Israel

(Idinirekta mula sa Mga Israeli)

Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Ebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabe: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan.[6] Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga Israeli.

Estado ng Israel
מְדִינַת יִשְׂרָאֵל(sa Hebreo)دَوْلَة إِسْرَائِيل (sa Arabe)
Medīnat Yisrā'elDawlat Isrāʼīl
A white flag with horizontal blue bands close to the top and bottom, and a blue star of David in the middle.
Watawat
Menorah surrounded by an olive branch on each side, and the writing in Hebrew below it.
Emblem (Ang Menorah)
Awiting Pambansa: Hatikvah (Ang Pag-asa); הַתִּקְוָה)
Mapa ng Gitnang Silangan at Israel (pula)
KabiseraHerusalem[a]
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalEbreo, Arabe[1]
Pangkat-etniko
(2012)
75.4% Hudyo
20.6% Arabo
4% iba pa[2]
KatawaganIsraeli
PamahalaanUnitaryong estado
Isaac Herzog (יצחק הרצוג)
Benjamin Netanyahu (בנימין נתניהו)
Mickey Levy (מיקי לוי)
Esther Hayut (אֶסְתֵּר חַיּוּת)
LehislaturaKnesset
Independence 
14 Mayo 1948
Lawak
• Kabuuan
2077022072 km2 (0.36333 mi kuw)[1] (153rd)
• Katubigan (%)
2
Populasyon
• Pagtataya sa 2012
8,134,100[2][2][3] (97th)
• Senso ng 2008
7,412,200[2][4]
• Densidad
347/km2 (898.7/mi kuw) (34th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2011[5]
• Kabuuan
$236.994 bilyon (50th)
• Bawat kapita
$31,467 (26th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2011[5]
• Kabuuan
$243.654 bilyon (41st)
• Bawat kapita
$32,351 (27th)
Gini (2008)39.2[1]
katamtaman · 66th
TKP (2011)0.888
napakataas · 17th
SalapiBagong shekel [3] (‎) (ILS)
Sona ng orasUTC+2 (IST)
• Tag-init (DST)
UTC+3 (IDT)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy (AD)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono972
Kodigo sa ISO 3166IL
Internet TLD.il
  1. ^ Excluding / Including the Golan Heights and East Jerusalem; see below.
  2. ^ Includes all permanent residents in Israel, the Golan Heights and East Jerusalem. Also includes Israeli citizens living in the West Bank. Excludes non-Israeli population in the West Bank and the Gaza Strip.
  3. ^ * Israeli new shekel is the official currency of the State of Israel since 1 Enero 1986,
    * Old Israeli shekel was the official currency of the State of Israel between 24 Pebrero 1980 and 31 Disyembre 1985,
    * Israeli lira was the official currency of the State of Israel between Agosto 1948 and 23 Pebrero 1980,
    * Palestine pound was the official currency of the British Mandate from 1927 to 14 Mayo 1948 and of the State of Israel between 15 Mayo 1948 and Agosto 1948,
    * before 1927 the official currency of this area was the Ottoman lira until 1923, and in between 1923 and 1927 the Ottoman lira circulated alongside the Egyptian pound.

Kasaysayan

baguhin

Sa pagitan ng 2.6 at 0.9 milyong taong nakakalipas, may hindi bababa sa apat na mga episodyo ng pagkalat ng hominine mula sa Aprika tungo sa Levant (modernong Syria, Lebanon, Israel, Palestine at Jordan).[7] Sa kabundukang Carmel sa el-Tabun, at Es Skhul.[8] ang mga labi ng Neanderthal at mga sinaunang tao ay natagpuan kabilang ang isang kalansay ng isang Neanderthal na babae.[9] Ang paghuhukay sa el-Tabun ay nagprodyus ng pinakamahabang rekord na stratigrapiko sa rehiyon na sumasaklaw sa 600,000 o higit pang taon ng mga gawain na pantao [10] mula sa Mababang Paleolitiko hanggang sa kasalukuyang panahon na tinatayang milyong taon ng ebolusyon ng tao.[11]

Ang unang rekord ng pangalang Israel (bilang ysrỉꜣr) ay umiiral sa Merneptah Stele na itinayo para sa Paraon na Ehiptong si Merneptah c. 1209 BCE. Nakita ng mga arkeologo ang "Israel" na ito sa mga sentral na matataas na lupain bilang isang kultura at malamang ay pampolitika na entidad ngunit isa lamang pangkat etniko sa halip na isang organisadong estado. Ang mga ninuno ng mga Israelita ay maaaring kinabibilangan ng mga Semita na tumira sa Canaan at ang mga Taong Dagat. Ayon kay McNutt, "Malamang na ligtas na ipagpalagay na sa isang panahon noong Panahon ng Bakal (sa may 1200 BCE), ang isang populasyon ay nagsimulang kumilala sa kanilang mga sarili bilang Israelita na nagtatangi ng sarili nito mula sa mga Cananeo gaya ng mga marka na pagbabawal ng pagpapakasal sa ibang lahi, isang pagbibigay diin sa kasaysayan at heneolohiya at relihiyon. Noong mga 1920, ang ideya ng pananakop ng mga Israelita sa Canaan ayon sa Aklat ni Josue ay hindi sinusuportahan ng rekord na arkeolohikal. Wala ring ebidensiya na ang mga Israelita ay nagmula sa Ehipto ayon sa Aklat ng Exodo. Ang mga Israelita ayon sa mga arkeologo ay mga katutubong Cananeo. Ayon sa mga eskolar at arkeologo, ang mga ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita na ang mga Israelita ay hindi mga monoteista (gaya ng isinasaad sa Bibliya) mula pa sa simula ng pagkakatatag nito kundi mga politeista.[12]

Ang politeismo ng mga Sinaunang Israelita ay nag-uugat mula mga politeistikong relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan at sumasalamin sa mga ilang aklat ng Tanakh gaya ng paggamit ng salitang Hebreo na 'elohim na anyong plural ng Eloah na anyo ng El (diyos) na isang pangkalahatang salita para sa diyos sa mga relihiyong Semitiko.[13] Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita sa panahong ito ng isang lipunan ng mga tulad ng baranggay na sentro ngunit may mas limitadong mga mapagkukunan at isang maliit na populasyon. Ang pagpepetsa ng mga labi sa mga kasaysayan ng Israel ayon sa Bibliya ay ginawang mahirap sa kawalan ng bibliya ng mga mapepetsang pangyayari at sa hindi maasahan at magkaayon na panloob na kronolohiya. Walang mga labing materyal na natuklasan na maasahang naghihiwalay ng mga lugar ng Israelita mula sa mga hindi Israelita (Cananeo) sa mga pinakaamaagang panahon.[14]

Ang unang Kaharian ng Israel ay itinatag noong mga taong 1000 BCE. Ayon sa Bibliya, ang imperyo ni Solomon ay sumaklaw mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo hanggang sa hangganang ng Ehipto (1 Hari 4:21-24). Gayunpaman, ito ay hindi sinsuportahan ng mga ebidensiyang arkeolohikal.[15] Ayon sa Bibliya, kasunod ng kamatayan ni Solomon noong ca. 900 BCE, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng hilagang bahagi ng Israel na binubuo ng 10 mga lipi ng Israel at ang katimugang na pinamumunuan ng Herusalem. Ito ay humantong sa pagkakahati ng Israel sa dalawang mga kaharian: ang hilagang Kaharian ng Israel (Samaria) at ang timog na Kaharian ng Judah. Ayon sa mga arkeologo, ang aktuwal na Kaharian ng Judah ay hindi katulad ng inilalarawan sa Bibliya bilang isang makapangyarihang kaharian dahil ang kaharian ng Judah ayon sa mga ebidensiyang arkeolohikal ay hindi higit sa isang maliit na tribo. Sa panahong ito, ang mga ebidensiyang arkeolohiyal ay nagpapakita ng mga tensiyon sa pagitan ng pangkat na komportable sa pagsamba kay Yahweh kasama ng mga lokal na diyos gaya nina Asherah at Baal at sa mga sumasamba "lamang" kay Yahweh.[16][17] Ang pinakamatandang mga aklat ng Tanakh na isinulat noong ika-8 siglo BCE ay nagrereplekta ng alitang ito gaya ng Aklat ni Hosea at Aklat ni Nahum. Ang paksiyong monoteista ay tila nagkamit ng malaking impluwensiya noong ika-8 siglo BCE at noong ika-7 siglo BCE, batay sa pinagkunang Deuteronomistiko, ang pagsambang monoteistiko kay Yahweh ay tila naging opisyal na narereplekta sa pagtatanggal ng larawan ni Asherah mula sa templo sa ilalim ni Hezekias. Ayon sa mga eskolar at historyan, sa panahong ito nang ang pagsambang monoteistiko ay nagmula.[18]

Binaligtad ng kahalili ni Hezekias na si Mannaseh ang mga pagbabagong ito at ibinalik ang pagsambang politeistiko at ayon sa 2 Mga Hari 21:16 ay inusig ang paksiyong monoteistiko. Si haring Josias ay muling bumalik sa monolatriya (pagsamba lamang sa isang diyos ngunit pagkilala sa pag-iral ng ibang mga diyos). Ang Aklat ng Deuteronomio gayundin ang ibang mga aklat ng Tanakh ay isinulat sa panahon ng pamumuno ni Josias. Kaya, ang mga huling dalawang dekada ng panahon ng kaharian ng Israel hanggang sa pagsalakay sa Herusalem ng noong 597 BCE ay nagmamarka sa opisyal na monolatriya ng diyos ng Israel. Ito ay may mahalagang mga konsekwensiya sa pagsamba kay Yahweh gaya ng sinasanay sa pagkakatapon sa Babilonya at sa teolohiya ng Ikalawang Templo sa Herusalem ng Hudaismo. Ayon sa Bibliya, ang Kaharian ng Israel (Samaria) (hilaga) ay umiral bilang isang malaya estado hanggang 722 BCE nang ito ay sakupin ng Imperyong Neo-Asirya samantalang ang Kaharian ng Judah (timog) ay umiral bilang independiyenteng estado hanggang 587/586 BCE nang ito ay sakupin ng imperyong Neo-Babilonya. Nang talunin ng imperyong Persiya ang Babilonya, ang Israel ay sumailalim sa pamumuno ng imperyong Akemenida ng Persiya at pinayagan na makabalik ng Persiya ang mga Israelita sa Judah. Ang modernong analysis na makapanitikan na Tanakh ay nagmumungkahi na sa panahong ito nang binago ang pinagkunan na pambibig at isinulat upang ipaliwanag ang pagkakatapon ng mga Israelita bilang parusa ng diyos dahil sa pagsamba sa ibang mga diyos.[19] Iminungkahi na ang mahigpit na monoteismo ay umunlad sa pagkakatapong ito ng mga Israelita sa Babilonya at marahil ay bilang reaksiyon sa dualismo o quasi-monoteismo ng Zoroastrianismo ng mga Persa (Persian).[20][21] Ang mga skolar ay naniniwala na ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong Zoroastrianismo[19][21] ng Persia sa mga pananaw ng anghel, demonyo, malamang ay sa doktrina ng muling pagkabuhay gayundin sa mga ideyang eskatolohikal at sa ideya ng mesiyas o tagapagligtas ng mesiyanismong Zoroastriano. Inilarawan ni Zarathushtra sa kanyang Gathas ang isang saoshyant (tagapagligtas) na benepaktor ng mga tao.

 
Pagdiriwang ng Hanukkah ng mga Hudyo mula Disyembre 18 hanggang 26 Disyembre 2022.

Tinalo ni Dakilang Alejandro ng imperyong Gresya (Macedonia) ang Imperyong Persiya noong 1 Oktubre 331 BCE sa labanan ng Gaugamela at pagkatapos ng kamatayan ni Dakilang Alejandro, ang Imperyong Gresya ay nahati sa 4 na heneral ni Dakilang Alejandro na sina Lysimachus, Cassander, Ptolomeo I Soter at Seleucus I Nicator(Daniel 8:22). Sa simula, ang Israel ay sumailalim sa Kahariang Ptolemaiko at kalaunan ay sa ilalim ng imperyong Seleucid. Sa mga hari ng Seleucid na namuno sa Israel, si Antiochus IV Epiphanes ang nagkamit ng masamang katanyagan dahil sa kanyang paglalapastangan sa templo ng Hudaismo, pagpapatigil ng paghahandog sa Ikalawang Templo sa Herusalem gayundin sa pagbabawal ng relihiyong Hudaismo at pag-uusig at pagpatay sa mga Hudyo. Ang katimugang Levant ay naging helenisado na humantong sa mga tensiyon sa pagitan ng mga relihiyoso at mga Helenisadong Hudyo. Ang alitan ay sumiklab noong 167 BCE sa paghihimagsik ng mga Macabeo laban sa mga hukbo ng Imperyong Seleucid na kanilang napagtagumpayan. Ang mga pangyayaring ito ay mababasa sa Aklat ni Daniel at 1 Macabeo at 2 Macabeo. Ang pagwawaging ito ng mga Hudyo laban sa mga Seleucid ay ipinagdiriwang nang taunan sa Israel at ng mga Hudyo sa buong mundo sa pistang Ḥanuka(Pista ng mga Ilaw). Ito ay humantong sa pagtatag ng isang independiyenteng Kahariang Hasmoneo sa Judea. Sinakop ng imperyo Romano ang rehiyong ito noong 63 BCE. Ang alitan sa pagitan ng mga paksiyong pro-Romano at pro-Imperyong Parto sa Judea ay kalaunang tumungo sa paglalagay kay Herodes ang Dakila at konsolidasyon ng Kahariang Herodiano bilang basalyong estado ng Imperyong Romano. Ang Judea ay ginawang lalawigan ng Roma noong 6 CE kasuod ng paglipat ng tetrarkiyang Judean sa sakop ng Roma. Sa mga sumunod na dekad, nagkaroon ng papapalaking mga tensiyon sa pagitan ng mga populasyong Greko-Romano at Judean.

 
Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem o Templo ni Herodes noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah.

Noong 66 CE, ang mga Hudyo sa Judea ay naghimagsik laban sa Roma sa Unang Digmaang Hudyo-Romano at pinangalanan ang kanilang estado bilang "Israel". Ang Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem ay winasak ng mga Romano noong 70 CE sa Unang Digmaang Hudyo-Romano. Pagkatapos ng digmaan, ang mga Hudyo ay patuloy na binuwisan sa Fiscus Judaicus na ginamit upang pondohan ang templo ng diyos na si Hupiter. Noong 131 CE, muling pinangalanan ni Emperador Hadrian ang Herusalem na "Aelia Capitolina" at nagtayo ng templo sa lugar ng dating templong Hudyo. Ang mga Hudyo ay pinagbawalang tumira sa Herusalem (na nagpatuloy hanggang sa pananakop na Arabo) at sa lalawigang Romano na sa panahong ito ay kilala bilang Lalawigang Iudaea at muling pinangalanang "Palaestina". Mula 132 hanggang 136, ang pinunong Hudyo na si Simon Bar Kokhba ay nanguna sa isang paghihimagsik laban sa mga Romano at muling pinangalanan ang bansa na "Israel". Ang Kristiyano na nakaraang isang sekta ng Hudaismo ay tumangging lumahok sa paghihimagsik at naging isang hiwalay na relihiyon. Ang paghihimagsik ay sinupil ni Emperador Hadrian, at sa panahon ng himagsikan ng Bar Kokhba, ang asembleang Rabinikal ay nagpasya kung aling mga aklat ang magiging bahagi ng Tanakh (bibliyang Hebreo) at nagpasya sa pagtatanggal sa mga apokripang Hudyo.

Sa simula ng ika-4 siglo CE, ang Constantinople ay naging kabisera ng Silangang Imperyo Romano at ang Kristiyanismo ay ginawang opisyal na relihiyon. Ang Herusalem ay ibinalik sa Aelia Capitolina at naging isang siyudad na Kristiyano. Ang mga Hudyo ay bawal pa rin na tumira sa Herusalem ngunit pinayagang bumisita. Ang Imperyong Romano ay nahati noong 390 KP at ang rehiyon ng Israel ay naging bahagi ng Silangang Imperyong Romano, o ang Imperyong Bizantino. Sa ilalim ng mga Bisantino, ang Kristiyanismo ay pinanaigan ng Griyegong Simbahang Ortodokso. Noong ika-5 siglo, ang Kanlurang Imperyong Romano ay gumuho na tumungo sa migrasyon ng mga Kristiyano sa Palestina. Ang ilang mga paghihimagsik ng mga Samaritano ay sumiklab sa panahong ito na nagresulta sa populasyon nito na halos maubos. Noong 611, sinakop ng Persiyang Sassanid ang imperyong Bisantino at pagkatapos ng isang matagal na pagsalakay, nabihag ni Chosroes II ang Herusalem noong 614 CE sa tulong ng mga Hudyo. Ang mga Hudyo ay pinayagan ng mga Persa (Persian) na mamahala sa Herusalem at tumagal hanggang noong 617 KP nang ang mga Persa (Persian) ay sumuko. Ang emperador Bisantino na si Heraclius ay nangako na ibabalik ang mga karapatan ng Hudyo at nakatanggap ng tulong sa pagtalo sa mga Persiyano. Gayunpaman, kanya itong hindi tinupad pagkatapos ng muling pananakop sa Palestina at nagiisyu ng pagbabawal ng Hudaismo sa imperyong Bisantino.

Noong 634–636 CE, sinakop ng mga Arabe ang Palestina na nagwawakas sa pagbabawal sa mga Hudyo na tumira sa Herusalem. Sa sumunod na ilang mga siglo, ang Islam ay pumalit sa Kristiyanismo bilang nananaig na relihiyon sa rehiyon. Mula 636 hanggang sa pagsisimula ng mga krusada, ang Palestina ay unang pinamahalaan ng nakabase sa Medina na mga kalipang Rashidun at pagkatapos ay ng nakabase sa Damascus na kalipatang Umayyad at pagkatapos ay ng nakabase sa Baghdad, Iraq na mga Kalipang Abbasid. Noong 691, itinayo ng kalipang Umayyad na si Abd al-Malik (685–705) ang Dome of the Rock shrine sa Temple Mount. Ang moskeng Al-Aqsa ay itinayo sa Temple Mount noong 705. Sa pagitan ng ika-7 at ika-11 siglo CE, ang mga eskribang Hudyo na tinatawag na mga Masorete at matatagpuan sa Galilea at Herusalem ay bumuo ng Tekstong Masoretiko na huling teksto ng Tanakh.

Sa panahon ng mga mga Krusada, ang parehong mga Muslim at Hudyo ay minasaker o ibinenta sa pang-aalipin. Noong 1187, natalo ng Ayyubid Sultan na si Saladin ang mga nagkrusada na kinuha ang Herusalem at ang karamihan ng Palestina. Mula 1260 hanggang 1291, ang area na ito ay naging hangganan sa pagitan ng mga mananakop na Mongol at mga Mamluk ng Ehipto. Kalaunan ay natalo ng Sultan Qutuz ng Ehipto ang mga Mongol at ang kanyang kahaliling si Baibars ay nagalis ng huling Kaharian ng nagkrusada noong 1291 na nagwakas sa mga krusada. Ang pagguho ng mga krusada ay sinundan ng papalaking pag-uusig at pagpapatalsik sa mga Hudyo sa Europa. Ito ay nagsimula sa Inglatera noong 1290 at sinundan ng Pransiya noong 1306. Sa Espanya, ang pag-uusig ng mga Hudyo ay nagsimula kabilang ang mga masaker at sapilitang pang-aakay. Ang pagiging kumpleto ng muling pananakop ng mga Kristiyano sa Espanya ay tumungo sa pagpapatalsik ng mga Hudyo sa Espanya noong 1492 at Portugal noong 1497.

Mula ng pagkakalat ng mga Hudyo sa iba't ibang mga bansa, ang mga ito ay naghangad na makabalik sa "Zion" at sa lupain ng Israel bagaman ang halaga ng pagsisikap na ginuguol tungo sa layuning ito ay pinagtatalunan. Ang mga paghahangad na ito ay mahalagang tema sa paniniwalang Hudyo. Ang papel ng ilang mga Kristiyano sa muling pagtatayo ng Israel ay alam at ang mga Kristiyanong ito ay naniniwala na ito ay umaayon at kailangan upang matupad ang mga propesiya ng Bibliya batay sa kanilang mga partikular na interpretasyon ng bibliya. Ito ay itinuturing ng mga kritiko na isang uri ng propesiya na tumutupad sa sarili na isang hula na direkta o hindi direktang nagsasanhi sa sarili nito na magkatotoo. Ang unang mga modernong migrasyon ng Hudyo (Aliyah) sa pinamahalaan ng Ottoman na Palestina ay nagsimula noong 1881 habang tumatakas ang mga Hudyo sa mga pogrom sa Silangang Europa. Ito ay sinundan ng ikalawang migrasyon nang ang mga 40,000 Hudyo ay tumira sa Palestina bagaman ang halos kalahati ng mga ito ay lumisan sa kalaunang panahon. Ang mga una at ikalawang migrante ay pangunahing mga Ortodoksong Hudyo bagaman ang ikalawa ay kinabibilangan ng mga sosyalista na nagtatag ng kilusang kibuttz. Ang Jewish Legion na pangkat na pangunahing binubuo ng mga bolunterong Zionista ay tumulong sa pananakop ng Britanya sa Palestina noong 1917. Ang pagtutol na Arabo sa pamamahala ng Britanya at imigrasyon ng mga Hudyo ay humantong sa mga riot sa Palestina noong 1920 at pagkakabuo ng militia na Hudyong Haganah kung saan ang mga pangkat paramilitar ay kalaunang humiwalay.

Noong 1922, ipinagkaloob ng Liga ng mga Bansa ang Britanya ng isang mandato sa Palestina sa ilalim ng mga terminong katulad ng Deklarasyong Balfour. Ang populasyon sa Palestina sa panahong ito ay pangunahing binubuo ng mga Arabo at Muslim at ang mga Hudyo ay bumubuo ng 11% ng populasyon. Ang ikatlo at ikaapat na migrasyon ay nagdagdag ng karagdagang mga 100,000 Hudyo sa Palestina. Ang pag-akyat ng partidong Nazi sa kapangyarihan at papalaking pag-uusig sa mga Hudyo noong mga 1930 ay humantong sa ikalimang migrasyon ng mga Hudyo. Ito ang sanhi ng paghihimagsik ng mga Arabo noong 1936–1939 na nagtulak sa mga Briton na magpakilala ng mga restriksiyon sa imigrasyon ng mga Hudyo sa Palestina. Sa pagtanggi ng daigdig sa mga refugee na Hudyo noong Holokausto ni Adolf Hitler, ang isang sikretong kilusan na kilala bilang Aliyah Bet ay pinangasiwaan upang dalhin ang mga Hudyo sa Palestina.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, natagpuan ng Britanya ang sarili nito sa isang mabangis na alitan sa pamayanang Hudyo dahil ang Haganah ay sinalihan ng Irgun at lehi sa isang armadong pakikibaka laban sa pamamahala ng Britanya. Noong 1947, inanunsiyo ng Britanya ang pag-urong sa Mandato ng Palestina na naghahayag na hindi nito magawang dumating sa isang solusyon na katanggap-tanggap sa parehong mga Arabo at Hudyo. Noong Nobyembre 1947, tinanggap ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa ang isang resolusyon na nagrerekomiyenda sa pagtanggap at pagpapatupad ng isang Plano ng Paghahati sa Unyong Ekonomiko. Ang Jewish Agency na kinikilalang kinatawan ng pamayanang Hudyo ay tumanggap sa plano ngunit ito ay itinakwil ng Ligang Arabo at Arab Higher Committee of Palestine. Noong 1 Disyembre 1947, ang Arab Higher Committee ay nagproklama ng tatlong araw na strike at ang mga bandang Arabo ay nagsimulang umatake sa mga Hudyo. Ang mga Hudyo sa simula ay depensibo habang ang digmaang sibil ay sumisiklab ngunit unti unting naging opensibo. Ang ekonomiya ng Arabong Palestina ay gumuho at ang mga 250,000 Arabong Palestino ay lumikas o pinatalsik. Noong 14 Mayo 1948, bago ang pagtatapos ng Mandato ng Britanya, inihayag ni David Ben-Gurion, na pinuno ng Jewish Agency ang "pagkakatag ng isang estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel".

Mga dibisyong administratibo

baguhin

Ang Israel ay nahahati sa anim na pangunahing distritong administratibo na tinatawag na mehozot (Hebreo: מחוזות‎; singular: mahoz) – Sentro, Haifa, Herusalem, Hilaga, Timog, at mga distritong Tel Aviv gayundin ang Judea and Samaria Area sa West Bank. Ang lahat ng Judea at Samaria Area at mga bahagi ng Herusalem at mga Hilagaang distrito ay hindi kinikilala ng pamayanang internasyonal na bahagi ng Israel. Ang mga distrito ay karagdagan pang nahahati sa 15 subdustrito na tinatawag na nafot (Hebreo: נפות‎; singular: nafa), which are themselves partitioned into fifty natural regions.[22]

Distrito Kabisera Pinakamalaking siyudad Populasyon [23]
Hudyo Arabo Kabuuan note
Distritong Herusalem Herusalem 67% 32% 1,083,300 a
Hilagaang Distrito (Israel) Nof HaGalil Nazareth 43% 54% 1,401,300
Distritong Haifa Haifa 68% 26% 996,300
Distritong Sentral (Israel) Ramla Rishon LeZion 88% 8% 2,115,800
Dustritong Tel Aviv District Tel Aviv 93% 2% 1,388,400
Katimugang Distrito (Israel) Beersheba Ashdod 73% 20% 1,244,200
Distritong Judea at Samaria Ariel Modi'in Illit 98% 0% 399,300 b

Relihiyon

baguhin

Ang 8% ng mga Hudyong Israeli ay kumikilala sa kanilang sarili na Haredim; ang karagdagang 12% bilang relihiyoso; 13% bilang relihiyosong-tradisyonalista; 25% bilang hindi-relihiyosong tradisyonalista (hindi striktong sumusunod sa batas ng Hudyo o halakha) at 42% bilang sekular (Hiloni).[24] Ang 65% ng mga Hudyong Israeli ay naniniwala sa diyos,[25] at ang 85% ay lumalahok sa seder ng Paskuwa.[26] Ang mga Israeling kumikila sa kanilang mga sarili bilang ateista o agnostiko ay sa pagitan 15% at 37%.[27] Ang mga hilonim o sekular na Israeli ay nasasangkot sa maraming mga hindi kasunduan sa mga relihiyosong Israeli na Haredi. Ang mga alitang ito ay nagmumula sa hindi pagpayag ng Haredim na magsilbi sa Israel Defense Forces, ang pagsuporta ng lobby ng Haredi sa pagbabawal ng karne ng baboy sa Israel at ang mandatoryong pagsasara ng lahat ng mga tindahan sa Shabbat at Anti-Siyonismo ng mga pangkat Haredi. Ang isa sa pangunahing dahilan ng pagtakwil ng mga Haredim sa Zionismo ang pag-aangkin na ang independiyensiyang pang politika ng mga Hudyo ay dapat lamang makamit sa pamamagitan ng interbensiyon ng diyos at sa pagdating ng mesiyas na Hudyo. Ang anumang pagtatangka na pwersahin ang kasaysayan ay nakikita ng mga ito na isang bukas na paghihimagsik laban sa Hudaismo. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Sa ilalim ng kasunduang ito ang:

  • Ang Hepeng Rabbi ay may kapangyarihan sa kashrut, shabbat, paglilibing na Hudyo, mga isyung personal gaya ng kasal, diborsiyo at mga pag-akay.
  • Ang mga kalsada sa pamayanang Haredi ay sarado sa trapiko tuwing shabbat.
  • Walang sasakyang pampubliko sa shabbat at ang karamihan ng mga negosyo ay sarado. Gayunpaman, may sasakyang publiko sa Haifa dahil ito ay may isang malaking populasyon ng Arabo.
  • Ang mga restaurant na nagnanais na mag-anunsiyo ng mga sarili nito bilang kosher ay dapat sinertepikuhan ng Hepeng Rabbi.
  • Ang pag-aangkat sa Israel ng mga pagkaing hindi kosher ay bawal. Sa kabila ng pagbabawal na ito, ang ilang mga sakahan ng baboy ay nagsusuplay sa mga establisyemento na nagtitinda ng puting karne dahil sa pangangailangan mula sa ibang mga sektor ng populasyon. Sa kabila ng status quo, ang Korte Suprema ng Israel ay nagpasya noong 2004 na ang mga lokal na pamahalaan ay hindi pinapayagan na magbawal ng pagtitinda ng karne ng baboy bagaman ito ay nakaraang isang karaniwang by-law.

Gayunpaman, ang ilang mga paglabag sa status quo ay nananaig gaya ng pagbubukas ng ilang mga mall tuwing shabbat. Bagaman ito ay labag sa batas, ang pamahalaan ay nagbubulagbalagan dito. Ang maraming mga bahagi ng status quo ay hinamon ng mga sekular na Israeli gaya ng kontrol ng Hepeng Rabbi sa mga kasal na Hudyo, diborsiyong Hudyo, mga pag-akay at ang tanong kung sino ang Hudyo para sa mga layunin ng imigrasyon. Bagaman ang estado ng Israel ay pumapayag sa kalayaan ng relihiyon para sa lahat ng mga mamamayan nito, ito ay hindi pumapayag sa sibil na kasal. Ang estado ay nagbabawal at hindi nag-aaproba sa anumang mga kasal na sibil o mga diborsiyong hindi relihiyoso na ginagawa sa loob ng Israel. Dahil dito, ang ilang mga Israeli ay nagpapakasal sa labas ng Israel. Sa ngayon, ang mga sekular na Israeling-Hudyo ay nag-aangkin na hindi sila relihiyoso at hindi nagmamasid ng mga batas ng Hudyo at ang Israel bilang isang demokratikong modernong bansa ay hindi dapat magpwersa sa mga pagmamasid ng mga batas na Hudyo sa lahat ng mga mamamayan nito laban sa kanilang kalooban.

Politika

baguhin

Ang Israel ay nasa ilalim ng isang sistemang parlamentaryo bilang isang demokratikong republika na may pangkalahatang karapatang bumoto. Ang isang kasapi ng parlamento na sinusuportahan ng mayoridad ng parlimaneto ang nagiging punong ministro. Ang punong ministro ang pinuno ng pamahalaan at ng gabinete. Ang Israel ay pinamamahalaan ng 120 kasaping parlamento na kilala bilang Knesset. Ang pagiging kasapi ng knesset ay batay sa representasyong proporsiyonal ng mga partido na may isang 2% electoral threshold na sa kasanayan ay nagresulta sa mga pamahalaang koalisyon. Ang mga halalan sa parlamento ay isinagagawa tuwing apat na taon ngunit ang hindi matatag na mga koalisyon o isang botong walang konpidensiya ay maaaring magwakas ng pamahalaan ng mas maaga. Ang mga pangunahing batas ng Israel ay nagsisilbi bilang hindi naisulat na konstitusyon. Noong 2003, ang knesset ay nagsimulang magdrapto ng isang opisyal na konstitusyon batay sa mga batas na ito. Ang presidente ng Israel ang pinuno ng estado na may limitado at karamihang mga katungkulang seremonyal.

Mga teritoryong sinakop ng Israel

baguhin

Noong 1967, bilang resulta ng Digmaang Anim na Araw, nakamit ng Israel ang kontrol ng West Bank (Judea at Samaria), Silangang Herusalem, Gaza Strip at Golan Heights. Nakuha rin ng Israel ang kontrol ng Peninsulang Sinai ngunit ibinalik ito sa Ehipto bilang bahagi ng Kasunduang Kapayaan na Israel-Ehipto. Kasunod ng pagkakabihag ng Israel ng mga teritoryong ito, ang mga tirahan na binubuo ng mga mamamayang Israeli ay itinatag sa loob ng bawat nito. Nilapat ng Irael ang batas na sibilyan sa Golan Heights at Silangang Herusalem na nagsasama ng mga ito sa teritoryo nitong soberanya at nagkakaloob sa mga nakatira dito ng katayuang permanenteng residente at ang pagpili na mag apply ng pagkamamayan. Salungat dito, ang West Bank ay nanatili sa ilalim ng operasyong militar at ang mga Palestino sa sakop na ito ay hindi maaaring maging mamamayan ng Israel. Ang Gaza Strip ay independiyente sa Israel na walang militar ng Israel o presensiya ng sibilyan ngunit ang Israel ay nagpapanatili ng kontrol sa himpapawid at mga katubigan nito. Ang Gaza Strip at ang West Bank ay nakikita ng mga Palestino at karamihan ng pamayanang internasyonal bilang ang lugar ng hinaharap na estado ng Palestina. Idineklara ng UN Security Council ang aneksasyon ng Israel ng Golan Heights at Silangang Herusalem bilang "walang bisa" at patuloy na nakikita ang mga ito na sinasakop. Ang International Court of Justice na pangunahing organong hudisyal ng United Nations ay nagsaad sa opinyon nitong pagpapayo noong 2004 tungkol sa legalidad ng pagtatayo ng harang na Israeli sa West Bank na ang mga lupaing nabihag ng Israel sa Digmaang Anim na Araw ay teritoryong sinakop. Ang katayuan ng Silangang Herusalem sa anumang kasunduang kapayapaan ay minsang naging mahirap na harang sa mga negosiasyon sa pagitan ng mga pamahalaan at kinatawan ng Israel at Palestina dahil nakikita ng Israel ang Silangang Herusalem bilang soberanyang teritoryo nito at bilang bahagi ng kabisera nito. Ang karamihan ng mga negosiasyon ukol sa mga teritoryo ay batay sa United Nations Security Council Resolution 242 na nagbibigay diin sa inadmisibilidad ng pagkakamit ng teritoryo sa pamamagitan ng digmaan at tumatawag sa Israel na umurong mula sa mga sinakop na teritoryong ito kapalit ng pagbabalik ng pagiging normal ng mga ugnayan sa estadong Arabo na prinsipyong kilala bilang "Lupain para sa kapayapaan".

Mga ugnayang pandayuhan

baguhin

Ang Israel ay nagpapanatili ng mga ugnayang diplomatiko sa mga 157 bansa at may mga 100 misyong diplomatiko sa buong mundo. Ang tanging tatlong mga kasapi ng Liga ng Arabo na may normal na ugnayan sa Israel ang Ehipto, Jordan at Mauritania. Gayunpaman, ang Israel ay nakikita pa ring isang kaaway na bansa ng mga Ehipsiyo sa kabila ng kasunduang kapayapaan sa Israel. Sa ilalim ng batas na Israeli, ang Lebanon, Syria, Saudi Arabia, Iraq, at Yemen ay mga kaaway na bansa at ang mga mamamayang Israeli ay hindi pinapahintulutang bumisita sa mga bansang ito nang walang pahintulot ng Kalihim na Panloob ng Israel. Ang Unyong Sobyet at Estados Unidos ang unang dalawang mga bansa na kumilala sa Estado ng Israel. Ang Israel ay itinuturing ng Estados Unidos na pangunahing ka-alyado sa Gitnang Silangan batay sa mga karaniwang pagpapahalagang demokratiko, mga apinidad na relihiyoso at mga interes na pang-seguridad. Ang Estados Unidos ay nagkaloob ng $68 bilyon sa tulong militar at $32 bilyon sa mga grant sa Israel mula 1967 sa ilalim ng Aktong Pagtulong sa Dayuhan na higit sa anumang mga bansa hanggang noong 2003. Ang Estados Unidos at Israel ay may magkaibang mga pananaw sa ilang mga isyu gaya ng Golan Heights, Herusalem, at mga pagtira.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Israel". The World Factbook. Central Intelligence Agency. 8 Pebrero 2012. ISSN 1553‐8133. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2018. Nakuha noong 17 Pebrero 2012. {{cite web}}: Check |issn= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Latest Population Statistics for Israel". Jewish Virtual Library. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-12. Nakuha noong 17 Setyembre 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Population, by Population Group". Monthly Bulletin of Statistics. Israel Central Bureau of Statistics. 2012. Nakuha noong 17 Setyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Population Census 2008" (PDF). Israel Central Bureau of Statistics. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 14 Nobiyembre 2012. Nakuha noong 17 Pebrero 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. 5.0 5.1 "Report for Selected Countries and Subjects". World Economic Outlook. International Monetary Fund. 9 Oktubre 2012. Nakuha noong 18 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Human development indices" (PDF). United Nations Development Programme. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-11-21. Nakuha noong 2012-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The oldest human groups in the Levant". Cat.inist.fr. 2004-09-13. Nakuha noong 2012-08-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Timeline in the Understanding of Neanderthals". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-27. Nakuha noong 2007-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Christopher Stringer, custodian of Tabun I, Natural History Museum, quoted in an exhibition in honour of Garrod; Callander and Smith, 1998
  10. "From 'small, dark and alive' to 'cripplingly shy': Dorothy Garrod as the first woman Professor at Cambridge". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-28. Nakuha noong 2007-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Excavations and Surveys (University of Haifa)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-03-13. Nakuha noong 2007-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Rendsberg, pp.3-5
  13. http://www.class.uidaho.edu/ngier/henotheism.htm
  14. Bloch-Smith, pp.27,29,30
  15. http://www.nytimes.com/2000/07/29/arts/bible-history-flunks-new-archaeological-tests-hotly-debated-studies-cast-doubt.html
  16. 1 Kings 18, Jeremiah 2; Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  17. Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  18. Steven L. McKenzie, Deuteronomistic History, The Anchor Bible Dictionary Vol. 2, Doubleday (1992), pp. 160-168; Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001) pp. 151-154
  19. 19.0 19.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-15. Nakuha noong 2012-11-27.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Ephraim Urbach The Sages
  21. 21.0 21.1 http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=147&letter=Z
  22. "Introduction to the Tables: Geophysical Characteristics". Central Bureau of Statistics. Inarkibo mula sa orihinal (doc) noong 21 Pebrero 2011. Nakuha noong 4 Setyembre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Localities and Population, by Population Group, District, Sub-District and Natural Region". Israel Central Bureau of Statistics. 6 Setyembre 2017. Nakuha noong 19 Setyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. [1] Naka-arkibo 2011-07-21 sa Wayback Machine. (in Hebrew)
  25. "A Portrait of Israeli Jewry: Beliefs, Observances, and Values among Israeli Jews 2000" (PDF). The Israel Democracy Institute and The AVI CHAI Foundation. 2002. p. 8. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-06-30. Nakuha noong 2008-01-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. p.11
  27. "Top 50 Countries With Highest Proportion of Atheists / Agnostics". Adherents.com. 27 Marso 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2009. Nakuha noong 22 Nobiyembre 2012. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
baguhin
 
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikibalita sa: