Subic–Clark–Tarlac Expressway
Ang Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx) ay isang 93.77 kilometrong (58.27 milya) pang-apatan na mabilisang daanan (expressway) sa hilaga ng Maynila na ginawa ng Bases Conversion and Development Authority, isang korporasyon na pagmamayari at pinamamahalaan ng gobyerno sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Sinimulan ito noong Abril 5, 2005, ang SCTEX ang pinakamahabang mabilisang daanan ng bansa. Nagsimula ang operasyon noong Abril 28, 2008 kung saan ang bahagi ng Subic-Clark at bahaging Zone A ng Clark-Tarlac ay binuksan. Ang pagbubukas ng Zones B at C ng natitirang bahagi ng Clark-Tarlac ay hudyat ng ganap na operasyon ng mabilisang daanan.[1]
Subic–Clark–Tarlac Expressway | |
---|---|
NLEx Extension Phase 1 | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 93.8 km (58.3 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | E1 (Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway) / N58 (Daang Santa Rosa–Tarlac) sa Lungsod ng Tarlac |
| |
Dulo sa timog | E4 (Subic–Tipo Expressway) sa Hermosa, Bataan |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | |
Mga bayan | |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang SCTEX ay naglalayong gawing isang pandaigdigang sentro ng logistics sa Asya-Pasipiko ang gitnang Luzon sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga gawaing pangkabuhayan sa Subic Bay Freeport Zone, Clark Freeport Zone, at Central Techno Park sa Tarlac at upang maiugnay ang mga pangunahing imprastraktura tulad ng puwerto sa Subic at ang Paliparang Pandaigdig ng Clark sa Angeles, Pampanga.
Ang pinakatimugang dulo ng SCTEX ay nasa Barangay Tipo sa Hermosa, Bataan, patungong Subic Bay Freeport Zone sa Zambales; dadaan ito sa Clark Freeport Zone sa dalawang palitan: Clark North at Clark South. Ang mabilisang daanan na ito ay nakadugtong sa North Luzon Expressway sa pamamagitang ng palitan sa Mabalacat at ang pinakahilangang dulo ay nasa Brgy. Amucao sa Lungsod ng Tarlac patungong Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.
Ang mabilisang daanan ay tumatawid sa apat na mga ilog sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang mga ito ay Ilog Dinalupihan sa Bataan, Ilog Gumain sa Floridablanca, Ilog Pasig-Potrero sa Porac (kapuwa ay matatagpuan sa lalawigan ng Pampanga), at Ilog Sacobia sa Bamban, Tarlac.
Paglalarawan ng ruta
baguhinAng kabuuan ng SCTEX ay itinayo bilang isang pang-apatan (four-lane) na mabilisang daanan na karamihan ay inilatag sa pilapil. Lahat ng mga labasan ay nangangailangan ng bayarin, at inilagay ang mga tarangkahang pambayad sa mga dulo ng mabilisang daanan. Binigyan ang mabilisang daanan ng mga bilang na E4 at E1; nasa Labasan ng Mabalacat ang pagbabagong-ruta. Ang bahagi ng mabilisang daanan mula Palitan ng Mabalacat hanggang Labasan sa TPLEX ay bahagi ng pinaglumaang Daang Radyal Blg. 8 (R-8) bago ang paglunsad ang panibagong sistemang pamilang ng mga mabilisang daanan at lansangan.
Tipo papuntang Mabalacat
baguhinNagsisimula ang SCTEX sa silangang dulo ng Subic–Tipo Expressway sa Barangay Tipo, Dinalupihan, Bataan. Itinayo ang mabilisang daanan sa tabi ng mas-lumang Abenida Jose Abad Santos/Daang Olongapo–Gapan (N3) hanggang sa Labasan ng Dinalupihan, kung saan liliko nang pahilaga ang mabilisang daanan. Dadaan ang Abenida Jose Abad Santos sa ilalim ng SCTEX, at tatawid dito ang 230 kV na linyang transmisyon ng Hermosa-Olongapo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Susunod ang mabilisang daanan sa isang pangkaramihang deretsong ruta hanggang sa Floridablanca, pagpasok ng Pampanga, kung saan liliko ang mabilisang daanan pahilagang-silangan bago ang Labasan ng Floridablanca. Liliko naman ito pahilagang-kanluran at pahilagang-silangan muli bago ang Labasan ng Porac. Alviera, isang mixed-use na pook na kasalukuyang inuusbong sa Porac, ay matatagpuan malapit sa Labasan ng Porac na nagsisilbing pasukan nito papunta at mula sa mabilisang daanan. Tatawid naman ang SCTEX sa Ilog Pasig-Potrero pagdating nito sa Angeles, at liliko pasilangan at pagkatapos ay pahilaga malapit sa Clark Freeport at Paliparang Pandaigdig ng Clark. Ang Labasan ng Clark South, na nagsisilbi sa mga lugar na ito, ay matatagpuan malapit sa Palitan ng Mabalacat; magkahiwalay nang isang kilometro ang dalawang palitan sa isa't-isa. Ang dulo ng bahaging ito ay matatagpuan sa Palitan ng Mabalacat, kung saan matatagpuan ang Clark Spur Road na dumudugtong sa SCTEX at North Luzon Expressway.
Mabalacat papuntang Tarlac City
baguhinAng mabilisang daanan ay magiging sakop ng Daang Radyal Blg. 8 sa Palitan ng Mabalacat, kung saan mag-iiba ang pangunahing paroroonan sa Lungsod ng Tarlac at Baguio. Dadaan ang mabilisang daanan sa hangganan ng Clark Freeport at kabayanan ng Mabalacat, kung saan matatagpuan din ang napabayaang pangunahing linya ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) papuntang Dagupan at San Fernando. Kalinya nito ang Lansangang MacArthur (N2) hanggang sa Lungsod ng Tarlac.
Pag-alis ng Clark Freeport, tutumbukin ng SCTEX ang Labasan ng Clark North, kung saan liliko ito at tatawid sa Lansangang MacArthur sa Barangay Dolores, kung saan ang isang half-partial na interkambiyong trebol, ang Labasan ng Dolores, ang kumokonekta sa dalawa. Ang nabanggit na labasan ay nagsisilbi lamang sa mga sasakyang pahilaga. Papasok sa mabilisang daanan ang isa pang 230 kV na linyang transmisyon ng NGCP paglapit ng Labasan ng Dolores, at dadaan sa kahabaan nito—karamihan sa mga de-bakal na mga toreng poste—hanggang sa Concepcion, Tarlac, kung saan ang linya—isang linyang dobleng sirkito—ay liliko pahilaga papuntang Concepcion Substation sa loob ng munisipalidad. Paglapit ng Tarlac, tatawid ang mabilisang daanan sa ibabaw ng Ilog Sacobia sa pamamagitan ng Biyadukto ng Sacobia. Ang mga unang pook serbisyo sa mabilisang daanan, isa na naglilingkod sa mga sasakyang pahilaga at isa pa sa mga sasakyang patimog, magkahiwalay nang isang kilometro, ay matatagpuan bago ang Labasan ng Concepcion. Ang mga linyang transmisyon mula Clark hanggang Concepcion ay inilipat mula sa mga gilid ng mabilisang daanan upang maglaman ng mga pook serbisyo at ang kanilang mga karugtong sa hinaharap. Dadaan ang mabilisang daanan malapit sa poblasyon ng Concepcion, at pagkatapos ay sa ibabaw ng lupang pansaka ng Lungsod ng Tarlac at La Paz. Dadating naman ito sa Labasan ng Hacienda Luisita na nagsisilbi sa Hacienda Luisita gayundin sa Lansangang MacArthur sa kanluran at mga barangay sa kahabaan ng kumokonektang daan nito. Paglampas, dadating ito sa hilagang dulo ng mabilisang daanan sa Labasan ng Lungsod ng Tarlac. Isang bagong tarangkahang pambayad na itinayo sa pangunahing ruta ay nagsisilbi sa Labasan ng Lungsod ng Tarlac; sa pagbubukas nito tinanggal ang mga tarangkahang pambayad sa nasabing labasan. Dito rin matatagpuan ang palitan sa hinaharap patungong Central Luzon Link Expressway. Paglampas ng Labasan ng Tarlac, ang Subic–Clark–Tarlac Expressway ay magiging Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) pahilaga.
Kasaysayan
baguhinPagtatayo
baguhinSinimula ang Proyektong Subic–Clark–Tarlac Expressway o Proyektong SCTEx sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada na may orihinal na halaga na ₱15.73 bilyon. Sinimula ang pagtatayo noong 2005 sa ilalim ng pamahalaan ni noo'y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ang pinakamahabang mabilisang daanan sa Pilipinas na kumokonekta ng Subic, Clark, at Tarlac. Natapos ito na may halaga ng proyekto na higit sa ₱34.9 bilyon.[2]
Ang orihinal na proyekto ng pang-apatang mabilisang daanan ay inihati sa dalawang pangunahing bahagi. Ang unang bahagi, ang bahaging Subic-Clark, ay may habang 50.5 kilometro (31.4 milya); ang ikalawang bahagi, ang bahaging Clark-Tarlac, ay may habang 43.27 kilometro (26.89 milya). Ang nagsagawa ng pagtatayo sa unang bahagi ay Kajima-Obayashi-JFE Engineering-Mitsubishi (KOJM) Joint Venture, habang ang Hazama-Taisei-Nippon Steel (HTN) Joint Venture naman ang nagsagawa ng pagtatayo sa ikalawang bahagi.
Ang kabuuang halaga ng SCTEX ay ₱34.907 bilyon. Pitumpu't-walong porsyento (78%) ng halaga ay pinondo sa pamamagitan ng pautang mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) - na may antas ng tubo na 0.95% kada taon. Dalawampu't-dalawang porsyento (22%) naman ay kumakatawan sa kapilas nito na BCDA.
Ang kabuuang halaga ng pagtatayo sa mabilisang daanan ay ₱34.957 bilyon (US $735000822.53). Nagmula ito sa isang pautang mula sa Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na nagkakahalagang ¥41.93 bilyon o ₱23.06 bilyon-na may antas ng tubo na 0.95% kada taon.[3][4][5][6]
Soft opening
baguhinNoong ika-18 ng Marso, 2008, sa eksaktong 1 p.m., binuksan ni Pangulong Arroyo ang bahaging Subic - Clark ng Subic–Clark–Tarlac Expressway para sa Dry Run sa Mahal na Araw. Tinulungan nito ang mga motorista na nagdiriwang ng Mahal na Araw sa Zambales at Bataan. Ang Dry Run ay libre at para lamang sa mga Class 1 na sasakyan. Ang Dry Run ay mula ika-18 ng Marso, 1 p.m. hanggang 5:30 p.m., at ika-19 hanggang 24 ng Marso, 5:30 a.m. hanggang 5:30 p.m. sapagkat wala pang mga ilaw ang mabilisang daanan.
Pagbubukas ng bahaging Subic - Clark
baguhinNoong ika-28 ng Abril 2008 sa eksaktong alas-dose ng tanghali, ipinahayag ng BCDA na bukas na para sa lahat na mga sasakyan ang bahaging Subic - Clark ng Subic–Clark–Tarlac Expressway. Sinabi ng BCDA na ang oras ng paglalakbay mula Maynila papuntang Subic sa pamamagitan ng North Luzon Expressway ay aabot na lamang sa isang oras at apatnapung minuto habang ang oras ng paglalakbay mula Clark papuntang Subic ay aabot na lamang sa 40 minuto. Ang paglabas sa Dolores (dating Labasan ng Clark North A) ay tutuloy sa Lansangang MacArthur.
Pagbubukas ng bahaging Clark - Tarlac
baguhinNoong ika-25 ng Hulyo, 2008 12:01 ng madaling araw, ipinahayag ng BCDA ang pagbubukas ng bahaging Clark - Tarlac ng Subic–Clark–Tarlac Expressway. Ang oras ng paglalakbay mula Clark papuntang Tarlac ay nabawas sa 25 minuto lamang at aabot na lamang sa isang oras at limang minuto (o 65 minuto) ang paglalakbay sa kabuuang haba ng SCTEx. Gayundin, ang oras ng paglalakbay mula Maynila papuntang Tarlac sa pamamagitan ng NLEx at SCTEx ay aabot na lamang sa isang oras at 25 minuto.
Pamamahala at pangangasiwa
baguhinAng mabilisang daanan ay bahagi ng Proyektong Subic–Clark–Tarlac Expressway (o SCTEP) ng Bases Conversion and Development Authority na naglalayong maiugnay ang mga ecozone ng Subic at Clark. Ang magkasosyong First Philippine Infrastructure Development Corporation (FPIDC), Tollways Management Corporation at Egis Projects, ang mga concessionaire ng North Luzon Expressway, ang maghahawak ng lahat ng mga pagpapatakbo at pagpapanatili sa mabilisang daanan. Ang First Philippine Infrastructure Development Corporation ay isang sangay ng First Philippine Holdings, isang holding company sa ilalim ng Lopez Group of Companies na may pangunahing puhunan sa enerhiya at mga mabilisang daanan, at estratehikong panimula sa ari-arian at paggawa. Ibinenta sa Metro Pacific Investments Corporation ang FPIDC noong 2008.
Inilagda noong ika-25 ng Hulyo 2011 ang kasunduan ng negosyo at pagpapatakbo ng SCTEX sa pagitan ng BCDA at Manila North Tollways Corporation (MNTC), at mga holdings company nito na Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) at Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Sa ilalim ng kasunduang ito, ang MNTC ang magpapatakbo at mamamahala ng SCTEX sa 33 taon, habang pinagiginhawaan ang BCDA sa mabigat na pananagutang pinansyal na pagbabayad ng ₱34-bilyon na utang sa Japan International Cooperation Agency (JICA). Sa pamamagitan ng nasabing kasunduan, maituturing na itinayo ang SCTEX na walang ginastusang halaga sa pamahalaan.
Mga kaugnay na pagpapaunlad
baguhinAng ₱25.737 bilyon ng kabuuang halaga ay kumakatawan sa mga direktang halaga tulad ng mga naging gastusin sa pagtatayo ng SCTEX. Kabilang sa mga nakapaloob sa hindi direktang halaga na ₱7.146 bilyon ay ang pagbili ng lupa, mga serbisyong pagsangguni, mga gastos sa pamamahala ng proyekto, at mga buwis. Kabilang sa mga halagang pananalapi na ₱2.074 bilyon ay ang guarantee fee ng Kagawaran ng Pananalapi at patubo ng pautang ng JBIC noong panahon ng pagtatayo. Inapruba ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga bayarin sa mabilisang daanan.[7]
Mga bayarin
baguhinIsang sistemang nakasara ang sistemang bayarin ng Subic–Clark–Tarlac Expressway na gumagamit ng mga kard na may mga magnetic strip, at mula Marso 2016 inilunsad ang sistemang de-kuryente sa pangongolekta ng bayarin (electronic toll collection), gamit ang sistemang Easytrip ng concessionaire nito, Manila North Tollways Corporation, at kalaunan ay isinama ang sistemang bayarin nito sa sistemang bayarin ng North Luzon Expressway. Bago mag-Marso 2016, ang sistemang bayarin ay nagiisa nang husto, na isinasagawa ang pangongolekta ng bayarin mula NLEX at gayundin naman pa-NLEX sa isang tarangkahang pambayad sa Clark Spur Road sa Mabalacat, hanggang sa paggiba nito kasunod ng pagiisa ng sistemang bayarin.
Noong Marso 2016, natapos ang pagsasama-sama ng NLEX at SCTEX, ganap sa pag-aalisan ng mga tao noong Mahal na Araw. Kabilang sa mga panukalang pagsasama-sama na nagkakahalagang ₱650 milyon ay ang pagbabawas ng mga hintuang pangongolekta ng bayarin (toll collection stops), pagtatayo ng mga karagdagang tarangkahang pambayad at ang pagbabago ng sistemang de-kuryente sa pangongolekta ng bayarin ng mga dalawang mabilisang daanan sa iisang sistema.[8]
Uri ng sasakyan | Bayad |
---|---|
Class 1 (Mga kotse, motorsiklo, SUV, at dyipni) |
₱2.67/km |
Class 2 (Mga bus at magaan na trak) |
₱5.35/km |
Class 3 (Mga mabigat na trak) |
₱8.03/km |
Mga pook serbisyo
baguhinMula 2016, ang Subic–Clark–Tarlac Expressway ay may dalawang pook serbisyo (service areas) sa Concepcion, Tarlac, sa hilaga ng Ilog Sacobia. Isa sa mga pook serbisyo ay nasa linyang pahilaga at ang isa pa ay nasa linyang patimog. Ang pook serbisyo sa linyang pahilaga ay binubuo ng isang estasyong gas ng PTT at isang tindahan ng 7-Eleven. Ang pook serbisyo sa linyang patimog ay binubuo ng isang estasyong gas ng Seaoil at CityMall, isang pamilihan. Kalakip sa kapuwang mga pook serbisyo ang panghinaharap na karugtong upang may espasyo para sa karagdagang espasyong tingian (retail) at paradahan.
Talaan ng mga Labasan
baguhinMga labasan sa SCTEX Main
baguhinKailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ang mga paglabas ay binibilang ng mga posteng kilometro. Ang mga labasan sa hilaga ng NLEx ay nagpapatuloy ng pag-numero mula sa NLEx. Hindi pa malinaw kung saan matatagpuan ang kilometrong zero para sa mga labasan sa timog ng NLEx.
Lalawigan | Lungsod/Bayan | km | mi | Labasan | Pangalan | Mga paroroonan | Mga nota | |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bataan | Hermosa | 91 | 57 | 91 | Tipo | E4 (Subic–Tipo Expressway) – Subic | Pasilangang labasan at pakanlurang pasukan. Tumutuloy bilang E4 (Subic–Tipo Expressway). | |
91 | 57 | Tarangkahang Pambayad ng Tipo (Easytrip at kabayarang pansalapi, makatapos ng Tipo interchange) | ||||||
Dinalupihan | 107 | 66 | 107 | Dinalupihan | N301 (Roman Superhighway) – Dinalupihan, Hermosa | Palitang trumpeta. Nagdudugtong sa SCTEx at Roman Superhighway. | ||
Pampanga | Floridablanca | 117 | 73 | Pahingahan at palikuran (Patimog) | ||||
124 | 77 | Pahingahan at palikuran (Pahilaga) | ||||||
125 | 78 | 125 | Floridablanca | Floridablanca | Palitang trumpeta; papuntang Basa Air Base | |||
Porac | 139 | 86 | 139 | Porac | Porac | Palitang trumpeta; paputnang Alviera | ||
Tulay sa taas ng Ilog Pasig - Potrero | ||||||||
Angeles | Walang pangunahing bagtasan | |||||||
Mabalacat | 149 | 93 | 149 | Clark South | Paliparang Pandaigdig ng Clark, Clark Global City, Angeles | Palitang nakatuklap na diyamante o palitang partial cloverleaf; patungong Clark Special Economic Zone gamit ang Clark Gateway at Abenida Manuel A. Roxas. | ||
150– 88 | 93– 55 | 150 | Mabalacat | E1 (Clark Spur Road) – NLEx, Maynila, Mabalacat | Palitang trumpeta. Nakakaratula bilang exit 88 patimog. | |||
91 | 57 | 91 | Clark North | Paliparang Pandaigdig ng Clark, Clark Special Economic Zone | Palitang hugis-T | |||
93 | 58 | 93 | Dolores | N2 (MacArthur Highway) – Dolores, Bamban | Palitang kalahating Y o palitang nakatuklap na diyamante. Pahilagang labasan at patimog na pasukan lamang. Dumudugtong sa MacArthur Highway. | |||
Tarlac | Bamban | Pangunahing Tulay ng Sacobia Bamban sa taas ng Ilog Sacobia | ||||||
100 | 62 | New Clark City | Bamban, New Clark City | Palitang trumpet; patungong New Clark City | ||||
Concepcion | 101 | 63 | PTT SCTEX (pahilaga) | |||||
102 | 63 | Seaoil SCTEX (patimog) | ||||||
103 | 64 | 103 | Concepcion | N213 (Daang Magalang–Concepcion) – Concepcion, Capas | Palitang trumpeta. | |||
Lungsod ng Tarlac | 118 | 73 | 118 | Hacienda Luisita | Hacienda Luisita | Palitang kalahating trumpeta. Pahilagang labasan at patimog na pasukan.Patungong Hacienda Luisita Industrial Park | ||
Tarangkahang Pambayad ng Hacienda Luisita (2013-2014, tinanggal) | ||||||||
Tarangkahang Pambayad ng Tarlac (Easytrip at kabayarang pansalapi, mula Marso 18, 2016) | ||||||||
122 | 76 | 122 | Tarlac | N58 (Daang Santa Rosa–Tarlac) – Baguio, Tarlac City, La Paz, Cabanatuan | Palitang kalahating Y o palitang nakatuklap na diyamante. Palitang trumpeta patungong Central Luzon Link Expressway sa hinaharap. Tinanggal na ang tarangkahang pambayad sa palitan na ito. Tumutuloy pahilaga bilang E1 (Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway). | |||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Mga labasan sa Clark Spur Road
baguhinAng buong ruta matatagpuan sa Mabalacat, Pampanga.
km | mi | Labasan | Pangalan | Mga paroroonan | Mga nota | |||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
E1 (NLEX) – Maynila | Palitang kalahating Y. Silangang dulo. Palitang trumpeta sa hinaharap. | |||||||
Mabiga | N2 (MacArthur Highway) – Mabalacat | Palitang diyamante. | ||||||
Tarangkahang Pambayad ng Mabalacat (mga bayad gamit ang salapi) (tinanggal) | ||||||||
E1 (SCTEX Main) – Subic, Lungsod ng Tarlac, Baguio | Palitang trumpeta. Kanlurang dulo. | |||||||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Mga labasan sa New Clark City Access Road
baguhinAng buong ruta matatagpuan sa Tarlac. Ito ay tinatawag ding NCC-SCTEx Access Road o SCTEx-NCC Access Road.
Lungsod/Bayan | km | mi | Labasan | Pangalan | Mga paroroonan | Mga nota | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bamban | SCTEx | E1 (SCTEX Main) – Subic, Baguio | Palitang trumpeta | |||||
Tarangkahang pambayad ng Bamban | ||||||||
Bamban | N2 (Lansangang MacArthur) – Bamban, Capas | Palitang hugis dahon ng clover | ||||||
Capas | New Clark City | New Clark City | ||||||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Tingnan din
baguhinMga Sanggunian
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-29. Nakuha noong 2014-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mar markets Noynoy" (sa wikang Ingles). Daily Tribune. Nakuha noong 15 Nobyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "SCTEx delay worsens as Japan firm seeks new extension - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos" (sa wikang Ingles).[patay na link]
- ↑ "BCDA, Japanese contractor asked to explain SCTEx delay - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos" (sa wikang Ingles).[patay na link]
- ↑ "Arroyo adviser says SCTEx extension OKd - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos".[patay na link]
- ↑ "Arroyo order: Open SCTEx, interchanges on time - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-22. Nakuha noong 2017-04-28.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "It's P27.2 billion for SCTEX, in total". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-22. Nakuha noong 2017-04-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lazaro, Ramon Efren (19 Marso 2016). "NLEX, SCTEX integrated, eases northbound travel" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 22 Marso 2016.
{{cite news}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)