Imelda Marcos
Si Imelda Marcos (ipinanganak na Imelda Remedios Visitacion Romualdez noong 2 Hulyo 1929) ay isang Pilipinong politiko, at naging Unang Ginang ng Pilipinas sa loob ng 21 na taon ng ika-10 Pangulo Pilipinas na si Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986. Si Imelda Marcos ay kadalasang naaalala sa buong mundo para sa kanyang pagpapasasang pamumuhay [1][2][3] noong panunungkulan ng kanyang asawa bilang Pangulo.[4]Kabilang sa sinasabing magandang pamumuhay ni Imelda ay ang kanyang koleksiyon ng higit sa isang libong mga pares ng mga mamahaling sapatos.[1][4] Bukod sa koleksiyon ng mga mamahaling sapatos, kilala rin si Imelda dahil sa mga mamahaling alahas nito at mga magagarbong pagdiriwang.
Imelda Marcos | |
---|---|
Miyembro ng Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas sa Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2010 – 30 Hunyo 2019 | |
Nakaraang sinundan | Ferdinand Marcos, Jr. |
Sinundan ni | Angelo M. Barba |
Miyembro ng Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas sa Unang Distrito ng Leyte | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 1995 – 30 Hunyo 1998 | |
Nakaraang sinundan | Cirilo Roy G. Montejo |
Sinundan ni | Alfred S. Romuáldez |
Ika-10 Unang Ginang ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986 | |
Nakaraang sinundan | Eva Macapagal |
Sinundan ni | Amelita Ramos |
Mambabatas Pambansa mula Rehiyion IV-A | |
Nasa puwesto 12 Hunyo 1978 – 5 Hunyo 1984 | |
Gobernador ng Kalakhang Maynila | |
Nasa puwesto 27 Pebrero 1975 – 25 Pebrero 1986 | |
Pangulo | Ferdinand Marcos |
Nakaraang sinundan | Itinatag ang posisyon |
Sinundan ni | Joey Lina (gumaganap) |
Ambassador Plenipotentiary and Extraordinary | |
Nasa puwesto 1978–1986 | |
Ministro ng Panirahang Pantao | |
Nasa puwesto 1978–1986 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Imelda Remedios Visitacion Trinidad Romuáldez 2 Hulyo 1929 Maynila, Pilipinas |
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Nacionalista (1965–1978; 2009–kasalukuyan) |
Ibang ugnayang pampolitika | Kilusang Bagong Lipunan (1978–2013) |
Asawa | Ferdinand Marcos (1954–1989) |
Anak | Imee Marcos Ferdinand Marcos Jr. Irene Marcos-Araneta Aimee Marcos |
Alma mater | St. Paul's College |
Kilala rin siya sa mga tanyag na pangalan na o Formal and Smart.[5][6]
Kabataan
baguhinSi Imelda ay isinilang noong 2 Hulyo 1929 sa Ospital ng San Juan de Dios sa Intramuros, Maynila. Siya ang panganay na anak nina Vicente Lopez Romualdez (apo ng prayle na si Don Francisco Lopez na mula sa Granada, España) at Remedios Trinidad ng Baliwag, ang ikalawang asawa ng nabalo na si Vicente. Bininyagan siya noong ika-3 ng Hulyo 1929, sa simbahan ng San Miguel sa Maynila. Taglay ni Imelda ang kanyang opisyal na pangalang Remedios na mula sa pangalan ng kanyang ina, at ang Visitacion bilang paggunita sa araw ng pagdalaw ni Santa Isabel sa kanyang pinsang si Birheng Maria. Ang mag-asawang Vicente at Remedios ay nabiyayaan pa ng limang anak: sina Benjamin, Alita, Alfredo, Armando at Conchita. Sa takdang panahon, si Imelda ay nagsimulang mag-aral sa Holy Ghost College sa Maynila. Sa pagdami ng kanilang mga anak, unti-unting nakaranas ng paghihikahos ang mag-asawang Vicente at Remedios. Sa paglaki ng mga anak ni Vicente sa una nitong asawa, lalong lumawak ang puwang na namamagitan sa kanila. Sa edad na 18, si Imelda ay naging "Miss Leyte" at "Rose of Tacloban". Siya rin ay ginawaran ng pamagat na "Muse of Manila" ng alkalde ng Maynila na si Arsenio Lacson pagkatapos niyang magprotesta sa kanyang pagkatalo sa patimpalak na "Miss Manila". Ginugol ni Imelda ang kanyang kabataan sa Distrito ng San Miguel sa Maynila. Pagkatapos mamatay ng kanyang ina ninoong 1938, ang pamilya Romualdez ay bumalik sa Leyte. Sila ay may taniman ng niyog at abaca doon na ibinigay ng ina ng kanyang ama. Si Imelda ay nagtapos ng batsilyer na degree sa St. Paul's College sa Tacloban. Bumalik siya sa Maynila noong 1950 at nakitira sa kanyang pinsang si Daniel Romualdez. Noong 1953, nakilala ni Imelda ang kinatawan ng Ilocos Norte na si Ferdinand Marcos. Pagkatapos ng 11 araw ng pagliligawan sa Baguio ay nagpakasal sila noong Mayo nang taong iyon sa San Miguel Pro-Cathedral sa San Miguel, Maynila.
Bilang Unang Ginang
baguhinNoong Disyembre 1965, ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos ay nahalal na ikasampung Pangulo ng Pilipinas at si Imelda Marcos ay naging unang ginang ng Pilipinas. Si Imelda ay malawakang itinanghal sa mga lokal at internasyonal na media gayundin sa mga artikulo ng magasin. Noong Hulyo 1966, nang dumalaw ang Beatles sa Pilipinas para sa isang konsiyerto, inanyayahan sila ni Imelda na dumalo sa isang pagtanggap na pang-agahan sa Malakanyang.[7] Ito ay magalang na tinanggihan ni Brian Epstein sa ngalan ng grupo dahil hindi kailanman naging patakaran ng pangkat na tumanggap ng mga paanyayang opisyal.[8] Pagkatapos na isahimpapawid sa telebisyon at radyo sa Pilipinas ang hindi pagpapaunlak ng grupo kay Imelda Marcos, ang lahat ng kanilang bantay na pulis ay biglang naglaho. Kinailangan ng grupo at kanilang entourage na pumunta sa Manila airport sa kanilang sarili. Sa airport nang ang road manager ng grupo ay binugbog at pinagsisipa at ang mga kasapi ng banda ay pinagtutulak ng mga galit na tao.[9] Nang makasakay na sa eropolano ang pangkat, sina Epstein at Evans ay pinababa.[10] Si Epstein ay sapilitang pinagbabayad ng mga autoridad ng £6,800 ng halaga sa piso mula sa kanilang palabas sa Maynila.[11] Ayon kay John Lennon, "Kung kami ay babalik [sa Pilipinas], ito ay kasama ng isang H-bomb. Hindi na ako lilipad sa lugar."[12]
Noong 1969, si Ferdinand Marcos ay muling nahalal na pangulo ng Pilipinas para sa isa pang apat na taon na termino. Gayunpaman, noong 23 Setyembre 1972, illegal na idineklara ni Ferdinand Marcos ang Martial Law at binuwag ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas noong 1976 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at Punong Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar. Si Imelda Marcos ay magkaroon ng makapangyarihang papel sa pamahalaan ng kanyang asawa. Siya ay hinirang ng kanyang asawa sa iba't ibang mga posisyon gaya ng Gobernadora ng Kalakhang Maynila, Ministro ng Paninirahan, at Ambassador Plenipotentiary and Extraordinary. Noong 7 Disyembre 1972, tinangkang saksakin at patayin ni Carlito Dimahilig si Imelda Marcos gamit ang bolo sa entablado sa isang paggawad ng mga gantimpala para sa pagpapagandang sibiko na isinahimpapawid ng live sa telebisyon. Si Dimahilig ay binaril at pinatay ng mga bantay na pulis. Si Imelda ay sinasabing nagtamo ng 75 pagtahi sa kanyang mga kamay at braso. Noong 1978, inihalal si Marcos bilang isa sa 165 kasapi ng Pansalamantalang Batasang Pambansa, kung saan nagsilbi siyang kinatawan para sa Pambansang Punong Rehiyon. Pinasimulan ni Imelda ang ilang mga palatuntunan gaya ng "Rebolusyong Lunti" na humikayat sa mga mamamayan na magtanim ng mga gulay at prutas sa kanilang mga hardin gaya ng malunggay, bayabas, papaya at avocado at pagpaplano ng pamilya upang mabawasan ang populasyon ng bansa. Noong panahon ng mga baha sa Sentral Luzon noong 1972, ang mga bag na naglalaman ng mga nutribun na isang tinapay na may mataas na bitamina at may gatas na inimbento ng USAID ay tinatakan ng "Courtesy(galing kay) Imelda Marcos-Tulungan project" bagaman isa itong donasyon ng ahensiya ng Estados Unidos na USAID para sa mga nasalanta ng baha ayon kay Nancy Dammann Communications Media Advisor ng USAID sa 17 taon.[1][13] Noong mga maagang 1980, ipinakilala ni Marcos ang golden kuhol sa Pilipinas upang dagdagan ang protina ng populasyon ngunit kalaunang naging mga peste para sa magsasaka sa mga taniman ng kanin.[1] Ipinatayo ni Imelda at kanyang asawa ang iba't ibang mga gusali sa Pilipinas na Cultural Center of the Philippines (noong 1966), Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas (1974), Philippine Heart Center (1975), Coconut Palace (1978), Philippine Children's Medical Center (1979), Lung Center of the Philippines (1981), Sentrong Pampelikula ng Maynila (1981) at National Kidney and Transplant Institute (1983). Ang pagpapatayo ng mga gusaling ito ay sinasabing pinondohan mula sa pangungutang sa dayuhan ng kanyang asawa.
Bilang isang natatanging Envoy (sugo), nakalakbay si Imelda Marcos sa Tsina, ang Unyong Sobyet, ang Gitnang Silangan, Libya, Yugoslabya, Kuba at iba pa. Sinasabing upang pangatwiranan ang kanyang gastos na multimilyon sa paglalakbay kasama ang isang malaking diplomatikong entourage gamit ang mga pribadong diyet, kanyang kalaunang inangkin ang kanyang mga tagumpay na diplomatiko kabilang ang pagtatamo ng isang murang suplay ng langis mula sa Tsina at Libya at paglalagda ng Kasunduang Tripoli. Ayon sa mga kableng inilabas ng Wikileaks, nagngangalit ang mga ngipin ng mga opisyal ng protokolo ng Estados Unidos sa tuwing bumibisita sa Estados Unidos si Imelda. Ayon sa kanila, si Imelda ay simpleng dumadating ng hindi nag-aanunsiyo o hindi nagbibigay alam at pagkatapos ay humihiling ng mga mahihirap na bagay at nanghihimasok sa mga delikadong bagay. Ayon din sa mga cable, si Imelda ay itinuring ng mga opisyal ng Estados Unidos na isang "peste" sa halip na isang bisita.[14] Isinaad ng embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas na si William Sullivan na walang paanyaya kay Imelda sa inaugurasyon ni Jimmy Carter na salungat sa inulat ng kinokontrol ng pamahalaang media. Ayon din kay Sullivan, tinangka ni Imelda na anyayahin ang kanyang sarili sa inaugurasyon ni Richard Nixon noong 1968 at sa dedikasyon ng Sydney Opera House kung saan sinikap ni Imelda na talbugan ang Reyna.[15]
Noong panahon ng Rebolusyong EDSA ng 1986, pinatalsik bilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos at napilitang lumikas patungo sa Hawaii ang kaniyang pamila. Matapos nito, inilagay si Corazon Aquino bilang Pangulo. Kabilang sa mga bagay na itinala ng bagong pamahalaan ng Pilipinas na naiwan ng pamilyang Marcos sa Palasyo ng Malakanyang nang lumikas ito patungo sa Hawaii ang 15 mink coat, 65 parasol, 508 mga gown, 888 handbag at 71 pares ng mga sunglass at mga 1,060 pares ng sapatos.[16] Inutos ni Pangulong Aquino na ang mga malaking koleksiyon ng mga sapatos, damit at sining ng pamilya Marcos ay itanghal sa Malacanang Palace bilang halimbawa ng korupsiyon at kaluhuan ng rehimeng Marcos.[17]
Mga akusasyon ng maluhong pamumuhay
baguhinSi Imelda Marcos at ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos at mga crony ay inakusahan ng korupsiyon at pagnanakaw ng mga bilyong bilyong dolyar mula sa kabang yaman ng Pilipinas.[4][18] Minsang sinambit ni Imelda Marcos na, Ako ay ipinanganak na mapagpasikat. Kanilang itatala ang aking pangalan sa diksiyonaryo balang araw. Kanilang gagamitin ang Imeldific upang pakahulugang mapagpasikat na kaluhuan. [19][20]
Binatikos ng mga kritiko ang maluhong pamumuhay ni Imelda Marcos sa gitna ng laganap na kahirapan sa Pilipinas.[21][22] Noong 1975, ang 57% ng mga pamilyang Pilipino ay iniulat na mahirap.[23] Noong 1985, ang halos 60% ng populasyon ng Pilipinas ay nasa ilalim ng linya ng kahirapan o subsob na subsob sa kahirapan.[24] Nang mapatalsik ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos noong Pebrero 1986, ang Pilipinas ay lubog sa utang na pandayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar.[21][23][25] Nang maluklok na Pangulo si Marcos noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa isang bilyong dolyar. Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8 bilyong dolyar ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.[23]
Kabilang sa inilalarawang maluhong pamumuhay ni Imelda Marcos ay kinabibilangan ng limang milyong dolyar na mga pagshoshopping sa New York, Rome at Copenhagen at pagpapadala ng isang eroplano upang pulutin ang mga puting buhangin ng Australia para sa isang bagong beach resort.[26] Bumili siya ng ilang mga ari-arian sa Manhattan noong mga 1980 kabilang ang $51-million Crown Building, ang Woolworth Building (40 Wall Street) at ang $60-milyong Herald Centre.[27][28] Ang kanyang New York real estate ay kalaunang binawi ng pamahalaan at ipinagbili kasama ng karamihan ng kanyang mga alahas at karamihan ng kanyang 175 pirasong koleksiyon ng sining na kinabibilangan ng mga sining nina Michelangelo, Botticelli, at Canaletto. Iniulat na na ang Philippines Airlines ay ginawang pag-aari ng pamahalaan ng kanyang asawa at naging isang sasakyan para sa pagshoshopping ni Imelda at ng kanyang mga kaibigan sa New York at Europa.[29] Sa kanyang mga pagshoshopping ay bumili si Imelda ng mga mamahaling alahas at mga antigo.[30][31] Bukod dito, si Imelda Marcos ay iniulat ring gumastos ng $2,181,000.00 sa isang araw.[31] Noong 1979, nagdiwang ang mag-asawang si Ferdinand Marcos at Imelda Marcos ng kanilang ika-25 anibersaryo ng kasal sa isang party na nagkagastos ng $5,000,000.00[31] na may isang pilak na karwaheng hinila ng walong mga puting kabayo.[31] Ayon sa mga cable na inilabas ng wikileaks, binatikos ni William Sullivan na embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas noong mga 1970 ang dalawang araw na party na hindi umaayon sa mga ulat ng kinokontrol ng pamahalaang media na si Ferdinand "ay nagdiwang ng isang tahimik na kaarawan sa kanyang mesa". Ayon kay Sullivan, inutos ni Imelda sa mga Puno ng Militar ng Pilipinas na magtanghal sa Malacanang ng isang palabas na nakadamit na pambabae para sa kaarawan ni Ferdinand.[32]
Sinagot ni Imelda ang mga pagbatikos ng kanyang maluhong pamumuhay sa pag-aangking kanyang "katungkulan" na maging "isang uri ng liwanag, isang bituwin na magbigay [sa mahihirap] ng mga gabay."[2][20][33][34][35][36]
Noong 1992, inangkin ni Imelda Marcos na ang kayamanan ni Ferdinand Marcos ay mula sa Ginto ni Yamashita[37] ngunit ito ay hindi pinaniniwalaan ng mga imbestigador. Ayon sa imbestigador na si Minoru Fukumitsu na naglingkod sa staff ni Heneral Douglas MacArthur, nagsagawa siya ng lubusang imbestigasyon sa ginto ni Yamashita ngunit walang siyang nahanap na ebidensiyang ito ay umiral.[38][39] Inembistagahan ni Fukumitsu ang mga 200 Hapones na opiser at mga lalakeng naglingkod sa ilalim ni Tomoyuki Yamashita.[38] Pinaniniwalaan ng ilan na inimbento lang ni Marcos ang kuwento na nakamit nito ang ginto ni Yamashita upang itago ang pagnanakaw nito sa mga reserbang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon sa pamahalaan ng Pilipinas, ang 800,000 troy ounce ng reserbang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay ninakaw o nilihis ni Marcos para sa pansariling paggamit.[40] Noong 2006, inangkin naman ni Imelda na ang kayamanan ng kanyang asawa ay mula sa pagiging gold trader nito at inangking nagkamit ito ng 7,500 tonelada ng ginto noong mga 1950.[41] Gayunpaman, walang record ang BIR na ang pamilya Marcos ay nagdeklara o nagbayad ng buwis sa mga inangking ari-ariang ito. Ayon naman kay Imelda noong 1998, nalikom ni Ferdinand Marcos bilang gold trader ang 1,000 toneladang ginto habang isang "gerilya" noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nakalikom ng 4,000 toneladang ginto noong mga 1970. Inangkin ni Imelda na bumili si Ferdinand ng ginto sa halagang 17 dolyar kada ounce at ipinagbili ito ng 31 dolyar kada ounce.[42] Ang pag-aangking ito ni Imelda ay kinutya ng mga eksperto ng ginto sa Pilipinas at ibang bansa. Ayon sa mga eksperto ng ginto, ang 4,000 tonelada ng ginto ay kumakatawan sa output ng ginto ng Timog Aprika sa loob ng 10 taon at sa Pilipinas sa loob ng 100 taon. Ayon sa Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Gabriel C. Singson hinggil sa pag-aangkin ni Imelda, "Magiging katatawanan lamang tayo ng buong mundo".[42]
Mga nabawing kayamanan ng pamilya Marcos
baguhinNagawang mabawi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na itinatag noong 1986 ang 164 bilyong piso ($US 4 bilyong dolyar) na kinuha ni Marcos kabilang ang isang 150-carat ruby at isang diamanteng tiara, mga daang milyong mga dolyar na itinago sa mga Swiss bank account at prime real estate sa New York City.[2][43][44] Ang isang ulat noong 2007 ng United Nations Office on Drugs and Crime at World Bank ay nagtantiya na may halagang $US 5 bilyon hanggang $ 10 bilyon ang mga aria-ariang kinuha ni Ferdinand Marcos mula sa bansang Pilipinas.[45]
Noong 2003, isinauli ng pamahalaan ng Switzerland sa pamahalaan ng Pilipinas ang US$684 milyon (o 8 bilyong piso) ng kayamanan ni Marcos na nakatago sa mga Swiss account.[46][47] Ang salaping ito ay ibabayad sa mga biktima ni Marcos noong martial law.[48]
Paglilitis kay Imelda Marcos
baguhinSi Imelda ay nilitis sa New York noong mga 1990 sa mga kaso ng rackeetering at pandaraya ngunit pinawalang sala ng isang hurado sa mga kasong ito.[17][49] Sa Pilipinas, ang maraming mga paglilitis sa korte laban kay Imelda ay sumunod kung saan siya ay hinatulan ng korupsiyon at sinentensiyahan ng 18 taon sa bilangguan. Matagumpay niyang naapela ito at hindi kailanman nabilanggo.[17] Noong 2001, si Imelda ay inaresto at kinasuhan ng ilegal na paglikom ng kayamanan at sinentensiyahan ng 9 na taon sa bilangguan. Ito ay naibaliktad rin sa korte.[17] Siya ay patuloy na nahaharap sa karagdagan pang mga kaso ng korupsiyon.[17] Noong 14 Setyembre 2010, ang Sandiganbayan's Fifth Division ay nag-utos kay Imelda na ibalik ang 12 milyong piso sa mga pondo ng pamahalaan na palihim na kinuha ng kanyang asawang si Ferdinand Marcos mula sa National Food Authority 27 taon ang nakakalipas.[44]
Noong 1995, ang mga 10,000 Pilipino ay nanalo sa isang U.S. class-action lawsuit na inihain laban sa estado ni Marcos. Sila ay ginawaran ng kabayaran sa pinsala na $1.96 bilyong dolyar ng Federal District Court of Honolulu, Hawaii para sa mga paglabag sa karapatang pantao noong Martial Law.[50] Ang mga kaso ay inihain ng mga biktima o mga nabubuhay nilang mga kamag-anak sa pagpapahirap, pagpatay at mga paglaho ng mga ito.[51][52] Kabilang sa mga nanalo ang mga pamilya ng mga biktimang sina Liliosa Hilao na ginahasa at pinahirapan at pinatay ng militar dahil sa pagbatikos sa administrasyong Marcos at ng estudyanteng si Archimedes Trajano na pinahirapan at pinatay ng militar sa ilalim ni Fabian Ver dahil lang sa pagtatanong kay Imee Marcos sa isang bukas na forum noong 1977.[53][54] Sa pag-apela ni Imelda Marcos sa hatol ng hukuman, pinagtibay ng United States Court of Appeals for the Ninth Circuit ang hatol laban kay Marcos at pabor sa mga biktima ni Marcos. Dahil wala pang nakukuhang pondo upang ipagkaloob sa mga biktima ang hatol, ito ay ipinagkaloob ng hukuman mula sa mga pondo ng pamilya Marcos sa mga Swiss bank accounts sa pamamagitan ng mga sangay sa California ng mga Swiss bank.[55] Kalaunang pumasok ang mga biktima ni Marcos sa isang kasunduang kompromiso sa pamilya Marcos para sa 150 milyong dolyar na settlement.[55] Noong 1995, sina PCGG chairman Gunigundo at abogado ng SELDA (Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensiyon at Aresto) na si Robert Swift ay lumagda sa isang memorandum of agreement para sa isang kompromiso sa administrasyong Fidel Ramos na tatanggap ng 100 milyong dolyar kapalit ng pagbawi ng class action na posibleng nagkakaloob sa pamilya Marcos ng imunidad mula sa mga hinaharap na demanda laban sa kanila. Ang kasunduang ito ay kinundena ng SELDA bilang ilegal at imoral na nagtulak kay Ramos na huwag nang lagdaan ang kasunduan.[55] Noong Marso 1997, pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos ang desisyon ng Court of Appeals laban kay Marcos at pabor sa mga biktima ni Marcos.[55]
Inilalagay ng mga grupong Human rights ang bilang ng mga biktima ng ekstrahudisyal na pagpatay sa ilalim ng martial law ni Marcos sa 1500 katao. Ayon as Karapatan, ang mga rekord ay nagpapakitang ang 759 katao ay hindi boluntaryong naglaho (ang kanilang mga katawan ay hindi kailanman natagpuan). Ayon sa historyan ng militar na si Alfred McCoy may 3,257 ekstrahudisyal na pagpatay, 35,000 biktima ng mga pagpapahirap at 70,000 mga nabilanggo noong mga panahon ng pamumuno ni Marcos.[56][57]
Buhay pagkatapos
baguhinPinayagan muling makabalik si Marcos sa Pilipinas nang mamatay and kanyang asawa na si Ferdinand Marcos noong 1989. Sinubukan niyang tumakbo para sa pagkapangulo noong 1992 at 1998 ngunit hindi siya nagtagumpay sa pareho. Tumakbo siya sa Leyte para sa isang upuan sa Kongreso at tagumpay siyang nagsilbi ng isang termino. Noong 2010, tumakbo naman siya sa isang upuan para sa Ilocos Norte at tagumpay din siya doon.[58]
Kasalukuyang namumuhay na malaya si Marcos bilang miyembro ng alta-sosyal at mga maharlika ng Maynila. Sa kasalukuyan, si Imelda Marcos ang ikalawang pinakamayamang mambabatas ng Pilipinas pagkatapos ni Manny Pacquiao.[45] Ang idineklarang net worth ni Imelda Marcos sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa taong 2011 ay 932.8 milyong piso.[59]
Pagkakahatol at sentensiya a bawat pitong bilang sa paglabag ng batas laban sa korupsiyon nang illegal niyang ilipat ang mga $200 milyong dolyar sa mga Swiss foundations bilang Gobernador ng Maynila noong 1970
baguhinSI Imelda ay napatunayan ng korte sa kaso ng graft at inutusang arestuhin noong Nobyembre 9, 2018. Si Imelda ay hinatulan ng anim hanggang 11 taon sa kulungan sa sa bawat pitong bilang sa paglabag ng batas laban sa korupsiyon nang illegal niyang ilipat ang mga $200 milyong dolyar sa mga Swiss foundations bilang Gobernador ng Maynila noong 1970.[60]
Mga panlabas na kawing
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 http://www.gmanetwork.com/news/story/274389/lifestyle/healthandwellness/masagana-99-nutribun-and-imelda-s-edifice-complex-of-hospitals
- ↑ 2.0 2.1 2.2 http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-21022457
- ↑ http://www.gmanetwork.com/news/story/155783/news/nation/imelda-camp-mum-on-newsweek-s-greediest-tag
- ↑ 4.0 4.1 4.2 http://www.theguardian.com/world/2004/mar/26/indonesia.philippines
- ↑ Reid, Robert H. (3 Nobyembre 1991). "A "Roller-Coaster" Life For One Of The World's Most Famous Women". Associated Press.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Soloski, Alex (6 Oktubre 2009). "Imelda Marcus Gets the Ol' Song and Dance at Julia Miles Theater". The Village Voice. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Nobiyembre 2009. Nakuha noong 8 Hunyo 2009.
{{cite news}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Spitz, The Beatles (2005) p619
- ↑ Spitz, The Beatles (2005) p620
- ↑ Spitz, The Beatles (2005) p623
- ↑ Spitz, The Beatles (2005) p.624
- ↑ Spitz (2005), p625
- ↑ "Beatles to avoid Philippines". Saskatoon Star-Phoenix. Associated Press. 8 Hulyo 1966. Nakuha noong 23 Mayo 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://pdf.usaid.gov/pdf_docs/pnaag927.pdf
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-01. Nakuha noong 2013-10-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-01. Nakuha noong 2013-10-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-19. Nakuha noong 2013-03-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 17.2 17.3 17.4 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-11. Nakuha noong 2013-03-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.latimes.com/news/world/worldnow/la-fg-wn-philippines-marcos-compensation-victims-20130225,0,2781922.story
- ↑ "I was born ostentatious. They will list my name in the dictionary someday. They will use 'Imeldific' to mean ostentatious extravagance."
- ↑ 20.0 20.1 http://www.theage.com.au/news/world/imelda-loses-jewels-in-the-marcos-crown/2005/09/16/1126750129667.html
- ↑ 21.0 21.1 http://news.google.com/newspapers?id=V0dPAAAAIBAJ&sjid=HwMEAAAAIBAJ&pg=6933,5199449
- ↑ http://news.google.com/newspapers?id=7ehFAAAAIBAJ&sjid=H_QMAAAAIBAJ&pg=5191,3544898
- ↑ 23.0 23.1 23.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-27. Nakuha noong 2013-03-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://news.google.com/newspapers?nid=2209&dat=19920705&id=kZhKAAAAIBAJ&sjid=PJQMAAAAIBAJ&pg=5042,855367
- ↑ http://www.indymedia.org.uk/en/2012/09/500590.html
- ↑ http://news.bbc.co.uk/2/hi/6136960.stm
- ↑ http://news.google.com/newspapers?id=b1lWAAAAIBAJ&sjid=L-8DAAAAIBAJ&pg=5955,7676485
- ↑ http://news.google.com/newspapers?id=epNTAAAAIBAJ&sjid=GocDAAAAIBAJ&pg=6411,6080906
- ↑ http://countrystudies.us/philippines/28.htm
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-26. Nakuha noong 2013-10-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 31.0 31.1 31.2 31.3 BELIEVE IT OR NOT: THE FACTS, THE BACKGROUND AND PROCESS OF THE GREATEST LOOT IN HISTORY Marcos Chronology Report by Charlie Avila
- ↑ http://www.huffingtonpost.com/2013/04/09/ferdinand-marcos-forced-generals-to-perform-drag-show_n_3042837.html
- ↑ McNeill, David (25 Pebrero 2006). "The weird world of Imelda Marcos". The Independent. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-25. Nakuha noong 30 Disyembre 2006.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.nytimes.com/1986/02/28/world/manila-after-marcos-managing-a-frail-economy-marco-s-mansion-suggests-luxury.html
- ↑ http://www.nytimes.com/2012/11/21/nyregion/imelda-marcoss-ex-aide-charged-with-conspiracy.html?_r=0
- ↑ http://www.smh.com.au/lifestyle/a-dynasty-on-steroids-20121119-29kwy.html#ixzz2MfsfBalA
- ↑ http://news.google.com/newspapers?nid=1243&dat=19920203&id=LVYPAAAAIBAJ&sjid=j4YDAAAAIBAJ&pg=4782,3870408
- ↑ 38.0 38.1 http://news.google.com/newspapers?nid=1370&dat=19880304&id=9pgVAAAAIBAJ&sjid=SQsEAAAAIBAJ&pg=4367,177026
- ↑ http://news.google.com/newspapers?id=BrM0AAAAIBAJ&sjid=YiEGAAAAIBAJ&pg=6976,1298919
- ↑ http://news.google.com/newspapers?id=fjlSAAAAIBAJ&sjid=TzYNAAAAIBAJ&pg=7071,4966436
- ↑ http://www.nytimes.com/2006/03/21/international/asia/21marcos.html?_r=0
- ↑ 42.0 42.1 http://cpcabrisbane.org/Kasama/1999/V13n2/Imelda1.htm
- ↑ http://topics.nytimes.com/top/reference/timestopics/people/m/imelda_r_marcos/index.html
- ↑ 44.0 44.1 "Philippine court orders Imelda Marcos to return $280,000 seized from food agency"[patay na link], Washington Post
- ↑ 45.0 45.1 http://www.smh.com.au/lifestyle/a-dynasty-on-steroids-20121119-29kwy.html
- ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-09-05. Nakuha noong 2013-04-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://archive.today/20130423135151/www.dfa.gov.ph/index.php/component/content/article/194-27th-anniv-of-the-edsa-people-power-revolution/7527-philippine-swiss-cooperation-in-illicit-assets-recovery-highlights-commemoration-of-edsa-revolution-in-switzerland
- ↑ http://www.taipeitimes.com/News/world/archives/2013/02/26/2003555766
- ↑ http://articles.latimes.com/1990-07-03/news/mn-606_1_imelda-marcos
- ↑ http://articles.latimes.com/1999/feb/28/local/me-12505
- ↑ Brysk, Alison (2005). Human rights and private wrongs: constructing global civil society. Psychology Press. p. 82. ISBN 978-0-415-94477-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hrvoje Hranjski (12 Setyembre 2006). "No hero's resting place as Imelda Marcos finds site for husband's grave". The Scotsman. UK. Nakuha noong 19 Nobyembre 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-27. Nakuha noong 2013-04-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www1.umn.edu/humanrts/research/Philippines/Trajano%20v%20Marcos,%20%20978%20F%202d%20493.pdf
- ↑ 55.0 55.1 55.2 55.3 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-16. Nakuha noong 2013-11-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Alfred McCoy, Dark Legacy: Human rights under the Marcos regime". Hartford-hwp.com. Nakuha noong 20 Oktubre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alexander Martin Remollino (17 Setyembre 2006). "Marcos Kin, Allies Still within Corridors of Power". Bulatalat. Nakuha noong 19 Nobyembre 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ BBC News: Imelda Marcos bids for seat as Philippine race begins
- ↑ http://www.taipeitimes.com/News/world/archives/2012/05/06/2003532140
- ↑ https://www.nbcnews.com/news/world/imelda-marcos-convicted-graft-sentenced-prison-n934356M
Mga titulong pandangal | ||
---|---|---|
Sinundan: Evangelina Macaraeg |
Unang Ginang ng Pilipinas 1965–1986 |
Susunod: Amelita Ramos |
Padron:Unang Ginang ng Pilipinas