, narinig ko mula sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang tunog ng trumpeta. 11 Sabi niya, “Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakita, at ipadala mo ito sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicea.”

— Aklat ng Pahayag 1:9-11

Ang akdang ito ay sumasalamin sa paniniwala ng mga Kristiyano noong unang siglo CE na ang pagkawasak ng Templo sa Herusalem noong 70 CE ang tanda nang pagdating ni Hesus at ang pagwawakas ng mundo (Ikumpara sa Ebanghelyo ni Marcos Kapitulo 13, Ebanghelyo ni Mateo Kapitulo 24 at Ebanghelyo ni Lucas 21:20-36) kung saan ang halimaw(Nero) at ang mga hari ng Silangan (Imperyong Parthian) ay kakasangkapanin ng Diyos upang parusahan ang Imperyo Romano(Pahayag 16:12-19) sa pagwasak nito sa Herusalem at Templo nito at pagkatapos ay hahantong sa Armageddon kung saan ang Babilonya(Roma) ay mawawasak at kalaunan ang AntiKristo(Emperador Nero) ay paparasuhan naman ni Hesus. Ang huli ay ang paglikha ng isang pisikal na Bagong Herusalem na hindi na kailangan ng templo kung saan maninirahan ang mga Kristiyanong magtitiis sa mga pag-uusig sa kanila. Ito ay isang paghihikayat na ang kanilang mga pagdurusa ay may kapalit na gantimpala at paghihigante laban sa kanilang mga kalaban.

Balangkas

baguhin

Ang Aklat ng Pahayag ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:[2]

  • A. Ang mga liham para sa Pitong Simbahan sa Asya Menor (1 - 4)
  • B. Mga kapighatiang mararanasan ng mga Kristiyano at mga parusa ng Diyos sa mga kalaban nito(6 - 9)
  • C. Pagyurak sa Herusalem ng mga Romano(at pagkawasak ng Templo ng Herusalem) sa loob ng 42 buwan(11:2) na katumbas ng 1,260(12:6) at sa loob ng panahon, ng mga panahon at kalahating panahon (12:14) at 3½ taon(11:11) at pagliligtas ng Diyos sa mga Krtistiyano( 11-12 ).
  • D. Pag-uusig ng Imperyo Romano(Ang Dakilang Babilonya) at mga Emperador nito (Nero o Domitian) sa mga Kristiyano at Hudyo.(13 - 17)
  • D. Muling pagbabalik ni Emperador Nero mula sa Imperyong Parthian sa Ilog Eufrates sa Silangan kasama ng mga hukbo ng Imperyong Parthian ayon sa alamat ng Nero Redivivus (7:2), (16:12), (9:13-16)
  • E. Ang pagbagsak ng Imperyo Romano at Pagwawagi ng Diyos laban sa kapangyarihan nito (16- 19) sa kamay ni Nero ayon sa alamat ng Nero Redivivus at ng mga hari ng Silangan na kumakatawan sa Imperyong Parthian (Pahayag 16:12-20) at kalaunan ay si Nero na Anti-Kristo ay paparusahan naman dahil sa kanyang pag-uusig sa mga Kristiyano.
  • F. Ang Paghahari ni Hesukristo sa lipunan ng sangkatauhan pagkalipas na maigapos ang Dragon sa loob ng isanlibong mga taon (20, 1- 6)
  • G. Ang pagpapakawala kay Satanas pagkalipas ng isanlibong mga taon, kasama ang pag-uusig sa Simbahan, at ang Huling Paghuhukom (20 -21)
  • H. Ang pagdating ng isang pisikal na Bagong Herusalem(Pahayag 20) na hindi na kailangan ng Templo at paggawad ng gantimpala sa mga Kristiyano para sa kanilang pagtitiis sa pag-uusig.

Interpretasyon

baguhin

Kapitulo 11-12, 14

baguhin

Unang Digmaang Hudyo-Romano

baguhin
 
Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah.
 
Modelo ng Ikalawang Templo sa Herusalem na winasak ng mga Romano noong 70 CE.

Ayon sa 11:1-2, "At binigyan ako ng isang tambo na katulad ng isang panukat at sinabi ng anghel: Tumindig ka at sukatin mo ang banal na dako ng Diyos at ang dambana at ang mga sumasamba roon.2 Huwag mo nang isali ang patyo na nasa labas ng templo. Huwag mo na itong sukatin sapagkat ibinigay na ito ng Diyos sa mga Gentil. Yuyurakan nila ang banal na lungsod sa loob nang apatnapu’t dalawang buwan (42 buwan).

Ayon sa 12:6,"Tumakas ang babae papuntang ilang. Naghanda ang Diyos ng dako para sa kaniya upang alagaan siya ng mga tao roon sa loob ng isang libo dalawangdaan at animnapung araw."

Ayon sa (14:1-2) 1 At nakita ko, narito, ang Korderong nakatayo sa bundok ng Zion. Siya ay may kasamang isangdaan at apatnapu’t apat na libong mga tao na nakatayo. May nakasulat na pangalan ng kaniyang ama sa kanilang mga noo.

2 Ako ay nakarinig ng isang tunog na mula sa langit na katulad ng tunog ng maraming tubig. Ito ay katulad ng isang napakalakas na kulog. Narinig ko ang tunog ng maraming manunugtog ng kudyapi na tumutugtog ng kanilang kudyapi. 3 Sila ay umawit ng isang bagong awit sa harapan ng trono at sa harapan ng apat na buhay na nilalang at ng mga matanda. Walang sinumang matututo ng awit na iyon. Ang matututo lamang nito ay ang isangdaan at apatnapu’t apat na libong mga tao na tinubos ni Hesus sa lupa. 4 Hindi dinungisan ng mga ito ang kanilang mga sarili sa mga babae. Sila ay mga birhen. Sila yaong mga sumu­sunod sa Kordero saan man siya pumaroon. Sila yaong mga tinubos ng Kordero bilang mga unang bunga para sa Diyos at para sa Kordero. 5 Walang pandaraya sa kanilang mga bibig sapagkat wala silang anumang dungis sa harapan ng trono ng Diyos.

Nang mag-alsa ang mga Hudyo laban sa mga Romano noong 66 CE. ipinadala ni Emperador Nero noong tagsibol nang 67 CE ang kanyang Heneral na si Vespasian upang puksain ito at pagkalipas ng 42 buwan, ang Herusalem at ang templo nito ay winasak ng mga Romano noong Setyembre 70 CE.[4]

Ayon sa ika-4 na siglog ama ng simbahan na si Eusebio ng Caesarea at Efifanio ng Salamis, may isang tradisyon na bago ang pagkakawasak ng Herusalem noong 70 CE, ang mgs Mesiyanikong Hudyo sy binalaan na lumisan sa Pella sa rehiyon ng Decaplis sa kaharap na Ilog Hordan ngunit hindi kabilang ang mga Hudyong Kristiyanong Ebionita. Ang pagiging tunay ng tradisyong ito ay pinagdedebatehan ng mga skolar mula 1951.

Naniwala ang may akda ng Pahayag na mga lalake lang at ang mga ito ay malamang mga Hudyong Kristiyano (Pahayag 7:1-8) ang maliligtas sa pagkakawasak ng Herusalem noong 70 CE. Pinagpalagay niya na naligtas ang mga Hudyong Kristiyano sa kabila ng pagkakawasak ng Herusalem noong 70 CE.

Kapitulo 13

baguhin

Emperador Nero at ang Saserdote ng Kultong Imperyal

baguhin
 
Bust ni Nero sa Musei Capitolini, Roma
 
Makikita sa manuskrito ang nadiskubreng bilang na χιϛ (616), na bilang ng halimaw sa Papyrus 115 noong Mayo 2005 na ang pinakamatandang manuskrito ng Pahayag, 13:18.

Aang mapamusong na pagsambang gusto ng Hayop mula Dagat ay umaalala sa kultong Imperyal noong unang siglo CE. Ang pakikidigma ng Hayop sa mga banal ay nagpapaalala sa matinding pag-uusig ni Emperador Nero at kalaunan ay ni Domitian na ginawa nila sa mga Kristiyano dahil sa hindi pagsamba ng mga ito kay Cesar. Ang pag-uusig ni Nero laban sa mga Kristiyano mula 64 CE(nang sisihin niya ang mga Kristiyano sa pagkasunog ng Roma) hanggang 68 CE at nagpapaliwanag sa 42 buwan o 3 ½ taon ng pag-uusig na mababasa sa Pahayag 13:5. Ang pagpapasamba ng ikawalang Hayop sa mga mamamayan para sa Hayop na mula sa Dagat ay nagpapaalala ng mga Saserdote ng Kultong imperyal sa Asya Menor na ang katungkulan ay pilitin ang mga mamamayan na maghain ng handog kay Cesar at ipahayag itong Panginoon. Si Nero na isang megalomaniac ay nagpalimbag ng mga baryang salapi na tumatawag sa kanyang "Diyos na Makapangyarihan sa Lahat" at Tagpagligtas. Hiniling ni Nero ang mga karangalan ng isang Diyos at ang mga sumasamba sa kanya ay binibigyan ng mga sertipiko o marka na charagma na salitang Griyegong parehong ginamit sa Pahayag 13:16-18. Ayon sa Pahayag 16:13, ang mga masasamang espiritong palaka ay lumabas sa bibig ng Halimaw na ayon kay Plutarch (46-119 CE), si Nero ay magiging isang palaka sa kanyang reinkarnasyon.(Plutarch, De Sera Numinis Vindicta).

Ayon sa Pag-akyat ni Isaias na isinulat noong unang siglo CE 4:1-12:

...Si Beliar(Diablo) na dakilang pinuno, ang hari ng mundong ito, ay bababa na naghari dito simula nang ito ay lumitaw, oo siya ay bababa mula sa kanyang kalawakan sa anyo ng isang tao, isang sumasalangsang sa batas, ang mamamatay tao ng kanyang ina: siya na mismong hari.Kanyang uusigin ang 12 Apostol. Ang pinunong ito ay nasa anyo ng hari at sasakanya ang lahat ng kapangyarihan ng mundo at kanilang pakikinggan siya sa lahat ng kanyang nanaisin.Siya ay magsasalita tulad ng Minamahal na nagsasabing "Ako ang Diyos at walang katulad ko. At ang lahat ng tao sa mundo ay maniniwala sa kanya at maghahandog sila sa kanya at maglilingkod na nagsasabing "Ito ay Diyos at walang katulad niya...At magkakaroon ng kapanyarihan ng mga milagro sa bawat lungsod at nayon. At ilalagay niya ang kanyang Imahen sa bawat siyudad at siya ay mamumuno nang tatlong taon at pitong buwan at dalawamput pitong araw."

Ang bersiyong Griyegong transliterasyon sa Hebreo na נרון קסר‎, ay may bilang na 666

Resh (ר) Samekh (ס) Qoph (ק) Nun (נ) Vav (ו) Resh (ר) Nun (נ) Sum
200 60 100 50 6 200 50 666
Nro Qsr

Ang transliterasyon ng bersiyong Latin sa Hebreo ay may bilang na 616 na mababasa sa pinakamatandang manuskrito ng Pahayag 13:18

Resh (ר) Samekh (ס) Qoph (ק) Vav (ו) Resh (ר) Nun (נ) Sum
200 60 100 6 200 50 616

Kapitulo 7, 9, 13, 16, 17-18

baguhin

Imperyo Romano

baguhin
 
Mapang nagpapakita ng pitong bundok ng Roma
 
Mapa ng Imperyong Parthian sa Ilog Eufrates sa Silangan

Ayon sa (17:9-11), "Dito ay kailangan ang isang kaisipan na may karu­nungan: Ang pitong ulo ay kumakatawan sa pitong mga bundok na kinauupuan ng babae. 10 May pitong mga hari roon. Lima sa kanila ang bumagsak. Ang isa ay sa ngayon. Ang isa ay hindi pa dumating. At kapag siya ay dumating, siya ay kailangang mananatili sa sandaling panahon. 11 Ang mabangis na hayop na siya ang sa nakaraan at hindi ang sa ngayon, siya rin ang pangwalong hari at mula sa pitong mga hari. Siya ay paroroon sa kapahamakan."

Ang pitong ulo na kinupupuan ng Dakilang Babilonya na pitong bundok ay alusyon sa pitong bundok ng Roma.

Ang karamihan ng mga skolar ng bibliya ay nagsasabing ang pito ay tumutukoy kina Julio Cesar(100 BCE-44 BCE)(isang diktador na susi sa pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyo Romano), Augustus(29 BCE - 14 CE), Tiberio(14-37 CE na ayon kay Josephus ang ikatlong Emperador ng Roma, Antiquities of the Jews XVIII.2.2), Caligula (37-41), Claudius (41-54), Nero(54-68) at Galba na naghari lamang ng anim na buwan(Tingnan din ang Ang Labindalawang Cesar ni Suetonio kung saan si Nero ang ika-6 na Emperador). Ang mabangis na hayop na siyang sa nakaraan at hind sa ngayon na siya ring pangwalong hari at mula sa pitong mga hari na paroroon sa kapahamakan ay alusyon sa alamat ng Nero Redivivus na si Nero na namatay noong 68 CE ay hindi talaga namatay at tumungo sa kalaban ng Roma na Imperyong Parthian sa Ilog Eufrates sa Silangan at magbabalik o mabubuhay para wasakin ang Roma. (Sybilline Oracles IV:150; V:490) Ang paniniwalang si Nero ay buhay pa rin ay tumagal hanggang sa panahon ng kamatayan ni Domitian noong 96 CE.(Dio Crisostomo, Orat.XX1)

Ayon sa (16:12) Ibinuhos ng pang-anim na anghel ang laman ng kaniyang mangkok sa dakilang Ilog Eufrates. Ang mga tubig nito ay natuyo upang maihanda ang daan ng mga hari na mula sa silangan.

Ayon sa (7:2-3) At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buháy. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, 3 “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hangga't hindi pa namin nalalagyan ng tatak sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.”

Ayon sa (9:2) Mayroon silang hari na namumuno sa kanila. Siya ay ang anghel sa walang hanggang kalaliman. Ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon. Sa wikang Griyego ito ay Apolyon. na korupsiyon ng Apollo at isang alusyon kay Nero na nagpikalalang ang Diyos na si Apollo.

Ayon sa (9:13-16), Hinipan ng pang-anim na anghel ang kaniyang trumpeta. Narinig ko ang isang tinig mula sa apat na sungay ng gintong dambana na nasa harapan ng Diyos. 14 Sinabi niya sa pang-anim na anghel na may trumpeta: Pakawalan mo ang apat na anghel na iginapos sa malaking Ilog ng Eufrates. 15 At pinaka­walan niya ang apat na anghel na inihanda para sa oras, araw, buwan at taon upang pumatay sa ikatlong bahagi ng mga tao. 16 Ang bilang ng hukbong nangangabayo ay dalawang daang milyon. Narinig ko ang bilang nila. Sa ganito ko nakita ang mga kabayo at ang mga sakay nila sa isang pangitain. Sila ay may suot na mga baluti sa dibdib na mapulang katulad ng apoy, matingkad na bughaw at dilaw na katulad ng asupre. Ang ulo ng mga kabayo ay katulad ng mga ulo ng mga leon. Apoy at usok at nagniningas na asupre ang lumalabas sa kanilang mga bibig. 18 Sa pamama­gitan ng tatlong ito, ang apoy, ang usok at ang nagniningas na asupre, ay pinatay nila ang ikatlong bahagi ng mga tao. Ang mga bagay na ito ay lumalabas mula sa kanilang mga bibig. 19 Ito ay sapagkat ang kanilang mga kapamahalaan ay nasa mga bibig at mga buntot katulad ng mga ahas na may mga ulong makakapanakit.20 May mga nalalabing mga tao na hindi napatay ng mga salot na ito. Ngunit hindi nila pinagsisihan ang gawa ng kanilang mga kamay. At hindi sila nagsisi upang hindi sila sasamba sa mga demonyo at mga diyos-diyosang ginto, pilak, tanso, bato at kahoy. Hindi sila makakakita, ni makakarinig, ni makakalakad man. 21 Hindi sila nagsisisi sa kanilang mga pagpatay, sa kanilang mga panggagaway, sa kanilang mga pakikiapid at sa kanilang pagnanakaw.

Ayon sa (13:3) 3 At nakita ko na ang isa sa mga ulo ay nasugatan na maaring ikamatay. Ang sugat na ikamamatay ay gumaling. At ang lahat ng mga tao ay nanggilalas sa mabangis na hayop at sumunod dito.

Ang ilang skolar ay nagsasabing ang pito ay tumutukoy kina Augustus, Tiberio , Gaius, Claudius, Nero (54-68), Vespasian (69-79) , Titus(79-81) at ang siyang ang sa nakaraan at hindi ang sa ngayon na siya rin ang pangwalong hari na mula sa pito at siya ring pangwalo ay si Domitian(51-96) na pinaniniwalaang ang nabuhay na si Nero ayon sa kilalang alamat ng Nero Redivivus noong unang siglo CE(muling mabubuhay si Nero). Parehong sina Nero at Domitian ay labis na umusig sa mga Kristiyano.[5]

Ang "Ang sampung sungay na iyong nakita ay ang sampung mga hari. Hindi pa nila natanggap ang kaharian. Subalit sila ay tatanggap ng kapamahalaan mula sa mabangis na hayop upang maghari ng isang oras"(17:18) ay tumutukoy sa 10 pinuno ng 10 mga probinsiyang senatorial(Latin: provincia populi Romani). Ito ang mga pinuno ng Achaea, Africa, Asia, Bithynia et PontusCreta et Cyrenaica, Cyprus, Gallia Narbonensis, Hispania Baetica Macedonia (Macedonia & Thessalia) at Sicilia ayon sa historyan na si Strabo o maaaring tumukoy sa mga hari ng Imperyong Parthian na wawasak sa Roma.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ang Pahayag kay Juan, Ang Biblia, AngBiblia.net
  2. 2.0 2.1 2.2 Abriol, Jose C. (2000). "Pahayag". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 1793.
  3. 3.0 3.1 ""The Revelation of John"". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., New Testament,Bible, tomo para sa titik B, pahina 162.
  4. https://www.britannica.com/event/Siege-of-Jerusalem-70
  5. https://www.pbs.org/wgbh/pages/frontline/shows/apocalypse/revelation/white.html

Mga panlabas na kawing

baguhin
  • Pahayag, Ang Salita ng Diyos (SND, 1998), Bibliyang Tagalog sa Internet (Bagong Tipan), BiblesInternational, BibleGateway.com