Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao

Ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Ingles: Universal Declaration of Human Rights o UDHR) ay isang makasaysayang dokumento na pinagtibay ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa sa kanyang ikatlong pulong noong 10 Disyembre 1948 bilang Resolusyon 217 sa Palais de Chaillot sa Paris, Pransya. Sa 58 miyembro ng mga Nagkakaisang Bansa noon, 48 ang bumuto nang pabor, walang kumontra, walo ang di-lumahok, dalawa ang hindi bumoto.[1]

Pandaigdigan na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
Si Eleanor Roosevelt kasama ng Pandaigdigan na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao sa wikang Ingles.
Si Eleanor Roosevelt kasama ng Pandaigdigan na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao sa wikang Ingles.
Nilikha 1948
Niratipika 10 Disyembre 1948
Lokasyonn Palais de Chaillot, Paris
Mga may akda Komite ng Burador[a]
Katungkulan Karapatang Pantao
Read online Pandaigdigan na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao at Wikisource
Paskil
Ang mga pinagtibay na karapatang pantao ng Pangkalahatang Lupon ng mga Nagkakaisang Bansa noong kanyang ika-183 pagpupulong na ginanap sa Paris noong 10 Disyembre 1948
Ang mga pinagtibay na karapatang pantao ng Pangkalahatang Lupon ng mga Nagkakaisang Bansa noong kanyang ika-183 pagpupulong na ginanap sa Paris noong 10 Disyembre 1948

Binubuo ang Pahayag ng 30 artikulo na nagpapatibay ng mga karapatan ng indibiduwal na kahit hindi legal na mabisa mismo, ay pinainam sa mga kasunod na pandaigdigang kasunduan, ekonomikang paglilipat, instrumento ng panrehiyong karapatang pantao, pambansang saligang batas, at iba pang mga batas. Ang Pahayag ang naging unang hakbang sa proseso ng pagbubuo ng Pandaigdigang Panukalang Batas ng Karapatang Pantao na nakumpleto noong 1966, at nagkabisa noong 1976, matapos maipatibay ang mga ito ng mga sapat na bansa.

Ipinangangatuwiran ng iilang iskolar-legal na dahil palaging nananawagan ang Pahayag ng mga bansa nang mahigit sa 50 taon, nagkabisa ito bilang bahagi ng nakaugaliang pandaigdigang batas.[2][3] Gayunman, sa Estados Unidos, hininuha ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos sa Sosa v. Alvarez-Machain (2004) na ang Pahayag "ay hindi nagpapataw ng obligasyon bilang bagay ng pandaigdigang batas."[4] Hininuha rin ng mga korte ng ibang bansa na hindi bahagi mismo ang Pahayag sa lokal na batas.[5]

Istruktura at nilalaman

baguhin

Ipinakilala ang saligang istruktura ng Pandaigdigan na Paghayag sa kayang ikalawang burador na inihanda ni René Cassin. Nagtrabaho si Cassin worked mula sa unang burador na inihanda ni John Peters Humphrey. Naimpluwensyahan ang istruktura ng Code Napoléon, kabilang ang panimula at pambungad na pangkalahatang prinsipyo.[6] Inihambing ni Cassin ang Paghayag sa portiko ng isang Griyegong templo na may pundasyon, hakbang, apat na haligi, at isang pedimento.

Binubuo ang Pahayag ng panimula at tatlumpung artikulo:

  • Binabalangkas ng panimula ang mga makasaysayang at panlipunang dahilan na humantong sa pangangailangang iburador ang Pahayag.
  • Natatag ng mga artikulo 1–2 ang mga saligang konsepto ng dignidad, kalayaan, at pagkakapantay-pantay.
  • Natatag ng mga artikulo 3–5 ang mga iba pang indibiduwal na karapatan, tulad ng karapatan sa buhay at pagbabawal ng pang-aalipin at pagpapahirap.
  • Tumutukoy ang mga artikulo 6–11 sa saligang legalidad ng karapatang pantao na may mga tiyak na remedyo na nabanggit para sa kanilang pagtatanggol kapag nilabag.
  • Natatag ng mga artikulo 12–17 ang mga karapatan ng indibiduwal sa komunidad (kabilang ang mga bagay tulad ng karapatan ng pagkilos).
  • Pinagtibay ng mga artikulo 18–21 ang mga diumano'y "kalayaan sa saligang batas" at kasama ng kalayaang espirituwal, pampubliko, at pampulitika, tulad ng kalayaan ng pag-iisip, pananaw, relihiyon at budhi, pagpapahayag, at mapayapang pagpupulong ng indibiduwal.
  • Pinagtibay ng mga artikulo 22–27 ang mga karapatang ekonomika, panlipunan, at pangkultura, kabilang ang pangangalaga sa kalusugan. Binabanggit ng Artikulo 25: "Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at pagpapagamot at kinakailangang mga paglilingkod panlipunan."[7] Mayroon ding karagdagang kapanatagan para sa seguridad kung sakaling may pagwawalang-kilos o pagkabalda, at may pantanging pagbanggit ng pangangalaga sa mga nasa pagkaina at pagkabata.
  • Natatag ng mga artikulo 28–30 ang mga pangkalahatang paggamit ng mga karapatang ito sa mga larangan kung saan hindi mailalapat itong mga karapatan ng indibiduwal, at hindi sila maaaring madaig laban sa indibiduwal.

Nababahala itong mga artikulo sa tungkulin ng indibiduwal sa lipunan at ang pagbabawal ng paggamit ng karapatan sa paglabag ng mga layunin ng Organisasyon ng mga Nagkakaisang Bansa.[8]

Kasaysayan

baguhin

Sanligan

baguhin

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinagtibay ng mga Kaalyado ang Apat na Kalayaankalayaan sa pananalita, kalayaan sa relihiyon, kalayaan mula sa takot, at kalayaan mula sa kakapusan—bilang kanilang pangunahing layunin sa digmaan.[9][10] Ang Karta ng mga Nagkakaisang Bansa ay "muling pinagtibay ng tiwala sa pangunahing karapatang pantao, at dignidad at kabuluhan ng tao" at ipinapangako ang lahat ng miyembrong estado na magtaguyod ng "pandaigdigang respeto para sa at pagsunod sa, karapatang pantao at pangunahing kalayaan para sa lahat nang walang pagtatangi ayon sa lahi, kasarian, wika, o relihiyon".[11]

Noong naging malinaw na malinaw ang mga kalupitang ginawa ng Alemanyang Nazi pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pinagkasunduan sa pandaigdig na pamayanan ay hindi sapat ang kahulugan sa Karta ng mga Nagkakaisang Bansa tungkol sa mga karapatang tinutukoy nito.[12][13] Kailangan ang pandaigdigang pagpapahayag na tutukoy sa mga karapatan ng mga indibiduwal para mabigyang-bisa ang probisyon ng Karta tungkol sa karapatang pantao.[14]

Paglikha at pagburador

baguhin

Noong Hunyo 1946, itinatag ng Konsehong Pang-ekonomika at Panlipunan ng UN ang Komisyon ng Karapatang Pantao na binubuo ng 18 miyembro mula sa iba't ibang nasyonalidad at pinagmulang pulitika. Itinayo ang Komisyon, isang lawas ng mga Nagkakaisang Bansa para isagawa ang paghahanda ng naunawa sa una bilang Pandaigdigang Panukalang Batas ng Karapatan.[15]

Itinatag ng Komisyon ang espesyal na Komite ng Burador ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao na pinamunuan ni Eleanor Roosevelt para magsulat ng mga artikulo ng Pagpapahayag. Nagkita-kita ang Komite sa dalawang pagpupulong sa loob ng dalawang taon.

Itinawag ang Kanadiense na si John Peters Humphrey, Panugot ng Sangay ng Karapatang Pantao ng Kalihim-Panlahat ng UN para magtrabaho sa proyekto at naging punong-tagaburador ng Pahayag.[16] Sa panahong iyon, si Humphrey ang kakahirang na Patnugot ng Sangay ng Karapatang Pantao sa loob ng Kalihiman ng mga Nagkakaisang Bansa.[17]

Kabilang sa mga kilalang miyembro ng komite ng burador sina René Cassin ng Pransya, Charles Malik ng Lebanon, at P. C. Chang ng Republika ng Tsina.[18] Ibinigay ni Humphrey ang paunang burador na pinagtrabahuan ng Komisyon.

Iminungkahi ni Hansa Mehta ng India na idagdag ang "all human beings are created equal" sa halip ng "all men are created equal" sa pahayag.

Ayon kay Allan Carlson, ang mga pariralang makapamilya ng Pahayag ay bunga ng impluwensya ng kilusang Kristiyanong Demokratiko kay Cassin at Malik.[19]

Nang matapos ng Komite ang kanyang gawain noong Mayo 1948, higit pang itinalakay ang burador ng Sangay ng Karapatang Pantao, ng Konsehong Pang-ekonomika at Panlipunan, ng Ikatlong Komite ng Pangkalahatang Kapuluan bago binotohan noong Disyembre 1948. Sa mga talakayang ito, marami ang isinusog at ipinanukala ng mga Miyembrong Estado ng UN.[20]

Bigong-bigo ang mga Britanong kumatawan na ang panukala ay may moral ngunit walang legal na obligasyon.[21] (Noon lamang 1976 nang nagkabisa ang Pandaigdigang Tipan ng Karapatang Sibil at Pampulitika na nagbigay ng legal na katayuan sa karamihan ng Pahayag.)

Pagpapatibay

baguhin

Ipinatibay ang Pandaigdig na Pahayag ng Pangkalahatang Kapulungan bilang Resolusyon 217 noong 10 Disyembre 1948 sa Palais de Chaillot, Paris, dahil naganap ang ikatlong Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa roon.[22] Sa 58 miyembro noon[23] ng mga Nagkakaisang Bansa, 48 ang bumoto na pabor, walang tumutol, walong di-lumahok[24][25] at hindi nakapagboto o nakapag-abstain ang Honduras at Yemen.[26]

Nagbibigay ang tala ng pagpulong[27] ng nasaksihang kaunawaan sa debate. Maituturing ang paninindigan ng Timog Aprika bilang tangka upang maprotektahan angkanyang sistema ng apartheid na malinaw na lumalabag sa mga iilang artikulo sa Pahayag.[24] Naudyok ang hindi pakikilahok ng delegasyon ng Saudi Arabia dahil sa dalawang artikulo ng Pahayag una sa lahat: Artikulo 18 na nagsasabi na ang lahat ay may "kalayaang magpalit ng kanyang relihiyon o paniniwala"; at Artikulo 16, sa pantay-pantay na karapatan sa pagkakasal.[24] Nakasentro ang hindi pakikilahok ng anim na komunistang bansa sa pananaw na hindi sapat ang pagkokondena ng Pahayag sa pasismo at Nasismo.[28] Ipinalagay ni Eleanor Roosevelt na ang hindi pakikilahok ng bansa ng blokeng Sobyet sa Artikulo 13 na nagbigay ng karapatan ng mga mamamayan na umalis ng kanilang bansa.[29]

 
Pagboto sa the plenaryong pulong:Mga luntiang bansa: bumoto na pabor;Mga kahel na bansa: abstained; Mga itim na bansa: hindi nakapag-abstain o nakapagboto;Mga kulay-abong bansa: hindi bahagi ng UN noong panahon ng pagboboto

Ang 48 bansa na bumoto na pabor sa Pahayag ay:[30]

a. ^ Sa kabila ng mahalagang papel ng Kanadianong John Peters Humphrey, hindi nakilahok noong una ang Kanadianong Pamahalaan sa pagboto noong unang burador ng Pahayag, ngunit kalaunan ay bumuto na pabor sa huling burador sa Pangkalahatang Kapulungan.[31]

Walong bansa ang hindi lumahok:[30]

Hindi bumoto ang dalawang bansa:

  • Honduras
  • Yemen
  • Nagkamit ng mga ibang bansa ng soberanya at sumali sa mga Nagkakaisang Bansa sa kalaunan,[32] na nagpapaliwanag kung bakit kakaunti lamang ang mga estadong nakapagbigay ng makasaysayang boto.

    Araw ng Pandaigdigang Karapatang Pantao

    baguhin

    Ipinagdidiriwang ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao bawat taon tuwing Disyembre 10, ang anibersaryo ng pagtibay ng Pandaigdig na Pahayag, at kilala bilang Araw ng Karapatang Pantao o Araw ng Pandaigdigang Karapatang Pantao. Inoobserbahan ang paggunita ng mga indibidwal, pamayanan at relihiyosong group, at ang mga Nagkakaisang Bansa. Madalas na sinasamahan ang paggunita bawat dekada ng mga kampanya upang magtaguyod ng pagkaunawa sa Pahayag at karapatang pantao. Minarka ng 2008 ang ika-60 anibersaryo ng Pahayag, at sinamahan ng taunang aktibidad ukol sa temang "Dignidad at hustisya para sa ating lahat".[33]

    Reaksyon

    baguhin

    Papuri

    baguhin

    Nakatanggap ang Pandaigdig na Pahayag ng papuri mula sa iilang kilalang tao. Tinawag ito ng Libanong pilosopo at patalastas na "isang pandaigdigang dokumento sa unang puwesto ng kahalagahan",[34] habang sinabi ni Eleanor Roosevelt—unang tagapangulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao (CHR) na nagburador sa Pahaya—na "maaari ito maging pandaigdigang Magna Carta ng lahat ng tao kahit saan."[35] Sa isang talumpati noong 5 Oktubre 1995, tinawag ni Papa Juan Pablo II ang Deklarasyon na "isa sa mga pinakamataas na pahayag ng budhi ng tao sa ating panahon" ngunit hindi kailanman pinagtibay ng Vatikano ang Pahayag.[36] Sa isang salaysay noong 10 Disyembre 2003 sa ngalan ng Unyong Europeo, sinabi ni Marcello Spatafora na ang Pahayag ay "naglagay ng karapatang pantao sa gitna ng balangkas ng prinsipyo at obligasyon na humuhubog ng relasyon sa loob ng pandaigdigang komunidad."[37]

    Pagbatikos

    baguhin

    Islamikong bansa

    baguhin

    Nilagdaan ng Turkiya, isang estadong sekular na may lubusang populasyon ng Muslim, ang Pahayag noong 1948.[38] Gayunpaman, sa parehong taon, di-lumahok ang Saudi Arabia sa boto ng pagpapatibay sa Pahayag, inangkin na nilalabag niya ang batas Sharia.[39] Hindi sumang-ayon at binatikos ng Pakistan—na lumagda sa Pahayag—ang posisyon ng Saudi.[40] Mahigpit nangatwiran si Pakistanong ministro Muhammad Zafarullah Khan pabor sa kabilang ang kalayaan sa relihiyon.[41] Noong 1982, sinabi ng Iranes na kinatawan sa mga Nagkakaisang Bansa, Said Rajaie-Khorassani, na ang Pahayag ay "isang sekular na kaunawaan ng tradisyong Hudyong Kristiyano", na hindi maisagawa ng mga Muslims nang walang alitan sa Sharia.[42] Noong 30 Hunyo 2000, opisyal na pinasya ng mga miyembro ng Organisasyon ng Islamikong Kumperensya (Organisasyon ng Islamikong Kooperasyon ngayon) ang Pahayag sa Cairo ukol sa Karapatang Pantao sa Islam,[43] isang alternatibong dokumento na nagsasabi na ang mga tao ay may "kalayaan at karapatan sa isang marangal na buhay kaayon ng Islamikong Shari'ah", nang walang diskriminasyon batay sa "lahi, kulay, wika, kasarian, panananampalataya, kinaaanibang pulitika, katayuan sa lipunan o iba pang pagsasaalang-alang".

    Talababa

    baguhin
    1. Kabilang sina John Peters Humphrey (Canada), René Cassin (Pransya), P. C. Chang (Republika ng Tsina), Charles Malik (Lebanon), Hansa Mehta (India) at Eleanor Roosevelt (Estados Unidos); tingnan ang seksyon ng Creation and drafting sa itaas.

    Mga sanggunian

    baguhin
    1. "A/RES/217(III)". UNBISNET. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Enero 2019. Nakuha noong 24 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    2. Henry J Steiner and Philip Alston, International Human Rights in Context: Law, Politics, Morals, (2nd ed), Oxford University Press, Oxford, 2000.
    3. Hurst Hannum, The universal declaration of human rights in National and International Law, p.145
    4. Sosa v. Alvarez-Machain, 542 U.S. 692, 734 (2004).
    5. Posner, Eric (2014-12-04). "The case against human rights | Eric Posner". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 2020-01-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    6. Glendon 2002, pp. 62–64.
    7. Universal Declaration of Human Rights, United Nations, 1948{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    8. Glendon 2002, Chapter 10.
    9. "FDR, "The Four Freedoms," Speech Text |". Voicesofdemocracy.umd.edu. Enero 6, 1941. Nakuha noong Abril 25, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    10. Bodnar, John, The "Good War" in American Memory. (Maryland: Johns Hopkins University Press, 2010) 11
    11. "United Nations Charter, preamble and article 55". United Nations. Nakuha noong 2013-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    12. Cataclysm and World Response Naka-arkibo 2012-05-25 at Archive.is in Drafting and Adoption : The Universal Declaration of Human Rights Naka-arkibo 2012-05-25 at Archive.is, udhr.org Naka-arkibo 2019-09-27 sa Wayback Machine..
    13. "UDHR50: Didn't Nazi tyranny end all hope for protecting human rights in the modern world?". Udhr.org. 1998-08-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-25. Nakuha noong 2012-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-05-25 at Archive.is
    14. "UDHR – History of human rights". Universalrights.net. Nakuha noong 2012-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    15. Morsink 1999, p. 4
    16. Morsink 1999, p. 5
    17. Morsink 1999, p. 133
    18. The Declaration was drafted during the Chinese Civil War. P.C. Chang was appointed as a representative by the Republic of China, then the recognised government of China, but which was driven from mainland China and now administers only Taiwan and nearby islands (history.com).
    19. Carlson, Allan: Globalizing Family Values Naka-arkibo 2012-05-25 at Archive.is, 12 January 2004.
    20. "Drafting of the Universal Declaration of Human Rights". Research Guides. United Nations. Dag Hammarskjöld Library. Nakuha noong 2015-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    21. Universal Declaration of Human Rights. Final authorized text. The British Library. September 1952. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Septiyembre 2015. Nakuha noong 16 August 2015. {{cite book}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
    22. "Palais de Chaillot. Chaillot museums". Paris Digest. 2018. Nakuha noong 2018-12-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    23. "Growth in United Nations membership, 1945–present". www.un.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    24. 24.0 24.1 24.2 CCNMTL. "default". Center for New Media Teaching and Learning (CCNMTL). Columbia University. Nakuha noong 2013-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    25. UNAC. "Questions and answers about the Universal Declaration of Human Rights". United Nations Association in Canada (UNAC). p. "Who are the signatories of the Declaration?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-09-12 sa Wayback Machine.
    26. Jost Müller-Neuhof (2008-12-10). "Menschenrechte: Die mächtigste Idee der Welt". Der Tagesspiegel (sa wikang Aleman). Nakuha noong 2013-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    27. United Nations. "default". Nakuha noong 2017-08-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    28. Peter Danchin. "The Universal Declaration of Human Rights: Drafting History – 10. Plenary Session of the Third General Assembly Session". Nakuha noong 2015-02-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    29. Glendon 2002, pp. 169–70
    30. 30.0 30.1 "Yearbook of the United Nations 1948–1949 p 535" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Setyembre 27, 2013. Nakuha noong 24 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    31. Schabas, William (1998). "Canada and the Adoption of Universal Declaration of Human Rights" (PDF). McGill Law Journal. 43: 403.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    32. "OHCHR – Human Rights in the World". www.ohchr.org.
    33. "The Universal Declaration of Human Rights: 1948–2008". United Nations. Nakuha noong 15 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    34. "Statement by Charles Malik as Representative of Lebanon to the Third Committee of the UN General Assembly on the Universal Declaration". 6 Nobyembre 1948. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Setyembre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    35. Michael E. Eidenmuller (1948-12-09). "Eleanor Roosevelt: Address to the United Nations General Assembly". Americanrhetoric.com. Nakuha noong 2012-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    36. "John Paul II, Address to the U.N., October 2, 1979 and October 5, 1995". Vatican.va. Nakuha noong 2012-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    37. "International human rights defenders honoured as general assembly marks fifty-fifth anniversary of universal declaration", United Nations: meetings coverage and press releases, 10 Disyembre 2003{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    38. "Universal Declaration of Human Rights". Nakuha noong 2015-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    39. Nisrine Abiad (2008). Sharia, Muslim states and international human rights treaty obligations: a comparative study. BIICL. pp. 60–65. ISBN 978-1-905221-41-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    40. Price 1999, p. 163
    41. Hashemi, Nader and Emran Qureshi. "Human Rights." In The Oxford Encyclopedia of the Islamic World. Oxford Islamic Studies Online.
    42. Littman, D (Pebrero–Marso 1999). "Universal Human Rights and Human Rights in Islam". Midstream. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-05-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    43. "Resolution No 60/27-P". Organisation of the Islamic Conference. 2000-06-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-12. Nakuha noong 2011-06-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-12 sa Wayback Machine.