Pinoy Big Brother: Double Up

(Idinirekta mula sa Johan Santos)

Ang Pinoy Big Brother: Double Up ay ang ikatlong regular na edisyon ng Pinoy Big Brother, na nagsimula noong 4 Oktubre 2009 sa ABS-CBN. Sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, at Bianca Gonzalez nananatiling host ngayong edisyon.[1][2]

Pinoy Big Brother
 
Double Up (2009)
Name Entry Exit      
Melisa Araw 1  Araw 133   
Paul Jake Araw 1  Araw 133   
Jason Araw 1  Araw 133   
Johan Araw 7  Araw 133   
Tibo Araw 7  Araw 115   
Mariel Araw 1  Araw 126   
Kath Araw 7  Araw 119   
Hermes Araw 7  Araw 112   
Cathy Araw 7  Araw 112   
Sam Araw 43  Araw 98   
Rica Araw 7
Araw 105 
Araw 91
Araw 119 
 
Patrick Araw 7
Araw 105 
Araw 84
Araw 112 
 
Carol Araw 1  Araw 77   
Rocky Araw 43  Araw 67   
Yuri Araw 1
Araw 105 
Araw 64
Araw 119 
 
Rob Araw 7
Araw 105 
Araw 56
Araw 112 
 
Patria Araw 7  Araw 49   
Tom Araw 1
Araw 105 
Araw 42
Araw 107 
 
Delio Araw 1
Araw 105 
Araw 35
Araw 112 
 
Yhel Araw 1  Araw 26   
Princess Araw 1
Araw 105 
Araw 22
Araw 119 
 
Jimson Araw 7  Araw 21   
JM Araw 1  Araw 5   
Kenny Araw 1
Araw 107 
Araw 5
Araw 112 
 
Toffi Araw 1  Araw 5   
JP Araw 1  Araw 3   
Legend
Nominado
Napalabas
Boluntaryong Lumabas
Sapilitang Napalabas
Evicted; Re-entered as House Player

Mayroong dalawang awdisyon para sa panahong ito. Ang una ay naganap noong huling mga buwan ng taong 2007 sa iba't ibang pangunahing lungsod dito sa Pilipinas, kasama na rin ang mga lungsod ng Madrid, Milan, at Dubai. Ang mga awdisyong iyon din ang nagluwal sa mga naging kasambahay para sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus. Ang ikalawang awdisyon para sa panahong ito, gayundin para sa ikatlong Teen Edition, ay ginanap sa ilang pangunahing lungsod dito sa Pilipinas at sa mga lungsod ng Tokyo at San Francisco. Ito ang nagtala ng bilang na 57,824 na awdisyon. Mula sa dalawang set ng awdisyon ay naiulat na limampu ang napili para sa pamimilian. Labing-apat ang pumasok sa bahay na maari pang madagdagan.

Hindi tulad ng mga nakaraang edisyon, ang bahay ay hinati sa dalawang bahagi na may parehong silid at may iisang silid para sa kumpisal, subalit ang dalawa ay dinesenyo na magkaiba. Ang una na dinisenyo na ang inspirasyon ay ang disenyo ni Antoni Gaudí, at ang ikalawang bahay na kung saan nakalagay ang ilan sa mga kopya ng likhang-sining ni Vincent van Gogh. Kasama ang dalawang pares ng kambal sa mga kasamabahay kung saan ang bawat isa sa pares ng kambal ay mamumuhay sa dalawang bahay, na lilipat sa kabila kapag naatasan. Subalit, wala ni isa man sa mga kasambahay ang nakakaalam tungkol sa kambal o kaya naman ay ang katotohanang mayroong dalawang bahay. Ang mga kambala ay makakatanggap rin ng The twins will also receive an kaligtasan sa pagkanominado para sa from nomination for pagpapalayas sa unang gabi ng nominasyon kung magtatagumpay sila sa pagpapanatili nang sikretong ito, subalit kapag inilahad nila ito pwersahan silang papalayasin.

Ang magwawagi sa panahong ito ay makakatanggap ng LCD TV set, Asian tour package, a business package, bahay at lupa, at isang milyong piso. Ang magwawagi ay magbibigay rin ng donasyon ng isang milyong piso para sa isang kawanggawa na kanilang pinili na naging katangian ng Double Up na isang edisyon ng hindi mga tanyag na taon na gumawa nito.

Ang panahong ding ito ang nagmarka ng pagbabalik ng Pinoy Big Brother UpLate, matapos mapalitan ng Pinoy Big Brother Über sa second Celebrity Edition at Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus. Ipagpapatuloy ni Mariel ang pagiging punong-abala sa Über samantalang si Bianca ang magiging punong-abala sa UpLate.

Mga Kasambahay

baguhin

May kabuuang 14 na kasambahay an pumasok sa mga bahay noong unang araw (4 Oktubre 2009), na mayroon pang posibilidad na madagdagan. Sila ay nahahati ayon sa batch kung paano sila ipinakilala at sa kung saan sila tutuloy. Ang mga kambal ay minarkahan ng magkaibang kulay.

Mga Unang Kalahok

baguhin

Ang mga sumusunod na kasambahay ang pumasok sa mga bahay noong unang araw sa pagkakasunod-sunod na sila'y ipinakita. Sila ay nakita at nawala sa entablado sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlalansi ng mahika, na mayroong tema ng mahikang pasimula.

Kasambahay (Unang Kalahok)
Pangalan Edad Pinamuhatan Paunang bahay Ika-4 na linggo Ika-6 na linggo Ika-8 linggo Ika-63/64 na araw Ika-105 na araw Ika-107 na araw (Kasalukuyan)
Paul Jake 24 Metro Cebu hA hB hB hA hA hA hA hA
Jason 21 Oriental Mindoro hA hB hB hA hA hA hA hA
Melisa 21 General Santos City hB hA hB hB hA hB hB hA hA hA
Mariel 21 Davao hB hA hA hB hA hA hA hA
Carol[3] 22 Tondo, Manila hB hA hB hB hA hB hB hA Napalabas
Yuri 25 Tokyo, Japan hB hA hA hB hA hB Napalabas hB (Nakabalik)
Tom 22 Samar/Arizona, USA hA hB hA hA hB Napalabas hB (Nakabalik) Napalabas
Delio[3] 26 Batangas hA hB Napalabas hB (Nakabalik)
Yhel 26 Pampanga hB hA Napalabas
Princess 22 Metro Cebu/Fukuoka, Japan hA Napalabas hB (Nakabalik)
Toffi 20 Rizal hB hA Napalabas
Kenny 20 Rizal hA hB Napalabas hB (Nakabalik)
JM 29 Quezon City hB hA Napalabas
JP 29 Quezon City hA hB Napalabas

Princess

baguhin

Si Princess Lieza Manzon (Kapanganakan 15 Enero 1987) ay 22 taong gulang na resepsyonista at nagtuturo ng wika mula sa Fukuoka, Japan. Umalis siya sa Pilipinas noong siya ay nasa sekondarya para manirahan kasama ang kanyang ina sa bansang Hapon. Doon niya natuklasan ang isang bagay na nagbigay sa kanya ng dahilan para mamuhay mag-isa. Hindi lamang siya ang babae na maninirahan sa Unang Bahay. Siya ay awtomatikong iminungkahi para sa pagpalayas noong ika-22 na araw para sa kanyang pagsisiwalat nang kanyang boto sa unang gabi ng nominasyon, ngunit nagpasyang siyang boluntaryong lumabas pagkatapos ng ilang oras na paglipas. Siya ay muling nakabalik sa bahay noong ika-105 na araw para maging parte ng `the Resbak Attack team`.

Si Bartolome Alberto "Tom" Mott (Kapanganakan 1 Oktubre 1987) ay 22 taong gulang na mula sa estado ng Arizona sa Estados Unidos. Siya ay nagmula sa Samar subalit nangibang-bayan at pumunta sa Estados Unidos noong siya ay labindalawang taon gulang kasama ang kanyang ama't ina na bahagi ng US Navy. Pinagtatawanan siya noong lumipat sila dahil hindi siya magaling magsalita ng wikang Ingles. Mahilig siyang gumuhit at nais ipagpatuloy ang karera sa Digital Animation. Saplitan siyang napalabas noong ika-41 na araw at lumabas noong susunod na araw dahil sa kanyang bayolenteng aksiyon na pagsuntok sa pader sa Activity Area. Siya ay muling nakabalik sa bahay noong ika-105 na araw para maging parte ng `the Resbak Attack team` at nagboluntaryong lumabas ng bahay noong ika-107 na araw dahil sa mga maling aksiyon ni Princess.

Si Delio Dimaculangan (Kapanganakan 16 Enero 1983) ay 26 na taong gulang na tagaluto mula sa Batangas. Kinailangan niyang magtrabaho sa murang edad at hindi na nakatapos ng pag-aaral. Nabuntis niya ang anak ng kanyang amo at hindi na nagawa pang makita ang kanyang anak. Nakapiling niyang muli ang kanyang asawa at anak makalipas ang dalawang taon at ngayon ay determinado na bigyan sila ng magandang buhay. Siya ay napalabas noong ika-35 na araw ngunit siya ay muling nakabalik sa bahay noong ika-105 na araw para maging parte ng `the Resbak Attack team`.

Paul Jake

baguhin

Si Paul Jake Castillo (Kapanganakan 22 Disyembre 1984) ay 24 na taong gulang na negosyante mula sa Cebu. Siya ay mula sa isang magandang pamilya at nagtayo ng sariling negosyo sa edad na 22 taong gulang. Subalit masasabi niyang mapagpakumbaba siya at kaya niyang makibagay sa kahit anong klase ng tao.

Si Jason Veron Francisco (Kapanganakan 11 Oktubre 1987) ay 21 taong gulang mula sa Oriental Mindoro. Punong-puno siya ng enerhiya sa pagpasok sa entablado. Kilala sa kanilang bayan bilang nagsisimula ng mga away at ibang kaguluhan, inaamin niya na hindi siya yaogn tipong aatras sa away. Iniidolo niya ang aktor na Robin Padilla, sinabi ni Jason na lagi niyang nakukuha ang kanyang gusto.

Melisa

baguhin

Si Melisa Cantiveros (Kapanganakan 6 Abril 1988) ay 21 taong gulang na mag-aaral, nagtuturo bilang part-time, at masayahing babae mula sa lungsod ng General Santos. May palayaw na Inday Kengkay, tinitingnan ni Melisa ang mga bagay sa positibong pananaw kahit pa tinutukso siya ng iba dahil sa kanyang hitsura. Hinahangad ng nagnanais na maging guro na makapagkintal ng kasiyahan sa mga tao kahit saan man siya magtungo.

Si Yuri Okawa (Kapanganakan 17 Oktubre 1983) ay 25 taong gulang na mag-aaral ng narsing mula sa bansang Hapon. Si Yuri ay marunong magsalita ng limang wika – Kastila, Portuges, Ingles, Filipino at Hapones na natutunan niya sa paninirahan sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ang kanyang layunin ay ang makatulong sa pagsuporta sa kanyang pamilya as pamamagitan ng pagtatrabaho bilang tagapagsilbi sa bansang Hapon habang nasa bakasyon sa kanyang pag-aaral ng narsing. Siya ay napalabas noong ika-64 na araw ngunit siya ay muling nakabalik sa bahay noong ika-105 na araw para maging parte ng `the Resbak Attack team`.

Si Carolyn Lim Batay (Kapanganakan 18 Mayo 1987) ay 22 taong gulang na parmasyutiko at guro mula sa Tondo, Manila. Lumaki siya sa isang tradisyonal na Intsik na sambahayan. Inamin niya ito ang nakapigil sa kanya sa pagsasaliksik sa mundo at nagpahayag ng pag-asa na ang pagpasok niya sa loob ng Bahay ni Kuya ay makakatulong na mabago ang kanyang pagtingin sa ibang mga bagay-bagay. Nagtapos ng Industrial Pharmacy sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila, at pumasa sa Pharmacist Board Exam ng PRC noong Hunyo 2008[4]. Siya ay hindi pa nagkaroon ng kasintahan. Siya ay napalabas noong ika-77 na araw.

Mariel

baguhin

Si Marielle Sorino (Kapanganakan 29 Nobyembre 1988) ay 21 taong gulang na ina mula sa Davao. Inamin niya na nagkaroon siya ng panahon sa kanyang buhay na naging rebelde siya, nag-inom at nagparti dahil sa kanyang di pagkakasundo sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang. Isang solong ina, sinabi niya na humiwalay na siya mula sa kanyang mga magulang at sinusubukan ang kanyang makakaya para mapalaki ang kanyang anak na lalaki.

Si Mirielle "Yhel" Punzalan (Kapanganakan 8 Setyembre 1983) ay 26 na taong gulang na biyuda mula sa Angeles City, Pampanga. Naging ina siya nang siya ay labing-apat na taong gulang at naulila ng kanyang asawa sa dahil sa pagkapatay dito ng isang gang sa edad na 20 taong gulang. Kumukuha siya ng ng inspirasyon mula sa kanyang dalawang anak subalit inamin niya na mahirap ang magpalaki ng anak lalo na nga't hindi siya nakatapos kahit ng sekondarya man lamang. Sapilitan siyang napalabas noong ika-26 na arawT3.

Double-up na Kasamabahay

baguhin

Para pagibayuhin pa ang unang batch ng mga kasambahay, dalawang pares ng kambal ang ipinakilala ni Kuya, bilang double-up na kasambahay. Sa double-up na pagpapahayag na ito, isiniwalat din ni kuya sa pares na mayroong dalawang bahay. Binigyan nya din ng unang gawain sa panahong ito, ang pagpapalit ng pagkakakilanlan at bahay sa kanyang senyas, anumang oras sa loob ng linggong ito. Sa sandaling malaman ng ng ibang kasambahay ang kanilang pagiging kambal o kaya ay ang lihim tungkol sa dalawang bahay, agad-agad silang palalayasin sa bahay.

Toffi & Kenny

baguhin

Sina Oliver Steffan "Toffi" at Oliver Kenneth "Kenny" Santos (Kapanganakan 21 Setyembre 1989) ay 19 na taong gulang na manlalaro ng basketbol mula sa Rizal. Sinasabing sapi sila sa lahat, kasama na ang damit at ang kanilang kalagayan sa pagiging kasali sa pangunahing kupunan ng kanilang kolehiyo. Sinasabing masyado silang magkaparehas na sa kanilang kabataan naloloko nila ang kanilang ina sa kanilang pagkakakilanlan. Ang malaking pagkakaiba ng dalawa ay ang pagiging mas mataas ng 2 pulgada si Kenny sa kanyang kapatid na si Toffi.

JM & JP

baguhin

Sina John Paul "JP" at John Michael "JM" Lagumbay (Kapanganakan 22 Abril 1980) ay 29 na taong gulang na may pamilya mula sa lungsod ng Quezon. Si JP ay isang flight attendant, samantalang si JM ay isang is bantay sa paaralang panLinggo. Dahil nawalan na sila ng kapatid, si JP ang tumayong ama at asawa. Si JM ay naging charismatic at evangelized sa mga bata. Ang pangunahing pagkakaiba ng pares na ito ay ang pagkakaroon ng isang puyo kanang pisngi ni JM samantalang si JP ay wala ni isa man.

Mga Ikalawang Kalahok

baguhin

Ang pangalawang kalahok na mga kasambahay ay pumasok sa Bahay ni Kuya noong 10 Oktubre 2009, sa pamamagitan ng isang espesyal na palabas na binansagang "The Spooktacular Reveal," na gumamit ng Hauted House bilang tema. Ang mga bagong kasambahay ay inalalayan ng punong-abala na sina Bianca at Mariel sa pintuan ng bahay.[5] Habang ang 10 kasambahay sa dalawang bahay ay sumasayaw sa tune ng Thriller, sa labas ng bahay ay nandoon naman ang Big Winners Nene Tamayo mula sa Season 1, Beatriz Saw mula sa Season 2, at ang dating kasambahay na sina Kenny at Toffi Santos at JM Lagumbay.

Kasambahay (Ikalawang Kalahok)
Pangalan Edad Pinamuhatan Paunang bahay Ika-4 na linggo Ika-6 na linggo Ika-8 na linggo Ika-63/64 na araw Ika-105 na araw Ika-107 na araw (Kasalukuyan)
Johan 22 Quezon City hA hB hB hA hA hA hA hA
Tibo 33 Cagayan de Oro hA hB hB hA hA hA hA hA
Hermes 23 Pampanga/San Diego, California hB hA hA hB hB hB hA hA hA
Kath 24 Spain hB hA hA hB hA hA hA hA
Cathy 22 Bohol hA hB hB hA hB hA hB (Nakabalik)
Rica 26 Iloilo hA hB hB hA hB hB hA hB (Nakabalik)
Patrick 32 Baguio hB hA hA hB hB hA hB (Nakabalik)
Rob 24 Austria hA hB hA hA hB hB Napalabas hB (Nakabalik)
Patria 23 Siquijor hB hA hA hB Napalabas
Jimson 25 Spain hB Napalabas

Si Johan Morielle Santos (Kapanganakan 1 Hunyo 1987) ay 22 taong gulang na working student mula sa Lungsod ng Quezon. Dahil wala silang sariling bahay kinailangan ni Johan na magdobleng kayod dahil siya ang tanging inaasahan ng kanyang pamilya, kaya naman malimit na nasa trabaho lamang siya. Marami na rin ang nag-alok sa kanya ng mga indecent proposal dahil na rin sa kanyang hitsura subalit agad-agad naman niya itong tinatanggihan. Una siyang nakilala ng mga tao bilang kalahok sa ikatlong edisyon nang Starstruck.

Si Catherine Remperas (Kapanganakan 8 Oktubre 1987) ay 22 taong gulang na nars mula sa Bohol. Dahil iniwan ng kanilang mga magulang, si Cathy ay pinalaki ng kanyang mga ate at kuya dahil siya ang bunso. Siya lamang ang nakatapos ng kolehiyo. Katatapos lamang niyang pumasa sa board ng mga nars. Siya ay dapat napalabas noong ika-105 na araw ngunit siya ay inilipat ni Kuya sa papunta sa kabilang bahay para maging parte ng `the Resbak Attack team`.

Si Steve "Tibo" Jumalon (Kapanganakan 31 Disyembre 1975) ay 33 taong gulang na ama ng tatlong anak mula sa Cagayan de Oro. Nanggaling siya sa pamilya ng limang magkakapatid na may 4 na iba't-ibang ama sa isang ina. Maliit pa lang siya nang lumuwas papunta sa Maynila ang kanyang pamilya para tumakas sa isang sindikato. Lumaking masigasig at matatag na indibidwal nahirang siyang bilang kampeyon sa shooting.

Hermes

baguhin

Si Hermes Eugene Bautista (Kapanganakan 7 Pebrero 1986) ay 23 taong gulang na Pilipinong ipinanganak sa Estados Unidos. Lumaki siya sa Pampanga. Ikinalungkot niya at ikinadismaya ang panahon na kailangan na nilang umalis papunta sa San Diego, California. Dahilan sa hindi siya sanay sa bagong komunidad nagrebelde siya sa pamamagitan ng pagpapahaba ng buhok nang hindi nangailangan nang paninigarilyo at paggamit ng bawal na gamot.

Patria

baguhin

Si Riza Mae Patria (Kapanganakan 23 Setyembre 1986), kilala sa palabas sa kanyang apelyido, ay 23 taong gulang na medical representative at masayahing babae mula sa Lazi, Siquijor. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Foundation University sa Lungsod ng Dumaguete. Palagi siyang sumasali sa mga kompetisyon kasama na ang pagandahan pati na ang simpleng kainan ng pizza. Ninanais niyang matulungan ang kanyang pamilya. Katulad ni Carolyn, kailanman ay hindi pa rin siya nagkaroon ng katipan. Siya ay napalabas noong ika-49 na araw.

Si Kathleen Lopeña-Ortega (Kapanganakan 21 Mayo 1985) ay 24 na taong gulang na Pilipino na ipinanganak at lumaki sa Espanya. May asawa na siya at may isang anak. Nagseselos siya ng todo dahil ang kanyang asawa na si Jimson ay nagkaroon ng kalaguyo ng bumalik ito sa Pilipinas.

Jimson

baguhin

Si Jimson Ortega (Kapanganakan 11 Nobyembre 1983) a 25 taong gulang na Pilipino na nagmula sa isang magandang pamilya. Pumunta siya sa Espanya para subukan ang kanyang swerte at doon niya nakilala si Kath at nahulog agad sa unang tingin pa lamang. Di naglaon ay nagpakasal sila at nagkaroon ng isang anak. Si Jimson ang taong bahay dahil hindi siya makahanap ng trabaho sa Espanya. Ang kanyang pagkakaroon ng kalaguyo ang muntik nang magbunsod ng paghihiwalay nila ni Kath. Siya ay napalabas noong ika-21 na araw.

Si Robert "Rob" Stumvoll (Kapanganakan 25 Hunyo 1985) ay 24 na taong gulang na kalahating Pilipino kalahating Austriano na sundalo na ipinanganak at lumaki sa Austria, pero magaling pa ring managalog. Dahil gwapong tunay maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. subalit sa pagkakabigo niya ng dalawang beses, hindi na siya nagkaroon pa ulit ng seryosong relasyon. Di naglaon ay pumasok siya sa pagsusundalo para madisiplina ang kanyang sarili. Siya ay napalabas noong ika-56 na araw ngunit siya ay muling nakabalik sa bahay noong ika-105 na araw para maging parte ng `the Resbak Attack team`.

Patrick

baguhin

Si Patrick Villanueva (Kapanganakan 14 Setyembre 1977) ay 32 taong gulang na bangkero mula sa Baguio. Nagtapos siya sa Baguio at doon na rin natagpuan ang babaeng kanyang pinakasalan. Muntikan nang masira ang kanilang kasal nang minsang matukso siyang makipagrelasyon pa sa iba. Siya ay napalabas noong ika-84 na araw ngunit siya ay muling nakabalik sa bahay noong ika-105 na araw para maging parte ng `the Resbak Attack team`.

Si Rica Paras, ipinanganak bilang Richard Paras, (Kapanganakan 8 Nobyembre 1982) ay 26 na taong gulang na guro ng Sipnayan mula Sta. Barbara, Iloilo. Maraming beses na siyang kinutya dahil sa kanyang katatayuan sekswal. Kahit na hindi tanggap ng kanyang ama ang kanyang napiling buhay, ipinagmamalaki ni Rica ang kanyang sekswalidad. Nagtapos siya sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas - Kampus ng Kanlurang Bisaya at sa Pamantasang Ateneo de Manila. Siya ay napalabas noong ika-91 na araw ngunit siya ay muling nakabalik sa bahay noong ika-105 na araw para maging parte ng `the Resbak Attack team`.

Mga Ikatlong Kalahok

baguhin

Noong Araw 41 (13 Nobyembre 2009), pagkatapos ng paganunsyo ng sapilitang pagpapalabas kay Tom sa mga kasambahay, isiniwalat ng punong-abala ng primetime edition na si Toni Gonzaga na mayroong (mga) bagong kasambahay na papasok sa bahay. Noong sumundo na araw, kasabay ng paglabas ni Tom at pag-aanunsyo ng resulta ng nominasyon, isiniwalat na isang lalaki at isang babae ang papasok ng bahay. Ang mga bagong kasambahay ay pumasok noong ika-43 na araw (15 Nobyembre 2009).

Kasambahay (Ikatlong Kalahok)
Pangalan Edad Pinamuhatan Paunang bahay Ika-8 na linggo Ika-63/64na araw Kasalukuyang bahay
Sam 20 Parañaque hB hA hA Napalabas
Rocky 29 Cavite hB hB hA Napalabas

Si Samuelle "Sam" Pinto (Kapanganakan 11 Disyembre 1989) ay isang 19-taong-gulang na estudyante ng fashion design at isang modelo mula sa Paranaque. Siya ay binansagang ipinanganak sa isang mayamang kapaligiran ngunit siya ay nakatira kasama ang kanyang ina mula ng mag hiwalay ang kanyang mga magulang. Nakikita siya sa mundo ng mga fashionista simula noong sampung 10-taong-gulang pa lamang, lumalabas sa ilang TV commercials. Siya ay napalabas noong Ika-98 na araw.

Si Alvin Kirby "Rocky" Salumbides (Kapanganakan 30 Agosto 1980) ay isang 29-taong-gulang na modelo mula sa Cavite. Bilang tagapagtaguyod ng kanyang pamilya pinasok ni Rocky ang iba't-ibang trabaho tulad nang pagtitinda ng balut at manggagawa sa konstraksiyon para pandagdag sa kanyang pagmomodelo. Dahil sa kanyang relasyon sa kanyang kasintahan, iminungkahi niya na siya ay magboboluntaryong lalabas sa bahay noong ika-67 na araw.

Kronolohiya ng Importanteng pangyayari

baguhin

Nasa ibaba ang isang kronolohiya ng mga pangyayari, hindi kabilang ang mga nominasyon at gabi ng pagpapalayas. Ang bahaging ito rin ang talaan ng mga kusang-loob at pansamantalang paglabas, pagpasok ng mga bisita, mga bagong kasambahay, at iba pang mga pangyayari na apektado ang buhay ng mga kasambahay sa loob ng bahay. 4 Oktubre 2009 ang itinuturing na Unang Araw.

Unang Linggo

baguhin
  • Araw 1: Labing-apat na kasambahay ang pumasok sa bahay. Sina Pricess, Tom, Delio, Paul Jake at Jason sa House A habang sina Melisa, Yuri, Carol, Mariel at Yhel ipinasok sa House B. Ipinagbigay alam na sa double-up na kasambahay ang mga gawain nila na dapat maisakatuparan. Sa simula, sina JM at Toffi ay naatasan na pumunta sa House B habang sina JP at Kenny ay naatasang pumunta sa House A. Ang unang beses palitan ng mga kambal ay naganap ilang minuto bago ang hatinggabi, subalit may suspetsa na ng pagkakaroon ng kambal sa House B na agad naglagay sa alanganin ng pananatili ng mga kambal sa bahay.
  • Araw 2: Binigyan ni Kuya ng isa pang pagkakataon ang double-up na kasambahay para sa kanilang gawain, pero ngayon, dapat nilang tiyakin na hindi mabubuko ng mga tao sa House A ang kanilang lihim. Ang lingguhang gawain ng pagpapakilala ng mga kasambahay sa dalawang Bahay ay nagsimula na. Ilang kasambahay din ang nagbigay ang ilan sa kanilang mga damit para sa kapakanan ng mga biktima ng kalamidad na dulot ng bagyong Ondoy at Pepeng. Inabisuhan ni Kuya si JP na ang kanyang aplikasyon niyang pansamantalang umalis sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan (dahil nga sa pagkakasali niya rito) at sinabihan na mawawalan siya ng trabaho kung hindi siya mag-uulat sa ganap na ikawalo ng umaga ng susunod na araw. Pinili na lang ni JP na isang kusang-loob na lumabas upang siya ay malayang makapagpakita sa trabaho.
  • Araw 3: Lumabas JP sa House A nang 2:38 nang ikatlong Araw 3, 7 Oktubre 2009 nang walang nakakaalam sinuman sa dalawang bahay. Ipinaalam kay JM aang paglabas ng kanyang kapatid isang oras ang nakalipas. Dahil sa pag-aalala ni Kuya para sa kambal na Lagumbay, napagpasyahan niya na manatili si JM sa loob ng bahay, ngunit kailangan pa ring ipagpatuloy ang kanilang mga gawain at pangatawanan ang pagigig si JP kapag nasa House A.
  • Araw 4: Mas pinahirap ni Kuya ang gawain ng mga kambal sa pamamagitan ng pagpapanatili nila isang bahay na walang ibang kasambahay(maliban kay JM) ang nakakaalam. Gayunman, nabuko nina Melisa (isa ng sa matanong na kasambahay) at Mariel ang isa sa kambal na Santos sa shower room, na nagbunsod sa pagkabigo ng gawain ng kambal. Inutusan ni Kuya ang kambal at si JM na ihayag ang kanilang mga sarili sa House B at binigyan ng isang huling pagkakataon sa kanilang gawain sa House A, ngunit ipinahayag ni kuya na bawal nang magtago sa Secret Bedroom, ang katabing kuwarto ng Confession room, gayundin sa shower room.
  • Araw 5: Nahuli ni Princess ang isa sa kambal na Santos sa banyo na siyang naging dahilan upang mapalabas ang kambal gayundin si JM.
  • Araw 6: Ilang minuto pagkaipas ng hatinggabi, ipinagtapat ni Kuya kina Tom at Melisa ang bawat pagkakaroon ng ikalawang bahay. Inutusan sila ni kuya na magempake para lumipat sa kabilang bahay (Si Tom ay lilipat sa House B, si Melisa sa House A). Matapos ang pagpapalitan at ang pabatid sa resulta ng unang lingguhang gawain ng mga kasambahay, Inihayag na rin ni kuya sa mga kasambahay ang pagkakaroon ng isa pang bahay.
  • Araw 7: Ang ilang sa mga housemates ay nakagawa ng ilang paglabag. Ang orihinal na kasamambahay ng House A ay kumuha ng suplay ng pagkain sa labas ng itinakdang oras at ay pinarusahan sa pamamagitan ng pagsusuot ng bota sa kanilang mga kamay. Sina Princess, Jason, at Delio hiniling na magsuot ng headsets dahil sa hindi pagsusuot ng mikroponong lapel, samantalang si Delio ay binigyan ng karagdagang parusa, ang pagsusuot ng singsing ng bayabas para sa kanyang paglabag sa paliligo. Sa House B naman, Sina Carol at Mariel ay inatasang magsuot ng headsets dahil sa hindi pagsunod sa alituntunin sa mickoponong lapel. Ang pangalawang batch ng mga kasambahay ay pumasok na sa Bahay. Habang sina Johan, Cathy, Steve, Hermes, at Patria ay pumasok nang walang anmuman, sina Kathleen, Jimson, Rob, Patrick, at Rica naman ay binigyan ng bagong gawain na magdedetermina nang kakalabasan ng salaping-gugulin ng dalawang bahay para sa darating na linggo. Sina Kathleen, Jimson, at Patrick ay pumasok sa isang bahay kung saan magpapanggap na mag-asawa sina Kathleen at Patrick, at si Jimson ang magsisilbing bantay kung natutupad nang dalawa ang kanilang gawain nang walang problema. sina Rob at Rica naman ay naatasan na magpanggap na magkasintahan.

Ikalawang Linggo

baguhin
  • Araw 8: Para sa darating na Linggo inihayag ni Kuya na ang mga nanunuluya sa House A ay morning shift (gising sa umaga) samantalang ang nasa House B night shift (pahinga sa umaga aktibo sa gabi), bilang isang pagsubok para sa double-up couples isang pekeng task ang pinagawa sa kanila. Pumasok si Maja Salvador sa confession loob ng limang minuto bilang bisita-sa-bahay para sa kaarawan ni Jason.
  • Araw 9: Ninais nina Rob at Rica na mapatatag ang paniniwala ng mga kasambahay sa kanilang pekeng relasyon kaya naman nagtapat sila ukol sa pagkakaroon nila ng duda sa bawat isa, at gayundin sa pamamagitan ng hindi pag-uusap. Naatasan sina Rob at Rica na magsuot ng isang sombrerong pangshower sa pareho nilang ulo dahil paglabag sa kautusang bawal ang paliligo ng sabay sa shower room. Inutusan ni Kuya, nang hindi nalalaman ni Rica, si Rob na magpropose kay Rica kinabukasan. Sa House B naglano ang mga kasambahay ng gagawin para sa anibersaryo nina Kath at Patrick. Naghanda sila ng almusal sa kama at hapunan para sa dalawa. Hindi na kinaya ni Jimson ang gawain kaya isiniwalat na nina Jimson at Kath ang katotohanan sa mga kasambahay kaya hindi nila nagawa ang kanilang takdang gawain.
  • Araw 10: Nag-alok si Patrick na gumawa ng sakripisyo kapalit ng kalahati ng lingguhang salaping-gugulin ng House B. Siya ay naatasan na tumayo sa isang kariton sa loob ng labindalawang oras, nang walang kahit sino na nagsasabi kung para saan ang sakripisyong iyon. Si Rob, sa tulong ng kanyang mga kasambahay ay nagproposed na kay Rica.
  • Araw 11: Sa House A, ang mga kasambahay ay nagkaroon ng isang pagpapakita ng talento. Si Kuya ay nagpakita ng isang serye ng mga mensahe mula sa pamilya nina Rob at Rica at mga kaibigan tungkol sa kanilang mga "engagement", na kung saan si Rob ay hindi naging komportable. Sa House B, dahil sa pagkatalo sa laro, ang lupon ng pula, binubuo nina Carol, Hermes, Mariel, Patria at Patrick ay nagsuot noseplugs hanggang sa itinakdang oras. Matapos ito, ang mga kasambahay ay nagkaroon ng bahagihan ng mga pagkakamali nila gusto na sana'y hindi nila ginawa.
  • Araw 12: Tinapos na ni Kuya ang lihim na gawain nina Rob at Rica, na kanyang ipinahayag bilang isang tagumpay.
  • Araw 13: Ang mga kasambahay ay nagkaroon ng kanilang unang nominasyon. Si Patrick ay nabigyan ng karapatan na magbadyet nang 50% na badyet ng House B bilang resulta ng kanyang sakripisyo. Sina Yhel at Mariel ay ay napagalitan dahil sa pag-usap sa ilalim ng kumot. Nagplano ang mga taga House B para sa kaarawan ni Yuri.
  • Araw 14: Sa House A, para sa pagbulong sa bawat isa, sina Melisa at Princess ay naatasang sumayaw sa oras na marinig ang kantang Careless Whisper. Sina Delio, Paul Jake at Cathy ay inatasang magsalita gamit ang boses ng isang bata, babae at matanda, ayon sa pagkakabanggit, dahil sa kanilang paglabag sa mikroponong lapel. Dahil sa patuloy pagtulog kahit na pinapatugtog na ang wake-up call, si Jason ay nabigyan ng natitiklop na kama bilang isang backpack. Para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Yuri, pinayagan ni Kuya na gamitin ng mga kasambahay sa House B na magamit ang pool sa House A, kung saan doon lamang sila mananatili, habang ang mga kasambahay sa House A nakakandado sa silid-tulugan ng mga lalake. Inihayag na ang resulta ng naging nominasyon noong nakaraang gabi.

Ikatlong Linggo

baguhin
  • Araw 15: Sa House B, si Hermes ay inatasang magsalita sa tinig ng isang babae dahil sa kanyang paglabag sa alituntunin sa mikroponong lapel, habang si Tom pinapagamit ng stirrers sa dahil sa paggamit ng kutsarita pagtimpla ng kanyang kape. Para sa kanilang paglabag dalawang araw na nakakaraan, sina Yhel at Mariel ay nagbalot nang malong at nagsuot ng placards kung saan nakalahad ang kanilang paglabag. Tinapos ni Kuya ang kanilang kaparusahan pagkatapos nilang gumawa ng isang charade para sa kanilang mga kasambahay. Isinahimpapawid ni Kuya sa House A ang reaksiyon nang mga taga House B ukol sa kanilang pagkapanalo. Sa pamamagitan nina Melisa at Tom, ang kanilang lingguhang gawain ay inihayag sa mga kasambahay. Ngayong linggo, ipagdiriwang nang mga kasambahay ang Linggo ng mga Nagkakaisang Bansa. Bilang panimula, sina Princess at Carol ay ginawang mga embahadora ng kani-kanilang mga bahay at pinapunta sa kabilang bahay sa loob ng 24 oras.
  • Araw 16: Bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Linggo ng mga Nagkakaisang Bansa, ang House A & B ay gumawa ng "dubbed" na bersyon ng isang telenobelang Mehikano at Koreanobela ayon sa pagkakabanggit. Sina Carol at Princess ay bumalik na sa kani-kanilang mga unang bahay, kung saan si Carol ay may dalang pagkain na ibinigay ng House A.
  • Araw 17: Umaga ng Araw 17, sina Jason at Jimson ay itinalagang mga ambassadors ng kanilang mga bahay, kung saan ang huli ay magdadala ng kimchi at ang huli magdadala ng isang Mehikano pica-pica bilang mga handog ni Kuya. Naging tema ng House A ang forest rangers at hayop ng safari samantalang ang House B ay nagkaroon ng temang Indiyan. Ang mga kasambahay sa House B ay kailangang sumayaw sa tuwing maririnig nila ang awiting Bollywood. Para matapos ang gawaing iyon at makabalik na si Jason sa House A kinailangang mapasayaw ni Mariel si Jason.
  • Araw 18: Pinarinig ni Kuya sa bawat kasambahay ang saloobin ng kanilang mga minamahal tungkol sa kanilang mga desisyon para sa lingguhang gawain.
  • Araw 20: Isinagawa ng parehong bahay ang kanilang lingguhang gawain. Sa puntong ito unang nagkaharap-harap ang mga kasambahay sa unang pagkakataon.

Ikaapat na Linggo

baguhin
  • Araw 22: Sa House A, ipinakita kina Tibo, Cathy, at Johan isang bidyo nina Princess na nagsasabi kay Melisa na naghihinayang siya na hindi niya ininomina si Delio sa unang yugto ng nominasyon. Ang tatlo ay sinabihan na si Princess ay awtomatikong nominado. Ipinaabot ng tatlo ang balita sa kanilang mga kasambahay pati na rin ang isang gawain upang maalis ang kanyang nominasyon. Gayunman, agad-agad nagpasya si Princess na kusa na lang umalis sa bahay, sa pagnanais na hindi ma-stress ang sarili pati na rin ang kanyang mga minamahal. Siya ay lumabas sa nang gabing iyon. Sa House B, sina Yhel at Mariel ay sinabihan na sila ay awtomatikong nominado dahil sa pag-uusap ukol sa nominasyon at ang isang gawain para maligtas ang alinman sa kanila ay naganap. Habang ang gawain,(na pagbuo ng piramide ng mga playing cards), ay nagdulot ng pagkakatanggal ng awtomatikong nominasyon ni Mariel, siya ay mananatili pa rin bilang isang kandidato dahil sa resulta ng regular na nominasyon.
  • Araw 23: Ang mga kasambahay ay binigyan ng limang minuto upang makuha ang kanilang mga damit na panloob at mga gamit sa banyo pagkatapos silang sabihan na lumipat ng bahay.
  • Araw 24:Sa loob ng konting oras, ang mga bagong kasambahay na babae sa House A ay binigyan ng pagkakataon na bigyang ranggo ang bagong kasambahay na lalaki sa House B matapos na ipanood sa kanila ang mga video ng mga ito na naglalahad ng kanilang mga lakas at kahinaan. Itinangi nila si Paul Jake bilang pinakamataas at si Rob naman ang pinakamababa. Kung magagawang lagyan ng marka ng halik ng mga bagong kasambahay na babae sa House ang pisngi ni Paul Jake nang hindi nahuhuli, maaari nilang makuha si Paul Jake bilang kanilang bagong kasambahay, kung hindi si Rob ang makukuha nila. Dahil nabigo sa kanilang mga gawain, ang mga bagong kasambahay ng House A ay nakhua si Rob bilang kanilang bagong kasambahay. Ang mga bagong kasambahay na babae naman ng House B ay pinapili ng isang babaeng kasambahay mula sa dalawang mga pinili ng mga bagong kasambahay na lalake sa A, na babaeng kasambahay na maaari nilang ipagpalit sa kabilang bahay, sina Yhel at Carol. Pinili ng mga bagong kasambahay ng House B si Carol bilang bagong kasambahay. Ang mga kasambahay ay nagkaroon ng isang pekeng pakikipagkapanayam sa mga pekeng ehekutibo ng Big Brother, mga ala-alang mula sa Big Brother Africa, Secret Story, at isang hindi-umiiral na bersyon sa Turko.
  • Araw 25: Pinayagan ni Kuya si Rob upang sabihin kay Tom at sa iba pang mga kasambahay sa House A ang tungkol sa boluntaryong paglabas ni Princess. Si Tom ay binigyan ng 100 segundo para makausap si Princess mula sa labas ng bahay. Itinigil na ni Kuya ang botohan para sa gabi ng Pagpapalabas dahil sa sapilitang pagpapalabas kay Yhel matapos ang kanyang paulit-ulit na paglabas sa alituntunin sa nominasyon.
  • Araw 26: Para sa kanilang paglabag sa alituntunin sa mikroponong lapel , sina Kath, Tom at Yhel mula sa bagong House A at Cathy, Paul Jake, Rica at Tibo mula sa bagong House B, ay naatasang kumagat ng isang plastik na buto, na maaari lamang nilang tanggalin sa pinakamatagal na ang tatlong minuto. Si Melisa ay ginawang isang mummy para sa kanyang paglabag sa pagsasalita sa ilalim ng kumot habang si Jason ay hindi maaaring mahiga o matulog dahil kung hindi ay mapipilitan ding humiga ang kanyang mga kasambahay. Sapilitang napalabas si Yhel ng bahay ni Kuya. Inihayag na kung anung bansa ang panggagalingan nang kapalit na kasambahay para sa Big Brother Swap, at ito ay ang bansang Finland.
  • Araw 27: Ang mga natirang sampung kasali (Rica, Paul Jake, Cathy, Tibo at Melisa para sa bagong House B at Yuri, Hermes, Tom, Mariel at Patria para sa bagong House A) ay sumailalim sa isang pagtatanghal na may apat na yugto, na pinangunahan ni Mariel Rodriguez. Si Cathy ang nanalo bilang kinatawan ng Bahay ni Kuya sa Big Swap, kung saan si Kätlin Laas ng Big Brother Finland ang makakapalit niya sa bahay. Si Cathy ay nagimpake ng kanyang mga gamit mula sa House A at ang panlamig damit na ibinigay ni Kuya.
  • Araw 28: Si Cathy ay umalis ng bahay noong hapon at lumipad patungong Finland noong gabi.

Ikalimang Linggo

baguhin
  • Araw 29: Dumating si Kätlin sa Pilipinas at pumasok sa Bahay ni Kuya. Napili niya ang likhang-sining ng Group B kaya sa House A siya tumuloy, kung saan siya ay tinanggap sa pamamagitan ng isang pool party. Si Katlin ay nagdala ng bote ng alak, kung saan naparami ang nainom nina Mariel at Rob. Gayunman, ang kanilang pagkalasing ang nakapagpaturn-off sa mga kasambahay na nagbunsod sa pagkakahirang ni Kuya kay Hermes na magbantay kay Mariel.
  • Araw 30: Sa House A, sina Mariel at Rob ay humingi ng paumanhin kay Katlin para sa kanilang pagkalasing noong nakaraang gabi at tinumbasan iyon sa pamamagitan ng pagiging kanyang mga tagapaglingkod sa buong araw. Sa House B, Ang kakulangan ng pagtulong ni Delio sa lingguhang gawain ang naging paksa ng usapan na nagbunsod sa pagkakainitan nila Delio at Melai, kung saan nagpanukala pa si Delio ng Boluntaryong Paglabas.
  • Araw 31: Lumipat si Kätlin sa House B na may dalang plov ang paborito niyang pagkaing Estonyan, para sa agahan. Nawala na naman ang pasensiya ni Delio, ngayon naman sa pagsasagawa ng katutubong sayaw na Pandanggo sa Ilaw at sa kakulangan ng pakikilahok ni Jason. Nagkaroon ng selebrasyon sa House B para sa pagtatagumpay sa gawaing labanan ng gagamba, na humantong sa pagkalasing ni Delio at panganib na boluntaryong paglabas niya sa bahay. Sa House A, ipinakita kay Rob ang kanyang mga pagkilos noong pagtitipon bilang pagtanggap kay Kätlin, at humingi siya ng paumanhin kay Yuri sa mga nagawa niya.
  • Araw 32: Sa House B, kinausap ni Big Brother Finland sina Kätlin, Melisa at Johan sa wikang Fines. Nagkaroon ng pagkakataon si Cathy na makausap ng may bidyu si Kuya at ang mga kasambahay kasama na si Kätlin, sa pamamagitan ng skype. Di naglaon ng araw ding iyon, si Kätlin ay bumalik sa House A.
  • Araw 33: Sa House A, kinausap ni Big Brother Finland sina Kätlin at Hermes sa wikang Fines. Nagtanghal ang mga kasambahay mula sa parehong bahay. Di nagtagal ay inihayag na ni Kuya ang katotohanan sa likod ng kanilang totoong lingguhang gawain. Pinili ni Kätlin ang House A kung saan niya mas madama ang init ng pagtanggap.
  • Araw 34: Nilisan ni Kätlin bahay ni Kuya dito sa Pilipinas.

Ikaanim na Linggo

baguhin
  • Araw 36: Ginanap ang unang tagisan para sa lingguhang gawain, kung saan ang Group A ang nanalo. Matapos ang live na pagpapalabas ng nominasyon, binigyan ng surpresa si Rica para sa kanyang kaarawan, kasama na ang pagbabalik ni Cathy sa bahay na may dalang tsokolateng cake.
  • Araw 37: Pumasok sa House A ang aktres na si Ai-Ai de las Alas samantalang sa House B naman si Dionisia Pacquiao para magturo ng ehersisyo sa mga kasambahay. Naturuan din ang mga kasambahay sa House B ng Balroom ng kanilang bisita. Inanunsyo ni Kuya ang paglabag na nagawa nina Jason at Tom na paliligo kahit tapos na ang itinakdang oras para rito. Bilang parusa, sa tuwing patutunugin ni kuya ang tunog para sa pagligo, sina Tom at Jason lamang ang maaaring maligo, samantalang ang ibang kasambahay ay binigyan ng maliit na tuwalya para pampunas sa kanilang sarili dahil hindi sila pwedeng maligo. Pinagbawalan din silang gamitin ang pool at ang jacuzzi, maliban sa dalawang lumabag. Isinagawa ang ikalawang tagisan para sa lingguhang gawain, kung saan ang Group A ang ideneklarang nanalo noong sumunod na araw.
  • Araw 38: Inanunsyo ni Kuya na sina Rob at Tom mula sa House A at sina Jason at Rica mula sa House B ay nagkaroon ng paglabag sa paggamit ng mikroponong lapel. Bilang parusa, ang bawat pares ay tatalian ng velcro Bands sa kanilang mga kamay at paa, at isang mikropono na may stand na pagbabahagihan ng bawat pares. Ang bawat pares ay kinailangang dumaan sa isang tanungan sa sipnayan upang matanggal ang kanilang parusa. At dahil ang parehong koponan ay nakakuha ng 7 sa 9 na puntos, tinanggal na ang parusa bago ang oras ng ikatlong tagisan. Matapos ang unang round, si Tom (na ilang oras bago pa ang laro ay masama na ang pakiramdam) ay biglang pumunta sa isang bahagi ng lugar na aktibidad at pinag-susuntok ang dingding.
  • Araw 39: Ayon na rin sa patakaran ang pagboto ay pansamantalang itinigil dahil dinala sa ospital si Tom sa ganap na ika-aapat ng hapon. Siya ay bibigyan ng 24 na oras para makabalik sa bahay matapos obserbahan ng mga doktor, dahil kung hindi siya makakabalik ikokonsidera na siyang napalabas. Sa pagkapanalo ng Group A sa ikatlong tagisan, idineklara na silang panalo sa Pinoy Big Battle. Naatasan ang mga kasambahay na iempake ang mga damit ng mga kasambahay na dating naninirahan sa kanilang kasalukuyang bahay. Nagkaroon ng ikapaat na laro kung saan nakataya ang pagkakuha nila sa bahay kung saan nila gustong manirahan, kung saan ang ang House A at ang kanilang mga damit ang nais ng mga kasambahay ng parehong bahay. Ang matatalong koponan ay mapupunta sa House B kung saan ang makakamit lang nila ay ang mga damit na bigay sa kanila ng mga sponsor.
  • Araw 40: Nakabalik si Tom ikalawa ng hapon.
  • Araw 41: Sa primetime edition inihayag ni Kuya na binibigyan niya ng sapilitang paglabas si Tom dahil sa kanyang mga ikinilos ng karahasan sa ikatlong laro ng lingguhang gawain. Samakatuwid, ang mga natitirang mga nominado ay naisalba sa pagpapalabas.
  • Araw 42: Muling pumasok ang dating kasambahay na si Princess para samahan si Tom palabas ng bahay.

Ikapitong Linggo

baguhin
  • Araw 43: Para sa lingguhang gawain, nahirang sina Cathy at Paul Jake bilang tagapagsanay o tagapamuno ng Group A habang sian Rob at Yuri naman sa Group B. Ang unang hamon sa kakayahan, kung saan kinakailangan ng mga kasambahay na makagawa ng isang pagtatanghal ng koro ng Tagalog an bersyon ni Miss Ganda ng awiting Insomia. Pinili ng hukom para sa hamon, ang isa sa mga hurado ng Showtime na si Vice Ganda, ang Group B bilang panalo. Pumasok sina Sam at Rocky sa bahay ni kuya at nabigyan nang kanilang unang gawain: ang magsuot ng mga damit na kaya nila (mula sa mga kasambahay sa House B) na ipapatong sa kanilang suot sa loob ng tatlong minuto. Ang mga nasuot nila ang madadala nila papasok nang bahay, matapos nito pumasok na sila sa House B.
  • Araw 44: Naglaro ang mga lalaking kasambahay ng larong pabitin pabitin para sa mga sangkap para sa kanilang ikalawang hamon. Ito rin ang unang pagkakataon na makita ng mga taga Group A si Rocky. Nakagawa si Jason ng paglabag nang alisin nya agad ang kanyang piring bago pa ang itinakdang oras. Dahil dito nabigyan ng pagkakataon ang Group B na pumili ng isang sangkap mula sa kariton ng Group A, kung saan manok ang pinili ni Patrick. Maya-maya, ang mga babaeng kasambahay naman (maliban kay Sam ng Group B) ang nagtagisan para sa ikalawang hamon, ang paligsahan sa pagluluto gamit ang durian, na panunuorin ni Chef Bruce Lim. Dahil mas lumitaw ang durian sa luto ng Group B sila ang tinangghal na panalo. Hiwalay na nagsanay ang mga lalaking kasambahay para sa 3-on-3 laban sa basketbol.
  • Araw 45: Sa paghahanda para sa ikatlong hamon, niranggo ng mga kasambahay ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng akademikong pag-iisip. Naglaro ang mga kasambahay ng number-memory game kung saan nagwagi ang magwawagi ay makakakuha ng karagdagang dalawang puntos para sa kanilang ikatlong hamon ng kakayahan. Sa puntos na 6-2, nanalo ang Group A at ang bonus sa tagumpay. Inihayag na maliban sa lingguhang badyet, ang mga mananalong bahay ay magkakaroon ng karapatan na magbigay ng awtomatikong nominasyon sa kasambahay mula sa kabilang bahay. Naglaban ang mga kasambahay sa isang tagisan ng alam sa pangkalahatang kaalaman sa rampa kung saan si Bianca Gonzalez ang kuwismaster. Nanalo ang Group A sa puntos na 16-11.
  • Araw 46: Para sa ika-apat na hamon ng kasanayan, lumikha ang mga kasambahay ng mga laruan mula sa nagagamit ulit at mga kagamitan sa sining. Nagbigay rin ng komento ang parehong koponan sa unang limang laruan ng kabilang grupo, na ibibigay sa mahihirap na mga mag-aaral sa isang paaralan sa Zambales. Apat na bata mula sa Goin Bulilit ang nagsilbi bilang mga hukom. Napanalunan ng Group B ang hamon - at ang lingguhang gawain - sa puntos na 180-120 at gayundin nakuha na nila ang mga natitira pa nilang mga gamit. Naatasan ang parehong bahay na magimpake ng mga bag ng mga tulong at magluto ng mga pritongmanok na isasama sa mga donasyon.
  • Araw 47: Para sa ikalimang hamon sa kakayahan, naglaro ng 3-on-3 basketbol ang mga kasambahay na lalaki, kasama ang dating kasambahay na si Kenny bilang reperi. Nagsagawa ng palabas sa kalagitnaan ng oras ang mga babaeng kasambahay. Kahit pa nagkaroon ng maliit na pinsala si Johan at pagkatako sa kalakihan ni Rocky, nanalo pa rin ang Group A sa iskor na 21-18. Bilang isang dagdag kasiyahan, naglao rin ang mga babaeng kasambahay kung saan nanalo ang sa Group A sa iskor na 5-1.
  • Araw 48: Nagsanay sina Jason at Melisa para sa isang awit na gaganapin sa ASAP sa Araw 50, kung saan kasama ang mga dating kasambahay na sina Tom at Princess bilang mga espesyal na bisita.
  • Araw 49: Ipinakilala ni Kuya ang isang manika na pinangalanang kasunod sa animo'y anak nina Melisa at Jason, si Dengue. Ang Dengue ay nauna nang nilarawan bilang isang lamok na idinagdag ng mga patnugot editor sa panahon ng post-produksiyon, marahil bilang isang malalang sanggunian sa dengue.

Ikawalong Linggo

baguhin
  • Araw 50: Binigyan ng Group B si Rica ng awtomatikong nominasyon bilang bahagi ng kanilang gantimpala para sa pagkapanalo sa lingguhang gawain. Inihayag ni Kuya na ang mga babaeng kasambahay ay magpapalitan ng bahay - unang sa mga lalaki ng Group A at sa mga babae ng Group B sa kuwarto ng pangungumpisal, at pagkatapos ay sa lahat ng mga kasambahay sa loob ng pagpapasahimpapawid ng nominasyon, sa ilalim ng isang bagyo bilang tema. Nabigyan ng isang oras ang mga babaeng kasambahay para ma-impake (na malalaman sa pamamagitan ng isang espesyal na orasan na ginawa mula sa dalawang malaking bote ng tubig).
  • Araw 51: Nagsimulang tumira ang mga kasambahay sa kanilang bagong set-up. Inihayag na ang lingguhang gawain kung saan magkakaroon ng mga pagpaplano ang mga kasambahay. Nagdaos rin ng pagtitipon ang parehong bahay para makilala nila ang isa't isa.
  • Araw 52: Dahil hindi pa rin mapakali bawat isa ang parehong set ng mga kasambahay sa Big-Twist noong Araw 50, nagorganisa si Kuya ng isang espesyalBig Brother na inorganisa ng isang espesyal na hamon na may gantimpala, isang laro ng mga tao tic-tac-toe. Parehong nakakuha ang Neo-Groups A at B ng mga gantimpala. Nasolo naman ni Sam ang buong pool habang naglalaro ang iba pang kasambahay.

Big Brother Swap

baguhin
 
Ang Big Swap sa pagitan nina Catherine Remperas mula sa Pilipinas (kaliwa) at Kätlin Laas mula sa Pinlandiya (kanan).

Inihayag ng programa noong Araw 21 (24 Oktubre 2009) na isa pang Big Brother Swap ang magaganap. Ngayon, isa mula sa alinman sa bahay ang makikipagpalit ng lugar sa alinman sa isa sa mga sumusunod na mga banyagang bersyon na kasabay na ini-ere ng Double Up. Ito din ang pangalawang pagkakataon na ang Pinoy Big Brother ay nakipag-ugnayan sa iba pang mga dayuhang bersyon ng palabas, una na ang ikalawang kasagsagan, nang ang kasambahay na si Bruce Quebral ay nakipagpalit ng lugar sa isa sa mga kasambahay mula sa Big Brother Slovenia.

Noong Araw 26, inihayag ng host na ang programa ay makikipagpalit ng kasambahay sa Pinlandes na bersyon ng Big Brother. Ang kasambahay na makikipagpalit ay ihahayag sa mga susunod na araw. Noong Oktubre 29, nagkarga ang iABS-CBN (ang opisyal na kanal ng ABS-CBN sa YouTube)[6] ng isang bidyo na nagpapatunay na ang mga kasambahay mula sa Big Brother sa Pinlandiya na ipapalit sa Pilipinas ay si Kätlin Laas(video), isang 22 taong-gulang na manggagawa sa planta ng pinagpoprosesohan ng pagkain mula sa Rakvere, Estonya subalit lumipat sa Pinlandiya sa edad na 16, at kasalukuyang naninirahan sa Seinäjoki, Pinlandiya. Noong Araw 27, inihayag na si Cathy mula sa Group A, na kasalukuyan nakatira sa House B, ang makikipagpalit kay Kätlin at siyang tutungo sa Pinlandiya sa Big Brother House doon sa loob ng isang Linggo. Ang pagkakapili kay Cathy ay resulta ng mga gawain nang mga kasambahay na pinapanuod ng mga prodyuser na mga Pinlandes.

Katulad ng unang Big Swap, ang mga kaganapan mula sa dalawang bahay ay ipinapakita. Gayundin, ang lahat ng mga usapan sa Ingles ay nilalagyan ng karampatang kahulugan sa Filipino at lahat ng usapan at mga pangungumpisal sa wikang Pinlandes ay dina-dubbed ng mga Pilipinong aktor. Para sa edisyong Pinlandes, ang mga klip mula sa bahay sa Pilipinas ay ipinapakita sa palabas na Big Brother Extra, habang ang mga usapan sa Ingles ay may karampatang kahulugan sa Pinlandes.

Nagsimula ang Big Swap noong Araw 29 (Araw 69 ng bersiyong Pinlandes), at si Kätlin ay unang nanuluyan sa House A sa kanyang pagdating noong Araw 29. Siya ay lumipat sa House B noong Araw 31. Lumisan siya mula sa Bahay sa Pilipinas noong umaga ng Araw 34 (Araw 74 ng bersiyong Pinlandes), na hudyat ng pagtatapos ng palitan.

Nasa ibaba ang tala ng mga gawain sa bawat pinagpalit na kasambahay sa bahay na pinanunuluyan nila, maliban pa sa mga pagpapakilala at pagpapalitan ng mga simpleng kataga:

Kätlin Sa House A:
  • Nagkaroon ng pagtitipon na may temang tropikal bilang pagtanggap.
  • Natutunan at kinanta nang kasama si Tom ang awiting Maalaala Mo Kaya.
  • Lumahok sa larong putbol sa tubig kung saan ang kanyang koponan (kasama sina Rob, Tom at Yuri) ang nanalo at bilang kinalabasan ay kumain sila ng mga eksotik na pagkaing Pilipino, (hita ng palaka, kuliglig, balut, at pritong uod at kuhol). Si Patria ang gumanap na tagapamagitan.

Sa House B:

  • Nagdala ng plov, isang pagkaing Estonyano, na katulad ng kaserola na may kanin, karne ng baka, sibuyas, karot at ketsap.
  • Natutunan ang sayaw na Pandanggo sa Ilaw kasama ang mga kasambahay.
  • Lumahok sa laro na may gumagamit ng inline skates at watawat ng kanyang bansa, kung saan ang kanilang koponan na puro babae ay natalo. Si Tibo ang gumanap na tagapamagitan.
  • Gumanap na tagapamagitan sa ilang labanan ng mga gagamba.
  • Nagkaroo ng pagtitipon na may jacuzzi at may kasamang mga pagkaing pinoy na makikita sa bangketa (ulo ng manok, paa ng manok at dugo ng manok), vodka at tuba.
  • Nagturo ng kantang Pinlandes, kung saan ang pinili niya ay ang awiting Ihmisten Edessä (Sa harap ng mga Tao sa Filipino), at gumawa ng choreography kasama ang mga kasambahay.
Cathy
  • Naglaro ng larong tinatawag na pököpallo, katulad ng larong Pranses na pétanque.
  • Nagkaroo ng sauna at jacuzzi na pagtitipon bilang pagtanggap sa kanya.
  • Natutunan at kinanta ang awiting ‘’Sininen Ja Valkoinen’’ (Asul at Puti sa Filipino), kasama ang lahat ng kasambahay na Pinlandes.
  • Natutunan ang iba't-ibang gawain at pampalakasan na pang-taglamig, kasama ang cross-country skiing, ice fishing, ice hockey, floorball at pesäpallo o besbol sa Fines, ang pambansang palakasan ng Pinlandiya, na itinanghal nina Antti, Aso at Sampo.
  • Nagkaroon ng hapunang Asyano kasama ang mga kasambahay.
  • Si Kuya ng Pilipinas ay sinabihan si Cathy na mananatili pa siya dun nang isang buwan, kaagad naman niya itong sinabi sa mga kasambahay doon, subalit hindi naman ito totoo.
  • Nabigyan si Cathy ng mga damit mula kay Dana bilang handog.
  • Naranasan ni Cathy, sa unang pagkakataon ang pagbagsak ng niyebe. Iginawa siya ng kanyang mga kasambahay ng snowman na pinangalanan naman niyang Chuva Choo Choo.
  • Nagturo ng laro sa Wowowee na Hep Hep, Hooray sa mga kasambahay na Fines.
  • Nagluto ng Adobo para sa mga kasambahay na Fines.
  • Nagsilbing hurado sa tunggalian para sa pagiging ulo ng sambahayan, kung saan kailangang kantahin ng mga kasambahay ang Sininen Ja Valkoinen.
  • Nagkaroon ng isang pang-Paskong hapunan kasama ang mga kasambahay.

Secret tasks

baguhin
Gawain Blg. Petsa naibigay Pagsasalarawan Parusa Resulta
1 4 Oktubre 2009
(Araw 01)
Double Up Twins
Itinuturing na pinakaunang gawain sa bahay ni Kuya, inutusan ni Kuya ang pares ng kambal (JM/JP at Toffi/Kenny) para sa sikretong gawain. Isa bawat sa isa ay kailangang mamuhay sa magkahiwalay na bahay. Naatasan sila na itanggit ang pagkakaroon ng kakambal at ang pagkakaroon ng isa pang bahay. Para mas pahirapin ang gawain, paminsan-minsan ay pinalilipat ni Kuya ang mga kambala sa dalawang bahay.
Sapilitang Paglabas Bagsak
2 09 Oktubre 2009
(Araw 06)
House-Swapping
Ilang minuto malipas lumabas ang mga kambal, sinabi ni Kuya kina Melissa at Tom na siya ay may dalawang bahay. Dahil sila lang ang hindi Double-Up na kasambahay na nakaalam na may dalawang bahay, inutusan sila ni Kuya na lumipat ang sila sa kabilagn bahay. Si Melisa ay sa House A samantalang si Tom sa House B. Habang nasa House A, Si Melissa ay naatasan ni Kuya na kumbinsihin ang mga kasambahay na siya ay may kakambal na nagngangalang Melai.
Unknown Bagsak

Lingguhan Gawain

baguhin
Task No. Ibinigay Paglalarawan Kinalabasan sa Group A Kinalabasan sa Group B
1 5 Oktubre 2009
(Araw 02)
The Hot Seat
Oras na tumugtog ang Getting to Know You, isang kasambahay ang kailangang pumunta sa Hot Seat kung saan ang kanyang mga kasambahay ay tatanungin siya. Sa sandaling marining nilang muli ang kanta saka lamang sila titigil sa pagtatanong. Sa pagtatapos ng linggo, magkakaroon dapat ng grado ang mga kasambahay para mapanalunan ang gawain.
Pasado Bagsak
2 10 Oktubre 2009
(Araw 07)
Relationships
Si Patrick ang kukuha nang katatayuan ni Jimson bilang asawa ni Kath sa pagpasok nilang tatlo sa House B. Sina Rob at Rica naman ay papasok sa House A at magpapangap silang dalawa na sila ay magkasintahan. Ang resulta nito ang magdidikta kung makukuha ng mga kasambahay ang lingguhang salaping-gugulin nila.
Pasado BagsakT1
3 18 Oktubre 2009
(Araw 15)
TakFan Dance
Ang mga kasambahay ay inatasang gayahin ang fan dance number ng isang bidyu-musika mula sa Drinking Boys ni DJ Ozma. Ang bawat bahay ay may panimulang score. Ang bawat lalaking kasambahay na boluntaryong maghubad ay makapagdaragdag ng 50 puntos para sa bahay; 20 para sa bawat babaeng kasambahay na gusto magsuot ng T-back bikini. Gayunman, ang mga kasambahay na may isyu sa dalawang opsyon ay maaaring magsuot ng kulay-balat na bodysuit. Ang mas ibabang bahagi ay mababalutan ng isang Smiley sticker, na magreresulta sa isang 15-puntos na kabawasan mula sa kabuuang puntos ng koponan sa bawat sandaling ito ay mahahayag. Ang salitang ay galing sa salitang tagalog na takpan (to cover up).T2
Pasado Bagsak
4 26 Oktubre 2009
(Araw 23)
Cross-stitch
Bilang kaugnayan sa Big Brother Swap, ang mga kasambahay ay binigyan ng isang pattern kung saan kailangan nilang gawan ng paghahabi ng Cross-stitch, kasama ang mga kulay ng kanilang pinili. Ang kinatawan ng nanalong grupo ang kakatawan sa bansa para sa Big Brother Swap. Ang pagtatasa ay gagawin ng bansa kung saan ipagpapalit ang kasambahay na kakatawan sa bansa.T3
Bagsak Pasado
5 02 Nobyembre 2009
(Araw 30)
Cultural Variety Show
Ang mga kasambahay ay kailangang maghanda ng isang 30 minutong palabas na nagpapakita ng kulturang Pilipino.T4 Maliban dito, binigyang-diin ng punong-abala na ang totoong lingguhang-gawain ng mga kasambahay ay ang pagiging magiliw sa panauhin at ang pakikitungo sa kasambahay na Fines na si Kätlin.
Bagsak Pasado
6 08 Nobyembre 2009
(Araw 36)
Pinoy Big Battle
Ang magkabilang bahay ay magtutunggalian sa limang palakasan. Sisimulan ang bawat tunggalian ng isang rap-off. Ang bahay na mayroong mas maraming panalo ang mananalo sa lingguhang gawain. Ang karagdagang detalye ay makikita sa tala sa ibaba.T5
Pasado Bagsak
7 14 Nobyembre 2009
(Day 42)
The Skill-ing Bee
Ang mga kasambahay ay maghaharap sa limagn hamon ng kakayahan. Isang bisit ang iimbitahan para magsilbing hurado sa bawat hamon. Ang mananalong koponan sa mas maraming hamon ang itatanghal na panalo at mabibigyan ng pagkakataon na magpataw ng awtomatikong nominasyon sa isang kasambahay sa matatalong koponan. Ang pamagat ng lingguhang gawain ay hango sa paglalaro sa palabas ng ABS-CBN na The Singing Bee.
Bagsak Pasado
Kinalabasan sa Neo-Group A Kinalabasan sa Neo-Group B
  • Tanda T1: Sa pagsasakripisyo ni Patrick na pagtayo sa kariton sa loob ng 12 oras nang tuloy-tuloy, ang House B ay nakakuha ng 50% nang kanilang salaping-gugulin para sa isang linggo.
  • Tanda T2: Noong una, ang lahat ng lalaking kasambahay maliban kay Jason ay magsusuot ng isang kulay-balat na bodysuit, ay magsasayaw ng hubad habang ang lahat ng babaeng kasambahay ay magsusuot ng T-back bikini. Gayunman, dahil sa reaksiyon ng ilang kapamilya ng mga kasambahay ukol sa gawain, ang kasambahay sa House A na si Tibo (kapalit ng mga groceries para sa kanyang pamilya na may parehong halaga sa kanilang lingguhang badyet) at si Johan ay nagpasya na magsuot ng isang kulay-balat bodysuit at T-back bikini, ayon sa pagkakabanggit, habang ang lahat ng kasambahay sa House B ay nagpasya na magsuot ng kulay-balat na bodysuit. Nagtala ang House A nang 185 na puntos, bumaba mula sa kanilang 350 panimulang puntos na nakagawa ng 18 pagkakamali. Ang House B ay nakakuha ng -1,130 na puntos, bumaba mula sa kanilang 100 panimulang puntos matapos makagawa ng 82 pagkakamali.
  • Tanda T3: Sa pagdating sa Silid-Kumpisalan, Pinili ni Kätlin Laas ang likhang-sinin ng Group B na naging tanda ng pagkapanalo ng nasabing grupo. Ang parehong likhang-sining ay parehong hindi tapos.
  • Tanda T4: Ang mga kasambahay sa Group B ang unang nagtanghal, kung saan kasama ang pagpapaliwanag ni Patria sa Watawat ng Pilipinas, isang serye ng mga sayaw kasama ang Paro-Parong Bukid na sinayaw nina Rob at Yuri, Tinikling na sinayaw nina Mariel at Tom, at ang mga lalaki na sinayaw ang Maglalatik, Isang-pagsasadula ng isang Pamilyang Pilipino at panliligaw at ang pagkanta nina Tom at Kätlin ng Maalaala Mo Kaya. Ang mga kasambahay sa Group A ay nagtanghal ng mala-Wowowee na palabas na nagpakita ng sayaw na Pandanggo sa Ilaw kasama si Kätlin, pagsayaw ng Maglalatik, paglalaro ng mga larong Pilipino, panggagaya sa mga patalastas sa telebisyon at soap operas, pagsasadula ng panlilaw sa kulturang Pilipino, pagsasayaw ng Singkil at Balagtasan (lumang porma ng debateng Pinoy) na ginanapan ni Delio.
  • Tanda T5: Sa pagkapanalo ng Group sa tatlong unang pagsubok, ang ikaapat na pagsubok ay ginawa para sa espesyal na premyo, na hindi makakaapekto sa lingguhang gawain.

Estadistika ng Pinoy Big Battle (Ikaanim na Lingguhang Gawain)

baguhin

Ang ikaanim na lingguhang gawain ay binubuo ng serye ng mga pagsubok. Nasa ibaba ang detalyadong paliwanag ng bawat pagsubok.

Task No. Petsa ibinigay Paglalarawan Kinalabasan sa Group A Kinalabasan sa Group B
1 08 Nobyembre 2009
(Araw 36)
Bottle Balsa
Kailangang gumawa ng mga kasambahay ng balsa mula sa mga walang lamang na boteng plastik. Sa may pool area, ang mga kasambahay ay maglalaro ng sampung rounds ng 1-on-1 jousting. Ang unang kasambahay na bumagsak mula sa balsa ang talo. Kapag lumipas ang limang minuto na wala pa ring nalalaglag, ang round na iyon ay idedeklarang tabla. Kapag nasira ang kanilang balsa, awtomatikong matatalo ang koponan.6WT1
Panalo Talo
2 09 Nobyembre 2009
(Araw 37)
Higa-d Tayo
Binalot ang mga kasambahay sa plastik tulad ng isang uod. Nakahiga sa una, ang layunin nila ay ang makatayo. At doon lang nila pwedeng atakehin ang mga kasambahay ng kalabang koponan..6WT2
Panalo Talo
3 10 Nobyembre 2009
(Araw 38)
HiLaban
Isang kasambahay mula sa bawat grupo ang magsusuot ng espesyanl na kasuotan at siya'y isasabit. Dalawang kasambahay mula sa kalabang koponan ang maghihila sa kasambahay na iyon para mapigilan sa pagsalo ng mga bola na ibinabato ng apat na kasambahay sa kanya..6WT3
Panalo Talo
4 11 Nobyembre 2009
(Araw 39)
Pinoy Big Ball
Naglaro nang Volleyball ang mga kasambahay gamit ang isang napakalaking bola.6WT4
Panalo Talo
  • Tanda 6WT1: Sina Johan at Carol ang naitalagang tagasanay o tagapamuno ng Group A coaches samantalang sina Patrick at Patria naman sa Group B. Para sa unang pagsubok, ayon sa pagkakasunod-sunod, ang mga kasambahay sa Group A na sina Carol, Melisa, Tibo, Jason, Rica, Johan at Paul Jake ay nakipagtagisan sa kasambahay sa Group B na sina Yuri, Mariel, Patrick, Rob, Patria, Hermes at Tom. Hindi lumahok si Kath dahil wala pa si Cathy sa bahay noong mga oras na yaon. Nagwagi ang Group A sa puntos na 6-0, kung saan ang unang laban sa pagitan nina Carol at Yuri tabla.
  • Tanda 6WT2: Para sa ikalawang paghaharap, pinili ng tagasanay o tagapamuno ng Group A sina Hermes, Kath, Mariel, Patrick at Rob while samantalang sa pinili ng tagasanay ng Group B ay sina Carol, Jason, Paul Jake, Rica at Tibo para maglaro. Sa unang round, lahat ng all manlalaro ng Group A ay nakatayo samantalang sina Hermes at Rob lang mula sa Group B ang nakatayo. Sa huling round ng laro, sinabihan ni Kuya ang mga nakatayo na sina Carol, Paul Jake a Tibo mula sa Group A at sina Kath at Mariel naman mula sa Group B, na tumbai muna, at binigyan ang mga natitirang mga kasambahay nang 30 segundo para makatayo nang walang nagbabanggaan. Sa mga huling segundos, lahat ng mga natitirang kasambahay ng Group B ay nakatayo at si Rica lamang ang natira. Subalit, nalabag ni Rob ang hindi paggalaw sa mga kasambahay na nagbunsod sa pagkapanalo ng Group A.
  • Tanda 6WT3: Para sa ikatlong paghaharap, para sa Group A, si Johan ang nagsilbing tagasalo, sina Rica at Tibo ang tagahila at sina Cathy, Jason, Melisa at Paul Jake ang tagabato samantalang para sa Group B, si Patria ang nagsilbing tagasalo, sina Hermes at Rob ang tagahila at sina Kath, Mariel, Tom at Yuri bilang tagasalo. Matapos ang dalawang round, nakakuha ang Group B ng 22 bola samantalang ang Group A ay nakakuha ng 77 na bola. Sa round 3, dahil hindi nakakuha ang Group B para makaabot sa bilang ng Group A, idineklara nang panalo ang Group ng lingguhang gawain.
  • Tanda 6WT4: Dahil sa panalo ng Group A pagkatapos ng ikatlong paghaharap, para sa ikaapat na paghaharap, ang mananalong grupo ay mabibigyan ng pagkakataon na mamili ng bahay kung saan sila manunuluyan pati na rin ang pagkakuha nila sa kanilang mga gamit na naiwan sa kanilang dating bahay. Ang matatalong grupo ay mapupunta sa hindi pinili ng nanalong bahay at hindi makukuha ang kanilang mga personal na gamit. Sa pagkapanalo ng Group A sa ikaapat na laro, ang mga kasambahay na muling nagpalit ng tinutuluyan, ang Group A ay manunuluyan sa House A at ang Group B sa House B.

The Skill-ing Bee (Ikapitong Lingguhang Gawain)

baguhin

Ang ikapitong lingguhang gawain ay serye ng mga pagsubok. Makikita sa ibaba ang detalyadong paliwanag ng bawat pagsubok. Ang bawat pagsubok ay hahatulan ng isang espesyal na bisita.

Task No. Petsa ibinigay Paglalarawan Hurado Kinalabasan sa Group A Kinalabasan sa Group B
1 15 Nobyembre 2009
(Araw 43)
It's Show-choir!
Ang mga kasambahay ang magsasagawa ng isang pagtatanghal na katatampukan ng awit at sayaw sa saliw ng Tagalog na bersyon ng awit na Insomnia ni Craig David.7WT1
Vice Ganda Talo Panalo
  • Tanda 7WT1: Para sa unang pagsubok, ang unang hurado ay ang permanenteng hurado sa Showtime, si Vice Ganda. Itinanghal ng Group A ang may temang bar samantalang ang Group B ay nagtanghal na may temang pang Diyosa. Nanalo ang Group B sa puntos na 85% samantalang nakakuha ang Group A ng 70%.

Season-Long Task

baguhin

Noong Araw 37 (9 Nobyembre 2009), inanunsyo na para sa gawaing pang-buong edisyon, kailangan nilang gumawa ng vermicomposting. Sa loob ng isang buwan, isang lalagyan na may lamang mga uod, lupa at and feces ng kuneho ang kailangan nilang lagyan ng mga natirang nabubulok na basura at tubig. Sa pagtatapos ng gawain, ang mga feces ng uod ay maaaring gamitin bilang pataba. Ginawa ito bilang bahagi ng pagbibigay diin sa kaalaman sa kapaligiran.

Kasaysayan ng Nominasyon

baguhin

Ang kasambahay na unang nabanggit ay mayroong dalawang puntos samantalang ang sumunod ay nakakuha ng isang puntos. Hindi bababa sa dalawang kasambahay mula sa bawat bahay ang mapapasama para sa pagpalayas. Nangangahulugan ito na hindi bababa sa apat na kasambahay ang nominado bawat gabi ng nominasyon. Gayunman, ang mga kasambahay na may pinakamababang bilang ng mga boto, kahit saang bahay siya galing ay mapapalayas. Ang mga kasambahay sa Grupong A ay ang mga kasambahay na taga House A talaga samantalang ang nasa Grupong B ay mga kasambahay na unang nasa House B, maliban kay Tom, na orihinal na bahagi ng House A, at Melisa, orihinal na bahagi ng House B, na pinagpalit ni Kuya bago ang unang nominasyon. Ang kulay sa tabi ng pangalan ng kasambahay ay magpapahiwatig ng kanilang kasalukuyang bahay. Gayunman, ang mga kulay para sa mga pangalan ng Nominado ay nagpapahiwatig ng grupo kung saan sila kasama.

Noong Araw 23, ang mga kasambahay ay nagpalit ng bahay, ang Group A na maninirahan sa House B at Group B maninirahan sa House A. Noong Araw 24, Sina Rob at Carol ay nagpalit ng grupo at bahay, at ngayon sila ay bahagi na ng Grupo B at A ayon sa pagkakabanggit.

Noong Araw 50, nagpalit ng bahay ang mga babaeng kasambahay. Ang mga lalaki ng Group A at babae ng Group B ang tatawaging "Neo-Group A," samantalang ang mga babae ng Group A at mga lalaki ng Group B ang tatawaging "Neo-Group B." Ang parehong bagong grupo ay binigyan ng bagong kulay sa ibaba; ang kulay para sa kanilang mga bahay ay ganoon pa rin.

#1 #2 #3 #4 #5 #6 #7 #8 #9 #10 #11 #12 #13 #14 #15 Malaking Gabi Nominasyong natanggap
Araw ng Pagpapalabas
at Petsa
Araw 21
Oktubre 24
Araw 28
Oktubre 31
Araw 35
Nobyembre 7
Araw 42
Nobyembre 14
Araw 49
Nobyembre 21
Araw 56
Nobyembre 28
Araw 64
Disyembre 6
Araw 77
Disyembre 19
Araw 84
Disyembre 26
Araw 91
Enero 2
Araw 98
Enero 9
Araw 105
Enero 16
Araw 112
Enero 23
Araw 119
Enero 30
Araw 126
Pebrero 6
Araw 133
Pebrero 13
Araw ng Nominasyon
at Petsa
Day 14
Oktuber 17
Araw 22
Oktubre 25
Araw 28
Oktubre 31
Araw 36
Nobyembre 8
Araw 42
Nobyembre 14
Araw 50
Nobyembre 22
Araw 57
Nobyembre 29
Araw 70
Disyembre 12
Araw 78
Disyembre 20
Araw 85
Disyembre 27
Araw 92
Enero 3
Araw 99
Enero 10
Araw 106
Enero 17
Araw 113
Enero 24
Araw 120
Enero 31
Melisa Paul Jake
Princess
Paul Jake
Rob
Paul Jake
Johan
Paul Jake
Tibo
Cathy
Paul Jake
Cathy
Johan
Sam
Kath
Patrick
Johan
Patrick
Johan
Johan
Sam
Johan
Sam
Tibo
Hermes
Johan
Tibo
Paul Jake
Johan
Tibo
Paul Jake
Panalo
Paul Jake Delio
Princess
Delio
Rob
Delio
Jason
Jason
Rica
Carol
Rica
Carol
Jason
Carol
Rica
Johan
Cathy
Cathy
Melisa
Rica
Sam
Johan
Cathy
Cathy
Johan
Johan
Kath
Melisa
Kath
Mariel
Johan
Ika-2 pook
Jason Johan
Princess
Rica
Delio
Delio
Tibo
Tibo
Johan
Carol
Johan
Tibo
Carol
Patrick
Carol
Patrick
Hermes
Patrick
Kath
Hermes
Kath
Nominado Tibo Tibo
Johan
Paul Jake
Kath
Tibo
Paul Jake
Ika-3 pook
Johan Rica
Jason
Paul Jake
Tibo
Jason
Delio
Carol
Paul Jake
Carol
Paul Jake
Jason
Carol
Rica
Rocky
Hermes
Tibo
Tibo
Kath
Rica Tibo
Melisa
Hermes
Paul Jake
Paul Jake
Jason
Melisa
Mariel
Tibo
Paul Jake
Ika-4 na pook
Tibo Jason
Rica
Rob
Rica
Delio
Melisa
Melisa
Rica
Jason
Carol
Carol
Jason
Rocky
Rica
Rica
Melisa
Kath
Patrick
Rica
Johan
Cathy
Sam
Melisa
Mariel
Kath
Jason
Jason Jason
Paul Jake
Ika-5 pook
Mariel Jimson
Yuri
Carol
Patrick
Patrick
Tom
Kath
Yuri
Yuri
Patria
Yuri
Kath
Rica
Rocky
Sam
Cathy
Cathy
Sam
Sam
Rica
Cathy
Sam
Melisa
Cathy
Kath
Melisa
Kath
Melisa
Tibo
Paul Jake
Napalabas
(Araw 126)
Kath Carol
Tom
Yuri
Patrick
Hermes
Patria
Yuri
Mariel
Rob
Hermes
Patrick
Mariel
Rica
Cathy
Sam
Johan
Patrick
Paul Jake
Tibo
Rica
Johan
Sam
Hermes
Cathy
Tibo
Paul Jake
Johan
Paul Jake
Napalabas
(Araw 119)
Hermes Tom
Yhel
Mariel
Yuri
Mariel
Rob
Tom
Patrick
Rob
Patria
Rob
Mariel
Johan
Jason
Jason
Carol
Mariel
Kath
Paul Jake
Johan
Mariel
Sam
Mariel
Paul Jake
Nominado Napalabas
(Araw 112)
Cathy Rica
Princess
Delio
Tibo
Tibo
Jason
Hindi
maari
Carol
Jason
Carol
Jason
Tibo
Yuri
Carol
Sam
Patrick Rica
Sam
Sam
Mariel
Melisa
Mariel
Napalabas
(Araw 105)
Muling-Napalabas
(Araw 112)
Sam Wala sa loob ng bahay
(Pumasok, Araw 43)
Hindi saklaw Rica
Melisa
Carol
Tibo
Kath
Paul Jake
Paul Jake
Kath
Kath
Tibo
Napalabas
(Araw 98)
Rica Jason
Johan
Tibo
Johan
Delio
Tibo
Tibo
Carol
Paul Jake
Cathy
Cathy
Jason
Kath
Johan
Patrick
Hermes
Mariel
Kath
Mariel
Kath
Napalabas
(Araw 91)
Nakabalik
Araw 105-119
Muling-Napalabas
(Araw 119)
Patrick Jimson
Yhel
Mariel
Yuri
Yuri
Mariel
Rob
Yuri
Rob
Mariel
Hermes
Rob
Jason
Mariel
Rica
Tibo
Cathy
Kath
Napalabas
(Araw 84)
Nakabalik
Araw 105
Muling-Napalabas
(Araw 112)
Carol Jimson
Kath
Mariel
Kath
Jason
Delio
Paul Jake
Jason
Jason
Cathy
Paul Jake
Johan
Yuri
Tibo
Hermes Napalabas
(Araw 77)
Rocky Wala sa loob ng bahay
(Pumasok, Araw 43)
Hindi saklaw Yuri
Johan
Boluntaryong Lumabas
(Araw 67)
Yuri Jimson
Mariel
Tom
Mariel
Tom
Mariel
Tom
Mariel
Rob
Patria
Kath
Rob
Rica
Cathy
Napalabas
(Araw 64)
Nakabalik
Araw 105
Muling-Napalabas
(Araw 119)
Rob Jason
Johan
Jason
Tibo
Tom
Kath
Tom
Patrick
Patria
Yuri
Patrick
Hermes
Napalabas
(Araw 56)
Nakabalik
Araw 105
Muling-Napalabas
(Araw 112)
Patria Hermes
Tom
Patrick
Mariel
Patrick
Rob
Hermes
Yuri
Patrick
Rob
Napalabas
(Araw 49)
Tom Patria
Carol
Carol
Kath
Kath
Mariel
Rob
Mariel
Sapilitang Napalabas
(Araw 42)
Nakabalik
Araw 105
Boluntaryong Lumabas
(Araw 107)
Delio Princess
Melisa
Rica
Johan
Johan
Jason
Napalabas
(Araw 35)
Nakabalik
Araw 105
Muling-Napalabas
(Araw 112)
Yhel Jimson
Patria
Tom
Carol
Sapilitang Napalabas
(Araw 26)
Princess Cathy
Tibo
Delio
Tibo
Boluntaryong Lumabas
(Araw 22)
Nakabalik
Araw 105-119
Muling-Napalabas
(Araw 119)
Jimson Carol
Patrick
Napalabas
(Araw 21)
JM Sapilitang Napalabas
(Araw 5)
Kenny Sapilitang Napalabas
(Araw 5)
Nakabalik
Araw 107
Muling-Napalabas
(Araw 112)
Toffi Sapilitang Napalabas
(Araw 5)
JP Boluntaryong Lumabas
(Araw 3)
Pananda Tingnan ang
Tanda 1
Tingnan ang
Tanda 2
at Tanda 3
Tingnan ang
Tanda 4
Tingnan ang
Tanda 5
Tingnan ang
Tanda 6
Tingnan ang
Tanda 7
Ulo ng Tahanan Walang
Ulo ng Tahanan
Paul Jake Rica Cathy Paul Jake Kath Mariel Tibo Walang
Ulo ng Tahanan
Tagatatak Walang
Tagatatak
Carol Cathy Johan Jason Jason Hermes Tibo Walang
Tagatatak
Tinatakan Walang
Tinatakan
Hermes Patrick Rica Wala Tibo Wala Jason Walang
Tinatakan
Nominado sa
pagpapalabas
Jason
Princess

Carol
Jimson
Delio
Princess
Tibo

Carol
Mariel
Yhel
Delio
Jason

Mariel
Patrick
Tom
Carol
Jason
Paul Jake
Tibo

Tom
Yuri
Carol
Patria
Rob
Yuri
Carol
Jason
Rica
Patrick
Rob
Bukas na Pagboto Carol
Hermes
Patrick
Sam
Cathy
Kath
Patrick
Johan
Paul Jake
Rica
Sam
Jason
Johan
Sam
Cathy
Hermes
Mariel
Melisa
Tibo
Hermes
Johan
Kath
Tibo
Jason
Johan
Kath
Melisa
Paul Jake
Bukas na Pagboto
Ligtas sa
pagpapalabas
Jason
46.85%
Carol
24.16%
Princess
18.79%
Carol
Delio
Mariel
Tibo
Jason
51.42%
Tom
22.78%
Patrick
14.23%
Mariel
6.14%
Carol
Jason
Paul Jake
Tibo

Yuri
Carol
69.51%
Rob
11.74%
Yuri
11.35%
Rica
38.55%
Jason
35.81%
Carol
15.11%
Patrick
6.21%
Mariel
22.94%
Carol
17.25%
Hermes
9.80%
Rocky
7.01%
Sam
4.67%
Patrick
3.90%
Rica
1.60%
Cathy
1.58%
Kath
1.53%
Melisa
1.08%
Tibo
0.74%
Jason
0.60%
Paul Jake
0.46%
Johan
0.32%
Sam
10.23%
Patrick
3.78%
Hermes
-9.96%
Kath
6.13%
Cathy
4.96%
Sam
15.17%
Johan
13.48%
Paul Jake
12.56%
Jason
34.46%
Johan
10.19%
Melisa
31.86%
Tibo
2.32%
Mariel
-3.55%
Hermes
-10.43%
Johan
26.00%
Kath
6.69%
Tibo
1.90%
Melisa
20.81%
Jason
18.59%
Paul Jake
17.90%
Johan
7.39%
Paul Jake
28.64%
Jason
22.98%
Melisa
17.83%
Johan
14.97%
Tibo12.25%
Melisa
32.08%
Napalabas Jimson
10.20%
maligtas
Walang
Napalabas
Delio
5.43%
maligtas
Walang
Napalabas
Patria
7.40%
maligtas
Rob
4.32%
maligtas
Yuri
26.52%
mapalabas
Carol
-18.42%
Patrick
1.41%
Rica
10.37%
Sam
8.64%
Cathy
-13.54%
Hermes
-6.84%
Kath
-0.38%
Mariel
3.34%
to save
Paul Jake
27.31%
Jason
24.97%

Johan
7.94%

Tibo
7.69%
Sapilitang Napalabas JM
Kenny
Toffi
Yhel wala Tom wala
Boluntaryong Lumabas JP Princess wala Rocky wala
     Kasambahay sa House A
     Kasambahay sa House B
     Double Up na Kasambahay, naglilipat-lipat sa dalawang bahay
Blue names nominado mula sa House A
Red names nominado mula sa House B
Green names nominado mula sa Neo-Group A
Dark orange names nominado mula sa Neo-Group B
     Awtomatikong Nominasyon (dahil sa nagawang paglabag o bilang gantimpala sa nanalong bahay)

Tanda 1: Boluntaryong lumabas si JP noong Araw 3. Huli siyang namalagi sa House B bago siya lumabas. Sina JM, Kenny at Toffi ay nabigong gawin ang kanilang gawain kaya kinailangan nilang lumabas noong Araw 5.
Tanda 2: Sina Princess, Mariel at Yhel ay nabigyan ng awtomatikong nominasyon ni Kuya dahil sa pag-uusap tungkol sa nangyaring nominasyon. Nabigyan ang House B nang pagkakataon na gumawa ng isang sakripisyo upang mailigtas ang isang awtomatikong nominadong kasambahay, kung saan si Mariel ang pinili nila. Si Princess ay boluntaryong lumabas nang bahay noong Araw 22.
Tanda 3: Si Yhel ay nabigyan ng sapilitang pagpapalabas dahil sa pangatlong beses na paglabag sa alituntunin ng pag-uusap ukol sa nominasyon. Kaya naman opisyal na isinarado na ang botohan para darating na gabi ng pagpapalabas noong Araw 25.
Tanda 4: Mayroong tatlong nominado mula sa Group B dahil mayroong magkasingrami ng sa bilang botong pinakamataas. Parehas nagkamig ng limang puntos sina Tom at Mariel samantalang si Patrick ay mayroong apat na puntos, na naglagay sa kanya sa pagiging ikatlong nominado, na ikalawa sa may pinakamataas na puntos. Si Delio ay bahagi ng Group A bago siya napalabas.
Tanda 5: Dahil si Cathy ay nasa byahe pa mula sa Pinlandiya papuntang Pilipinas, hindi siya nakapagnomina, pero maaari siyang inomina. Samantala, Sina Tibo at Paul ay nagkaroon ng parehong limang puntos, ang pinakamataas sa nominasyon, samantalang sina Jason at Carol ay parehong mayroong tatlong puntos.
Tanda 6: Ayon nga sa itinadhana ng lingguhang gawain, ang may pinakamataas lamang na boto mula sa Group A at ang tatlong may pinakamataas na boto mula sa Group B ang kasama sa nominado. Si Tom na nasa loob pa ng House B nang magandap ang nominasyon ay hindi na sumali sa botohan dahil na rin itinuturing na siyang napalabas.
Tanda 7: Ayon nga sa itinadhana ng lingguhang gawain, ang may pinakamataas lamang na boto mula sa Group B at ang dalawang may pinakamataas na boto mula sa Group A ang kasama sa nominado. Dagdag pa rito, awtomatikong ninomina ng Group B si Rica bilang bahagi ng kanilang gantimpala. Dahil mayroong parehas na pinakamataas na puntos sina Rob at Patrick, pareho silang nominado. Ang bagong mga kasambahay na sina Rocky at Sam ay hindi saklaw ng Nominasyon. Ngunit nabigyan sila ng pagkakataon na magmungkahi kahit na hindi mabiblang ang kanilang boto. Ibinoto ni Rocky sina Hermes at Yuri samantalang sina Mariel at Hermes namang ang ibinoto ni Sam para sa isa at dalawang puntos ayon sa pagkakabanggit.

Nakuhang Boto

baguhin

Dahil ang mga kambal na Lagumbay at Santos ay lumabas na sa bahay bago pa ang unang gabi ng nominasyon, ang kanilang mga pangalan ay hindi na isinama sa talaan sa baba.

Carol Cathy Delio Hermes Jason Jimson Johan Kath Mariel Melisa Patria
10 + 20 10 19 10 30 10 13 11 20 4 9
Patrick Paul Jake Princess Rica Rob Rocky Sam Tibo Tom Yhel Yuri
17 19 6 (+1) 13 (+1) 4 + 19 0 0 18 19 2 (+1) 17
     may awtomatikong nominasyon mula kay Kuya dahil sa (mga) paglabag o mula sa mga kasambahay bilang gantimpala.
Asul na bilang boto mula sa kasambahay sa House A
Pula na bilang boto mula sa kasambahay sa House B
Berde na bilang boto mula sa kasambahay sa Neo-Group A
Kahel na bilang boto mula sa kasambahay sa Neo-Group B
     Big Winner
     Runner-up

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Hosts of PBB Double Up". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-07. Nakuha noong 2009-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. ""RP 'Big Brother' update". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-26. Nakuha noong 2009-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Pinoy Big Brother Double Up Housemates". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-07. Nakuha noong 2009-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Carol Batay Pinoy Big Brother Double Up". 28 Oktubre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2009. Nakuha noong 28 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-13. Nakuha noong 2009-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. http://www.youtube.com/user/iABSCBN

Panlabas na mga kawing

baguhin