Abenida Taft
Ang Abenida Taft (Ingles: Taft Avenue) ay isang pangunahing daan at lansangan sa Kalakhang Maynila. Dumadaan ito sa tatlong pangunahing lungsod ng punong rehiyon: Maynila, Pasay, at Parañaque. Galing ang pangalan nito mula sa dating gobernador-heneral ng Pilipinas at pangulo ng Estados Unidos na si William Howard Taft. Ang Pilipinas ay dating teritoryo komonwelt ng Estados Unidos sa unang kalahating bahagi ng ika-dalawampu dantaon.
Abenida Taft Taft Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N150 / N170 (Abenida Padre Burgos) sa Maynila |
| |
Dulo sa timog | Daang Redentorista sa Baclaran, Parañaque |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Maynila, Pasay, Parañaque |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Isang bahagi ng Daang Radyal Blg. 2 (R-2) ng sistemang pamilang ng mga daan ng Kamaynilaan ang Abenida Taft. Bahagi rin ito ng N170 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Dumadaan sa ibabaw ng abenida ang Unang Linya ng LRT-1.
Kasaysayan
baguhinAng pagpapatayo sa abenida, na tinawag noong Calle Rizal, ay natapos noong 1899. Ang hilagang dulo nito ay sa Calle Bagumbayan (Abenida Padre Burgos ngayon), at ang katimugang dulo nito ay sa Calle Herrán. Ang mga inhinyero na sina Manny Aquino at Robin Santos ang nanguna sa pagpapahaba ng abenida noong 1911, at pinangalanan na itong Manila Road (o Calle Manila). Subalit ayon sa isang mapa ng Maynila na inilathala ng Office of Department Engineer, Philippine Department noong 1915, ang abenida ay nakapangalang Taft Avenue[1] Pinahaba ito patungong Calle Vito Cruz noong 1940, sa tugatog ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa panahon ng pagokupa ng mga Hapones sa Pilipinas. Pinahaba pa ito patungong Calle Buendia noong 1959, at pinangalanan na itong Ermita–Pasay Boulevard o Highway 50. Pinahaba pa ito patungong Kalye P. Lovina o Ekstensyon ng Highway 54; ang bahaging ito ay tinawag na Mexico Road. Noong 1984, pinagsama ang Ermita–Pasay Boulevard at Mexico Road at binigyan ng bagong pangalang William Howard Taft Avenue. Sa parehong taon din ibinuksan sa publiko ang Linyang LRT-1, ang kauna-unahang nakaangat na mga daang-bakal sa Pilipinas.
Paglalarawan ng ruta
baguhinNagsisimula ang Abenida Taft mula sa Abenida Elpidio Quirino sa Baclaran, Parañaque. Dadaan naman ang abenida pahilaga-silangan sa EDSA (Abenida Epifanio de los Santos) sa Pasay, at pagkatapos ay pahilaga sa Abenida Arnaiz (dating Calle Libertad/Pasay Road) at Abenida Gil Puyat (dating Calle Buendia) sa parehong lungsod, at Kalye Pablo Ocampo (Vito Cruz), Abenida Quirino (Harrison Boulevard), Kalye San Andres, Kalye Pedro Gil (Calle Herrán), Kalye Padre Faura (Calle Observatorio), Abenida ng United Nations (Calle Isaac Peral), Abenida Kalaw (Calle San Luis), at Kalye Pananalapi (o Finance Drive) sa Maynila. Ang abenida ay magiging Abenida Padre Burgos pagkaraan ng Kalye Pananalapi sa harap ng Gusaling Panlungsod ng Maynila, at maghihiwalay ito sa tatlong tulay at kalaunan, mga kalye: Bulebar Quezon, Abenida Rizal, at Kalye Quintin Paredes.
Pampublikong transportasyon
baguhinMapapasukan ang Abenida Taft sa pamamagitan ng mga dyipni at taksi, at ng mga sistemang riles na panlulan na LRT-1 at MRT-3. Ang abenida ay kinalalagyan ng ilan sa mga estasyon ng LRT-1, ang mga ito ay EDSA (palitan sa Estasyong Taft Avenue ng MRT-3), Libertad, Gil Puyat, Vito Cruz, Quirino, Pedro Gil, at United Nations.
Mga kilalang pook-palatandaan
baguhinIsa sa mga dalawang pasukan ng Liwasang Rizal ay nasa Abenida Taft (ang isa pa ay nasa Bulebar Roxas), na malapit din sa Pambansang Museo ng Sining at Pambansang Museo ng Antropolohiya. Ang abenida ay kinaroroonan din ng (o malapit sa) mga gusaling pampamahalaan, tulad ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, Hukuman ng Apelasyon ng Pilipinas, Kagawaran ng Turismo, Kawanihan ng Paghahalaman, Ospital Heneral ng Pilipinas, at Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat. Ang tanggapan ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan sa Rehiyon ng Kanlurang Pasipiko ay matatagpuan sa Abenida Taft kasunod ng Estasyong United Nations ng LRT. Sa Abenida Taft din matatagpuan ang Pambansang Katedral ng Banal na Sanggol (Holy Infant Jesus) ng Iglesia Filipina Independiente.
Bilang bahagi ng Sinturon ng mga unibersidad (University Belt), may mga institusyong edukasyon sa kahabaan ng abenida. Kabilang sa mga ito ay Pamantasang De La Salle Maynila, Unibersidad ng Pilipinas Maynila, Pamantasang Kristiyano ng Pilipinas, Pamantasang Pambabae ng Pilipinas, at Pamantasang Normal ng Pilipinas. Direktang nakaharap din sa abenida ang De La Salle–College of Saint Benilde, Dalubhasaan ng Santa Isabel, Kolehiyong Emilio Aguinaldo, Mataas na Paaralan ng Araullo, at Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Map of city of Manila and vicinity". Library of Congress.
Mga ugnay panlabas
baguhin- National Museum of the Philippines Naka-arkibo 2021-09-17 sa Wayback Machine.