LknFenix
LknFenix
|
Magandang araw! Salamat sa pagbisita sa aking pahina.
Fenix ang aking palayaw (phoenix sa wikang Kastila/Portuges), at LknFenix ang ginagamit kong username. Daglat ang "Lkn" para sa lakan.
Nag-aambag ako sa Wikipediang Tagalog dahil gusto kong palawakin ang kaalamang mababasa sa Wikang Tagalog. Mahilig akong magsalin ng mga artikulo mula sa Wikipediang Ingles, at sa ganitong paraan, sinisikap kong makatulong sa intelektuwalisasyon ng wikang ito. Kahit marami sa ating mga Pilipino ang marunong o bihasa pa man sa wikang Ingles, at makakakuha na tayo ng mararaming impormasyon sa Wikipediang Ingles, makikinabang pa rin tayo kung dumami ang impormasyong mababasa sa Wikipediang ito.
Nagsimula ako rito sa pagsasalinwika ng mga aritkulo na may kinalaman sa pagkain, dahil sa tingin ko, isa itong nakakaakit at di-nakakatakot na paksa. Natatalakay rin kahit papano sa mga artikulong ito ang kasaysayan, biyolohiya, kimika at iba pang larangan ng edukasyon. Gayunpaman, gusto ko ring subukang gumawa ng mga mas teknikal na artikulo sa hinaharap.
Mga piling ambag
baguhinKapag may asterisko (*) sa tabi ng pamagat, ibig sabihin na ibang tagagamit ang nagsimula ng artikulo, at tumulong lang ako sa pagpapalawig nito.