Kumbensiyong Konstitusyonal ng Pilipinas ng 1934

Ang Kumbensiyong Konstitusyonal ng Pilipinas ng 1934 ay ang pagtitipon ng mga hinalal na delegado upang bumalangkas ng saligang-batas para pamahalaang itatatag na Komonwelt ng Kapuluang Pilipinas alinsunod sa Batas Tydings-McDuffie at Batas Blg. 4125 ng Lehislaturang Pilipino. Binuo ng 202 delegado ang kumbensiyon na hinalal ng 10 Hulyo 1934[1].

Mga delegado

baguhin

Isinabatas ng Lehislaturang Pilipino noong 26 Mayo 1934 ang Batas Blg. 4125[2] na nagpapatawag ng kumbensiyong konstitusyonal alinsunod sa Batas Tydings-McDuffie na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 24 Marso 1934.[3] Naghalal ng tigalawang delegado ang bawat distritong pangkinatawan, tanging lalawigan sa Mindanao at Sulu, sub-probinsiya sa Mountain Province, at Lungsod Baguio noong 10 Hulyo 1934,[1] matapos ito ipagpaliban ni Gobernador-Heneral Frank Murphy mula sa naunang itinakdang petsa.[2][4]

Magkatulad ang kuwalipikasyon sa pagkadelegado ng kumbensiyon at pagkakinatawan sa Lehislaturang Pilipino. Sa mga nahalal, 104 ay abogado, 23 magsasaká, labindalawang negosyante, walong manggagamot, limang edukador, tatlong manggagawang panlipunan, tigalawang accountant at ministrong relihiyoso, at tig-isang optometrista, agrimensor, at peryodista.[5]

Pagtitipon

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Today in Philippine History, July 10, 1934, the Filipino voters elected delegates to a constitutional convention" (sa wikang Ingles). The Kahimyang Project. Hulyo 9, 2012. Nakuha noong Pebrero 2, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Act No. 4125[patay na link].
  3. Tydings-McDuffie Act (Pub.L. 73–127).
  4. Proklamasyon Blg. 694, s. 1934.
  5. "Delegates to the 1934 Constitutional Convention According to Province". RR's Philippine Almanac: Book of Facts 1990 (sa wikang Ingles). Lungsod Quezon: Aurora Publications. 1990. p. 250. ISBN 971-588-000-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)