Korupsiyon

(Idinirekta mula sa Korupsyon)

Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption) ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan.

Convention sa United Nations laban sa Korupsyon
Tungkol ito sa katiwalian. Para sa tauhan sa komiks, pumunta sa Corruptor.

Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.

Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.

Mga gawaing pangungurakot

baguhin

Pang-aabuso sa kapangyarihan

baguhin

Ang Pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan ng isang tao at mga pasilidad ng paggawa ng desisyon. Ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng isang hukom na hindi angkop na nagtakwil ng isang kasong kriminal o isang isang opisyal ng kustom na gumagamit ng kanilang diskresyon sa pagpayag ng isang ipinagbabawal na substansiya sa pagpasok sa isang puerto. Ang Paglalako ng impluwensiya ang ilegal na kasanayan ng paggamit ng impluwensiya ng isang tao sa pamahalaan o mga koneksiyon sa mga taong nasa kapangyarihan upang magkamit ng mga pabor sa ibang tao na karaniwang ay kapalit ng kabayaran. Ang mga tiwaling pinuno ay nagtatakda rin ng mga kautusan o atas na ang layunin ay makinabang ang sarili, mga kamag-anak o ilang mga indibidwal.

Pakikipagsabwatan

baguhin

Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partido na minsang ilegal at kaya ay malihim upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng pandaraya, pagliliko o panloloko ng iba sa mga karapatang nito o magkamit ng isang layuning ipinagbabawal ng batas na tipikal sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na hatiin ang pamilihan, magtakda ng mga presyo, limitahan ang produksiyon o limitahan ang mga oportunidad. Ito ay maaaring kasangkutan ng pagtatakda ng sahod, mga kickback o maling pagkakatawan sa indepediyensiya ng relasyon sa pagitan ng mga magkakasabwat na partido. Sa mga terminong legal, ang lahat ng mga akto na naapektuhan ng kolusyon ay itinuturing na walang bisa. Ang Pagmamanipula ng presyo (price fixing) ang kasunduan sa pagitan ng mga kalahok sa parehong panig ng isang pamilihan na bumili o magbenta lamang ng isang produkto o komoditad sa isang itinakdang presyo o panatilihin ang mga kondisyon ng pamilihan sa gayong ang presyo ay napapanatili sa isang ibinigay na lebel sa pamamagitan ng pagkokontrol ng suplay at pangangailangan. Ang Pagmamanipula ng alok (bid rigging) ay isang anyo ng pandaraya kung saan ang isang kontratang pangkalakalan (commercial) ay ipinangako sa isang partido bagaman alang alang sa hitsura, ang ibang mga partido ay nagtatanghal rin ng isang alok. Ang anyo ng pakikipagsabwatang ito ay ilegal sa karamihan ng mga bansa. Ito ay isang anyo ng pagtatakda ng presyo at pagtatalaga ng pamilihan na karamihan ay sinasanay kung saan ang mga kontrata ay tinutukoy ng isang pagtawag sa mga nag-aalok halimabawa sa kaso ng mga kontratang konstruksiyon ng pamahalaan.

Pandaraya sa halalan

baguhin

Ang pandaraya sa halalan ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan. Ang mga akto ng pandaraya ay umaapekto sa mga bilang ng boto upang magdulot ng isang resulta ng halalan. Kabilang sa mga pandarayang ito ang pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagsabotahe ng mga balota at pagbili o panunuhol ng mga botante.

Pagnanakaw sa kabang yaman ng bansa

baguhin

Ang paglustay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa pamahalaan. Ito ay pampolitika na paglulustay kung ito ay kinasasangkutan ng pera na pampubliko o pera ng taong bayan na kinuha ng isang opisyal ng pamahalaan para sa anumang sariling paggamit na hindi itinakda para dito gaya halimbawa, kapag ang isang opisyal ay nagtatakda sa mga empleyado ng gobyerno na kumpunihin ang kanyang bahay. Sa batas ng Pilipinas, ang pandarambong ay inilalarawan na sinumang opiser na pampubliko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama sa pamamagitan ng pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa seksiyon 1 (tingnan sa baba) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00) ay magkakasala sa krimen ng pandarambong at mapaparusahan ng reclusion perpetua hanggang kamatayan. Ito ay:

  • Sa pamamagitan ng paglustay, paglipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal ng mga pondong pampubliko o mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko;
  • Sa pamamagitan ng pagtanggap ng direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi, persentahe, mga kickback o ano pa mang mga anyo ng pangsalaping pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opiser ng publiko;
  • Sa pamamagitan ng ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian na pag-aari ng pambansang pamahalaan o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o mga instrumentalidad o mga pag-aari ng pamahalaan o kinokontrol ng pamahalaan na mga korporasyon at mga subsidiyario nito;
  • Sa pamamagitan ng pagkakamit, pagtanggap ng direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng stock, ekwidad o ano pa mang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na trabaho sa anumang negosyo o isinasagawa;
  • Sa pamamagitan ng paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan (commercial) na mga monopolyo o iba pang kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes; o
  • Sa pamamagitan ng higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan, koneksiyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang/mga sarili nito sa panganib o kapinsalaan ng madlang Pilipino at Republika ng Pilipinas.[1]

Panunuhol at pagtanggap ng suhol

baguhin

Ang suhol ang akto ng pagbibigay ng salapi o regalo na nagpapabago ng pag-aasal ng tumanggap nito. Ito ay inilalarawan sa Black's Law Dictionary bilang ang pag-aalok, pagbibigay o panghihingi ng anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang opisyal o ibang tao na may pangangasiwa ng isang tungkuling pampubliko pambatas. Ang kickback ay isang anyo ng panunuhol kung saan ang isang komisyon ay binayaran sa kumukuha ng suhol bilang isang quid pro quo para sa mga serbisyong ginawa. Ang kickback ay iba mula sa ibang mga uri ng panunuhol sa kadahilanang may ipinapahiwatig na pakikipagsabwatan sa pagitan ng mga ahente ng dalawang partido sa halip na ang pangingikil ng isang partido mula sa isa. Ang layunin ng kickback ay karaniwang hikayatin ang ibang partida na makipagtulungunan sa ilegal na gawain.

Pagtangkilik o Padrino

baguhin

Ang Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa pagpapabor sa mga tagasuporta, halimbawa sa trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring lehitimo gaya kapag ang isang bagong nahalal na pamahalaan ay nagpapalit ng mga mataas na opisyal sa administrasyon upang mapatupad ng epektibo ang mga patakaran nito. Ito ay nakikitang isang korupsiyon kung ang mga walang kakayahang mga tao bilang kabayaran sa pagsuporta ng administrasyon ay napili bago sa mga mas may kakayahang mga indibidwal. Sa karamihan ng mga hindi demokrasya, ang maraming mga opisyal ng gobyerno ay kadalasang pinipili para sa kanilang katapatan sa halip na kakayahan. Ang pagpapabor sa mga kamag-anak (nepotismo) o personal na mga kaibigan (kronyismo) ng isang opisyal ng pamahalaan ay isang anyo ng isang hindi lehitimikong kapakinabangang pampribado. Ito ay maaaring samahan ng panunuhol halimbawa sa paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyo na magbigay trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Ang pinakasukdulang halimbawa ay kung ang buong estado ay namamana gaya ng sa Hilagang Korea o Syria. Ang isang mas maliit na anyo nito ay sa Good ol' boys sa Katimugang Estados Unidos kung saan ang mga kababaihan at minoridad ay hindi isinasama. Ang mas katamtamang anyo ng kronyismo ay ang "old boy network" kung saan ang mga hinirang sa mga opisyal na posisyon sa pamahalaan ay napipili lamang mula sa isang malapit at eksklusibong network na panlipunan gaya ng mga alumni ng mga partikular na unibersidad sa halip na sa paghirang ng pinaka may kakayahang kandidato.

Pangingikil

baguhin

Mga kondisyong pumapabor sa korupsiyon

baguhin

Ikinatwiran na ang mga sumusunod na kondisyon ay pumapabor sa korupsiyon:

  • Kakulangan ng impormasyon
  • Kawalan ng batas ng kalayaan ng impormasyon.
  • Kawalan ng ulat na pag-iimbestiga ng lokal na media.
    • Kawalang respeto o kapabayaan sa pagsasanay ng kalayaan ng pagsasalita at kalayaan ng press
    • Mahinang mga kasanayan ng akawnting kabilang ang kawalan ng napapanahong pangangasiwang pinansiyal.
    • Kawalan ng pagsukat sa korupsiyon. Halimbawa, ang paggamit ng mga regular na survey sa mga sambahayan at mga negosyo upang makwantipika ang digri ng persepsiyon ng korupsiyon sa iba't ibang mga bahagi ng bansa o sa iba't ibang institusyon ng pamahalaan. Ito ay maaaring magpataas ng kamalayan ng populasyon sa korupsiyon at pumilit sa pamahalaan na labanan ito. Ito ay papayag rin sa ebaluasyon ng mga opisyal na lumalaban sa korupsiyon at mga pamamaraang ginagamit nito.
    • Mga tax haven kung saan binubuwisan ng pamahalaan ang mga mamamayan at kompanya sa bansa ngunit hindi ang mula sa ibang mga bansa at tumatanggi na ibunyag ang kailangang impormasyon para sa pagbubuwis ng dayuhan.[2]
  • Mga pagkakataon at pabuya
    • Ang mga indibidwal na opisyal ay rutinang humahawak ng cash sa halip na paghawak sa mga kabayaran sa pamamagitan ng giro o sa isang hiwalay na cash desk. Ang mga hindi lehitimong mga pagwiwithdraw ng mga salapi mula sa pinangangasiwaang mga akawnt ng bangko ay mas higit na mahirap ikubli.
    • Ang mga pondong pampubliko ay sentralisado sa halip na ipinamamahagi. Halimbawa, kung ang pondong $1,000 ay nilustay mula sa isang ahensiyang lokal na may pondong $2,000, mas madali itong mapansin kesa sa isang pambansang ahensiya na may pondong $2,000,000. Tignan ang prinsipyo ng subsidiaridad.
    • Malalaki at hindi napangangasiwaang mga pamumuhunan.
    • Pagbebenta ng pag-aari ng estadong ari-arian at pribatisasyon.
    • Maliit na sahod sa mga opisyal ng pamahalaan.
    • Ang mga lisensiya ng pamahalaan na kailangan upang magnegosyo halimbawa ang mga lisensiya ng pag-aangkat na humihikayat ng mga panunuhol at mga kickback.
    • Ang matagalang pagtatrabaho sa parehong posisyon ay maaaring lumikha ng mga relasyon sa loob at labas ng pamahalaan na humihikayat at nakakatulong na magkubli ng koruspiyon at paboritismo. Ang pag-iikot o paglilipat ng mga opisyal ng pamahalaan sa iba't ibang mga posisyon at mga lugar ay maaaring makatulong na makapigil dito. Halimbawa, ang ilang mga matataas na ranggong opisyal sa mga serbisyong pampahalaan ng Pransiya (e.g. treasurer-paymasters general) ay dapat palitan ng ibang indibidwal kada ilang mga taon.
    • Magastos na mga kampanyang pampolitika na may mga gastusing lumalagpas sa mga normal na mapagkukunan ng mga pagpopondong pampolitika lalo na kapag pinopondohan ng salapi ng mga nagbabayad ng buwis.
    • Ang kaunting interaksiyon sa mga opisyal ay nagbabawas ng mga pagkakataon para sa korupsiyon. Halimbawa, ang paggamit ng internet para sa pagpapadala ng kinakailangang impormasyon tulad ng mga aplikasyon at pormang pang buwis at pagkatapos ay ipoproseso ito gamit ang mga automadong sistema ng kompyuter. Ito ay maaari ring magpabilis ng pagpoproseso at magbawas ng mga hindi sinasadyang kamalian ng tao (tignan ang e-Government).
    • Ang isang hindi inaasahang kapakinabangan sa pagluluwas ng mga masaganang mapagkukunan sa kalikasan ay maaaring humikayat ng korupsiyon.[4] (See Resource curse)
    • Ang digmaan at iba pang mga anyo ng alitan ay nauugnay sa isang pagkasira ng seguridad na pampubliko.
  • Mga kondisyon sa lipunan
    • Mga may sariling interes na mga malalapit na pangkat o clique at mga old boy network.
    • Kawalang batas laban sa mga dinastiyang pampolitika.
    • Ang istrukturang panlipunan na nakasentro sa pamilya at angkang na may tradisyon ng katanggap tanggap na nepotismo at paboritismo.
    • Isang ekonomikang regalo ng Sobyet na sistemang blat na umaahon sa isang komunistang sentral na planadong ekonomiya.
    • Kawalan ng literasya, edukasyon at malalapitan at mauunawaang impormasyon sa mga populasyon ng isang bansa.
    • Kadalasang diskriminasyon at pambubully sa populasyon.
    • Pagkakaisang pang-tribo na nagbibigay pakinabang sa ilang mga pangkat etniko. Halimbawa, sa India, ang sistemang pampolitika, naging karaniwan sa kapunuan ng pambansa at pang-rehiyong mga partido na ipasa mula henerasyon sa henerasyon.[5][6] Ito ay lumilikha ng isang sistema kung saan ang pamilya ay humahawak ng sentro ng kapangyarihan.

Sukat ng sektor na pampubliko

baguhin

Ang ekstensibo at iba ibang mga pagguguol na pampubliko sa sarili nito ay likas na nanganganib sa kronyismo, mga kickback at mga paglulustay. Ang mga komplikadong regulasyon at arbitraryo na hindi napangangasiwaang pag-aasal ng mga opisyal ay nagpapalala sa problem. Ito ay isang argumento para sa pribatisasyon at deregulasyon. Nakikita ng mga sumasalungat sa pribatisayon ang argumento bilang ideolohikal. Ang argumentong ang korupsiyon ay kailangang sumunod mula sa pagkakataon ay napahina ng pag-iral ng mga bansang may hindi umiiral na korupsiyon ngunit malalaking mga sektor ng pamahalaan gaya ng mga bansang Nordiko.[7] Gayunpaman, ang mga bansang ito ay may mataas na iskor sa Indeks ng Pagiging Madali sa pagnenegosyo dahil sa mga mahuhusay at kadalasang mga simpleng regulasyon at may paghahari ng batas na matatag na nakalagay. Kaya dahil sa kawalan ng korupsiyon sa simula pa, ang mga ito ay maaaring magpatakbo ng mga malalaking sektor nang hindi magsasanhi sa korupsiyong pampolitika. Tulad ng ibang mga gawaing pangekonomiya ng pamahalaan, ang pribatisasyon gaya ng pagbebenta ng ari-ariang pag-aari ng pamahalaan ay partikular na nanganganib sa kronynismo. Ang mga pribatisasyon sa Rusya, Latin Amerika at Silangang Alemanya ay sinamahan ng malalaking iskalang korupsiyon noong pagbebenta ng mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan. Ang mga may koneksiyong pampolitika ay hindi patas na nagkamit ng malalaking kayamanan na sumira sa reputasyon ng pribatisasyon sa mga rehiyong ito. Ang mga pag-aaral ay nangatwirang sa karagdagan ng tumaas na kaigihan sa pagpapatakbo, ang pang-araw araw na maliit na korupsiyon ay mas malaki nang walang pribatisasyon at ang korupsiyon ay mas nananaig sa mga hindi pribatisadong sektor. Sa karagdagan, may ebidensiyang nagmumungkahi na ang ekstra-legal at mga gawaing hindi opisyal ay mas nanaig sa mga bansa kesa sa mga pribatisado ng kaunti.[8]

Gayunpaman, may isang kontra-punto na ang mga industriyang may oligarkiya sa mga kompanya ay maaaring tiwali na may mga sabwatang pagtatakda ng presyo na pumipwersa sa mga nakasalalay na negosyo at iba pa. Ang tanging pagkakaroon ng isang bahagi sa pamilihan na pag-aari ng iba maliban sa oligarkiya (i.e. sektor na pampubliko) ang kokontrol sa kanila sa mga ito. Kung ang sektor na pampubliko ay kumikita at nagbebenta ng kanilang produkto sa kalahati ng presyo ng mga kompanyang pribadong sektor, walang kakayahan ang mga pribadong sektor na kompanya na sabayang magpresyo sa gayong antas at panatilihin ang kanilang mga kustomer. Ang kompetisyon ay kumokontrol sa mga kompanyang ito. Ang korupsiyon sa pribadong sektor ay maaaring magpataas ng kahirapan at kawalang magawa ng populasyon at kaya ito ay maaaring umapekto sa korupsiyon sa matagalang panahon.

Sa European Union, ang prinsipyo ng subsidiaridad ay nilalapat. Ang serbisyong pampamahalaan ay dapat ibigay sa pinakamababa na pinakalokal na autoridad na may kakayahang magbigay nito. Ang epekto ay ang pamamahagi ng mga pondo sa maraming mga instansiya ay hindi hihikayat ng paglulustay dahil kahit ang mga malilit na halaga ng nawawalang pondo ay mapapansin. Salungat dito, ang isang sentralisadong autoridad kahit ang mga maliit na mga proporsiyon ng mga pondong pampubliko ay maaaring binubuo ng malalaking halaga ng salapi.

Sa politika

baguhin

Ang pampolitika na korupsiyon ang pag-abuso ng pampublikong kapangyarihan, opisina o mga pinagkukunan ng mga hinalal na opisyal ng pamahalaan para sarili nitong pakinabang gaya halimbawa ng pangingikil, paghimok sa paggawa ng mga ilegal na gawain, o pag-aalok ng mga suhol. Ito ay maaari ring kumuha ng anyo ng pagpapanatili sa sarili sa posisyong pampolitika na hinahawakan sa pamamagitan ng pagbili ng mga boto sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga batas na gumagamit ng buwis ng taongbayan. Ang sistemikong korupsiyon ang buong pagpapahina sa pampolitika o ekonomikang sistema. Ang korupsiyon ng pamahalaan sa hudikatura ay malawak na alam sa maraming transisyonal at papaunlad na mga bansa dahil ang badyet ng pamahalaan ay halos buong kinokontrol ng ehekutibong sangay (pangulo). Ito ay nagpapawalang halaga sa separasyon ng mga kapanyarihan dahil ito ay lumilikha ng mahalagang pangsalaping pagsalalay ng hudikatura. Ang angkop na pambansang distribusyon ng kayamanan kabilang ang paggasta ng pamahalaan sa hudikatura ay paksa ng ekonomikang konstitusyonal. Mahalagang kilalanin ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang paraan ng korupsiyon sa hudikatura: ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagpaplano ng badyet at iba't ibang mga pribilehiyo at sa pribado. Ang mga kasapi ng pamahalaan ay maaaring sumantala sa mga mapagkukunang pampolitika (halimbawa ang mga diamante o langis sa ilang mga kilalang kaso) o mga pag-aari ng estadong produktibong industriya. Ang isang bilang ng mga tiwalang pamahalaan sa buong mundo ay nagpayaman sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng tulong pandayuhan na karaniwang ginugugol ng mga ito sa mga magagara at nagpapasikat na mga gusali at mga sandatang pangmilitar.

Sa kapulisan

baguhin

Ang korupsiyon ng kapulisan ay isang spesipikong anyo ng maling pag-aasal sa kapulisan na ginagawa upang magkamit ng mga benepisyong pansalapi, iba pang kapakinabangan o pagpapasulong ng kanilang karera.Kabilang sa mga karaniwang anyo ng korupsiyon ng kapulisan na hindi pagsunod sa sinumpaang kodigo ng pag-aasal ng mga pulis ang sumusunod:

  • Pagtanggap ng suhol kapalit ng pagpoprotekta sa mga ilegal na gawain. Kabilang dito ang hindi pag-uulat o pag-aresto sa mga organisadong sindikato ng illegal na droga, prostitusyon, o iba pang mga ilegal na gawain.
  • Pagtanggap ng suhol kapalit ng hindi pagpupursigi o pag-aresto o pamimili ng pinupursiging kaso.
  • Pagtanggap ng suhol kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket sa paglabag ng batas trapiko ng isang motorista. Kung ang suhol ay hindi inalok ng nanuhol kundi hiningi o inatas ng isang pulis, ito ay tinatawag na pangongotong, pangingikil o extortion.
  • Paghahain ng pineke o itinanim na ebidensiya o frameup gaya ng droga sa isang walang salang suspek upang maprotektahan ang ibang indibidwal. Kabilang din dito ang paggamit ng pagpapahirap sa isang walang salang suspek upang paaminin sa kasalanang hindi nito ginawa.
  • Pag-abuso sa kapangyarihan sa pamamagitan ng paggamit ng pananakot ng aresto o dahas sa ibang tao upang makuha ang gusto. Ito ay isang uri ng pangingikil.
  • Sa ibang instansiya, ang mga mismong opiser na pulis ay lumalahok sa mga organisadong krimen.

Sa karamihan ng mga malalaking siyudad, may mga seksiyon ng internal affairs upang imbestigahan ang pinagsusupetsahang korupsiyon o maling pag-aasal ng isa o maraming mga pulis.

Sa hudikatura

baguhin

Ang korupsiyon ay nangyayari rin sa sistemang hudikatura ng isang bansa. Ang mga kurakot na hukom (judge) na tumatanggap ng suhol ay magbababa ng desisyong pabor sa nanuhol at sa gayon ay nasisira ang integridad ng hustisya at pagiging patas ng sistemang korte.[9]

Sa pamamahayag

baguhin

Ang korupsiyon ay nangyayari rin sa pamamahayag (media).[10] Kabilang sa mga korupsiyon sa pamamahayag ang:

  • Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik o hindi paglalantad ng katiwalian ng isang indibidwal o kompanya. Sa ibang kaso, ang suhol ay hinihingi o kinikikil ng mamamahayag kapalit ng pananahimik sa paglalantad ng katiwalian o paglalantad ng hindi totoong kuwento na makasisira sa isang indbidwal o kompanya. Ang tawag dito ay blackmail.[10][11]
  • Pagtanggap ng suhol kapalit ng pagsusulat ng papuri o mga hindi totoong kuwento tungkol sa isang indibidwal o isang produkto o serbisyo upang makinabang ang isang kompanya.[10]

Corruption Perceptions Index

baguhin
 
Ang Corruption Perceptions Index noong 2012.
     90–100      60–69      30–39      0-9
     80–89      50–59      20–29      No Information
     70–79      40–49      10–19

Simula 1995, ang Transparency International (TI) ay naglilimbag ng Corruption Perceptions Index (CPI) na taunang rumaranggo sa mga bansa "ayon sa kanilang mga natatantong lebel ng korupsiyon na tinutukoy ng mga pagtatasa ng mga eksperto at mga opinyong survey".[12] Pangkalahatang inilalarawan ng CPI ang korupsiyong pampolitika bilang "hindi angkop na paggamit ng kapangyarihang pampubliko para sa kapakinabangang pampribado."[13]

Nirarangguhan ng CPI ang mga 176 bansa sa isang iskala mula 100(napakalinis o korupsiyon) hanggang 0(labis na korupsiyon)[14] Sa mga nakaraang taon, ang iskala ay mula 10 hanggang 0. Sa ulat nito noong 2012, ang mga bansang nirangguhan nito na may pinakamababang natatantong lebel ng korupsiyon ang: Denmark, Finland, New Zealand, Sweden, Singapore, Switzerland, Australia, Norway, Canada, Netherlands, Iceland at Luxembourg.[15]

Korupsiyon sa Pilipinas

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.doj.gov.ph/files/7080.pdf
  2. Mathiason, Nick (2007-01-21). "Western bankers and lawyers 'rob Africa of $150bn every year". London: Observer.guardian.co.uk. Nakuha noong 2009-12-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Why benchmarking works – PSD Blog – World Bank Group". Psdblog.worldbank.org. 2006-08-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-20. Nakuha noong 2009-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Damania, Richard; Bulte, Erwin (Hulyo 2003). "Resources for Sale: Corruption, Democracy and the Natural Resource Curse" (PDF). Centre for International Economic Studies, University of Adelaide. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-09-06. Nakuha noong 2010-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Soutik Biswas (1-18-2011). "Is India sliding into a hereditary monarchy?". BBC. BBC News. Nakuha noong 3 Setyembre 2011. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  6. Deo, Manjeet; Kripalani (2011-08-05). "The Gandhi dynasty: Politics as usual". Rediff. Rediff News. Nakuha noong 3 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Lessons From the North". Project Syndicate. Nakuha noong 2009-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Privatization in Competitive Sectors: The Record to Date. Sunita Kikeri and John Nellis. World Bank Policy Research Working Paper 2860 Hunyo 2002. Econ.Chula.ac.th Privatization and Corruption. David Martimort and Stéphane Straub. IDEI.fr
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-15. Nakuha noong 2013-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-03-05. Nakuha noong 2013-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. http://www.thestar.com/news/2007/03/18/blackmail_journalism_on_the_rise_in_china.html
  12. Transparency International (2011). "Corruption Perceptions Index". Transparency International. Transparency International. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-19. Nakuha noong 1 Disyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. CPI 2010: Long methodological brief, p. 2
  14. Transparency International (2012). "Corruption Perceptions Index 2012: In detail". Transparency International. Transparency International. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-13. Nakuha noong 24 Agosto 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Corruption Perceptions Index 2012. Full table and rankings Naka-arkibo 2013-11-29 sa Wayback Machine.. Transparency International. Retrieved: 4 Pebrero 2013.